Monday Report – November 9, 2026
[Dress up nicely.
OBSERVE proper pacing or speed, volume, pronunciation, and rise and fall. Don’t
forget to smile.]
[INTRO]
NEWSCASTER 1:
Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si ______________.
NEWSCASTER 2: At ako
naman po si ___________, at kami po ay mula sa ___________________.
NEWSCASTER 1: Narito
na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...
NEWSCASTER 2:
Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...
SABAY KAYO: Ito
ang…. BayambangueNews!
***
[SALITAN NA KAYO
RITO]
1.
CSFirst
Green AID Inc., Nagdonate ng 180 Upuan at Mesa sa BNHS
Nagkaloob ang CSFirst
Green AID Inc. ng 180 set ng upuan at mesa na gawa sa engineered bamboo sa
Bayambang National High School (BNHS) upang makatulong sa pagpapabuti ng mga
pasilidad at kapaligiran sa pag-aaral ng mga estudyante. Nagpaabot ng
pasasalamat ang pamunuan ng paaralan sa donasyong inaasahang makatutulong sa
paglikha ng mas maayos at komportableng mga silid-aralan.
2.
Learning
Sessions para sa Pregnant at Lactating Women, Isinagawa
Nagsagawa ang Nutrition
Office ng Pregnant, Lactating & Complementary Feeding Forum noong October 22
sa Brgy. Inirangan at Brgy. Wawa Court. Pinangunahan ng RHU nurses ang mga
talakayan tungkol sa pagbubuntis, pagpapasuso, at complementary feeding.
3.
Mental
Health Awareness Lecture, Isinagawa
Nagsagawa ang Rural
Health Unit ng Mental Health Awareness Lecture sa Brgy. Wawa noong October 22.
Ito ay dinaluhan ng 220 na mag-aaral mula Grades 4, 5, at 6 bilang bahagi ng
Mental Health Awareness Month. Tinalakay sa aktibidad ang wastong pamamahala ng
emosyon, pangangalaga sa sarili, pagbuo ng positibong ugnayan, at kahalagahan
ng paghingi ng tulong para sa kalusugang pangkaisipan.
4.
Mga
Kawani, Natuto sa sa Work Ethics
Ang Human Resource
Management Office ay nagsagawa ng seminar na “Work Ethics and Professionalism”
noong October 27 ukol sa upholding work standards at inspiring professional growth.
Tinalakay sa nasabing pagsasanay ang kahalagahan ng disiplina, katapatan,
pananagutan, at propesyonalismo sa serbisyo publiko, sa pamamagitan ng mga
talakayan at role-playing na pinangunahan ng guro ng BNHS na si Ms. Josephine
Loresca.
5.
Distribusyon
ng Coconut Seedlings sa mga Magsasaka, Nagpatuloy
Ipinagpatuloy ng
Agriculture Office ang pamamahagi ng mga punla ng niyog mula sa Philippine
Coconut Authority bilang bahagi ng Massive Coconut Planting and Replanting
Program ng ahensya. Layunin ng programa na mapalawak ang pagtatanim ng niyog, mapalitan
ang mga luma at hindi na produktibong puno, at mapataas ang produksiyon ng
niyog bilang suporta sa kabuhayan ng mga magsasaka.
6.
Chicken
Layering Project, Inilunsad
Inilunsad ni Mayor
Niña, katuwang ang Department of Agriculture at Agriculture Office ang LOVE
Project o Chicken Layer Production upang palakasin ang lokal na produksiyon ng
itlog at kabuhayan ng mga residente. Namahagi ang proyekto ng battery cages,
ready-to-lay chickens, feeds, at iba pang kagamitan matapos ang proseso ng
pagpili at pagsasanay sa mga benepisyaryo.
7.
Inisyal
na Pulong para Buuin ang Bayambang Nutrition Alliance, Isinagawa
Pinangunahan ng
Municipal Nutrition Action Office ang paunang pulong para sa mga potensyal na
miyembro ng Bayambang Nutrition Alliance noong October 28. Tinalakay sa pulong
ang kalagayan ng nutrisyon sa bayan, mga umiiral na programa, at mga posibleng
pakikipagtulungan ng iba’t ibang organisasyon upang higit na mapalakas ang mga
inisyatiba laban sa malnutrisyon.
8.
REDAS
Training, Pinalakas ang Kahandaan sa Lindol
Pinalawak ng MDRRMO,
katuwang ang DOST at PHIVOLCS, ang kaalaman ng mga kabataang enumerators sa
paghahanda at pagtugon sa lindol sa pamamagitan ng Rapid Earthquake Damage
Assessment System (REDAS) Training na isinagawa noong October 27–29 sa Wawa
Evacuation Center. Lumahok sa pagsasanay ang mga estudyante ng Bayambang
Polytechnic College at piling kawani ng LGU upang matutuhan ang paggamit ng
REDAS at mga makabagong pamamaraan sa pag-assess ng posibleng pinsala dulot ng
lindol.
9.
Mga
Estudyante, Lumahok sa Seminar ukol sa Pamanang Kultural
Nagsagawa ang Bayambang
Municipal Museum ng isang seminar na pinamagatang “Young Curators: Discovering,
Interpreting, and Protecting Bayambang Heritage” noong October 29 bilang bahagi
ng Museums and Galleries Month 2026. Natuto ang mga kalahok sa mga bagong
kaalaman ukol sa lokal na kasaysayan, cultural property registration,
dokumentasyon ng mga pamanang kultural, pangangasiwa ng museo, at pangangalaga
sa mga makasaysayang bagay at lugar.
10. 24 Blood Bags, Nakolekta sa Blood
Donation Drive
Nakakolekta ng 24 blood
bags ang Rural Health Unit at Philippine Red Cross sa isinagawang mobile blood
donation drive noong October 29 sa Brgy. Reynado. Ang boluntaryong pagbibigay
ng dugo ay nakatulong ng malaki sa maraming pasyenteng nangangailangan.
11. ALS Learners, Nag-Livelihood Skills
Training
Nagsagawa ang LGU,
katuwang ang Bureau of Alternative Education, ng Livelihood Skills Training
noong October 27 to 29 sa Bayambang Central School, upang sanayin ang mga
Alternative Learning System learners at out-of-school youth sa mga kasanayang
pangkabuhayan. Kabilang sa mga itinuro ang paggawa ng dishwashing liquid
detergent, flower ponytail, at basahan upang mabigyan sila ng dagdag na
kaalaman at oportunidad sa paghahanapbuhay.
12. "Lakbay Palay," Inilunsad
ng PhilRice
Inilunsad ng
Philippine Rice Research Institute o PhilRice ang “Lakbay Palay” para sa 2026
wet season noong October 28 sa Brgy. Tampog. Layunin ng programa na palakasin
ang akses ng mga magsasaka sa dekalidad at angkop na mga binhi ng palay sa
pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga lokal na negosyong nagbebenta ng binhi.
13. Katata-CUTE-an, Hatid ng mga
Chikiting sa Halloween
Sa idinaos na Children’s
Halloween Party noong October 28, nakilahok ang mga anak ng mga kawani ng LGU
sa Halloween Costume Fashion Show at trick-or-treat. Tampok sa selebrasyon ang
paggawad ng mga papremyo sa mga nanalo sa costume competition. Nasungkit ni Zionne
Josh Malicdem ang grand prize na P20,000. Sinundan ito ni RJ Maeve Mithelma
Orpilla na nag-uwi ng ₱10,000, at 2nd runner-up Eziquel Josh Fama na nag-uwi ng
₱5,000.
14. KSB Team, Masayang Sinalubong sa
Sapang
Masayang sinalubong ng
mga residente ng Sapang at Duera ang KSB Team Year 9 sa Sapang Elementary
School noong Oktubre 29, na pinangunahan ni Mayor Niña kasama ang iba pang
lokal na opisyal. Naghatid ang programa ng iba’t ibang libreng serbisyo tulad
ng medikal at dental na konsultasyon, legal consultation, serbisyong
pang-empleyo, at iba pa, kasama ang mga aktibidad na nagbigay-saya sa mga
residente.
15. Public Cemetery, Nilinis at Inihanda
para sa Undas
Nagsagawa ang lokal na
pamahalaan, sa pakikipag-ugnayan sa Office of the Special Economic Enterprise,
ng paglilinis at paghahanda sa pampublikong sementeryo bilang pagsalubong sa
Undas 2026. Ito ay upang na ang malinis, ligtas, at maayos ang sementeryo para
sa lahat ng bibisita sa panahon ng Undas.
16. Paggunita ng Undas 2026, Naging
Maayos at Mapayapa
Naging maayos, ligtas,
at mapayapa ang paggunita ng Undas 2026 sa Bayambang, sa direktiba ni Mayor Niña.
Maraming salamat sa pagtutulungan ng mga miyembro ng MDRRM Council, partikular
na ng PNP, MDRRMO, BFP, BPSO, Task Force Disiplina, RHU, SEE, ESWMO, at
Engineering, at mga DRRM Council ng mga barangay na nakapaligid sa mga
sementeryo at memorial park.
17. Social Pension Payout, Isinagawa para
sa Seniors
Namahagi ang
LGU-Bayambang ng quarterly ₱3,000 social pension sa 991 na kwalipikadong
indigent senior citizens na beripikado ng DSWD batay sa datos ng
Community-Based Monitoring System. Isinagawa ang payout noong November 4 at 5
sa MSWDO Building.
18. Coordinating Board, Nagpulong para sa
Maayos na CBMS Implementation
Nagsagawa ng pulong ang
Municipal Coordinating Board para sa paghahanda at maayos na implementasyon ng
2027 Community-Based Monitoring System o CBMS. Tinalakay ang plano, iskedyul,
at mga gagamiting mapa upang mapahusay ang pagpaplano ng mga programa at serbisyong
pampubliko.
19. Sports Development Fund, Tinalakay sa
Pulong ng LSB
Tinalakay ng Local
School Board ang usapin sa pondo para sa sports development sa isang biglaang
pulong meeting noong November 4. Tinukoy ng LSB ang mga posibleng mapagkukunan
ng pondo at paghahanda ng mga resolusyon upang masuportahan ang mga gawaing
pampalakasan sa DepEd Bayambang.
20. 4th Quarter NSED, Matagumpay
Noong November 5, muling
nagpractice ang mga Bayambangueño para sa kahandaan sa ‘di inaasahang pagyanig.
Ito ay upang makaiwas sa malawakang sakuna na kadalasang dulot ng pagpapanic at
kawalan ng preparasyon. Salamat sa walang sawang pakikiisa ng lahat sa regular
na earthquake drill bilang parte na ng ating buhay pagdating sa disaster risk
reduction and management!
21. Bayambang MCDC, Kinilala!
Kinilala ang Bayambang
Municipal Cooperative Development Council sa Region 1 Cooperative Stakeholders
Summit 2026 dahil sa natatanging pamumuno at kontribusyon nito sa pagpapalakas
ng sektor ng kooperatiba. Samantala, ginawaran naman ng L.I.K.H.A. Award (Micro
Category) ang Managos Farmer Agriculture Cooperative bilang pagkilala sa
mahusay nitong pamamahala, inobasyon, at malasakit sa komunidad.
22. RHU-Bayambang, Best iClinicSys Implementor!
Ang Rural Health Unit
ng Bayambang ay kinilala bilang Best Implementor ng iClinicSys sa ginanap na
National EMR System Utilization Forum ng Department of Health noong October
19-23 sa Iloilo City. Ang karangalang ito ay isang ehemplo ng "excellence
in consistent and complete digital recording of primary care services.” Naging presentor
ng RHU sina Jinky Justo, Lorita Menor, at Jan Michael Garcia.
[OUTRO]
NEWSCASTER 1: At
iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng
LGU-Bayambang.
NEWSCASTER 2: Mga
balitang may tatak Total Quality Service.
NEWSCASTER 1: Muli,
ako po ang inyong lingkod, _____________________.
NEWSCASTER 2: At ako
naman po si _________, mula sa _____________.
[SABAYANG BIGKAS]:
At ito ang... Bayambangueñews!
No comments:
Post a Comment