Thursday, October 15, 2026

MONDAY REPORT – October 19, 2026 v1

 

MONDAY REPORT – October 19, 2026

 

Newscasters:

 

Nathaniel John ‘Pepe’ Mejia

Lea Meryl Ravina

 

Emcees:

Regina Cayabyab

Haziel Ann Gundayao

 

 

[Observe proper pacing/speed, volume, and energy, and don’t forget to smile.]

 

INTRO

 

1: Magandang araw ng Lunes, mga Kabaleyan! Ako po si ___________.

 

2: At ako naman po si ___________, at kami po ay mula sa ___________ Office.

 

1: Hatid namin sa inyo ang mahahalagang balita hinggil sa mga programa, proyekto, at inisyatiba ng lokal na pamahalaan, tungo sa tuluy-tuloy na progreso.

 

2: Samahan ninyo kami sa pagtunghay sa mga kaganapang sumasalamin sa tapat na paglilingkod, malasakit, at pagkakaisa para sa isang mas maunlad na bayan.

 

1 AT 2 (SABAY): Ito ang… BayambangueNews

 

 

[Salitan na kayo rito.]

 

 

 

1. Student Achievers, Sinurpresa ni Mayor Niña

 

A.     Noong Lunes, sinurpresa ni Mayor Niña ang mga estudyanteng nagwagi saa magkakaibang larangan.  Kabilang dito ang basketball team ng Saint Vincent Catholic School na kampeon sa Danny Ildefonso G-League Western Pangasinan Interschool Division Under-17 Category at  Bayambang Central School na nagkampeon at nagwagi sa iba’t ibang kategorya ng Division Schools Press Conference (DSPC) 2026. Sila ay binigyan ₱1,000 cash bawat isa, lunch pack mula sa Jollibee, merienda mula Clark’s Brookside Burger, at ride-all-you-can sa Blue Sky Theme Park.

 

B.     Samantala, tumanggap naman ang Bayambang National High School (BNHS) ng ₱50,000 personal na donasyon, bilang suporta sa proyektong K.H.A.N. Academy.

 

2. Mayor Niña, Pinangunahan ang Pledge of Commitment ng mga Kawani

Pinangunahan ni Mayor Niña ang pledge of commitment ng mga kawani ng LGU noong October 12, sa pamamagitan ng paglagda sa Lingkod Bayani Commitment Wall bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary. Alinsunod sa CSC Memorandum Circular No. 8, series of 2026, muling pinagtibay dito ang pangako ng mga kawani sa tapat, mahusay, at responsableng serbisyo publiko.

 

3. Camacho Family and Friends, May Feeding at Gift-Giving Activity Muli

Muling nagsagawa ng feeding program at gift-giving activity sina Mr. and Mrs. Oscar Camacho at kanilang mga kamag-anak at kaibigan noong October 12, para sa mga mag-aaral ng Bical Elementary School at San Gabriel-Iton Elementary School. Gamit ang pondong nalilikom sa America, sila ay nagbahagi ng mga pagkain, school supplies, bigas, at groceries sa mga kababayan, katuwang si Councilor Raymond Camacho.

 

4. DELETED

 

5. Food Handlers Seminar, Dinaluhan ng 121 Kalahok

May 121 kalahok mula sa mga lokal na food business ang dumalo sa isang Food Handlers Seminar na isinagawa ng Rural Health Unit noong October 12. Tinalakay rito ang mga pamantayan sa waste management, business permits, gusali, sanitasyon, at pagpaplano upang matiyak ang kalinisan at kaligtasan ng mga mamimili.

 

 

6-7 DELETED

 

8. Scholarship Allocation Bawat Barangay, Ipinamahagi

 

Pinangunahan nina Mayor Niña at iba pang lokal na opisyal ang ceremonial awarding noong Oktubre 12 para sa Barangay Presidential Scholars Program ng Pangulong Marcos. Ang programang ito ay naglaan ng ₱100,000 scholarship assistance para sa bawat isa sa 77 barangays ng Bayambang, kung saan nagkakaloob ng tig-₱20,000 para sa limang kwalipikadong incoming fourth-year college students mula sa bawat barangay. Malaking tulong ito sa mga gastusin ng mga naturang estudyante upang makapagtapos ng kolehiyo.

 

9. Dalawang Kooperatiba, Pinarangalan sa P.A.C.E. 2026

 

Kinilala ang BAMACADA Transport Cooperative at Managos Farmers Agricultural Cooperative (MFAC) sa kauna-unahang Pangasinan Awards for Cooperative Excellence (PACE) 2026 na ginanap sa Lingayen noong Oktubre 13. Tumanggap ang BAMACADA ng Outstanding Service Cooperative Award para sa maaasahang serbisyong pangtransportasyon, habang pinagkalooban naman ang MFAC ng Certificate of Commendation bilang pagkilala sa dedikasyon at pakikilahok nito sa programa.

 

10. Ikalawang Bugso ng UPLIFT, Naghatid ng Tulong sa mga Benepisyaryo

 

Mula October 13 to 15, isinagawa ang isang payout para sa Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) program, na naglalayong makatulong sa 3,387 kwalipikadong benepisyaryo. Batay sa DSWD, ang mga benepisyaryo ay tinukoy mula sa opisyal na listahan ng pambansang tanggapan gamit ang datos ng 2024 Community-Based Monitoring System upang matukoy ang mga pamilyang mahihirap at malapit sa poverty threshold.

 

11. ₱20 Kada Kilo ng Bigas, Pormal nang Inilunsad sa Bayambang

 

Pormal na inilunsad sa Bayambang noong Oktubre 13 ang ₱20 Rice Program o Benteng Bigas ng Pangulong Marcos, na tatagal hanggang Oktubre 15 upang makapagbigay ng mas murang bigas sa mga kwalipikadong benepisyaryo. Kabilang sa mga maaaring makinabang ang senior citizens, solo parents, PWDs, mahihirap na pamilya, magsasaka, mangingisda, transport workers, minimum dwage earners, at mga kawani ng DepEd, alinsunod sa itinakdang limitasyon ng alokasyon.

 

12. Sectoral Meeting ukol sa BPRP, Tinukoy ang mga Prayoridad na Hakbang

 

Muling nagsagawa noong Oktubre 12 to 14 ang Bayambang Poverty Reduction Action Team ng isang serye ng sectoral meeting upang repasuhin ang progreso ng mga programa, proyekto, at aktibidad sa ilalim ng Bayambang Poverty Reduction Plan (BPRP) para sa ikatlong kwarter. Tinalakay ng iba’t ibang sektor ang mga nagawa, hamon, at rekomendasyon para higit pang mapahusay ang pagpapatupad ng mga naturang PPAs. Bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan tungo sa mas epektibong serbisyo at mas maayos na kalagayan ng mga Bayambangueño.

 

13. DELETED

 

14.  PhilRice, Narito para sa Bagong Proyekto ukol sa Pigmented Rice

 

Nakipag-ugnayan ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice), kasama ang RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative (RBAC), sa LGU para sa isang bagong proyektong magpapalawak sa produksyon ng pigmented rice sa bayan. Layunin nitong mahikayat ang mas maraming magsasaka na magtanim ng masustansiyang uri ng palay sa pamamagitan ng teknikal na suporta, pagsasanay, at pagpapalaganap ng makabagong pamamaraan ng pagsasaka.

 

 

15.  LSB, Tinalakay ang mga Proyekto at Kagamitan para sa mga Paaralan sa Bayambang

 

Tinalakay ng Local School Board (LSB) sa pulong ang mga panukalang proyekto, kabilang ang mga update sa Tampog Elementary School at ang pagkukumpuni ng mga pasilidad sa DepEd Bayambang I at Don Teofilo C. Mataban Memorial School, ang mapagkukunan ng pondo para sa 2026 Division Meet, gayundin ang paghahanap ng additional 20 applicants para sa ARAL Program.

 

Ginawaran naman ng Certificate of Commendation si dating MFPTA President Gilbert Galsimbilang pagkilala sa kanyang ambag at paglilingkod sa sektor ng edukasyon.

 

 

16. KSB Year 9, Nagpatuloy sa Alinggan

 

Ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 9 ay nagpatuloy sa Alinggan-Banaban Elementary School upang hatiran ng serbisyo ang mga barangay ng Alinggan at Banaban. Ang mga residente ay nag-avail ng iba't ibang libreng medical at dental services, bakuna sa hayop, seeds at seedlings, at marami pang iba. Sila rin ay nakapag-uwi ng iba’t ibang handog na surpresa mula kay Mayor Niña kabilang ang spaghetti packs, fresh, milk at pa-raffle na bigas.

 

17. MDRRMC, Nagpulong ukol sa Super El Niño at Undas

 

Noong October 17, ginanap ang pulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council para sa ikaapat na quarter. Kabilang sa mga tinalakay ang ating kahandaan sa paparating na Super El Niño, mga preparasyon para sa paggunita ng Undas 2026, proyektong urban gardening, at massive clearing, pruning, trimming, at declogging project sa lahat ng barangay.

 

 

18. GAD Training at Leadership Seminar, Tampok sa Youth Summit 2026

 

Itinampok sa Youth Summit 2026 na inorganisa ng LYDO at SK ang isang Gender and Development (GAD) Training at Leadership Seminar noong October 16 sa Pook ni Urduja, upang mapaunlad ang kaalaman sa GAD at kakayahan sa pamumuno ng mga kabataan. Pinangunahan ng PPCLDO ang naturang Training, at ng National Youth Commission-Baguio ang Leadership Seminar. Matagumpay na isinulong sa aktibidad ang diwa na "Hindi kailangang maging lider para makilahok sa mga programang pangkabataan."

 

 

19. Exotic Pet Bird, Boluntaryong Isinuko

 

Boluntaryong isinuko ang isang pares ng budgerigar o budgie sa mga Wildlife Enforcement Officer ng ESWMO noong October 13 sa Brgy. Nalsian Sur, at pormal na itinurn-over ang mga ito sa CENRO Dagupan kinabukasan. Ipinaalala ng MENRO na saklaw ng Republic Act No. 9147 ang pangangalaga at pagmamay-ari ng exotic at native na wildlife, kabilang ang mga kinakailangang permit at dokumento bago mag-alaga ng mga ito.

 

 

20. Financial Literacy at Cooperative Education, Isinagawa

 

Nagsagawa ang Municipal Cooperative Development Office ng information-education campaign tungkol sa financial literacy at ang mga pangunahing prinsipyo ng pagiging ng isang kooperatiba sa Moises B. Rebamontan National High School sa Brgy. Carungay noong October 16. Tinalakay sa mga mag-aaral ang wastong paghawak ng pera, pag-iimpok, pagbabadyet, at kahalagahan ng pagtutulungan sa pagtatatag ng isang kooperatiba.

 

 

21. Libreng Chest X-Ray, Ipinagkaloob sa 200 Katao

 

Nagsagawa ang Rural Health Unit ng libreng chest X-ray sa Malioer Covered Court noong October 15, sa pakikipagtulungan ng Philippine Business for Social Progress at RCG Premier Foundation. Target ng aktibidad na mapagsilbihan ang 200 na benepisyaryo, partikular ang mga kapamilya at kasambahay ng dati at kasalukuyang pasyente na may tuberculosis, gayundin ang iba pang vulnerable sector. Nakatulong ito sa maagang pagtukoy ng posibleng kaso ng TB upang maipagkaloob ang angkop na pagsusuri at pangangalaga.

 

 

22. The Tent Sports Hub, Binuksan sa BYB Metro!

 

Pormal na binuksan noong October 15 ang The Tent Sports Hub sa BYB Metro, Brgy. Bani, upang magbigay ng karagdagang espasyo para sa iba't ibang sports at recreational activities. Sinimulan ang programa sa dedication at blessing, mga mensahe mula kina Mr. Philip Jose ng AILC, Mayor Nina at Dr. Cezar Quiambao, ribbon-cutting ceremony, at inaugural open play ng pickleball game.

 

23. Bayambang, Most Business-Friendly Municipality Level 1 ng Bansa!

 

Isang makasaysayang pagkapanalo ang natamo ng Bayambang, matapos itong kilalanin sa kauna-unahang pagkakataon bilang kampeon sa 2026 Most Business-Friendly LGU Awards – Municipality Level 1 Category ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI). Ang prestihiyosong pagkilala ay tinanggap nina Mayor Niña at SATOM, Dr. Cezar Quiambao sa Manila Hotel. Nanaig ang bayan sa apat na iba pang finalist mula sa La Union, Rizal, at Bulacan dahil sa pagsusulong ng mahusay na serbisyo publiko, modernisasyon, at pagpapadali ng pagnenegosyo.

 

Congratulations, LGU-Bayambang!

 

***

 

CONCLUSION

 

1: At iyan po ang mahahalagang balitang nagbigay-linaw sa mga programa, proyekto, at kaganapan sa ating bayan. Muli, ako po si ___________ ng ____________________ Office.

 

2: At ako naman po si ___________ ng _______

 

_____________. Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay sa ating mga balita.

 

1: Sa sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan at ng bawat mamamayan, patuloy nating maisusulong ang mga adhikain para sa ikabubuti ng ating komunidad.

 

2: Sa pagkakaisa, pananagutan, at patuloy na paglilingkod, sama-sama nating itaguyod ang mas maunlad at mas maliwanag na kinabukasan ng Bayambang.

 

1: Muli, maraming salamat po. Hanggang sa susunod na paghahatid ng mga balita!

 

1 AT 2 (SABAY): Ito ang mga balitang makabuluhan, paglilingkod na maaasahan, para sa bawat Kabaleyan. Ito ang… BayambangueNews!

 

 

No comments:

Post a Comment