Wednesday, November 12, 2025

Bayambang, Dapat Alam Mo! - Ano ang Malasakit Center?

Bayambang, Dapat Alam Mo!

Bayambang, dapat alam mo na mayroong na ngayong tinatawag na Malasakit Center!

Ano nga ba ang MALASAKIT CENTER?

Ang Malasakit Center ay tumutukoy sa mga one-stop-shop para sa mga medical at financial assistance na ibinibigay ng iba't ibang ahensya ng ating gobyerno.

Ang MALASAKIT CENTER ay sagot sa matagal na nating panalangin sapagkat kapag nagpaconfine ka sa isang accredited hospital, COVERED ka 100% sa iyong HOSPITAL BILL.

Ibig sabihin nito ay wala kang babayaran sa iyong pagkakaconfine.

Ang pondo ng MALASAKIT CENTER ay galing din sa mga buwis na ibinabayad natin, ngunit salamat sa mga opisyal na nakaisip at nag-apruba nito, nagiging centralized ang mga financial at medical assistance ng gobyerno upang matulungan ang ating mga kababayan.

Pipila ka na lang sa loob mismo ng accredited hospital. Hindi mo kailangang lumabas at puntahan pa isa-isa ang iba't ibang mga opisina o ahensya. Sobrang laking tulong nito, lalo na roon sa mga pasyente na isa lang ang bantay.

Teka, Bayambang, hindi ba't ganitong-ganito rin ang matagal nang ginagawa ng ating Mayor's Action Center buhat nang maupo ang administrasyong Quiambao-Sabangan? Ang MAC ang umasiste sa mga indigent na pasyente o walang kakayahang magbayad ng kanilang medical/funeral expenses. 

Tama! Ang LGU po ay mayroon pang financial at burial assistance na binibigay sa mga indigent na kababayan. Ibigay lamang ang mga requirements na ito: 

===========================================================[Flash the list. Don't read]

Medical Assistance Requirements:

1. Xerox Valid ID of representative and patient

2. Copy of reseta ng gamot, laboratory test or hospital bills

3. Original copy of Medical certificate or Medical Abstract 

4. Original copy of Certificate of Indigency (nakapangalan sa pasyente)

Funeral/Burial Assistance:

1. Certified true copy of Death Certificate 

2. Photocopy of Funeral Ccontract 

3. Photocopy of valid ID of the deceased and representative

4. Barangay Certificate of Indigency (nakapangalan sa namatay)

===========================================================

Kung ikaw ay taga-Bayambang, ang Region I Medical Center sa lungsod ng Dagupan at ang Bayambang District Hospital ang mayroong pinakamalapit na Malasakit Center, kung saan pwedeng makapag-avail ng zero-balance billing. Libre din dito ang mga laboratory test.

Ang lahat ng ito, Bayambang, ay... Dapat Alam Mo!

No comments:

Post a Comment