Monday Report - January 27, 2025
[INTRO]
NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang!
Ako po si _________.
NEWSCASTER 2: At ako naman po si __________, at
kami po ay mula sa General Services Office.
NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng
LGU-Bayambang...
NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at
napapanahong balita...
SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!
***
[SALITAN NA KAYO RITO]
Sa ulo ng nagbabagang balita:
๐๐๐ญ๐๐ซ ๐
๐ข๐ฅ๐ฅ๐ข๐ง๐ /๐๐๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ฐ๐ง๐๐ซ๐ฌ ๐๐ญ ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ, ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ฎ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ค๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ
Noong January 16, pinulong ng LGU ang mga owner and
operator ng water filling at refilling station upang kanilang malaman ang
tamang proseso sa pamamalakad ng kani-kanilang negosyo. Tinalakay ang
iba’t-ibang mga dokumento na dapat ay mayroon sila gaya ng Sanitary Permit at
iba pa. Ang mga dokumentong ito ay magsisilbing patunay na sila ay lehitimo na
makapag-operate ng kanilang negosyo at ang tubig na kanilang ipo-provide sa mga
consumer ay walang maidudulot na masamang epekto sa kalusugan.
Kubo Recipient sa Pangdel, Binigyan din
ng Libreng Solar Light at Solar Fan
Ang benepisyaryo ni Mr. Chavit Singson ng isang libreng
bahay kubo ay biniyayaan din ng solar lights at solar fan noong January 17. Ang
mga ito ay ininstall sa bagong bahay ni Richard Borromeo at kanyang pamilya sa
Brgy. Pangdel sa tulong ng Engineering Office.
National Crop Protection Center,
Nakipagpulong sa Agriculture Office
Ang National Crop Protection Center ay nakipagpulong
online sa lokal na pamahalaan ng Bayambang noong Enero 17, 2025, upang
pagplanuhan ang isang nakatakdang training program para sa mga magsasaka ng
Bayambang, salamat sa mabuting pakikipag-ugnayan ng LGU sa UPLB sa suporta ni
Chancellor Jose Camacho Jr., na isang Bayambangueno.
Ang training program ng NCPC ay gaganapin sa darating February 16-19.
Oplan Business Permit Sita, Ipatutupad
Pinulong ni Mayor Nina Jose-Quiambao ang lahat ng agency,
department, at unit heads ukol sa mahigpit na pagpapatupad ng Oplan Business
Permit Sita upang siguruhing ang lahat ng negosyo sa Bayambang ay lehitimo,
rehistrado, at kumpleto sa lahat ng required na papeles. Tinalakay din ang
gaganaping medical mission na hatid ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa Julius
K. Quiambao Medical & Wellness Center, Brgy. Pantol, at Brgy. Caturay sa
darating na February 3, 4, at 6.
Serbisyong GUICOnsulta, Naglibot sa
Bayambang
Sinuyod ng GUICOnsulta Team sa pangunguna ni Gov. Ramon
Guico III ang pitumput-pitong barangay ng Bayambang noong January 20 to 21,
upang maghatid ng libreng serbisyo medikal katuwang ang Team Quiambao-Sabangan.
Bukod sa libreng konsultasyon at gamot, nakatanggap din ng tig-P300 ang lahat
ng Bayambangueรฑo na 18 anyos pataas bilang kanilang pamasahe at allowance sa
araw ng kanilang iskedyul. Mayroon ding school supplies para sa mga daycare
learners. Kasama din sa mga naglibot sina Vice-Governor Ronald Lambino,
Congresswoman Rachel 'Baby' Arenas, 3rd District Board Members, at Municipal
Councilors.
Municipal Team, Nagvalidate sa Kalinisan
sa Bagong Pilipinas Program para sa 4th Quarter
Noong January 21 hanggang 23, nagsagawa ng tatlong araw
na barangay validation at assessment activity ang Municipal Validation and
Assessment Task Team para sa fourth quarter ng taong 2024 upang suriin at
tiyakin kung maayos na naipatutupad ng mga barangay ang Barangay Road Clearing
Operations, Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay, at ang Quarterly Assessment
for Cleanest Barangays, sa ilalim ng "Kalinisan sa Bagong Pilipinas
Program" ng Pangulong Marcos. Sa pamamagitan ng mga ito, napapanatili at
higit pang napapabuti ang kalinisan, kaayusan, at food security sa bawat
barangay.
Women Month Activities sa 2025, Inihanda
sa Pulong
Noong January 21, isang pagpupulong ang idinaos ng Local
Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children
(LCAT-VAWC) upang pag-usapan ang mga nakaplanong aktibidad para sa nalalapit na
International Women’s Month. Kabilang sa pinag-usapan sa pulong ang tema,
budget, at officers in-charge. Magsisimula ang pagdiriwang ng International
Women's Month sa unang linggo ng Marso, sa pamamagitan ng isang kickoff
ceremony.
"Buklat Aklat,” Nagpatuloy sa Tococ
at San Vicente
Ang proyektong "Buklat Aklat” ni Mayor Niรฑa ay
nagpatuloy sa Tococ East-West Elementary School noong January 21 at San Vicente Elementary School noong
January 23, kung saan nagkaroon ng book reading session para sa mga mag-aaral
doon, sa tulong ng LYDO, SK, BPRAT, at Binibining Bayambang Foundation. Naging
guest storyteller sina Councilor Levinson Nessus Uy, Bb. Bayambang Gabrielle
Marie Reloza, Bb. Pangasinan Universe finalist Aliyah Macmod, at Bb. Bayambang alumna
Jenesse Viktoria Mejia at Glaiza Granadino.
9.
Public Consultation ukol sa Wawa Bridge
Construction, Isinagawa
Noong January 22, isang pampublikong konsultasyon ang
isinagawa ng DPWH at LGU hinggil sa planong konstruksyon ng panibagong Carlos
P. Romulo Bridge o Wawa Bridge sa Brgy. Wawa at Brgy. San Vicente. Ito ay ginanap
sa Barangay Plaza ng San Vicente at dinaluhan ng mga LGU officials, barangay
officials, at mga apektadong residente. Ipinaliwanag ng DPWH ang mga
pangunahing layunin ng proyekto at mga inaasahang benepisyo nito sa mga
residente, pati na ang mga posibleng mga hamon at solusyon.
1๐๐ ๐ค๐๐ฎ๐ฟ๐๐ฒ๐ฟ ๐ ๐๐ ๐ ๐ฒ๐ฒ๐๐ถ๐ป๐ด,
Nirepaso ang mga 4Ps Initiatives ng LGU, Atbp.
Sa 1st Quarter Municipal Advisory Committee (MAC) Meeting
noong January 22, tinalakay ang pagsusuri Social Protection Sectoral Plan
Monitoring Report ng BPRAT upang higit pang mapalakas ang mga programa para
mapagwagian ang mga nalalabing taon ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Nirepaso
rin ang mga nakatakdang aktibidad para sa buong taon na naglalayong suportahan
at palakasin ang mga benepisyaryo 4Ps.
Pampublikong Pagdinig, Isinagawa para sa ๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ง๐ฌ๐ ๐ฎ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐๐ซ๐ค๐๐ญ ๐๐จ๐๐
Noong January 22, nagsagawa ang Sangguniang Bayan
Committee on Market Trade and Industry ng isang pampublikong pagdinig upang
talakayin ang mga dalawang panukalang ordinansa:
- ang pansamantalang pagsuspinde sa pagpapataw ng mga
surcharges at interes sa buwanang upa mg mga stall sa Bayambang Public Market
ayon sa nakasaad sa 2017 Bayambang Market Code mula Enero 1, 2025 hanggang
Hunyo 30, 2025, at
- ang ordinansang nagwawaksi sa pagbabayad ng isang (1)
buwang upa ng mga bahagyang nasirang stall o dalawang (2) buwan ng upa ng mga
lubos na naapektuhan ng sunog na mga stall sa Bayambang Public Market (Block
II). Ang pagdinig ay pinangunahan nina Councilor Jose Ramos at
Councilor Martin Terrado II.
ONGOING:
Streetlight Repairs sa Poblacion Area
Ang electrical team ng Engineering Office ay kasalukuyang
nagsasaayos ng mga nasira o depektibong streetlights sa town proper area,
partikular na sa Bonifacio St., Magsaysay St., at Quezon Blvd.
Bayambang, Pasado Muli sa Child-Friendly Local Governance
Muling nasungkit ng LGU-Bayambang ang Seal of
Child-Friendly Local Governance matapos itong makapasa sa mabusising audit ng
Council for the Welfare of Children. Congratulations sa Quiambao-Sabangan
administration, at sa Municipal Social Welfare and Development at iba pang
miyembro ng Local Council for the Protection of Children.
Mayor Niรฑa, Suportado ang RC 143 MOA Signing ng PRC at Provincial Government
Bilang pagpapakita ng suporta ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao sa mga programa at proyekto ng Philippine Red Cross- Pangasinan Chapter, dumalo ang kaniyang kinatawan na si Sheina Mae Gravidez sa RC 143 Memorandum of Agreement (MOA) Signing ng PRC- Pangasinan Chapter, Alaminos City Chapter at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan noong January 23 sa Urduja House sa Capitol Grounds. Layunin ng aktibidad na mas mapalawak pa ang implementasyon ng naturang programa sa buong probinsiya upang higit na mapaigting ang panghihikayat sa mas marami pang volunteers na handang sumaklolo sa kanilang kapwa sa oras ng sakuna.
PRC-Pangasinan Chapter 1st Regular Board Meeting
Bilang Council President ng Philippine Red Cross - San Carlos City Branch Council, aktibong nakiisa si Mayor Niรฑa sa pinakaunang Board Meeting ng organisasyon sa pamamagitan ng kaniyang kinatawan na si Sheina Mae Gravidez noong January 24 sa Dagupan City. Sa pulong ay tinalakay ang iba’t ibang plano sa implementasyon ng mga programa at proyektong nakatakdang isagawa ng PRC sa taong ito.
๐๐๐๐ถ๐๐บ ๐๐ผ๐ป๐๐ฐ๐ถ๐ผ๐๐๐ป๐ฒ๐๐ ๐ช๐ฒ๐ฒ๐ธ, Ipinagdiwang
Pinangunahan ni Mayor Niรฑa ang kick-off activity para sa pagdiriwang ng 29th National Autism Consciousness Week noong January 24, sa pag-oorganisa ng Autism Society of Bayambang at PWD Affairs Office. Ito ay binuksan ng isang seminar na naglalayong palawakin ang kamalayan at pag-unawa sa autism. Namahagi si Mayor Nina ng libreng cotton candy, ice cream, at popcorn, at nagsponsor din ng face painting activity. Namigay naman ng isang inflatable playground si Vice Mayor IC Sabangan.
Pubic Hearing ๐๐ถ๐ป๐ด๐ด๐ถ๐น ๐๐ฎ 4 na ๐ฃ๐ฎ๐ป๐๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐, ๐๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ผ๐
Idinaos noong January 23 ang isang pampublikong pagdinig na tumalakay sa apat na panukalang ordinansa, sa pangunguna ni SBM Chairman ng Committee on Social Services, Coun. Benjie de Vera:
1. "The Substantive and Procedural Rules to Be Observed in Administrative Cases Filed Against Elective Barangay Officials and Elected Officials of Sangguniang Kabataan"
2. “An Ordinance Prohibiting Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM)"
3. “An Ordinance Creating a Coordinating and Monitoring Board to Provide Special Protection to Senior Citizens or Elderly Persons and Persons With Disabilities (PWDs) Against Discrimination, Abandonment, Negligence, and Other Similar Acts
4. “An Ordinance Localizing Support to the Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) by Prioritizing and Committing to the Implementation of Programs and Delivery of Services for Active and Graduated/Exited Beneficiaries
***
It's Trivia Time!
Alam ba ninyo na noong nakaraang taon, 2024, ang General
Services Office ay nakapagpa-insure sa GSIS ng 99 municipal vehicles sa
halagang P1,023,465.12? May pitong (7) bagong biling municipal vehicle ang di
na kinailangang i-insure dahil covered pa ito ng 1-year in-house insurance.
Ang GSO ay nakapagpa-rehistro rin sa LTO ng 55 municipal
vehicles sa halagang P137,430.00?
Mayroon namang 8 vehicles for disposal at 3 unserviceable
vehicles.
Ang GSO ay nakapagpa-insure din sa GSIS ng mga municipal
buildings sa Inventory Year 2024, at ang total paid insurance ay P4,070,300.27,
kabilang ang mga municipal buildings.
Ang departamento ay pinaunlakan din ang mga sumusunod na
request:
- 273 Requests sa paggamit ng Events Center.
- 158 Requests para sa logistic service (tables and
chairs)
84 LGU/NGA
59 individuals
10 schools
5 NGOs
- 10 Requests para sa plumbing and minor repairs (LGU)
(July-December 2024)
- 13 Requests para sa aircon maintenance at repair (LGU)
(July-December 2024)
Nakapag-issue din ang GSO ng:
50 Property Acknowledgement Receipts (PAR), at
426 Inventory Custodian Slips (ICS)
Ongoing naman ang inventory ng physical count ng PPE o
property, plant, and equipment ng LGU at supplies and materials ng LGU,
kabilang ang: lands, buildings, vehicles, road networks, office and IT
equipment, at disaster response equipment.
***
[OUTRO]
NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok
sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.
NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality
Service.
NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod,
_______.
NEWSCASTER 2: At ako naman po si ____________ mula
pa rin sa General Services Office.
[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueรฑews!