Wednesday, November 27, 2024

MONDAY REPORT - December 2, 2024

 

MONDAY REPORT (December 2, 2024)

[INTRO]

 NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si ____ (name) mula ___________ (school).

 NEWSCASTER 2: At ako naman po si ______ (name) mula _________ (school).

 NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

 NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

 SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!

***

 [SALITAN NA KAYO RITO]

 Sa ulo ng nagbabagang balita:

 

1.   1,000 na Katao, Beneficiaries ng Ayudang AKAP

 

Noong November 21, mahigit isang libong Bayambangueño ang nakatanggap ng financial grant sa ilalim ng AKAP o Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ni Cong. Rachel “Baby” Arenas. Sila ay mga Sangguniang Kabataan members, Barangay Secretaries, at Barangay Treasurers.

 

2.   Bayambang, Pinakaunang Munisipyo na may NSG sa Region I

Noong November 21, isang pulong ang inorganisa ng DOH at MNAO ukol na pagkakabuo ng Nutrition Support Groups (NSG) sa lahat ng barangay ng Bayambang. Ang NSG ay binubuo ng 539 members mula sa iba’t ibang sektor at kanilang bibigyang-diin ang kahalagahan ng tamang nutrisyon bilang pundasyon ng mas malusog na pamumuhay. Ayon sa DOH, ang Bayambang ang kauna-unahang munisipalidad sa rehiyon na nakapagtatag ng ganitong inisyatibo.

 

3.   868 4Ps Members, Graduate Na!

Noong November 22, may 868 na benepisyaryo ng 4Ps ang nagsipagtapos sa programa, at 37 sa mga ito ang nagkusang mag-waive ng kanilang membership. Ayon sa DSWD, ang Bayambang muli ang may pinakamataas na bilang ng nagsipagtapos sa Rehiyon Uno.

 

4.   Street Dance Festival at Mr. & Ms. Pre-K, Ginanap

Noong November 22, ginanap ang makulay na Street Dance Festival at ang Coronation ng Mr. & Ms. Pre-Kindergarten 2024, bilang bahagi ng Children’s Month celebration. Nagkampeon ang Cluster 6, na nag-perform ng street dance na may temang Mango at Bamboo Festival. Kinahapunan, itinanghal namang Mr. at Ms. Pre-Kindergarten  2024 sina Jovanne Ian Bombiza at Caruella Antheia Buquir.

 

5.   Mayor Niña, Nagdeliver ng Kanyang State of the Children’s Address

Noong November 24, matagumpay na inihatid ni Mayor Niña Jose Quiambao ang kanyang taunang State of the Children’s Address (SOCA) sa Bayambang Events Center sa pagtatapos ng pagdiriwang ng 32nd National Children’s Month. Tampok dito ang pakikipagdayalogo sa mga kabataan. Kinahapunan, nagkaroon naman ng isang Komprehensibong Serbisyo para sa Bata, na nagbigay ng libreng health, dental, at wellness services sa mga kabataan at child development workers. Namigay din ng libreng ice cream at tsinelas bilang bahagi ng selebrasyon.

 

6.   Pamaskong Handog 2024, Nag-umpisa nang Ipamahagi sa 42,000 Pamilya

Noong November 25, nag-umpisang ipamahagi ng pamilya Jose-Quiambao at Team Quiambao-Sabangan ang mga Noche Buena package sa may 42,000 pamilyang Bayambangueño upang ang lahat ng kabahayan ay siguradong mayroong handa sa araw ng Kapaskuhan. Pinangunahan nina Mayor Niña Jose Quiambao, Dr. Cezar Quiambao, SB members, at Team Quiambao-Sabangan ang naturang pamamahagi.

 

7.   Orientation on Sexual Abuse and Exploitation of Children, Nagpatuloy

Noong November 25, nagpatuloy ang MSWDO sa pagbibigay ng Orientation on Sexual Abuse and Exploitation of Children para sa mga miyembro ng Local Council for the Protection of Children at Barangay Council for the Protection of Children. Ipinaliwanag ni Atty. Jet Mark Ortiz ng Public Attorney's Office ang mga batas na nagpoprotekta sa mga kabataan laban sa anumang uri ng pang-aabuso, partikular na sa digital platforms.

 

8.   OVP, Namigay ng Gift Packs sa 1,000 Indigent Solo Parents

Noong November 26, ang Office of the Vice-President ay namigay ng gift packs sa 1,000 na indigent solo parents sa Events Center, sa pakikipagtulungan sa Municipal Social Welfare and Development Office.

 

9.   LGU-Villasis, Nagpa-calibrate ng mga Timbangan sa SEE

Ang LGU-Villasis ay nagtungo sa Bayambang noong November 26, upang magpacalibrate ng mga timbangan sa kanilang public market sa tulong ng mga DOST-trained weighing scale calibrators ng Special Economic Enterprise.

 

10.                         Buklat Aklat Team, Nagpatuloy sa San Gabriel-Iton ES

Ang ‘Buklat Aklat’ project ng Local Youth Development Office ay nagtungo sa San Gabriel-Iton Elementary School noong November 27. Naging special guest sina Councilor Benjie de Vera, Pangasinan LGBTQI Federation President Samuel Lomboy Jr., Municipal Librarian Atty. Melinda Fernandez, at Hero Group CEO, Ms. Lormie Garay. Nakiisa rin ang mga lokal na opisyal, SK Chairpersons, at guro upang suportahan ang proyekto at National Book Week celebration.

 

11.                         Sen. Bong Go, Namigay din ng Ayuda

Noong November 28, namigay naman ang opisina ni Senator Bong Go ng Local Government Support Fund sa LGU na nagkakahalaga ng P2,500 kada benepisyaryo na kinabilangan ng 1,000 na 4Ps graduates at farmers na apektado ng bagyo. Ang distribusyon ay ginanap sa tulong MSWDO. Pagkatapos nito ay binisita ni Sen. Go ng itinayong Training Center sa Brgy. Magsaysay kasama ng mga local officials.

 

12.                         Big Catch-Up Immunization, Isinagawa

Noong November 28, isinagawa ang Big Catch-Up Immunization sa Bayambang, sa pangunguna ni DOH Usec. Gloria J. Balboa. Ito ay bahagi ng ika-limampung taon ng Expanded Program on Immunization ng ahensya. Sa pagtutulungan ng ating mga Rural Health Units kasama ang World Health Organization at DOH, nagkaroon ng mass vaccination laban sa human papillomavirus, tetanus, pneumonia, at influenza.

 

13.                         SB, Nakipagpulong sa RiceBIS Team

Nakipagpulong ang mga konsehal ng Bayambang sa RiceBIS team ng DA-PhilRice upang talakayin ang progreso ng implementasyon ng RiceBIS 2.0 sa bayan. Tinalakay ang mga issues and concerns ng mga magsasaka at mga hakbang na maaaring gawin ng Sangguniang Bayan upang matulungang maresolba ang mga ito at nang mapataas ang kita at produktibidad ng mga local farmers.

 

14.                         Mayor Niña at Buong Red Cross San Carlos Council, Nanumpa!

 

Matapos maluklok sa ikalawang pagkakataon bilang Presidente ng Philippine Red Cross San Carlos Branch Council si Mayor Niña, ang kaniyang kinatawan na si Bb. Sheina Mae Gravidez ng MTICAO ay nanumpa kasama ang iba pang miyembro ng konseho, sa 2024 PRC Pangasinan Chapter Assembly na ginanap sa Gia's Farm and Events Place, Urdaneta City, Pangasinan. Bukod pa rito, ginanap din sa naturang pagtitipon ang eleksyon ng mga bagong Board of Directors ng organisasyon kung saan ilan sa mga napabilang sa listahan ng sampung newly elected BODs sina 3rd District Board Member Sheila Baniqued, 5th District Board Member Nicholi Jan Louie Sison, Vice-Governor Mark Ronald Lambino, at Pangasinan First Lady Maan Guico.

Isang mainit na pagbati sa mga bagong lider ng PRC-Pangasinan Chapter mula sa LGU-Bayambang!

 

 

15.                         Bayambang, "Beyond Compliant" Muli sa 24th Gawad KALASAG

Muling nakamit ng LGU-Bayambang ang "Beyond Compliant" rating sa 24th Gawad KALASAG ng National Disaster Risk Reduction and Management Council - Office of Civil Defense. Ito ay isa na namang pagkilala para sa kahusayan sa disaster risk reduction and management at humanitarian assistance ng LGU sa pamamagitan ng Local DRRM Council at MDRRMO. Nakatakdang tanggapin ng LGU ang naturang parangal sa December 17 as La Union.

 

16.                         Digital Projection Mapping sa Paskuhan 2024, Kauna-unahan sa Hilagang Luzon

Noong November 23, muling dinumog ng libu-libong bisita ang pagbubukas ng Paskuhan sa Bayambang. Ito ay dahil sa kakaiba na namang atraksyon, ang kauna-unahang digital projection mapping sa Northern Luzon. Muling dinagsa ang municipal plaza dahil sa mga nakamamanghang visual effects at mechatronic characters hango sa pelikulang Star Wars. Bukod dito ay nagkaroon din ng isang mini-concert ang sikat na bandang Lola Amour.

 

***

 

It's Trivia Time!

[Insert Accounting trivia that was already finished.]

 

***

 [OUTRO]

 NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

 NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

 NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, ___.

 NEWSCASTER 2: At ____ mula sa ____.

 [SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!

 ***

 Samantala, 23 days na lang… Pasko na!

No comments:

Post a Comment