It's Trivia Time!
Alam ba ninyo na may natatanging tradisyon sa ating probinsya kung saan pinaparangalan ang isang bata pagdating ng ikapitong kaarawaan nito?
Ito ay ang tinaguriang panagcorona ritual. Ito ay isang okasyon na dinadaluhan ng mga kapamilya, kamag-anakan, at iba pang bisita, suot ang espesyal na kasuotan, at mga manganganta ng kantang para lamang sa okasyon. Ang ritwal na ito ay may kasamang sayawan din, palakpakan, at akapan.
Tatawagin ang bata sa sentro at puputungan ng korona bilang parangal sa pag-abot nito sa edad na pito, na siyang tinaguriang "age of reason."
Ang tradisyong ito ay patunay ng pagpapahalaga at malalim na pagmamahal ng mga sinaunang Pangasinense sa kanilang mga anak na kabataan.
No comments:
Post a Comment