Thursday, November 21, 2024

MONDAY REPORT – NOVEMBER 25, 2024

 

MONDAY REPORT – NOVEMBER 25, 2024

 

[INTRO]

 

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si ____ (name) mula ___________ (school).

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si ______ (name) mula _________ (school).

 

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

 

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

 

SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!

 

***

 

[SALITAN NA KAYO RITO]

 

Sa ulo ng nagbabagang balita:

 

 

 

 

·       4 Farmers’ Associations, Tumanggap ng Composting Machine

 

Apat na farmers’ associations sa Bayambang ang nakatanggap ng tig-iisang composting facility for biodegradable waste (CFBW) mula sa Bureau of Soils and Water Management noong November 14. Ang mga ito ay ang Balon Sapang Farmers Association, Gabay sa Bagong Pag-asa Pangasinan Cluster Association, Pangdel Farmers Association, at Manambong Norte Farmers Association. Bawat composting unit ay nagkakahalaga ng isang milyong piso at kayang makalikha ng isang toneladang organikong pataba kada buwan.

 

 

·       RiceBIS Team ng PhilRice, Nagpulong Dito

 

Idinaos dito ng Rice Business Innovation System (RiceBIS) ng PhilRice ang kanilang Quarterly Meeting noong Nobyembre 14. Dumalo ang mga partner agencies, kabilang ang DA Region I, DOST, DTI, BPI, E-Agro, at iba pa. Layunin ng meeting na palakasin ang suporta sa mga kooperatiba at rice farmers ng Bayambang sa naturang programa.

 

 

·       School Nutrition Programs, Patuloy na Binabantayan

 

Ang Municipal Nutrition Committee ay patuloy sa pagmomonitor sa implementasyon ng nutrition programs ng ating mga paaralan. Nitong November 14, kanilang binisita ang San Gabriel-Iton, Amancosiling, at Telbang Elementary Schools, at Buayaen Central School.

 

 

·       Higit 25 Thousand Katao, Lumahok sa 4th Quarter NSED

 

Isa na namang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ang isinagawa noong November 14 kung saan may 25,652 participants ang lumahok, kabilang ang mga LGU staff at mga barangay. Kabilang din sa lumahok ang mga participant ng DSWD SLP Congress.

 

·       MDRRMO at BDRRMC, Nag-monitor sa Kailugan

 

Noong Nobyembre 15-18, nag-monitor ang MDRRMO at Barangay DRRMC sa ating mga kailugan upang bantayan ang pagtaas ng tubig dulot ng Bagyong Pepito at ang pagrelease ng tubig mula sa San Roque Dam. Kanila ring tinanggal ng mga hazard tulad ng mga tarpaulin signages at mga bumagsak na sanga. Sa kabutihang palad ay walang naitalang casualty.

 

 

·       Basic Occupational Safety and Health Training, Idinaos

 

Noong November 15, nagdaos ang DOLE, sa tulong ng PESO-Bayambang, ng isang training ukol sa Basic Occupational Safety and Health para sa mga safety officers ng mga local micro-enterprises. Dito ay tinalakay ang health and safety principles, hazard identification, at emergency preparedness sa lahat ng workplaces.

 

 

·       MSWDO, Nag-organisa ng Orientation for Child Protection

 

Nagsagawa ng orientation ang MSWDO tungkol sa Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) noong November 19 sa Balon Bayambang Events Center. Dito ay tinatalakay ni Atty. Sherwin Flores, pangunahing tagapagsalita, ang mga batas na nagpoprotekta laban sa pang-aabuso sa mga kabataan.

 

 

·       LCRO, Naglunsad ng Info Drive Tungkol sa Civil Registration

 

Noong November 19, nagdaos ang Local Civil Registry ng information drive sa Bayambang Central School upang ipalaganap ang tamang proseso ng civil registration at mga bagong memorandum circulars mula sa Philippine Statistics Authority. Ang infor drive ay dinaluhan ng mga kaguruan at mga magulang.

 

 

·       DOLE TUPAD Monitoring, Nagpatuloy

 

Patuloy ang monitoring ng DOLE at PESO-Bayambang sa work output ng TUPAD beneficiaries sa 77 barangays. Noong November 19, kanilang binisita ang M.H. Del Pilar, Magsaysay, Bacnono, Ataynan, Buenlag 2nd, Sapang, at Tamaro.

 

 

·       4Ps Stakeholders Orientation, Mas Pinaigting

 

Ang MSWDO ay nagdaos ng orientation activity para sa mga partner stakeholders ng programang 4Ps, upang mas mapabuti pa ang serbisyo ng gobyerno sa mga benepisyaryo. Tinalakay ng mga resource speakers ang ukol sa tatlong sistema ng programa: ang Beneficiary Data Management System, Compliance Verification System, at Grievance Redress System.

 

 

·       Mayor NJQ at Sir CTQ, Nagtreat ng Lunch

 

Noong November 19, nagpamahagi ng libreng lunch sina Mayor Niña Jose-Quiambao at dating Mayor Dr. Cezar Quiambao, bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng kaarawan at wedding anniversary. Kabilang sa mga nakatanggap ang mga LGU employees, BDH staff at patients, TODA members, market vendors, at private companies.

 

 

·       Laro ng Lahi, Tampok sa Children's Month

 

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Children's Month 2024, isang makulay at masayang Laro ng Lahi ang idinaos ng MSWDO at Child Development Workers Federation noong November 20. Dito ay nagpaligsahan ang mga child development learners sa mga larong gaya ng sack race, Maria went to town, calamansi relay, paper plate relay, cup pyramid, at straw relay.

 

 

·       "Buklat Aklat," Nagpatuloy sa Amancolising ES

 

Noong November 20, ang Local Youth Development Office ay nagtungo sa Amancosiling Elementary School upang ipagpatuloy ang proyektong Buklat Aklat, na naglalayong mapabuti ang reading comprehension ng mga struggling students sa lahat ng public elementary schools. Naroon bilang volunteer ang SK Bayambang, MTICAO, Binibining Bayambang, at iba pang volunteers gaya nina Councilor Benjie de Vera at kabiyak na si Atty. Charina Cherizze de Vera, na naging special guest reader.

 

 

·       Ms. Torio, Naging Speaker sa Int’l Urban Planning Conference

 

Ang Planning Officer ng LGU na si Ms. Ma-lene Torio ay kabilang sa mga naging speaker sa Sustainable Development Futures Conference 2024 sa Lungsod ng Maynila noong November 12 to 13. Kanyang tinalakay ang paggamit ng GeoRiskPH platform sa disaster risk reduction at climate change initiatives ng LGU.

 

 

***

 

It's Trivia Time!

 

Alam ba ninyo na may natatanging tradisyon sa ating probinsya kung saan pinaparangalan ang isang bata pagdating ng ikapitong kaarawaan nito?

 

Ito ay ang tinaguriang panagcorona ritual. Ito ay isang okasyon na dinadaluhan ng mga kapamilya,  kamag-anakan, at iba pang bisita, suot ang espesyal na kasuotan, at mga manganganta ng kantang para lamang sa okasyon. Ang ritwal na ito ay may kasamang sayawan din, palakpakan, at yakapan.

 

Tatawagin ang bata sa sentro at puputungan ng korona bilang parangal sa pag-abot nito sa edad na pitong taon, na siyang tinaguriang "age of reason."

 

Ang tradisyong ito ay patunay ng pagpapahalaga at malalim na pagmamahal ng mga sinaunang Pangasinense sa kanilang mga anak na kabataan.

 

 

***

 

[OUTRO]

 

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

 

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

 

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Hazel Masiglat.

 

NEWSCASTER 2: At Christian Mark Junio mula sa Accounting Office.

 

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!

 

***

 

Samantala, ___ days na lang… Pasko na!

 

No comments:

Post a Comment