MONDAY REPORT – NOVEMBER 18, 2024
[INTRO]
NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si Hazel Masiglat.
NEWSCASTER 2: At ako naman po si Christian Mark Junio, at kami po ay mula sa Municipal Accounting Office.
NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...
NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...
SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!
***
[SALITAN NA KAYO RITO]
Sa ulo ng nagbabagang balita:
1. LGU, May Bagong Ambulansya
Isang bagong ambulansya ang binili ng LGU para mas lalong mapalakas ang emergency response sa bayan ng Bayambang. Ito ay nagkakahalaga ng P1,840,000, gamit ang DRRM Fund for Disaster and Emergency Preparedness.
2. Sancagulis BNC, Most Outstanding Barangay Nutrition Committee
Ang Brgy. Sancagulis ay nagwaging champion sa Search for Most Outstanding Barangay Nutrition Committee 2024 na isinagawa ng Bayambang Municipal Nutrition Committee (MNC). Ang naturang barangay ay nakatanggap ng P20,000. First runner-up naman ang Brgy. Bacnono, 2nd runner-up ang Brgy. Caturay, 3rd runner-up ang Brgy. Magsaysay, at 4th runner-up ang Brgy. Hermoza.
3. Brgy. Tampog, Binigyan ng Service Patrol Vehicle
Isang bagong patrol service vehicle ang idinonate ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa Brgy. Tampog sa pamamagitan ng Niña Cares Foundation at Agricultural Infrastructure Leasing Corporation (AILC), sa seremonyang ginanap noong November 11. Ang patrol service vehicle ay magsisilbing kagamitan ng barangay upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at maiwasan ang anumang krimen o kaguluhan.
4. Traffic Management and Safe Spaces Act Seminar, Isinagawa
Ang Bayambang Public Safety Office ay nagsagawa ng isang Traffic Management and Safe Spaces Act Seminar noong November 8 para sa lahat ng BPSO traffic enforcers at official drivers ng LGU. Kabilang sa mga naging lecturer ang Highway Patrol Group, Land Transportation Office, at ang PNP.
5. 700 Katao, Tumanggap ng Ayuda
Isang profiling at payout activity ang isinagawa ng DSWD at MSWDO para sa AKAP o Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), gamit ang pondo mula sa ABONO Party-List at kina Congressman Robert Raymund Estrella at Board Member, Dr. Sheila Baniqued. Ang aktibidad ay ginanap sa St. Vincent Ferrer Prayer Park noong November 13. May 700 na benepisyaryo ang nakatanggap ng nasabing ayuda.
6. "Idol Ko si Nanay" Training, Tumutok sa First 1,000 Days
Isa na namang "Idol Ko si Nanay" Training ang inorganisa ng Municipal Nutrition Action Office para sa 44 Barangay Nutrition Scholars at Nutrition Office staff upang sila ay matuto mula sa mga eksperto. Kabilang sa mga tinalakay na paksa sa tatlong araw na training ang "Breastfeeding," "Complementary Feeding," "Nutrition During Pregnancy and Lactation," at "Danger Signs During Pregnancy."
7. Bayambang, Naging Host ng Regional SLP Congress
A. Mula November 12 hanggang 15, ang Bayambang ay nagsilbing host ng 5th Regional SLP Congress ng Department of Social Welfare and Development, kung saan sari-saring aktibidad ang ginanap sa unang pagkakataon. Nagbukas ang Congress sa isang trade fair sa Bayambang Central School grounds, tampok ang mga de kalidad na produkto ng iba’t ibang SLP associations sa Rehiyon.
B. Sinundan ito ng isang fashion show noong gabi ng November 12, kung saan inirampa ng mga Bb. Bayambang ang mga produktong gawa ng mga 4Ps SLP Associations sa Rehiyon Uno habang suot ang mga gown na gawa ng mga sikat na fashion designers sa bansa.
C. Ito ay sinundan noong November 13 ng isang live selling activity upang itampok online ang naturang items at iba't iba pang produkto ng mga SLP Associations.
D. Kasabay nito ay ang SLP Usbong Dunong Forum Series sa Events Center, kung saan ang mga tinaguriang SLP Champions ay nag-share ng kanilang mga sikreto sa tagumpay sa mga estudyanteng may kursong konektado sa pagninegosyo.
E. Noong November 14 naman, idinaos ang Punla: The Future of MSMEs, isang forum ukol sa pagtatayo ng maliliit na Negosyo at ang Yabong, na isang business-matching activity kung saan dumalo si Gov. Ramon V. Guico III.
F. Kinagabihan ay nagkaroon naman ng Hiraya Creative Awards para sa samu’t saring contests na sinalihan ng mga partisipante sa mga serye ng forum. Isang Himigsikan Singing Contest din ang ginanap sa gabing iyun.
G. At sa ikahuling araw, November 15, isinagawa naman ang Tuupan, kung saan inimbitahan nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Dr. Cezar T. Quiambao ang mga business enterprises sa Bayambang at Pangasinan na subukang mag-invest sa Bayambang dahil ang business sector at investors ay malaking susi sa tagumpay ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan.
8. Singkapital 2024, Muling naging Makasaysayan
Nagkaroon din ng painting contest sa lumang Bayambang Central School, kung saan nagtagisan ng galing sa pagpinta ang mga talentadong manlilikha, sa temang “Flights of Freedom."
9. SGLG 2024, Nasungkit ng Bayambang!
Ang LGU-Bayambang ay nabubunyi sa isa na namang karangalang nakamit nito, ang Seal of Good Local Governance (SGLG) para sa taong 2024.
Ang pinakamataas na pagkilalang ito para sa isang LGU mula sa national government ay sumasalamin sa masigasig, maayos, tapat, at epektibong panunungkulan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa bawat Bayambangueño at sa bayan ng Bayambang, sa gabay ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Congratulations, LGU-Bayambang!
***
It's Trivia Time!
Alam ba ninyo na mayroon tayong Accounting Office dahil ang Republic Act No. 7160, o mas kilala bilang Local Government Code of 1991, ay nagmamandato sa lahat ng local government units na magkaroon ng accounting services?
Naitatag ang Accounting Office ng LGU-Bayambang noong 1991.
Pangunahing responsibilidad ng opisinang ito ang magbigay ng quantitative na impormasyon tungkol sa mga financial transactions ng LGU, upang maging basehan ng mga desisyon ng top management.
Isa rin sa pangunahing tungkulin ng tanggapan ay siguraduhing lahat ng pera na pumapasok at lumalabas sa Munisipyo ay kumpleto sa documentary requirements at sumailalim sa rules and regulations na itinakda ng Commission on Audit at iba pang applicable na mga batas ng Pilipinas.
***
At alam ba ninyo na ang kauna-unahang Municipal Accountant ng LGU magmula noong magkaroon ng enactment ng RA 7160 noong 1991 ay si Ma'am Erlinda Alvarez (show her photo)?
Siya lang din ang nag-iisang CPA o Certified Public Accountant ng Munisipyo magmula 1991 hanggang 2016.
As of today, 9 na ang CPAs sa LGU:
4 sa Internal Audit Service
2 sa Treasury Office
1 sa Budget Office
1 sa Accounting Office (show photo of Sir Flex)
1 sa Mayor's Office (show photo of Sir CTQ)
***
[OUTRO]
NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.
NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.
NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Hazel Masiglat.
NEWSCASTER 2: At Christian Mark Junio mula sa Accounting Office.
[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!
***
Samantala, 37 days na lang… Pasko na!
No comments:
Post a Comment