Wednesday, November 13, 2024

Trivia - Municipal Accounting Office

Alam ba ninyo na mayroon tayong Accounting Office dahil ang Republic Act No. 7160, o mas kilala bilang Local Government Code of 1991, ay nagmamandato sa lahat ng local government units na magkaroon ng accounting services?

Naitatag ang Accounting Office ng LGU-Bayambang noong 1991.

Pangunahing responsibilidad ng opisinang ito ang magbigay ng quantitative na impormasyon tungkol sa mga financial transactions ng LGU, upang maging basehan ng mga desisyon ng top management.

Isa rin sa pangunahing tungkulin ng tanggapan ay siguraduhing lahat ng pera na pumapasok at lumalabas sa Munisipyo ay kumpleto sa documentary requirements at sumailalim sa rules and regulations na itinakda ng Commission on Audit at iba pang applicable na mga batas ng Pilipinas. 

***

At alam ba ninyo na ang kauna-unahang Municipal Accountant ng LGU magmula noong magkaroon ng enactment ng RA 7160 noong 1991 ay si Ma'am Erlinda Alvarez?

Siya lang din ang nag-iisang CPA o Certified Public Accountant ng Munisipyo magmula 1991 hanggang 2016.

As of today, 9 na ang CPAs sa LGU:

4 sa Internal Audit Service

2 sa Treasury Office

1 sa Budget Office

1 sa Accounting Office 

1 sa Mayor's Office 

No comments:

Post a Comment