Isang Inspirasyon
Noong Enero 19 ay pumanaw ang pinakamayamang tao sa Pilipinas, si Henry Sy, na siyang may-ari ng SM Mall chain at iba pang negosyo.
Noong Enero 19 ay pumanaw ang pinakamayamang tao sa Pilipinas, si Henry Sy, na siyang may-ari ng SM Mall chain at iba pang negosyo.
Ang tatay ni Sy ay nagpunta ng Pilipinas mula Fujian, China,
noong 1925, at sa edad na 12, tumulong si Sy sa pagtitinda sa kanilang
sari-sari store. Pamilyar tayong lahat sa kwento ng kung paano nag-umpisa ang
giant mall chain ni Sy sa isang maliit na tindahan sa Carriedo, Quiapo, na
tinawag niyang ShoeMart.
Sa kanyang pagpanaw, tinagurian siyang “pillar of Philippine
economy.” Si Sy ay nag-iwan ng kapital na lagpas sa P1 trillion.
Noong Enero 20 naman ay nanalong muli ang ating “Pambansang
Kamao” na si Manny Pacquiao sa World Welterweight Championship match, na kung
saan ay nakalaban niya ang Amerikanong si Adrien Broner. Si Manny ay 40 taong
gulang, at si Broner naman ay 29. Alam nating
lahat kung saan nanggaling si Pacquiao: tulad ni Henry ay sa wala rin nagmula. Minsan
siyang naging tagagawa ng pandesal at noong panahong iyon ay sa papag na kung
saan niya minamasa ang tinapay siya natutulog.
Ngayon, isa si Pacquiao sa pinakapamoso at pinakamayamang
Pilipino.
Maaaring kilala nating lahat si Sy at Pacquiao sa pangalan,
ngunit ’di natin kilala ang mga ito ng personal. Ang bayan ng Bayambang ay nagkaroon
din ng isang taong tulad nila na nag-umpisa sa mababa at, dahil sa sipag at
tiyaga at pagpapala, ay nakarating din sa rurok ng tagumpay. Minsan nang
tinawag siya na “the local boy who made good” ng dating Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo. Alam naman nating lahat kung sino ang tinutukoy dito, at
marami sa atin ang personal siyang nakadaop-palad at kakilala. Siya ay walang
iba kundi ang ama ng ating bayan na si Dr. Cezar T. Quiambao
Noong Agosto 28, 2017 ay nagdeklara si Mayor Quiambao ng ‘Rebolusyon
Laban sa Kahirapan.’ Ang petsang ito ay siya ring petsa ng isang bantog na
deklarasyon noong 1963, ang “I Have a Dream” ni Martin Luther King na siyang
naging lider ng black rights movement sa America.
Tulad ni Sy at Pacquiao, si Mayor Quiambao ay nag-umpisa sa
mababa, nagtagumpay sa larangan ng negosyo sa abroad, at nang umuwi ay nagsilbi
sa bayan. Sa Ingles, “he started small, made it big, and gave back.” At tulad
ni Martin Luther King, may matayog ding pangarap si Mayor Quiambao, hindi para
sa kanyang sarili kundi para rin sa iba: ang wakasan ang kahirapan ng mga
kababayan sa Bayambang.
Kung ano ang ipinakita nating paghanga at pasasalamat kay Sy
at Pacquiao ay nararapat lamang na gayundin kay Mayor Quiambao. Di niya
kailangang pasukin ang magulong mundo ng pulitika, ngunit mapalad tayong mga
Bayambangueño
dahil buong-tapang niyang hinarap ito maisapakatuparan lang ang malawakang
pagbabagong inaasam. Ngayon ay ’di na natin kailangang lumayo pa ng tanaw upang
magkaroon ng isang natatanging inspirasyon.
(Hango mula sa
talumpati ni Municipal Chief of Staff and Legal Officer Atty. Raymundo B.
Bautista Jr. noong Enero 14, 2019.)
No comments:
Post a Comment