Sunday, July 28, 2019

Editorial (April 2019): Tripleng Selebrasyon

Tripleng Selebrasyon

Dahil hindi po kaya ng iisang isyu lamang ang para sa buwan ng Abril, sinikap po naming maglabas ng adisyunal na isyu upang maireport sa bayan ang iba pang kaganapan sa buwan na hindi patungkol sa Pista'y Baley 2019.

Ngunit hindi pa rin natin maiaalis na ang Abril ay ang buwan ng ating taunang kapistahan, at sa taong ito, tatlong bagay ang ating isineselebra. Una ay ang 405th Foundation Day ng bayan ng Bayambang, na may temang “Bayang Pinagtibay ng Pananampalataya at Pagkakaisa Laban sa Kahirapan.” Pangalawa ay ang ika-400 na anibersaryo St. Vincent Ferrer Parish, na may temang “400 years of God’s Unending Love, Grace, and Mercy.” At ang pangatlo ay ang ika-600 anibersaryo worldwide ng kamatayan ng patrong si San Vicente Ferrer.

Matatandaang nauna nang maging isang visita ang Malunguey noong 1614, na noo'y nasa pangangalaga ng vicariate ng Binalatongan (na ngayo'y San Carlos City), bago ito maging isang independiyenteng vicariate or parokya noong 2019.

Ang tripleng selebrasyon na ito ay isang pambihirang pangyayari sa ating buhay bilang isang bayan, kaya't tayo ay magpasalamat sa Panginoon at ang mga ito ay nagsabay-sabay sa ating panahon.

Maligayang ika-400, ika-500, at ika-600 na Kapistahan sa lahat! Viva Bayambang! Viva SeƱor San Vicente Ferrer!

No comments:

Post a Comment