Sunday, July 28, 2019

Editorial: Ang Buwan ng Wika 2017


Editorial (August 2017): Ang Buwan ng Wika 2017

Isang mapagpalayang Buwan ng Wika sa lahat!

Ang wika ay isang mainit na usapin, puno ng kontrobersya. Ito ay sa kadahilanang napakarami na nga ng lenggwahe sa ating kapuluan, sinakop pa tayo ng tatlong bansa. Ang resulta, mayroong tayong halos 200 na wika ngayon sa Pilipinas.

Sa Bayambang, apat ang malimit gamitin na wika: ang Pangasinan, Ilocano, Ingles at Tagalog/Filipino. Hindi nakapagtatakang malimit tayong di magkaintindihan dito. Ang ‘walâ’ sa Tagalog, nagiging ‘meron’ sa Pangasinan.

Kaya’t minarapat ng ating gobyerno noong panahon ng Pangulong Quezon ang magkaroon ng isahang wika para sa lahat o lingua franca. At ito na nga ang wikang Filipino base sa katutubong wikang Tagalog na siyang umiiral na pinakapopular na medium of communication sa maraming larangan mula pa noon hanggang ngayon.

Alam nating hindi lahat ay natuwa rito, lalo na ang mga Bisaya na may sariling wika na marami rin ang gumagamit. Nang di maglaon, tayo ay nagkaroon ng batas ukol sa “mother tongue,” at dahil dito, protektado na rin at isinusulong ang iba pang wika o lenggwahe na tinatawag dating ‘dialekto,’ na isang kamalian dahil ito ay nauuwi sa pagmamaliit sa mga ‘dialektong’ ito.

Totoong kailangan natin ng isang wikang pambansa gaya ng Filipino dahil mahalaga na tayo ay nagkakaindihan upang sa gayon ay magkaisa. Subalit kaya nating gawin ito nang hindi minamaliit ang ibang wika, kundi parehong isinusulong din. Bawat wikang ating gamit ay isang yaman. Samakatwid, pagyamanin natin  ang mga ito at huwag kalimutan.

Ang mga mauunlad na bansa gaya ng Japan, China, South Korea, at iba pa ay yumaman kahit na – o dahil sa – sila ay may sariling wika.  Sana tayo na mas marami ang gamit na wika ay umunlad din tulad nila. Hindi siguro kailangang maging balakid ang pagiging multilingual natin upang umangat din. Sa kabilang banda, maaari natin itong gamitin din sa pag-unlad. Dahil mahilig tayong mangibang-bayan, maaari nating gamitin ang ating kaalaman sa iba’t-ibang wika upang makipag-ugnayan sa ibang kultura at lumawak ang ating kamalayan. Maaari rin nating pakinabangan ang mga wika ng mananakop tulad ng Ingles at Español upang makahanap ng trabaho o negosyo sa mga bansang gamit ang mga lenggwaheng ito.

Ang ating sariling wika ay parte ng ating sariling identidad o pagkakakilanlan, kaya’t ito ay nagsisilbi ring tatak ng pagka-Pilipino na dapat nating ipagmalaki at patuloy na pagyamanin. Maraming kultura ang humubog sa wikang Filipino – Malay, Tsino, Indian, Español, Ingles, atpb., ngunit marami ring kultura ang patuloy na pinagyayaman ng ating sariling wika. Noong June 2015 lamang, kwarentang (40) salitang Filipino at Philippine English ang naging bagong entry sa English Oxford Dictionary. Halimbawa ay ang presidentiable, barkada, gimmick, KKB, carnap at salvage. Ang Chamorro – ang wika sa Guam at Marianas – ay impluwensiyado ng wikang Filipino. Dahil sa galleon trade noong panahon ng mga Kastila, naimpluensiyahan din natin ang kulturang Mehikano (Mexican), pati na ang lengguwahe nito.

Patunay ito na ang pagkakaroon natin ng sariling wika ay mayroong naiaambag di lang sa ating sarili kundi pati na rin sa buong mundo.

Mabuhay ang wikang Filipino, at mabuhay ang lahat ng katutubong wika ng Pilipinas!


Editorial (June 2017): The role of culture in development


The role of culture in development

It is perhaps not a coincidence that the two biggest news in this issue are about culture and business. At first glance, the two seem unrelated: one is often associated with frills and frivolity, the other considered more serious and important.  

A deeper study of culture will show just how essential it is to the day-to-day life of the town. What’s more, culture is often tied to the local economy -- culture brings a lot of business. Defined by anthropologists as “the system of shared beliefs, values, customs, behaviors, and artifacts that the members of society use to cope with their world and with one another, and that are transmitted from generation to generation through learning,” culture is what makes us unique, inviting outsiders to take a glimpse, if not have a taste, of what we can offer to the world.

In separate addresses, Vice-Mayor Raul R. Sabangan, and Sangguniang Kabataan Federation President Gabriel Tristan P. Fernandez noted that in many towns they have visited, they noted a distinct cultural pride among members of the community, and for this reason, tourists flock to their place.

Bayambang may not be Baguio, Batanes or Bohol, but it is not entirely lacking in potential attractions and the business opportunities they present, if we only mine our local culture to the full. After all, we are known for many things: the fifth capital of the Philippines, the home of a 400-year-old St. Vincent Ferrer parish, the home of binasuan dance, the producer of the best fish buro, the holder of the world’s longest barbecue grill, the cornbelt of Pangasinan, the onion capital of Pangasinan, the home of an educational institution (PSU-Bayambang) of many firsts (the first kindergarten class, the first class for gifted children, etc.). Vice-Mayor Sabangan himself pointed out that we can consider our innate goodness and faith too, and what visitor will not love to visit a place “where the best things happen,” whether tangible or intangible?

Mayor Cezar T. Quiambao’s all-out support for tourism and cultural projects and activities under the guidance of the Bayambang Municipal Council for Culture and the Arts is therefore laudable, as it is on the right track. A town that is proud and protective of its historical and cultural heritage will no doubt reap rewards not just in terms of civic pride, but also in terms of economic gain.

Editorial (September 2017): Turismo ay Mahalaga

EDITORIAL: Turismo ay Mahalaga

Alam po natin na ang Bayambang ay walang masasabing tourism industry na gaya ng ibang bayan dahil wala naman tayong bundok at beach. Kaya’t kailangan nating maging mas malikhain upang sa ganun ay kahit papaano ay makapaghikayat tayo ng mga turista sa Bayambang.

Minsan may nagkomento sa atin ng ganito: “Bakit ninyo inuuna iyan, sa halip na mga mas importanteng mga bagay?” Ang sagot diyan ay sapagkat importante ang turismo. Ang turismo ay isang kalugod-lugod ngunit kumplikadong paksa dahil napakalawak ang sakop nito, ngunit kapag ating sinuring maigi ay marami palang dulot na kabutihan.

Kapag may turismo, maeenganyo tayong pagandahin at linisin ang ating bayan, pagandahin ang plaza, magtanim ng maraming puno at mga bulaklak sa gilid ng daan. Ibig sabihin nito’y kinakailangan nating maging isang disiplinadong bayan at may pagpapahalaga sa kalikasan. Kinakailangan din nating maging marunong sa pag-estima ng panauhin.

Sa turismo, kinakailangan nating ayusin ang ating imprastraktura at utilities – ang mga baku-bakong daan, mabahong palikuran, magulong palengke, masikip na terminal, pantay-sinding ilaw, mabagal na internet connection, maruming tubig, atbp.

Kailangan ding maayos ang ating trapiko at hindi barumbado at abusado ang ating mga bus, jeepney, at tricycle drivers, kundi malaking pagkayamot ang idudulot nito sa ating mga bisita.

Sa turismo, kinakailangan nating palakasin at lalong pagyamanin kung ano ang meron tayo. Saan nga ba kilala ang Bayambang, kundi una ay sa pagiging isang makasaysayang bayan nito – the 5th capital of the Philippines sa panahon ni Aguinaldo. Sa larangan ng kultura, dito galing ang binasuan dance. Sa larangan ng culinary arts, kilala tayo dahil sa burong isda, sa inihaw na bangus at malangsi, sa ating Guinness Book longest barbecue record, sa sibuyas at mais, sa ilang kakanin tulad ng deremen at gipang. Iyan ang ilan lamang sa mga kailangan nating pagyamanin.

Kailangan din nating suportahan ang mga tourism-oriented establishments dahil meron din naman tayong kaunting mall, hotel, resort at restaurant sa Bayambang – ang Urduja, Ariel and Fe, Royal Mall, atbp.

Kailangan din nating itampok ang mga maliliit na homegrown businesses natin para magkaroon ng isang Pasalubong Center na maipagmamalaki. Sa ngayon, naririyan ang bottled odorless buro sa PSU, rice cracker sa Sancagulis, peanut butter sa Tococ, organic lemongrass juice sa Mangayao, atbp.

Ang turismo ay pumupukaw sa ating isipan upang mag-imbento ng mga bago at malikhaing atraksiyon. Naging aral sa atin ang ating proyektong Paskuhan sa Bayambang noong nakaraang taon. Wika nga nila, “If you build it, they will come.”

Sa turismo, nakapaghihikayat tayo ng maraming negosyo at mangangalakal, at dulot nito ay ang pagdating ng maraming de kalidad na trabaho para sa ating mamamayan.

Ang turismo ay isang multidimensional na paksa, at sa lawak ng sakop nito, nahihikayat tayong pagtuunan ng pansin ang lahat ng aspeto ng ating buhay bilang isang bayan. Iyan ang dahilan kaya’t tayo ay gumagastos para sa turismo. Ganoon ito kahalaga.

Kaya’t nananawagan ang LGU Bayambang sa lahat ng ating mga kabababayan na magtulungan tayo upang iangat ang ating bayan sa lebel ng isang tourist town. Ang simpleng bagay na di pagtatapon ng kalat sa daan ay malaking tulong na sa pagsulong ng ating turismo. Lahat may magagawa, at kayang-kaya natin ito kung tayo ay sama-samang magsusulong sa naturang adhikain.

Editorial (December 2017): Giving Hope on Christmas

Giving Hope on Christmas

Christmas is the time of the year when houses are filled with hugs and laughter as family members from all over come home to celebrate with their loved ones. Parents, grandparents, aunts, or uncles arrive, and with them are boxes filled with presents for every member of the family. ’Tis indeed the season for family gatherings and reunions, but it is also a time for receiving and giving gifts. 

Shopping malls around the country have cut the prices of their products because they know the pressure that everyone is feeling to give the perfect present for their families and friends. Many people want gadgets like phones and laptops while some wish for a car or other material things. In this day and age where expensive gifts are taking over the holiday season, one of the most important presents that we could give others is hope.

It is hope which lifts people’s spirits up when they are down, and it is hope which Jesus Christ brought with Him when he was born. Christian or non-Christian, the story of the humble birth of a child on a manger speaks to anyone because it is a story of hope. His birth, according to Pope Francis, “speaks of a different hope, a trustworthy, visible and understandable hope, because it is founded on God.”

Hope is something that every person needs. Children waiting for their OFW parents to come home on Christmas after years spent apart, students studying hard to pass their exams and graduate, and even men and women seeking employment need it, because without it, they wouldn’t have anything to look forward to. But what is hope without action? Hope is merely a driving force for us to keep aiming for the thing that we want most, a spark which ignites us to work hard to achieve our goals.

“Balon Gapo, Balon Ilalo” or “New Beginning, New Hope” was the slogan for the previous town fiesta, and Bayambangueños have indeed experienced living in a new and improved Bayambang, a hopeful, promising town. Mayor Cezar T. Quiambao is a visionary who makes big things happen because he hopes for the best for all Bayambangueños. Since first taking office, Mayor Quiambao has done so much for his hometown and its people. His administration has spearheaded countless events which were organized to help everyone, especially the poor, in town. He is called “Santa Claus” during Christmas season not just because of all his contributions to Bayambang’s development, but also for the gift that he has brought to all Bayambangueños: hope. He is helping Bayambangueños realize their full potential to make sure that they would have a better town and better future, not just on Christmas, but all year round.

One of the most notable events which happened recently is the Anti-Poverty Summit, an important step that the Quiambao-Sabangan administration took for its Revolution Against Poverty. 
Representatives from different sectors shared their knowledge regarding how we can eradicate poverty in Bayambang and how the different sectors should work together to achieve a common goal. Aside from steps to eradicate poverty, the Quiambao-Sabangan administration has also made the country take notice of Bayambang. Paskuhan sa Bayambang II by Rosario Animated Display is now reportedly the biggest animated Christmas display in the Philippines and it is found at the Municipal Plaza. This gives Bayambangueños more opportunities for tourism as more people would come to Bayambang to see the spectacle.

Events like these educate and uplift the spirits of Bayambangueños. The administration has exerted efforts to give Bayambangueños hope by opening up opportunities for everyone. But in order to succeed, Bayambangueños are the ones who should make the changes within themselves. Hope can always be found within oneself; sometimes one just needs the help of another person to see it. This is why it is one of the most important gifts that we could offer this Christmas. Hope is something that we could give to our loved ones, or even to strangers, because we never know who might need it.
As Pope Francis once said, “Hope never stops; it’s always on a journey, and it makes us walk forward.”

Editorial (April 2019): Tripleng Selebrasyon

Tripleng Selebrasyon

Dahil hindi po kaya ng iisang isyu lamang ang para sa buwan ng Abril, sinikap po naming maglabas ng adisyunal na isyu upang maireport sa bayan ang iba pang kaganapan sa buwan na hindi patungkol sa Pista'y Baley 2019.

Ngunit hindi pa rin natin maiaalis na ang Abril ay ang buwan ng ating taunang kapistahan, at sa taong ito, tatlong bagay ang ating isineselebra. Una ay ang 405th Foundation Day ng bayan ng Bayambang, na may temang “Bayang Pinagtibay ng Pananampalataya at Pagkakaisa Laban sa Kahirapan.” Pangalawa ay ang ika-400 na anibersaryo St. Vincent Ferrer Parish, na may temang “400 years of God’s Unending Love, Grace, and Mercy.” At ang pangatlo ay ang ika-600 anibersaryo worldwide ng kamatayan ng patrong si San Vicente Ferrer.

Matatandaang nauna nang maging isang visita ang Malunguey noong 1614, na noo'y nasa pangangalaga ng vicariate ng Binalatongan (na ngayo'y San Carlos City), bago ito maging isang independiyenteng vicariate or parokya noong 2019.

Ang tripleng selebrasyon na ito ay isang pambihirang pangyayari sa ating buhay bilang isang bayan, kaya't tayo ay magpasalamat sa Panginoon at ang mga ito ay nagsabay-sabay sa ating panahon.

Maligayang ika-400, ika-500, at ika-600 na Kapistahan sa lahat! Viva Bayambang! Viva Señor San Vicente Ferrer!

Editorial (Fiesta Issue): Viva, San Vicente Ferrer! Viva, Bayambang!

Viva, San Vicente Ferrer!  Viva, Bayambang!

     The countdown to April 5 has started!  On that day, a very memorable day for Bayambanguenos, all roads lead to Barangay Bani, Bayambang, Pangasinan.  This year’s fiesta celebration procession starts from the town’s catholic church where the image of Patron Saint Vincent Ferrer occupies the altar—silent but probably an honoured spectator to this grand assembly .  The march ends at the 51-meter high engineered bamboo and steel that is to be unveiled.  This very day marks the 600th death anniversary and the 400th year of St. Vincent  Ferrer  as the town’s patron saint.  The fiesta is a week-long series of activities of fun and frolic—of jubilation!  April 5 to the Bayambanguenos’ calendar marks the 405th Pista’y Baley coinciding with the Jubilee celebration of St. Vincent Ferrer Parish (SVFP) church.

     The town of Bayambang has for its landmark a church where St. Vincent Ferrer is enshrined.  Built in the early 17th Century, this edifice in the central part of the town boasts of its grandeur-- a mixed product of architectural Spanish and Filipino craftsmanship.  It has gone through onslaughts of natural calamities in the course of time, so it also has some structural repairs as it ages.

      The SVFP Church is a haven of all the solemnities and religious rituals of faithful Catholics.  Considered as one of the greatest miracle workers in the Catholic Church, Saint Vincent Ferrer whose life span is is from 1350 to 1419} was born on January 23, 1350 to the couple Guillen Ferrer and Constancio Miguel of noble lineage in Valencia , Spain.  At age 15, he joined the Dominican Order.   The year 1378 marks the Saint’s ordination as priest.

      Though his times was  described as a turbulent period in the  history of the Church, SVF, undoubtedly preached in Spain, France, Italy, Germany and Switzerland.  He is dubbed as the patron saint of Builders, Angel of the Judgment.  Foremost is his “building up” practices which strengthen the church by his missionary work and preaching.  He speaks about the gospel to Christians, the Jews, the Muslims and other sects.  Estimate says he was able to convert 200,000 souls.  His gift of tongue proves its multiplier effect which consequently made the Jews turned their synagogues into Catholic Church.

     His intercessions are very powerful such that he can still a storm and stop a flood. As saint overseer in Bayambang , he has, likewise, saved the townfolks from natural calamities and catastrophes on several occasions.

     As  firm believers and devotees to SVF, the couple Mayor Cezar T. Quiambao and his wife, Mary Clare Judith Phyllis Jose-Quiambao have thought of the construction of the St. Vincent  Ferrer Prayer Park in Barangay Bani, Bayambang.  The project is ably handled by a good number of private reputable companies. Its groundbreaking ceremony was held on June 20, 2018.  This tallest religious structure, a replica of Saint Vincent Ferrer,  have  all its amenities  as a Prayer Park that signify how deeply the Saint  is loved and thanked for.  Surely, pilgrims from different places can visit, and where people can pray and meditate and venerate this Patron Saint.

      This Prayer Park is an ideal refuge for meditation, reflections and prayers.  This  will serve as an avenue for marketing our produce—a great source of livelihood and income which will alleviate the financially hard-up from their state of poverty.
                                                            

Editorial for March 2019: Mga Pinagpalang Nilalang


Minsan sa isang talumpati ay tinagurian ang Bayambang na “the most spoiled town in the country” ng anak ni Ex-Councilor Levin Uy na si Levinson Uy. Bagamat kami ay bahagyang nagitla sa bansag na ito, aming napagtanto magkalaon na ito ay makatotohanan, bunsod ng napakaraming dahilan.

Noong Marso 4, 2019, tinuran ni Municipal Administrator Atty. Raymundo B. Bautista Jr. na “pinagpalang nilalang” tayong mga taga-Bayambang, simula noong ilipat dito ni Dr. Cezar T. Quiambao ang headquarters ng Stradcom mula Maynila noong 2007. Mula 3rd class municipality ay naging 1st class municipality ang Bayambang, at sa paglobo ng kita nito dahil sa buwis na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso kada taon ay dumami ang mga proyektong pangkaunlaran at napakaghikayat ang bayan ng iba’t-ibang negosyo.

Sa isang pagpupulong ng League of Municipalities of the Philippines sa Maynila noong Pebrero 25, 2019, napag-alaman ni Atty. Bautista na ang bayad na buwis na ito ng isang indibidwal ay mas mataas pa pala sa buong annual budget ng isang 4th class municipality. Halimbawa ay P71.6M para sa isang bayan sa Visayas kumpara sa buwis na P89M ng isang indibidwal sa Bayambang.

At dahil sa Bayambang din nakabase ang Kasama Kita sa Barangay Foundation ni Dr. Quiambao na nakagawian nang tawaging “LGU 2” sa Munisipyo, hindi mabilang ang tulong na naibigay niya hindi lamang sa lokal na pamahalaan, kundi pati na rin sa Department of Education at mga pribadong indibidwal. Dahil sa KKBSF, matagal nang tumulong si Dr. Quiambao sa mga kabataan at mga walang hanapbuhay sa pamamagitan ng mga training at seminar sa iba't-ibang TESDA-accredited courses at livelihood projects.

Nang maupo bilang Mayor si Dr. Quiambao ay lalong nag-ibayo ang tinatamasang pagpapala ng mga Bayambangueño dahil sa tapat at epektibong pamamahala ng kanyang administrasyon katuwang si Vice-Mayor Raul R. Sabangan. Totoong nangutang ang Munisipyo noong Marso 22, 2017 ng P187 sa EastWest Bank, subalit ito ay sa kadahilanang kailangang mapabilis ang progreso ng bayan, at may kakayanan naman ang bayan na magbayad nito, ayon sa Certificate of Borrowing Capacity na nakuha nito mula sa Bureau of Local Government Finance. Sa buwis pa lang ng mga kumpanyang SAHI, LARES at Stradcom ni Mayor Quiambao kada taon ay kayang-kayang bayaran ang utang na ito Munisipyo.

Idagdag pa rito ang mga magagandang balitang inyong natutunghayan kada isyu ng Balon Bayambang, at malinaw na malinaw kung gaano kapalad tayong lahat bilang mamamayang Bayambangueño.

Isang mapagpalang buwan ng Marso sa lahat!

(Halaw sa talumpati ni Municipal Administrator Atty. Raymundo . Bautista Jr., 3.4.2019)

Editorial (February 2019): Iba't-Ibang Uri ng Pag-Ibig

Iba't-Ibang Uri ng Pag-Ibig

Maraming klase ng pag-ibig, at alam nating lahat na ang pinakapopular sa mga ito ay ang uring romantiko (romantic love). At bakit naman hindi? Kung walang romantic love, malamang ay wala tayong lahat dito ngayon sa mundo. Ngunit huwag sana nating kalimutan ang iba pang uri ng love o pag-ibig.

May isang sikat na manunulat nuon na nagsabing may apat na uri ng pag-ibig. Sabi ni C.S. Lewis, author of "Four Kinds of Love," na ang mga Griyego ay may natatanging salita para sa mga ito. Kung ang romantic love ay eros, meron din namang tinatawag na storge o ang pagmamahal ng magulang sa anak at ng anak sa magulang. Ito ay dakila ring uri ng pag-ibig, kahit hindi ito romantiko. Meron ding tinatawag na phileo: ang filial love o brotherly love, ang pag-iibigan ng mga magkakaibigan.

May nagsabing baka naman puwedeng isingit sa apat na klase ng pag-ibig ang patriotismo o pag-ibig sa bayan. Kanais-nais ang ideyang ito, dahil isang uri ng pag-ibig din naman ang magmalasakit, magsakripisyo at magsilbi sa bayan, gaya ng ipinamamalas ng kasalukyang administrasyon. Sana tayong lahat ay may patriotismo o pag-ibig sa bayan, partikular na sa bayan ng Bayambang.

Sa huli, huwag sana nating kalimutan na ang lahat ng klase ng pag-ibig na ating nabanggit ay iisa ang pinanggagalingan. Iyan ay ang agape or divine love o pag-ibig ng Diyos, ang pag-ibig na walang limitasyon at hangganan. Sabi nga sa Bibliya, ito ang pag-ibig na unang nagmahal kaya tayo ay nakakaramdam, nakakatanggap, at nakakapagbigay ng pag-ibig at pagmamahal.

Lahat ng magsing-irog ay sineselebra taun-taon ang Valentine's Day, ngunit sa mga walang maituturing na kapareha sa Araw ng mga Puso, hindi ito dapat maging isang malaking problema sapagkat marami pa namang klase ng pagmamahal at pag-iibigan ang maaaring pagtuunan ng pansin at pagbuhusan ng panahon.

Ang kagandahan ng tunay, dahil dalisay, na pag-ibig ay hindi nito sinasalungat ang iba pang uri o lebel ng pagmamahalan. Bagkus ay tinutulungan nitong umusbong ang iba pang mga nabanggit na uri ng pagmamahal.



Editorial for January 2019: Isang Inspirasyon

Isang Inspirasyon

Noong Enero 19 ay pumanaw ang pinakamayamang tao sa Pilipinas, si Henry Sy, na siyang may-ari ng SM Mall chain at iba pang negosyo.

Ang tatay ni Sy ay nagpunta ng Pilipinas mula Fujian, China, noong 1925, at sa edad na 12, tumulong si Sy sa pagtitinda sa kanilang sari-sari store. Pamilyar tayong lahat sa kwento ng kung paano nag-umpisa ang giant mall chain ni Sy sa isang maliit na tindahan sa Carriedo, Quiapo, na tinawag niyang ShoeMart.

Sa kanyang pagpanaw, tinagurian siyang “pillar of Philippine economy.” Si Sy ay nag-iwan ng kapital na lagpas sa P1 trillion.

Noong Enero 20 naman ay nanalong muli ang ating “Pambansang Kamao” na si Manny Pacquiao sa World Welterweight Championship match, na kung saan ay nakalaban niya ang Amerikanong si Adrien Broner. Si Manny ay 40 taong gulang, at si Broner naman ay 29.  Alam nating lahat kung saan nanggaling si Pacquiao: tulad ni Henry ay sa wala rin nagmula. Minsan siyang naging tagagawa ng pandesal at noong panahong iyon ay sa papag na kung saan niya minamasa ang tinapay siya natutulog.

Ngayon, isa si Pacquiao sa pinakapamoso at pinakamayamang Pilipino.

Maaaring kilala nating lahat si Sy at Pacquiao sa pangalan, ngunit ’di natin kilala ang mga ito ng personal. Ang bayan ng Bayambang ay nagkaroon din ng isang taong tulad nila na nag-umpisa sa mababa at, dahil sa sipag at tiyaga at pagpapala, ay nakarating din sa rurok ng tagumpay. Minsan nang tinawag siya na “the local boy who made good” ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Alam naman nating lahat kung sino ang tinutukoy dito, at marami sa atin ang personal siyang nakadaop-palad at kakilala. Siya ay walang iba kundi ang ama ng ating bayan na si Dr. Cezar T. Quiambao

Noong Agosto 28, 2017 ay nagdeklara si Mayor Quiambao ng ‘Rebolusyon Laban sa Kahirapan.’ Ang petsang ito ay siya ring petsa ng isang bantog na deklarasyon noong 1963, ang “I Have a Dream” ni Martin Luther King na siyang naging lider ng black rights movement sa America.

Tulad ni Sy at Pacquiao, si Mayor Quiambao ay nag-umpisa sa mababa, nagtagumpay sa larangan ng negosyo sa abroad, at nang umuwi ay nagsilbi sa bayan. Sa Ingles, “he started small, made it big, and gave back.” At tulad ni Martin Luther King, may matayog ding pangarap si Mayor Quiambao, hindi para sa kanyang sarili kundi para rin sa iba: ang wakasan ang kahirapan ng mga kababayan sa Bayambang.

Kung ano ang ipinakita nating paghanga at pasasalamat kay Sy at Pacquiao ay nararapat lamang na gayundin kay Mayor Quiambao. Di niya kailangang pasukin ang magulong mundo ng pulitika, ngunit mapalad tayong mga Bayambangueño dahil buong-tapang niyang hinarap ito maisapakatuparan lang ang malawakang pagbabagong inaasam. Ngayon ay ’di na natin kailangang lumayo pa ng tanaw upang magkaroon ng isang natatanging inspirasyon.

(Hango mula sa talumpati ni Municipal Chief of Staff and Legal Officer Atty. Raymundo B. Bautista Jr. noong Enero 14, 2019.)

Editorial (May 2019): Bagong Panimula

“Bakit mo iboboto ang kandidatong napili mong iboto?”

Bago mag-eleksiyon, kami ay nagtatanung-tanong sa paligid upang alamin ang isipan ng ating mga kababayan mula sa iba’t-ibang estado ng pamumuhay. Magkakaiba ang aming nakuhang sagot.

May nagsabing, “Iboboto ko si X kasi siya ang boss ng anak ko.”

Ang iba ay iboboto raw ang manok na kandidato dahil kamag-anak ito. “Siyempre X ang apelyido ng asawa ko – natural, si X din ang iboboto ko.”

May nagsabi namang iboboto niya si X dahil “kabandaan” o nakatira malapit sa kanyang lugar.

Aaminin naming nakakabahala ang mga kasagutang ito, dahil ito ay indikasyon na hindi naiintindihan ng ilan ang dahilan kung bakit tayo may halalan.

Mabuti na lamang at mas nakakararami ang sumagot ng, “Iboboto ko kung sinuman ang makakagawa ng pinakamabuti sa bayan.”

Para saan ba ang eleksiyon? Ito ba ay isang popularity contest, na kung saan ang dapat piliin ay kung sino ang guwapo o maganda (at magaling kumanta at sumayaw) sa ating paningin? Ito ba ay upang makaganti sa personal na alitan? Ito ba ay tungkol sa kung ano ang makabubuti sa ating sarili lamang, o sa ating sariling pamilya? Hindi ba’t tayo ay boboto upang pumili ng kung sino ang karapat-dapat na mamuno sa ating bayan, upang ang bayan ay mapunta sa mabuting pamamahala, sa mga kandidatong may malinaw na plataporma na tunay na may malasakit, may pusong magsilbi para sa kapakanan ng bayan, para sa ikabubuti ng mas nakararami?

Sana ay magsilbing leksiyon ang nakalipas na halalan sa lahat ng kulang ang pang-unawa sa kung para saan ba talaga ang pulitika, ang halalan, ang pagluklok ng sambayanan sa mga mamumuno sa kani-kanilang bayan.

Salamat at sa huli ay nanaig pa rin ang tunay na diwa ng demokrasya sa Bayambang, at sa resulta ay kitang-kita ang naisin ng mas nakararami: ang magkaroon ng bagong panimula para sa tunay at tuluy-tuloy na pagbabago.