Friday, October 16, 2026

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! – SEPTEMBER 28, 2026 - Body Shaming

 

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! – SEPTEMBER 28, 2026

(Estimated runtime: 3 minutes and 35 seconds)

 

[INTRO SKIT]

PERSON 1: Atihh, nakita mo ba ’yung bagong post ni ano? Parang ang sobrang payat niya na ngayon!

 

PERSON 2: Oo nga! Nagmukha shang matanda sa edad niya. Iba na itsura niya. Mas maganda sha dati.

 

PERSON 1: Comment nga tayo! Baka naman may kung ano na sa kanya.

 

[BIGLANG PAPASOK SI KUYA NGEN]

 

KUYA NGEN: Oops oops oops oops! Picture lang ang nakita n’yo, pero parang alam n’yo na ang buong history ng tao ah?

 

PERSON 1: Si OA, comment lang naman!

 

KUYA NGEN: Ah, comment lang. Eh, kung sa picture mo naman sila mag-comment nang ganyan, comment lang din kaya ang tawag mo?

 

[SANDALING TITIGIL ANG DALAWA]

 

KUYA NGEN: O, napaiseep!

 

[KUYA NGEN INTRO]

 

Bayambang, ngayong episode, pag-usapan natin ang isang bagay na madalas nating makita sa social media, pero hindi lahat ay nakakaunawa sa epekto nito.

 

BODY SHAMING.

 

Bayambang, dapat alam mo na ang body shaming ay ang pangungutya o pang-iinsulto sa pisikal na anyo ng isang tao. Puwedeng tungkol ito sa timbang, pagiging payat o mataba, kulay ng balat, mukha, taas, edad, o anumang katangian ng katawan na ginagamit para ipahiya o maliitin ang isang tao.

 

At sa panahon ngayon, hindi mo na kailangang makaharap ang isang tao para gawin ito. Minsan, sapat na ang isang larawan, isang video, at ilang pindot sa comment section para makapagsabi ng mga salitang maaaring makasakit.

 

Kamakailan, naging usapin sa social media ang mga komentong pumupuna sa pisikal na anyo ng ating mahal na alkalde, Mayor Niña. May mga komentong tumutukoy sa kaniyang edad at pagiging payat, pati mga salitang nag-uugnay sa kaniyang hitsura sa mabibigat na paratang.

 

Pero linawin natin: hindi lang ito tungkol kay mayor o sinumang kilala sa publiko. Dahil kahit sino, puwedeng makaranas ng body shaming. At hindi porke public figure ang isang tao, ibig sabihin ay puwede nang gawing katatawanan ang kaniyang katawan.

 

Magkaiba ang kritisismo sa pang-iinsulto.

 

At hindi lang naman sa mga sikat nangyayari iyan.

 

May estudyanteng tinatawag na kung anu-ano dahil sa kaniyang timbang. May empleyadong laging sinasabihang tumanda na o pumangit na. May taong nagbago ang pangangatawan at sa halip na kumustahin, ang unang maririnig ay, “Uy, tumaba ka!” o “Grabe, ang payat mo na!”

 

Minsan, dinadaan pa natin sa biro.

 

“Joke lang naman!”

 “Ang sensitive mo naman!”

 

Pero tandaan, hindi porke nakakatawa para sayo ay nakakatawa na rin para sa nakarinig. At hindi porke nakasanayan na ang isang komento ay tama na itong gawin.

 

Kaya paano natin maiiwasan ang body shaming?

 

Una, mag-isip bago magkomento.

Ikalawa, kung nag-aalala ka sa isang tao, kumustahin siya nang maayos at pribado. Hindi kailangang ipahiya siya sa harap ng maraming tao o sa social media.

at ikatlo, huwag makisabay sa pangungutya para lang makisama.

 

Kaya sa susunod na may makita kang larawan o video na gustong-gusto mong komentuhan, huminto muna sandali.

 

Dahil sa likod ng bawat profile picture ay isang totoong tao. May damdamin, may pinagdaraanan, at may dignidad na dapat igalang.

 

Bayambang, ang lahat ng ito ay Dapat Alam Mo!

 

Muli ako si Kuya Ngen na nagsasabing:

No comments:

Post a Comment