MONDAY REPORT - SEPTEMBER 7, 2026
INTRO
NEWSCASTER 1:
Magandang araw, Bayambang! Ako si ______ mula sa ______ (name department).
NEWSCASTER 2: At
ako naman si ______, mula rin __________ (name department). Narito na ang
pinakamahahalagang kaganapan sa ating bayan ngayong linggo.
NEWSCASTER 1: Mga
programa, proyekto, at aktibidad ng LGU... mga balitang dapat ninyong malaman!
NEWSCASTER 2: ...
Mga kwentong nagbibigay-inspirasyon sa ating bayan. Ating sabay-sabay na
tutukan.
SABAY: Ito
ang BayambangueNews!
- Konstruksyon
ng BPC Training Center, Nagsimula Na
Nagsimula na ang
konstruksyon ng tatlong-palapag na BPC Training Center sa campus ng Bayambang
Polytechnic College (BPC) sa Brgy. Bical Norte, kasunod ng patuloy na pagpapalawak ng mga pasilidad ng
paaralan. Isinulong ang proyekto sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ni Mayor
Niña sa national
government upang
makapaglaan ng karagdagang pasilidad para sa pagkatuto at pagsasanay ng mga
kabataan.
- Ikawalong Anibersaryo ng Rebolusyon Laban
sa Kahirapan, Ipinagdiwang
A. Bilang bahagi ng
pagdiriwang ng ika-8 anibersaryo ng Bayambang Poverty Reduction Plan noong August 24, nilagdaan ng LGU-Bayambang at
Pangasinan State University-Bayambang Campus ang isang Memorandum of Agreement.
Layunin ng partnership na palakasin ang ugnayan ng lokal na pamahalaan at
academia
sa pagbuo ng mga solusyong nakabatay sa datos, research, at aktuwal na
pangangailangan ng komunidad.
B. Kasabay nito ay ang
ceremonial unveiling ng librong Recalibrated
BPRP.
C. Sa
okasyon ay naging
panauhing pandangal si Secretary Lope B. Santos III, Lead Convenor ng National
Anti-Poverty Commission. Dito ay pinuri
niya ang Bayambang sa pagpapatupad ng Bayambang Poverty Reduction Action Plan
2018–2028, at itinanghal niya ito bilang modelong anti-poverty
program ng lahat ng LGU sa buong Pilipinas.
D. Bumisita rin
si Secretary Santos sa
Saint Vincent Ferrer Prayer Park at CSFirst Green AID upang makita ang proseso
ng paggawa ng engineered bamboo at ang mga produktong yari dito.
3.
Wilcon
Depot, Nag-courtesy Call
Nag-courtesy call ang Wilcon Depot,
Inc. sa LGU kaugnay ng planong pagtatayo ng Wilcon Depot store sa Brgy. Dusoc.
Inaasahang makatutulong ang proyekto sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya,
paglikha ng trabaho, at pagpapalawak ng negosyo at komersyo sa Bayambang.
(pronounce Depot as DEE-pow)
4.
Mayor
Niña, Nagbahagi ng Birthday Treat
A. Bilang parte ng pagdiriwang ng
kanyang kaarawan, muling nagpamahagi si Mayor Niña ng libreng pananghalian
sa iba’t ibang sektor ng bayan. Sa magkakahiwalay na birthday treat, siya ay
nagbigay ng libreng lunch sa mga empleyado ng Munisipyo, mga tricycle driver,
mga vendor sa palengke, iba’t ibang kumpanya, at lahat ng barangay hall. Sa malawakang
paghahandog na ito, ipinakita ng alkalde na ang kanyang kaarawan ay pagkakataon
ding magbahagi ng saya at biyaya.
B. Samantala, nagtuluy-tuloy naman ang
pamimigay ng Mayor Niña ng libreng lugaw sa iba’t ibang barangay habang maulan
ang panahon, gamit ang kanyang Galila Mangan Tila food truck.
5.
MNJQ,
Agad Tumugon sa Hiling na Wheechair
Agad na tinugunan ni Mayor Niña ang
kahilingan para sa isang wheelchair para sa 88-anyos na si Pablorito Lacerna
Oficiar ng Brgy. Manambong Sur, na limang buwan nang hindi makatayo dahil sa
sakit. Ipinagkaloob ang wheelchair noong August 25 bilang agarang tugon sa kanyang
pangangailangan.
6.
NMIS
Regional Technical Director, Bumisita
Nag-courtesy call ang Regional Office
I OIC-Director ng National Meat Inspection Service na si Dr. Cherrie Ann T.
Javier upang talakayin ang requirements para sa DA-PRDP Municipal
Slaughterhouse Project. Tinalakay ang accreditation, inspection, technical
standards, at iba pang hakbang para matiyak ang ligtas at compliant na
operasyon ng proyekto.
7.
Stroke
Survivor, Hinandugan ng Bahay Kubo
Salamat sa pag-sponsor ni Ms. Josie
Carayugan-Khoo, former President ng Bayambang Association of Southern
California, nabigyan ng bahay kubo si Cerio Ferrer ng Barangay Iton, isang
stroke survivor na nahaharap sa kawalan ng regular na trabaho at sapat na
tahanan. Ipinakita ng programa na ang serbisyo ng pamahalaan ay hindi lamang
tungkol sa imprastraktura kundi sa pagbibigay ng dignidad, kalinga, at bagong
pag-asa.
8.
KSB
Year 9, Nagpatuloy sa Tanolong
Sa kabila ng masamang panahon, ipinagpatuloy
ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB) Year 9 noong August 27 para sa mga
residente ng Tanolong, Inanlorenza, at Maigpa, sa kabila ng masamang panahon,
upang ilapit sa mga residente ang iba’t ibang serbisyong pampamahalaan.
Pinangunahan ni Mayor Niña ang programa, kung saan tampok ang libreng lugaw,
ice cream, fresh milk, spaghetti, at raffle prize na bigas.
9.
Libreng
Mobile Chest X-ray, Isinagawa
Nagsagawa ang RHU II ng libreng mobile
chest X-ray para sa active TB case finding sa Manambong Parte at San Gabriel 2nd
noong August 26, na nakapagserbisyo sa 120 kliyente. Dalawampu’t apat na
presumptive PTB cases ang na-refer para sa karagdagang pagsusuri gamit ang
GeneXpert, sa tulong ng Philippine Business for Social Progress.
10. Mga Magsasaka, Tumanggap ng Farm
Equipment at Inputs
A. Sa tulong ng Agriculture Office, tumanggap
ang Masekder Manambong Parte Farmer Association ng multicultivator na
nagkakahalaga ng P299,889 mula sa DA-RFO I. Inaasahang mapapahusay nito ang
paghahanda ng lupa, kahusayan sa pagsasaka, at produksyon ng mga pananim.
B. Tumanggap naman ang Managos Farmers
Agricultural Cooperative ng farm inputs at kagamitan mula sa DA-RFO I matapos
lumahok sa Gulayan sa Bayan 2026.
11. Lalaking Anim na Taong Nawawala,
Natulungang Makauwi
Matapos ang anim na taong paghahanap,
natulungan ng LGU na makauwi sa kaniyang mga kaanak sa San Nicolas, Pangasinan
si Marco Claro noong August 26. Bago siya ihatid, binigyan siya ng pagkain,
hygiene kit, at malinis na damit habang nasa kustodiya ng LGU, sa tulong ng
MSWDO.
12. Saku-sakong Bigas, Ipinamahagi sa TODA
Namahagi ang lokal na pamahalaan ng
tig-5 kilong bigas sa 2,192 miyembro ng TODA na naapektuhan ang kabuhayan dahil
sa pagbaha at 18 araw ng tuluy-tuloy na pag-ulan. Pinangunahan ni Mayor Niña
ang distribusyon noong August 27. Ayon sa mga benepisyaryo, malaking tulong ang
bigas sa kanilang mga pamilya habang unti-unti silang bumabangon.
13. Preemptive at Forced Evacuation,
Ipinatupad
Bilang tugon sa mabilis na pagtaas ng
tubig sa Tarlac River noong August 28, nagsagawa ng forced evacuation ang MDRRM
Council at Barangay DRRM Council sa Purok 7, Brgy. Managos, kung saan
labinlimang pamilya ang tinukoy na posibleng maapektuhan. Isang pamilya na
binubuo ng limang indibidwal ang boluntaryong lumikas at ligtas na inilipat sa
Barangay Hall habang patuloy na mino-monitor ng LGU ang lebel ng tubig.
14.
Relief
and Rescue Operations, Isinagawa
A. Agad na naghatid si Mayor Niña ng
mainit na pandesal at kape sa mga kababayang nasa evacuation center bilang
simpleng dagdag-ginhawa sa gitna ng paglikas dahil sa banta ng pagbaha. Muling
hinikayat ang mga residente sa low-lying at flood-prone areas na unahin ang
kaligtasan at agad sumunod sa mga abiso ng awtoridad. Sumunod namang nagsagawa
ang MDRRMO at MSWDO ng relief operations sa mga nagsilikas sa mga evacuation
center.
B. Noong August 29 naman ay nagdeklara
ang LGU ng state of calamity. Sa pamamagitan nito, mas mabilis ma-aaccess ng
LGU ang mga pondo at iba pang resources upang ma-intensify ang relief at
rehabilitation operations nito.
C. Agad namang rumesponde ang MDRRMO, PNP,
BFP, at BPSO sa ilang pamilyang hindi kusang lumikas sa kabila ng paulit-ulit
na abiso, at biglang humingi ng saklolo sa Brgy. San Gabriel 2nd, at sila ay
nailikas tungo sa ligtas na lugar gamit ang dalawang rescue boat ng LGU.
15. Mga Tulay sa Bayambang, Sinuri at
Nakitang "in Good Condition"
Isinagawa ng Municipal Engineering
Office ang inspeksiyon sa mga tulay ng Bayambang bilang pag-iingat matapos
masira ang bahagi ng Aquino Bridge at Agana Bridge sa Tarlac dahil sa malakas
na ulan at pagtaas ng tubig. Napag-alamang nasa maayos na kundisyon ang Calvo
Bridge at Wawa o Romulo Bridge, kabilang ang bailey bridge, at nananatiling
maayos at functional ang mga ito. Nanatiling limitado naman ang mga dumaraan sa
Warding-San Vicente Bridge.
16. Relief Goods, Agad Ipinamahagi; Hot
Meals Inihatid Araw-Araw sa mga Barangay
A. Sa pangunguna ni Mayor Niña, agad
na ipinamahagi ng LGU noong September 1 at 2 ang kahun-kahong relief goods mula
as DSWD sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng pagbaha. Katuwang ang team ni
Cong. Rachel Arenas, nagtungo ang LGU officials at staff sa iba’t ibang
barangay upang personal na maihatid ang tulong sa mga residenteng halos nalubog
na ang mga tahanan.
B. Kasabay naman nito ay ang pamimigay
araw-araw ng Munisipyo ng sariling relief packs sa mga malubhang binahang
residente at ang adisyunal na pamimigay naman ng tulong ni Mayor Niña at ng LGU
na mga hot meals na umikot araw-araw sa lahat ng binahang barangay.
C. Samantala, ang LGU-Bayambang ay
nagpapasalamat sa lahat ng nagdonate at patuloy na namimigay ng iba't ibang uri
ng ayuda mula sa pribadong sektor para sa ating mga kababayan na nalubog ang
kabahayan sa baha. Kabilang dito ang Feeding Angels of Bayambang, Bayambang
Matikas Eagles Club, pamilya Santos ng Inirangan, Mader Sammy TV, Los Barberos,
LGBTQI Association of Bayambang, former Councilor Benjie de Vera, Dr. Alvin
Rosales, at St. Vincent Ferrer Parish Church.
17.
LGU,
Muling Ibinahagi ang EEC Best Practices
Muling ibinahagi ng LGU-Bayambang ang
mga Energy Efficiency and Conservation initiatives at best practices nito sa
DOE Luzon Field Office at Province of Pangasinan workshop noong August 26–28 sa
Lingayen. Kinatawan ni EEC Officer, Engr. Rudyfer P. Macaranas, ang bayan, at
naglahad ng mga hakbang sa mahusay na paggamit ng enerhiya bilang bahagi ng
sustainable at responsableng pamamahala.
18.
LGU,
Tumanggap muli ng Pinablin Award!
Tumanggap ang LGU-Bayambang ng
Pinablin Award mula sa Philippine Red Cross noong August 26 bilang pagkilala sa
mahalagang suporta nito sa blood donation at blood services. Nirepresenta ang
LGU ng tatlong Blood Coordinators ng mga RHU.
19. BPC Student, Kinilala sa Young Farmers
Challenge sa Pangasinan!
Kinilala bilang Provincial Awardee ng
Young Farmers Challenge 2026 ng DA-RFO I si Samson Flores Junio Jr., estudyante
ng Bayambang Polytechnic College, para sa kaniyang makabagong Complete
Vermicomposting Starter Kit. Bilang awardee, tatanggap siya ng 80,000-peso
grant upang higit pang mapaunlad ang kaniyang sustainable agriculture
enterprise, sa gabay ng kaniyang coach na si Ms. Bethel Charis Elevazo.
OUTRO
NEWSCASTER 1: At
iyan ang mga balitang bumuo sa linggong ito.
NEWSCASTER 2:
Patuloy nating tutukan ang mga susunod pang proyekto, programa, at aktibidad.
NEWSCASTER 1: Ako
si ______.
NEWSCASTER 2: At
ako si ______.
SABAY:
Hanggang sa muli... BayambangueNews!
No comments:
Post a Comment