Tuesday, September 1, 2026

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! - Leptospirosis at WILD Diseases

 

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! – September 7, 2026

(Estimated Runtime: 3 minutes and 58 seconds)

 

(Kuya Ngen Intro)

 

Bayambang, dapat alam na ang Pilipinas ay ranked among the most flood-vulnerable nations globally at ito ay batay sa 2025 World Risk Index, with severe floods causing significant economic losses, health risks (such as leptospirosis), and fatalities.

 

Wait! Ano raw? LEPTOSPIROSIS? Ano yownnn???

 

(Transition)

 

Well, Bayambang, dapat alam mo na ang leptospirosis ay isang sakit na nakukuha kapag nalusong tayo sa baha o tubig na kontaminado ng ihi ng daga at iba pang infected na hayop.

 

Kaya kung iniisip mong…

“Saglit lang naman akong lumusong.”

“Hanggang tuhod lang naman.”

“Sanay naman ako.”

 

Yoohoo! Dito ang tingen! Hindi sinusukat ng leptospirosis ang lalim ng baha. Ang kailangan lang nito ay isang maliit na sugat, gasgas, o kahit balat na matagal na nababad sa maruming tubig para makapasok ang bacteria sa ating katawan.

 

At alam mo ba ang mga sintomas? Hinde? Oh eto, makinig ka ha?

Una. Lagnat.

Pangalawa. Matinding sakit ng ulo.

Pangatlo. Pananakit ng katawan, lalo na ng binti.

At pang-apat. Pamumula ng mata.

 

At kung hindi agad maagapan, maaari itong makaapekto sa atay, bato, at iba pang mahahalagang bahagi ng katawan.

 

Kaya tandaan: Ang baha ay hindi swimming pool. Hindi rin ito content para sa “POV: main character ako sa tag-ulan.”

 

Kung hindi naman kailangang lumusong… Huwag nang lumusong. Pero ung kailangan talagang dumaan sa baha, laging magsuot ng bota o anumang proteksyon sa paa kung mayroon. Pag-uwi, agad na maghugas ng katawan gamit ang malinis na tubig at sabon.

 

Dapat alam mor in na maliban sa leptospirosis, dahil sa patuloy na pag-uulan, mas tumataas din ang panganib ng iba pang sakit tulad ng dengue, diarrhea, at iba pang water-borne diseases.

 

Kaya kung may nararamdaman o kailangan ng payong pangkalusugan, huwag nang mag-atubili dahil may libreng konsultasyon, libreng gamot, at libreng vitamins na handang ibigay para sa bawat Bayambangueño.

 

(INSERT: DR. PAZ VALLO)

 

“Bayambang, dapat alam ninyo na kung kayo ay nalusong sa baha, lalo na kung may sugat o gasgas at nakaramdam ng sintomas, magtungo agad sa pinakamalapit na Rural Health Unit. Mayroon po tayong libreng konsultasyon at libreng gamot na doxycycline bilang prophylaxis para sa bawat Bayambangueño. Mas maaga ang pagpapatingin, mas maagang maagapan ang leptospirosis.”

 

(BACK TO KUYA NGEN)

 

Kaya Bayambang, ngayong tag-ulan, doble ingat tayo. Dahil bukod sa baha, may mga water-borne diseases at iba pang sakit na mas madaling kumalat sa panahong ito. Kaya ang best outfit ngayong rainy season?

 

HINDI OOTD. KUNDI PAGIGING MAINGAT.

 

Bayambang, ang lahat ng ito ay Dapat Alam Mo!

 

Muli, ako si Kuya Ngen na nagsasabing:

 

 

 

 

 

                                                                                                                         

No comments:

Post a Comment