Monday Report – October 5, 2026
Newscasters:
Jason King Malicdem
Daniela Estrella
[INTRO]
[Observe proper
pacing/speed, pronunciation, volume, and don’t forget to SMILE!]
NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang!
Ako po si ____________.
NEWSCASTER 2: At ako naman po si __________, at kami
po ay mula sa Municipal Treasury Office.
NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng
LGU-Bayambang...
NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at
napapanahong balita...
SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!
***
[SALITAN NA KAYO
RITO]
1.
LGU
Basketball Team, Kampeon sa Inter-Agency Tournament!
Noong Lunes, kinilala ni
Mayor Niña at ng buong LGU ang koponan ng LGU-Bayambang sa kanilang pagiging
kampeyon sa Coach A Inter-Agency Basketball Tournament 2026 na ginanap sa
lungsod ng San Carlos noong September 26. Itinanghal na Most Valuable Player
(MVP) si Rex Chico at Best Forward si Christian Sabangan mula sa Office of the
Mayor, at Best Center si Eric Esteban ng BPSO.
2.
Rabies
Awareness Lecture, Isinagawa
Ang Agriculture Office
at Bayambang Animal Shelter ay nagsagawa ng Rabies Awareness Lecture sa Hermoza
Elementary School noong September 28, bilang bahagi ng paggunita sa World
Rabies Day. Tinalakay sa mga mag-aaral ang tungkol sa rabies, paraan ng
pag-iwas sa kagat at kalmot ng hayop, at mga dapat gawin kapag nakagat o
nakalmot, kasabay ng libreng anti-rabies vaccination para sa mga alagang aso at
pusa sa barangay.
3.
Pagdiriwang
ng Tourism Month, Matagumpay
A. Bilang tampok na bahagi ng culminating
activity ng Tourism Month 2026 noong September 28, opisyal na inilunsad ang
coffee table book na “Million Reasons Why Bayambang Is the Place Where the
Best Things Happen,” kung saan tampok ang mga kuwento, tanawin, kultura,
tradisyon, pagkain, personalidad, at mga natatanging tagumpay na bumubuo sa
pagkakakilanlan ng Bayambang.
B. Kasabay nito, tinanggap ng MTICAO ang
Certificate of Compliance mula sa National Commission for Culture and the Arts
(NCCA) para sa compliant at acceptable Local Cultural Inventory ng Bayambang
para sa taong 2025.
C. Kinilala naman ang mga nagwagi sa
iba’t ibang paligsahan bilang bahagi ng nasabing pagdiriwang, kabilang ang
Pangasinan Poetry Contest, Quiz Bee Contest, at Painting Contest.
4.
Healthiest
Department Winners, Kinilala
Kinilala noong September
28 ang mga nagwagi sa Healthiest Department Assessment ng LGU na inilunsad
bilang bahagi ng Nutrition Month. Itinanghal na kampeon sa Small Department
category ang Nutrition Action Office; nag-tie naman sa Medium category ang
Accounting Office at Barangay Accounting Office; at ang Large category ay
napanalunan ng Municipal Agriculture Office. Sila ay tumanggap ng ₱5,000,
₱10,000, at ₱15,000 cash incentives.
5.
Bagong
Municipal Trial Court Bldg., Pinasinayaan!
Pormal na pinasinayaan
noong September 28 ang bagong Municipal Trial Court (MTC) Building sa Bayambang
sa pangunguna ni Mayor Niña. Naging posible ang proyekto sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan
niya DPWH at tanggapan ni Senator Joel Villanueva. Bukod pa rito, nagsagawa ang
LGU ng improvement works sa gusali, upang higit na maging maayos ang paglalapit
ng mga serbisyong legal sa mga Bayambangueño.
6.
Orientation
on ARTA Compliance, Isinagawa
Isinagawa noong September
29 ang Mandatory Online General Orientation sa pamamagitan ng Zoom video, upang
higit na mapalakas ang pagsunod ng LGU sa mga pamantayan ng Anti-Red Tape
Authority o ARTA. Tinalakay dito ang Republic Act No. 11032 o Ease of Doing
Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, kabilang ang
Citizen’s Charter, Client Satisfaction Measurement, tungkulin ng Committee on
Anti-Red Tape, Three Signatories Rule, Zero Backlog Program, Annual Regulatory
Plan, at Electronic Business One-Stop Shop.
7.
LYDO,
Lumahok sa Monitoring and Coaching Session
Lumahok ang Local Youth
Development Officer (LYDO) ng Bayambang sa 2026 Local Monitoring and Coaching
Session for LYDOs noong September 29 sa PDRRMO-Lingayen. Isinagawa ito ng
National Youth Commission upang talakayin ang mga tungkulin ng LYDO, Local
Youth Development Plan, Local Youth Development Council operations, SK Web
Portal, compliance monitoring, at iba pang requirements para sa pagpapatupad ng
mga programa at polisiya para sa kabataan.
8.
KSB
Year 9, Sunod na Nagpatuloy sa Balaybuaya
Iba’t ibang serbisyo ng
pamahalaan ang inilapit sa mga residente ng Brgy. Balaybuaya, Beleng, at
Batangcaoa sa isinagawang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB) Year 9 noong
September 30 sa Balaybuaya Elementary School. Nanguna rito sina Mayor Niña at
Vice Mayor IC at mga konsehal, sa pag-oorganisa ng LCRO. Kabilang sa mga
serbisyong inilaan ang libreng medical at dental services, late registration of
birth, pagbabakuna sa mga alagang hayop, employment services, pag-renew ng
business permit, libreng buto at punla, legal consultation, aplikasyon para sa
upgraded GCash Community Service Card, financial assistance, at iba pang
freebies.
9.
DHSUD
at LGU, Tinututukan ang PNP Housing Site Project
Noong September 30,
pinangunahan ng MPDO ang isang pulong upang talakayin ang pagpapatuloy ng PNP
Housing Site Project sa Zone VI. Tinalakay sa pulong ang mga concerns at issues
kaugnay ng mga lote para sa nasabing proyekto, kabilang ang mga kinakailangang
proseso, dokumentasyon, at iba pang usaping kailangang matugunan, pati na rin
ang mga susunod na hakbang. Isinasagawa ang proyekto alinsunod sa Presidential
Proclamation No. 262, series of 2011, para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
10. GAD Training on Goat-Raising,
Isinagawa
Isang Gender and
Development training sa goat production ang isinagawa ng Agriculture Office
noong September 29-30 sa Brgy. Amanperez at Malimpec, na dinaluhan ng 25 na
kababaihan at 12 na kalalakihan. Dito ay itinuro ni Municipal Veterinarian at
Livestock Coordinator and Inspector, Dr. Joselito Rosario, ang tamang feeding
management, goat pen construction, husbandry practices, at ang potensyal ng
goat-raising o goat production bilang isang industriya.
11. Social Protection Support para sa 4Ps
Members, Patuloy
May kabuuang
3,785 na pamilyang Bayambangueño ang kasalukuyang aktibong benepisyaryo ng
Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na patuloy na nagsisilbing social
protection support para sa mga pamilyang nangangailangan. Gamit ang detalyadong
datos kaugnay ng bilang na ito, nag-update ang DSWD at lahat ng miyembro ng
Municipal Advisory Council ukol sa iba’t ibang aspeto ng nasabing programa sa
ginanap na pulong noong September 30. Kabilang sa mga tinalakay ang 3rd quarter
accomplishments, compliance turnout, rehistrasyon ng mga bagong beneficiaries,
Sustainable Livelihood Program, at iba pang concerns.
(Check
proper pronunciation of benefi-CEE-AH-ries.)
12. Municipal Treasury at Assessor’s
Office, Dumalo sa REGATA Conference
Dumalo ang
Acting Municipal Treasurer, OIC Municipal Assessor, at piling kawani sa 3rd
Quarter Regional Conference of Provincial, City, and Municipal Treasurers and
Assessors of Region I na ginanap noong Setyembre 29 hanggang Oktubre 2 sa Subic
Bay Freeport Zone. Ang kumperensya ay isinagawa ng Department of Finance -
Bureau of Local Government Finance Regional Office I (DOF-BLGF RO I) sa
pakikipagtulungan ng Regional Association of Treasurers and Assessors of Region
I (REGATA) upang mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga local treasurers at
assessors sa pananalapi, pamamahala ng ari-arian, at pangongolekta ng lokal na
kita, alinsunod sa temang “Strengthening Transparency and Accountability in
Local Treasury and Assessment Operations.”
(pronounce
Assessor as ah-SEH’-sor not ASS’-se-sor.)
13. S.E.E. Staff, Nag-intensive Training
sa Cold Storage Operation
Noong September 28–29,
ang mga kawani ng Special Economic Enterprise Office ay sumailalim sa isang
Intensive Training on the Operation and Maintenance of Cold Storage Facility sa
E-Agro Training Hall, Brgy. Amancosoling Sur. Sa pagsasanay, napalawak ang kaalaman
at kasanayan ng mga kalahok sa wastong operation, maintenance, monitoring, at
management ng isang cold storage facility upang makatulong sa maayos at
episyenteng pagpapatakbo nito.
14. Mga Punong Barangay, Pinulong ukol sa
ASF
Noong October 1, ang
lahat ng 77 na Punong Barangay ay dumalo sa isang emergency meeting upang
talakayin ang mahalagang isyung kinakaharap ng mga kabarangay kaugnay ng
African swine fever (ASF) at mga naiulat na pagkamatay ng mga alagang baboy.
Pinag-usapan dito ang kasalukuyang sitwasyon, mga kinakailangang hakbang, at
mga paraan upang makatulong at maprotektahan ang ating mga kabarangay at
kanilang kabuhayan.
15. Buklat Aklat, Nagpatuloy sa Malimpec
Ang Buklat Aklat Project
ni Mayor Niña ay nagpatuloy sa Brgy. Malimpec, upang maghatid ng mga aklat at
reading exercises para sa mga mag-aaral doon, sa tulong ng BPRAT, SK
Federation, LYDO at mga volunteer. Sa pamamagitan ng nasabing literacy project,
nahikayat ang mga mag-aaral na paigtingin ang kanilang interes sa pagbabasa at
palawakin ang kanilang kaalaman. Tuwang-tuwa ang mga mag-aaral sa kanilang mga bagong
natutunan.
[OUTRO]
NEWSCASTER 1: At iyan po
ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng
LGU-Bayambang.
NEWSCASTER 2: Mga
balitang may tatak Total Quality Service.
NEWSCASTER 1: Muli, ako
po ang inyong lingkod, _________.
NEWSCASTER 2: At ako
naman po si _______, at kami ay mula sa Municipal Treasury Office.
[SABAYANG BIGKAS]: At
ito ang... Bayambangueñews!
No comments:
Post a Comment