Saturday, September 19, 2026

Monday Report - September 14, 2026

 Monday Report - September 14, 2026


[SMILE, VOLUME, ENERGY! and don't forget to smile.]


INTRO:


1: Magandang araw, mga Kabaleyan! Ako po si _____________ mula sa ______.


2: At ako naman po si _____________ mula rin sa ___________.


1: Hatid namin ang mga balita ukol sa mga makabuluhang programa, proyekto, at aktibidad ng lokal na pamahalaan at ang pakikiisa ng ating komunidad.


2: Sama-sama nating tunghayan ang mga kaganapang patunay ng malasakit, disiplina, at pagkakaisa sa bayan ng Bayambang.


1&2: Ito ang... BayambangueNews



1. Mobile Blood Drive, Nakakolekta ng 29 Blood Bags


Isang mobile blood donation drive ang isinagawa ng RHU I sa Brgy. Alinggan Covered Court noong September 14, sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross – San Carlos City Chapter at Alinggan Barangay Council. Nakapagkolekta ang RHU ng kabuuang 29 bags ng dugo mula sa naturang bloodletting drive, kung saan 39 katao ang nagparehistro.



2. Pagsasanay sa Sustainable Lowland Vegetable Production, Isinagawa


Isang Training on Sustainable Lowland Vegetable Production noong September 9–11 ang isinagawa ng Agriculture Office para sa Managos Farmers Agricultural Cooperative sa pamamagitan ng Agricultural Training Institute – Regional Training Center I. Ito ay nilahukan ng mga miyembro ng nasabing kooperatiba sa Brgy. Managos, na napalawak ang kaalaman at kasanayan sa crop establishment, nutrient management, at iba pang teknolohiya para sa mas mataas at mas ligtas na produksyon ng gulay.



3. LGU, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Civil Service Month


Sari-saring aktibidad ang isinagawa ng HRMO bilang pakikiisa ng LGU-Bayambang sa pagdiriwang ng 126th Civil Service Anniversary. 


A. Noong September 8-9, nakiisa ang HRMO sa opening activities ng CSC sa Bolinao, kabilang ang isang thanksgiving mass, outreach activity, at Family Day at fellowship


B. Noong September 13, ilang empleyado ang aktibong nakilahok sa Lingkod Bayani Fun Run 2026 sa Capitol grounds at sa Baywalk, Lingayen.


B. Noong September 15, binigyang-pugay ng LGU ang walong kawani nito na nagtapos na sa kanilang serbisyo at nakatakdang magtapos ngayong taon matapos ang mahigit ilang dekada ng tapat, masipag, at makabuluhang paglilingkod-bayan.


C. At noong September 16, ang HRMO ay sumunod namang naghandog ng libreng pampering services sa mga kawani gaya ng gupit, back massage, manicure, at pedicure.


D. At noong September 18 naman, nakiisang muli ang LGU sa isang Zumba session na inorganisa ng CSC upang muling isulong ang aktibong lifestyle at malusog na pangangatawan na napakahalaga sa pagiging isang lingkod bayan.



4. Kabataan ng Bayambang, Tampok sa LNK Provincial Culmination Program


Tampok ang piling mga opisyal ng Sangguniang Kabataan Federation ng Bayambang sa Linggo ng Kabataan Provincial Culminating Celebration na isinagawa noong September 15 sa Sison Auditorium, Lingayen.

Kabilang sa mga tampok na aktibidad ang pagkilala kay Rusielyn Mae B. Villanueva, na nagkamit ng Top 7 sa March 2026 Licensure Examination for Professional Teachers. 



5. Tatlong Sanggol, Tinulungang Mapaopera ang Cleft Palate


Tatlong sanggol mula sa Brgy. Apalen at San Gabriel 1st ang sumailalim noong September 16 sa operasyon para sa cleft lip and palate, matapos ang ilang buwang check-up, assessment at medical evaluation sa Dr. Jesus Datu Medical Center sa Bacolor, Pampanga. Isinagawa ang tulong sa pamamagitan ng PDAO at BPSO, katuwang ang Kapampangan Development Foundation Cleft Center, upang mabigyan ang mga sanggol ng pagkakataong magkaroon ng mas maayos na ngiti at bagong pag-asa.



6. Espesyal na Pulong ukol sa Records Management, Isinagawa


Tinalakay sa isang special meeting ng LGU, sa pangunguna ng ICT Office, ang pagpapahusay sa records management system sa pamamagitan ng digitization, maayos na pangangalaga, at tamang pamamahala ng mga dokumento, bilang estratehiya upang magkaroon ng ligtas na backup copies at upang mas lalo pang mapabilis ang transksyon ng publiko sa Munisipyo. Kabilang din ang paghahanda para sa compliance sa Republic Act No. 9470 o National Archives of the Philippines Act of 2007, gayundin ang mga panukalang polisiya para sa records governance at digitization.



7. 3 Sanggol, Tinulungang Mapa-opera ang Bingot


Tatlong sanggol mula sa Brgy. Apalen at San Gabriel 1st ang sumailalim sa operasyon para sa cleft lip and palate noong September 16, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng PDAO, BPSO, at Kapampangan Development Foundation Cleft Center. Bago ang operasyon, sumailalim sila sa ilang buwang check-up at medical evaluation sa Dr. Jesus Datu Medical Center sa Bacolor, Pampanga upang matiyak ang kanilang kahandaan.


[Read 3 as "tatlong."]


8. Mayor Niña, Agarang Nagbigay ng Wheelchair sa Stroke Patient


Agad na ipinagkaloob ni Mayor Niña noong September 16 ang wheelchair na hiniling ni G. Rolando Lavarias Rosario, 61 taong gulang, ng Brgy. Tambac, matapos siya ay ma-stroke. Sa agarang tulong na ito, natulungan siya sa kanyang paggalaw at pang-araw-araw na pangangailangan.


[Read 61 at "animnaput-isang."]



9. Grand Buntis Caravan 2026, Naging Matagumpay


Noong September 17, muling isinagawa ang Buntis Congress ng Municipal Health Office, tampok ang paglulunsad ng ikatlong batch ng Project Buntis. Kabilang sa mga aktibidad sa Grand Buntis Caravan 2026 ang mga talakayan tungkol sa oral health, maternal health, at pangangalaga sa mga bata, at iba pang kaugnay na aktibidad upang isulong ang kalusugan ng mga buntis at ng mga sanggol sa kanilang sinapupunan.



10. Buklat Aklat Year 3, Nagpatuloy sa Hermoza

 

Ang Buklat Aklat Project Year 3 ni Mayor Niña ay nagpatuloy sa Brgy. Hermoza, upang maghatid ng mga aklat at reading exercises para sa mga mag-aaral doon. Sa pamamagitan ng programa, nahihikayat ang mga mag-aaral na paigtingin ang kanilang interes sa pagbabasa at palawakin ang kanilang kaalaman. Tuwang-tuwa ang mga mag-aaral sa kanilang mga natutunan sa tulong ng BPRAT, SK Federation, LYDO at mga literacy project volunteers.



11. KSB Year 9, Nagtungo sa Tococ West


Noong September 17, sumunod namang nagtungo ang team ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 9 upang maghatid ng lahat ng serbisyo ng Munisipyo sa mga residente ng Brgy. Tococ East, Tococ West, at Amanperez. Ang mga residente ay nag-avail ng iba't ibang libreng medical at dental services, late registration of birth, librong bakuna sa hayop, libreng buto at punla, employment services, libreng gupit, at legal advice, at marami pang iba. 



12. Wilcon Depot, Nag-Groundbreaking sa Dusoc!


Nagsagawa noong September 11 ng isang groundbreaking ceremony ang Wilcon Depot sa Brgy. Dusoc, na dinaluhan at kinatawan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, sa ngalan ni Mayor Niña, kasama ang mga konsehal. Ipinahayag ng alkalde ang kanyang kagalakan sa bagong investment na inaasahang magbubukas ng trabaho at kabuhayan para sa mga Bayambangueño, habang magbibigay rin ng dagdag na sigla sa lokal na negosyo at ekonomiya.



13. Bayambang, Isa sa Top 5 Most Business-Friendly Municipalities Level 1 Nationwide!


Ang bayan ng Bayambang ay itinanghal na isa sa top 5 sa Most Business-Friendly Municipalities Level 1 sa buong bansa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, sa ginanap na 52nd Phiippine Business Commerce and Expo. Ito ay nangangahulugan ng tunay na kahandaan ng Bayambang sa pagtanggap ng mga mamumuhan sa iba't ibang enterprise na siguradong magdadagdag ng oportunidad sa ating mga kababayan at magpapayabong ng ekonomiya.


Congratulations, Bayambang!



for VO


Mayor Niña, Sinagot ang Funeral Services ng Dalawang Batang Nasawi


Personal na sinagot ni Mayor Niña ang funeral services ng dalawang batang nasawi sa isang insidente ng pagkalunod sa Brgy. Darawey, mula sa lamay hanggang sa kanilang pagpapalibing. Nagpaabot din ang LGU-Bayambang ng cash assistance, pagkain, at iba pang kinakailangang kagamitan sa pamilya Vigo bilang pakikiramay at tulong sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.


[DELETE - HUWAG NA TO, TOO MINOR - MCDC Meeting, Pinalakas ang Sektor ng Kooperatiba

Tinalakay sa 3rd Quarter Municipal Cooperative Development Council (MCDC) Meeting noong September 17, ang mga programa, accomplishment, at planong pagtatatag ng cooperative union upang higit na mapalakas ang mga kooperatiba sa Bayambang. Layunin nitong patatagin ang ugnayan ng LGU at mga kooperatiba tungo sa mas produktibo at inklusibong pag-unlad ng ekonomiya.]


Mga Libreng Pataba, Ipinagkaloob sa mga Magsasaka 


Ipinamahagi ng Agriculture Office ang 1,350 na pakete ng powder foliar fertilizer, 6,000 na bote ng liquid fertilizer, at 450 na bag ng ammonium chloride fertilizer mula sa DA-RFO I para sa mga kwalipikadong rice farmers at off-season corn farmers. Bahagi ito ng patuloy na suporta ng LGU at DA sa pagpapataas ng produksyon at pagpapabuti ng kabuhayan ng ating mga magsasaka.


Mayor Niña, Panauhing Pandangal sa Municipal Meet at Rotary Induction & Turnover Ceremony


A. Noong September 19, inimbitahan si Mayor Niña bilang Guest of Honor and Speaker sa Municipal Meet 2026 na ginanap sa Bayambang National High School grounds. Sa kanyang mensahe na inihayag ni Councilor Zerex Terrado, kanyang isinulong ang kahalagahan ng sportsmanship, teamwork, disiplina, at camaraderie sa sporting competitions tulad nito.


B. Kinahapunan naman, siya ay naimbitahan upang magbigay ng inspirasyunal na mensahe sa 24th Induction and Turnover Ceremony ng Rotary Club of Bayambang. Siya ay nirepresenta ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, kung saan kanyang pinuri ang naisin ng Rotarians ng pagkakaroon ng lasting impact o legasiya sa ating komunidad bilang isang organisasyon.

 


LGU Basketball Team, Pasok sa Finals ng Inter-Agency Basketball League 2026!


Congratulations sa men's basketball team ng LGU-Bayambang matapos itong makapasok sa final round ng 2026 Inter-Agency Basketball League 2026 ng EZ Jerzey Pangasinan! Sa suporta ni Mayor Niña at ng LGU, ipinakita ng Team Bayambang ang mahusay na depensa at matatag na samahan upang makaabot sa final round ng nasabing torneo.



OUTRO:


1: At iyan po ang mga balitang nagbibigay-inspirasyon at pag-asa sa ating bayan. Muli, ako po si _____________ ng _____________


2: At ako naman po si ____________ ng _______________.


1: Sa patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan,


2: ...Mas nagiging maliwanag ang kinabukasan ng Bayambang.


1: Hanggang sa muli...


1&2: Ito ang... BayambangueNews!


 

[Insert Christmas countdown] 


__ araw na lang, Pasko na!

No comments:

Post a Comment