Tuesday, July 20, 2021

Nutrition Office - List of Activities

 

MNAO ACCOMPLISHMENT REPORT

 

“Isa sa pinakamalaking sanhi ng kahirapan sa bayan ay ang pagkakaroon nito ng sakiting mamamayan.” Ang katotohanang ito ang isa sa pumukaw sa atensyon ng alkalde ng bayan na si Dr. Cezar T. Quiambao nang kanyang inilunsad ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan.

 

·       Creation of MNAO

Parte ng Rebolusyon ang pagbibigay niya ng pokus sa sektor ng pangkalusugan, lalo na sa nutrisyon, kaya’t binuo niya ang Municipal Nutrition Action Office (MNAO) upang maging daan para masolusyunan ang malnutrisyon na minsa’y naging talamak sa Bayambang.

 

·       Increase in Nutrition Budget

Pag-upo pa lamang niya ay tinaasan agad niya ang pondo para sa nutrition. Mula P500,000 noong 2016, ang pondo – na hindi kasama ang personnel services – ay naging P2,947,704 noong 2017, P3M noong 2018, P3.8M noong 2019, 4.5 noong 2020, at P4,847,600 noong 2021.

 

·       Passage of Municipal Ordinance # 2 s. 2020

Dahil sa buong suporta ng Sangguniang Bayan, mas tinitukan pa ng Nutrition Office ang pagpasa ng Municipal Ordinance No. 2 series of 2020 o ang “Comprehensive Nutrition Program Ordinance” ng Bayambang kung saan nakasaad na ang pondo ng mga nutrition programs ay dapat i-allot ng lahat ng barangay, kaya ngayon ang lahat ng barangay ay may kanya-kanya nang pondo at programang pangnutrisyon.

 

·       Nutrition Month Celebration

Tuwing buwan ng Hulyo, ipinagdiriwang ang Nutrition Month kung saan ay mas nalilinawan at nabibigyang-kaalaman ang publiko sa kahalagahan ng opisinang ito at ng mga aktibidad, proyekto at programang isinasagawa nito. Bilang parte ng selebrasyon ay nagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad, at sa taong ito, kung saan ang tema ay “Malnutrisyon Patuloy na Labanan, First 1000 Days Tutukan,” nagkaroon ng Search for Idol Nanay Year 2, Nutri Online Photo Contest, Poster-Making Contest, Search for A1 Child, Nutri-Vlog Cooking Contest, at Heathy Food Treats.

 

·       90-Day Dietary Supplementation Program for Pregnant Women/Infant and Young Child Feeding Program

At gaya ng nakasaad sa tema para sa taong 2021 – “Malnutrisyon Patuloy na Labanan, First 1000 Days Tutukan” – mayroon nang programa at aksyon na ginagawa ang MNAO mula sinapupunan pa lamang hanggang sa paglaki ng bata upang masiguro ang hangarin nitong “healthy mommy at healthy baby.”  Ilan dito ay ang 90-Day Dietary Supplementation Program for Pregnant Women at Infant and Young Child Feeding Program na pawang nakapaloob sa Early Childhood Care and Development - First 1000 Days Program ng National Nutrition Council.

Ayon sa pag-aaral ay natuklasan ng mga staff ng MNAO na isa sa pinaka-epektibong paraan upang malabanan ang malnutrisyon ay maisasagawa na sa first 1000 days of life na magsisimula sa pagbubuntis pa lamang. Sa mga naturang programa, mga masusustansyang pagkain gaya ng fresh milk, gulay, prutas, itlog at iba pa ang ipinamimigay sa mga buntis na may mababa, mataas at normal na body mass index o BMI, sa tulong ng National Nutrition Council. Dahil sa pagiging epektibo nito ay ipinagpapatuloy na ng lokal na pamahalaan ang programa gamit ang sariling pondo.

 

·       IECs on Infant & Young Child Feeding (IYCF)

Mga Buntis Forum at Mother’s Classes naman ukol sa tamang paraan ng pagpapasuso ang madalas na isinasagawa rin ng MNAO sa bawat barangay katuwang ang RHU upang masigurong healthy at nutritionally sound ang mga infant. Ang programang ito na naayon sa Milk Code ay mas pinaigting pa dahil na rin sa COVID-19 pandemic na kung saan ay wala pang bakuna na angkop sa edad ng mga bata at tanging breast milk pa lamang ang first line of defense nila laban sa mga sakit.

 

·       Operation Timbang Plus

Upang mamonitor kung sinu-sino, ilan at nasaan ang mga bata na mas nangangailangan ng agarang suportang pangkalusugan ay nakikipagtulungan sa RHU ang opisina para sa Operation Timbang Plus upang ma-assess ang nutritional status ng bawat bata. Mayroon ding Checklist for Child Developmental Milestone Assessment na isinasagawa upang makita kung may delay ba sa kanilang development.

 

·       Routine Dietary Supplementation Program for 6-59 Month-Old Children

Lahat ng naassess sa OPT Plus na mga malnourished, underweight, stunted at wasted ay inienrol sa Routine Dietary Supplementation Program for 6-59 Month-Old Children sa loob ng tatlong buwan upang maisailalim sila sa rehabilitasyon para masiguro ang kanilang recovery.

 

·       DOST Free Weight Calibration

Sa inisyatibo ng Nutrition Office ay taunan ding nabibigyan ng free weight calibration sa tulong ng Department of Science and Technology ang mga timbangan na ginagamit sa 77 na barangay ng Bayambang upang masiguro na maayos at wasto ang timbangan at maiwasan ang false positive result sa malnutrisyon. Nakapagbigay na din ang Nutrition Office ng mga salter scales at beam balances sa mga nakaraang taon sa mga barangays na walang mga timbangan. Dito ay mapapansin na full support din sa mga barangay ang opisina upang maimprove ang kanilang kagamitan sa pagmomonitor ng kalusugan ng mga bata.

 

·       BNS Capacity-Building

Sila rin ay nagsasagawa ng iba’t ibang trainings para sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) – na sa ngayon ay 77 na mula sa dating 20 lamang. Ang mga BNS ang nagiging focal person ng bawat barangay, at nagiging daan rin sila upang maapbrubahan ang Nutrition Plan ng kada barangay.

 

·       Distribution of Food Packs at the Onset of COVID-19 Pandemic

Noong nakaraang taon, isa ang Nutrition Office sa mga unang bumaba sa mga barangay upang magpamahagi ng food packs na naglalaman ng mga gulay at prutas na sariling ani ng ating mga magsasaka sa tulong ng Municipal Agriculture Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office. 

 

·       Distribution of Multivitamins

Mayroon ding branded na mga multivitamins na ibinibigay sa lahat ng malnourished children bukod pa sa ibinibigay ng RHU para naman sa lahat ng bata.

 

·       Food Fortification Monitoring

Minomonitor at hinihikayat din ng MNAO ang lahat ng mga bakery, retail store na gumamit at magbenta ng mga fortified product gaya ng vitamin A-fortified flour, iodized salt, at vitamin A-fortified cooking oil. Ito ay para mapanatiling masustansya ang pagkaing nakukunsumo ng mga Bayambangueño sa araw-araw alinsunod sa Food Fortification Act o RA 8976.

 

·       Ensuring School Canteens have Healthy Options for Students

Sumasama rin ang opisina sa taunang monitoring ng LGU sa mga eskwelahan bago mag-umpisa ang pasukan, at chinecheck kung may mga healthy options sa school canteens at upang maiwasan din ang pagbebenta ng mga junk foods na makakasama sa mga estudyante.

 

·       Hiring of 9 DNPCs

 

Noong 2019 ay nag-hire ng siyam na District Nutrition Program Coordinator ang Nutrition Office upang mas lalo pang matutukan ang lahat ng distrito pagdating sa mga serbisyong pangnutrisyon.

 

 

·       Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Feeding Activities

 

Kada Komprehensibong Serbisyo sa Bayan, naroon ang Nutrition Office upang mamigay ng veggie ice cream, fresh fruits at itlog sa mga benepisyaryo sa lugar.

 

 

·       Monitoring of Backyard Gardens

 

Ang opisina ay involved din sa monitoring ng mga backyard garden sa mga kabahayan lalo na ng mga target beneficiaries, sa tulong ng Municipal Agriculture Office. Ang MNAO ay nagpapamigay ng gardening inputs sa pamamagitan ng First 1000 Days Program nito at minomonitor ang impact sa kanila ng proyekto.

 

 

·       Provision of Fresh Veggies to Beneficiaries from ECCD F1K Greenhouse

 

Ang mga sariwang ani at mga vegetable seedlings mula sa ECCD F1K Greenhouse ay ipinamamahagi sa mga beneficiaries. Ipinapaalam din sa kanila na pansamantala lamang ang feeding program, at mas mainam pa rin ang pagkaroon ng sariling sustainable food sources lalo ngayong pandemya.

 

 

·       Provision of Additional Honorarium to BNSs

 

Namimigay si Mayor Quiambao ng P400 kada buwan o P4,800 kada taon bilang karagdagang honorarium para sa lahat ng mga BNS. Ito ay isang pagpapahalaga sa kanila bilang focal persons sa mga barangay pagdating sa delivery ng nutrition services ng munisipyo.

 

·       Monitoring ng Barangay Nutrition Action Plans

 

Nakatutok din ang MNAO sa lahat ng Barangay Nutrition Action Plans upang makita kung ang mga ito ay naipapatupad ng maayos ng bawat barangay.

 

·       Provision of Pediasure to Patients with Medical Conditions

 

Ang mga older children na mga pasyente na may medical conditions at walang kapasidad magpagamot ay nirerefer ng MNAO sa Mayor’s Action Center o kaya sa mga duktor. Nagbibigay din ang Nutrition Office ng doctor-prescribed nutritional formula gaya ng Pediasure, muli para lang sa mga indigent na batang may mga special cases o medical conditions.

 

 

·       Coordinator of Researches and Conduct of Nutrition Surveys in Barangays

 

Ang MNAO ang coordinator sa mga survey at researches, gaya ng pananaliksik ng FNRI-DOST ukol sa exclusive breastfeeding sa iba’t ibang barangay at ng Nutrition Early Warning System surveys kung saan sinusukat ang magnitude ng hunger at malnutrition sa isang specific quarter for planning purposes.

Top of Form

 

·       Coordinator of Privately Sponsored Projects

Ang MNAO din ang coordinator ng mga private sponsorship ng mga projects tulad ng pagconduct ng mga feeding activities sa mga barangay, dahil hawak nila ang nutrition data ng mga kabataan sa lahat ng barangay.

 

 

·       Awards

Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang mga nabanggit ang iba’t ibang gawain ng MNAO upang maitaguyod ang wastong nutrisyon sa ating bayan para ang lahat ng kabataan ay lumaking malusog at produktibong miyembro ng pamayanan.

 

Kaya naman hindi nakapagtataka na makatanggap ang MNAO ng mga parangal, tulad ng mga sumusunod:

 

2018: 3rd Most Outstanding Municipal Nutrition Council in Pangasinan

2019: Top 3 Most Outstanding MNC/Top 1 Most Outstanding MNAO in the Province

 

Ang lahat ng ito ay naisakaturaparan dahil sa magandang pamamalakad ni Mayor Cezar Quiambao at ng buong Team Quiambao-Sabangan, at hindi tayo titigil magbigay-serbisyo kahit ano pa mang pagsubok ang dumating, dahil buo ang ating pangarap na magkroon ng isang malusog na pamayanan para sa bayan ng Bayambang!

No comments:

Post a Comment