GOOD GOVERNANCE
4-in-1 Celebration
Isang kickoff ceremony ang ginanap para sa apat na selebrasyon sa buwan
ng Hulyo: ang 47th National Nutrition Month, 2021 Disaster Resilience Month,
43rd Disability Prevention and Rehabilitation Week, at 26th Police Community
Relations Month. Ito ay sinimulan ng
isang motorcade, at matapos ay nagkaroon ng isang maikling programa sa Balon
Bayambang Events Center na dinaluhan ng mga buntis at mga may kapansanan.
Naging panauhin si Vice-Mayor Raul Sabangan, kasama ang mga municipal
councilors sa aktibidad na tulung-tulong na inorganisa ng Nutrition Office,
MDRRMO, MSWDO, POSO, at PNP.
DILG at LGU, Inilunsad ang Safety Seal sa Bayambang
Pinasinayaan ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang, sa patnubay ng
Department of the Interior and Local Government, ang nakatakdang issuance ng
Safety Seal noong ika-5 ng Hulyo sa Balon Bayambang Events Center. Ang
launching ng naturang certification program ng national government ay dinaluhan
ng mga matataas na opisyal ng LGU at mga may-ari ng iba’t ibang establisimyento
sa Bayambang. Layunin ng programa na mahikayat ang lahat ng establisimyento,
mapa-gobyerno man ito o pribado, na magsecure ng Safety Seal bilang katibayan
na ang mga ito ay sumusunod sa minimum public health standards.
Safety Seal, Iginawad na sa Ilang Compliant Government Offices
Noong July 6, ang opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction
Management ang kauna-unahang Local Government Unit Office na nagawaran ng
Safety Seal sa bayan ng Bayambang. Ang inspection team ay binubuo nina
Municipal Local Government Operations Officer Royolita Rosario, Acting
Municipal Fire Marshall SFO3 Randy Fabro, at PNP representative na si PSSg
Rhyan Malanum. Ginawaran rin kamakailan ng Safety Seal ang RHU II, RHU III,
Municipal Local Government Operations Office, PNP, at BFP. Ang Safety Seal
certification program ay isa sa pinakahuling hakbang ng national government
upang paigtingin ang laban kontra sa COVID-19.
UPLB Chancellor Camacho, Bumisita
Bumisita noong July 7 si University of the Philippines Los Baños
Chancellor Jose Camacho Jr. para sa isang exploratory meeting kay Mayor
Quiambao. Siya ay sinalubong nina Vice-Mayor Raul Sabangan, Councilor Mylvin
Junio, SB Secretary Joel Camacho, at BPRAT Chairman Rafael Saygo. Sa pulong ay
iprinesenta ni G. Saygo ang Poverty Reduction Action Plan ng Bayambang, at
pinag-usapan ang mga maaaring maging proyekto sa pagitan ng LGU at UP Los
Baños. Si Chancellor Camacho ay isang Bayambangueño.
Bagong LGU-BEA Officers Inihalal; Sabangan, Bagong Presidente
Noong July 12, nagsagawa ng isang eleksiyon para sa bagong set of
officers ang 277 na permanent employees na miyembro ng LGU-Bayambang Employees
Association (BEA) sa kanilang general assembly na inorganisa ng dating LGU-BEA
President na si G. Romeo Quinto sa Events Center. Inihalal na bagong Presidente
ng BEA si Princesita Sabangan, Vice-President si Venus Bueno, at Secretary si
Vicky Malagotnot. Nilalayon ng BEA na isulong ang pagkakaisa sa pagitan ng mga
kawani ng gobyernong lokal at isulong ang kanilang kapakanan upang maging mas
epektibo sa pagbibigay serbisyo-publiko.
BBKAPI General Assembly, Ginanap
Noong July 12, ginanap ang General Assembly ng Barangay Kagawad
Association of the Philippines Inc. (BBKAPI) sa Events Center. Naroon siyempre
ang mga kagawad mula sa lahat ng 77 na barangay ng Bayambang na pinamumunuan ni
BBKAPI President Bernardo Decoro. DIto ay tinalakay ang mga issues at concerns
ng mga kagawad sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa kanilang mga barangay.
Cadre Site, Pinakaunang Barangay na Ginawaran ng Safety Seal
Noong July 15, ginawaran ang Brgy. Cadre Site ng kauna-unahang Safety
Seal para sa isang barangay sa bayan ng Bayambang. Ang Inspection Team ay
binubuo nina Municipal Local Government Operations Officer Royolita Rosario,
Acting Municipal Fire Marshall, SFO3 Randy Fabro, at Bayambang Municipal Police
Station OIC Chief, PLtCol Andres Calaowa Jr. Kanilang binusisi kung sumusunod
ang naturang barangay LGU sa mga minimum public health protocol bilang
pagpapaigting ng laban kontra COVID-19.
RHU 4, Jollibee, May Safety Seal na Rin
Noon ding araw ay ginawaran ang Rural Health Unit 4 sa Brgy. Macayocayo
ng Safety Seal. Pagkatapos nito ay ang
sariling inspection team naman ng LGU ang nag-inspect sa branch ng Jollibee sa
Royal na pumasa rin upang magkaroon ng sariling Safety Seal. Ito ang unang
commercial establishment sa Bayambang na pumasa sa Safety Seal. Bukod sa MLGOO,
PNP, at BFP, ang LGU Inspection Team ay binubuo nina Licensing Office Renato
Veloria Jr., RHU 1 Sanitary Inspector Danilo Rebamontan, MRDDM Officer
Genevieve Benebe, at Engineering Office representative.
Councilor Amory Junio, 1st Lieutenant (Philippine Army Reservist)
Pormal nang iginawad kay Councilor Amory Junio ang titulong 1st
Lieutenant bilang isang Philippine Army Reservist noong July 19 sa Balon
Bayambang Events Center. Ang seremonya ay dinaluhan ng ilan sa mga matataas na
opisyal ng Philippine Army sa pangunguna ni Deputy BGen. Angel Madarang.
Nanguna sa pagbati kay Councilor Junio sina Mayor Cezar Quiambao, Coun.
Rodelito Bautista at Coun. Levinson Uy, Col. Leonardo Solomon, at Atty.
Raymundo Bautista Jr. Buong suporta
siyempre ang maybahay ng konsehal na si Gng. Medina Junio kasama ang kanilang
tatlong anak.
Mayor Quiambao, Ininduct ang mga Bagong LGU-BEA Officers
Ang mga bagong halal na officers ng LGU-Bayambang Employees Association
ay ininduct ni Mayor Cezar Quiambao noong July 12 sa Balon Bayambang Events
Center pagkatapos ng Monday flag-raising ceremony. Sa pagkakaluklok bilang
presidente ay hinikayat ni LGU-BEA President Princesita Sabangan ang 277 na
miyembro ng naturang asosasyon na magkaisa para sa ikabubuti ng bawa’t kawani.
Bago maupo si Mayor Quiambao ay wala pang isang daan na permanenteng empleyado
ang LGU-Bayambang.
Sa nasabing oath-taking, pinaalala ni Mayor Quiambao na pahalagahan ang
lahat ng kawani na ang integridad ng institusyon. Ang BEA ang siyang
magsisilbing boses ng mga kawani sa administrasyong Quiambao-Sabangan.
LGU-BEA Officers, Nagpulong
Ginanap ang unang pagpupulong ng mga bagong-talagang opisyal ng
LGU-Bayambang Employees Association (LGU-BEA) noong July 23 sa Mayor’s
Conference Room. Dito ay isinaayos ng mga opisyal ang constitution at by-Laws
ng asosasyon, upang magkaroon ng kalinawan sa lahat ng myembro kung ano ang
tungkulin ng BEA. Doon din nagtalaga ng mga myembro ng iba’t ibang komite para
sa mas maayos na pamamalakad ng asosasyon. Noong Hulyo 27 naman ay inaprubahan
ang bagong mission-vision statement ng BEA. Samantala, ang mga dokumento na
hawak ng mga dating Secretary at Treasurer ay opisyal nang itinurn over sa mga
bagong halal na opisyal noong July 30.
FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION
Assessor's Office Conducts Verification Survey
Noong July 6, nagconduct ang Assessor's Office ng isang verification
survey kasama ang Municipal Engineering Office para sa panukalang Wawa-Pugo
Highway.
Ocular Inspection & Reassessment of Properties in Cadre Site, M.H.
Del Pilar
Noong July 19, nag-conduct ang Assessor's Office ng ocular inspection
at reassessment para sa mga newly constructed commercial buildings at para sa
mga bagong makinarya sa Brgy. Cadre Site at Brgy. M.H. Del Pilar. Bahagi ito ng
malawakang kampanya ng opisina upang makalikom ng sapat na buwis na siyang
magpopondo ng mga development projects ng lokcal na pamahalaan.
Idle Lands, Ininspekyon para sa Reclassification
Noong July 27, nagconduct ang Assessor’s Office, kasama ang MPDC at
Agriculture Office, upang magconduct ng ocular inspection sa iba’t ibang
barangay patungkol sa reclassification ng mga dati nang nakalista na idle
lands. Ang magiging reclassification ay batay sa aktuwal na gamit ng mga
current occupant’s ng mga naturang real property.
LEGISLATIVE WORK
-
HEALTH
Mga Transaksyon sa Munisipyo, Direktang Natamasa sa Brgy. Hermoza
Noong July 2, nagpatuloy naman sa Barangay Hermoza Covered Court ang
Komprehensibong Serbisyo sa Bayan upang pagsilbihan ang magkakaratig-barangay
sa District 4, ang Hermoza, Caturay, at Malioer. Gaya ng inaasahan, daan-daang
residente ang naging benepisyaryo ng mga serbisyo, hindi lang medikal, kundi
pati na mga serbisyong mula sa lahat ng departamento ng LGU.
Free Prenatal Check-up at Immunization Drive ng RHU, Patuloy
Patuloy ang RHU sa libreng prenatal check-up para sa mga buntis at
pagbabakuna sa mga batang 0 to 12 months sa iba't ibang barangay ng Bayambang.
Ito ay upang maprotektahan ang mga sanggol mula sa immune-preventable diseases
gaya ng TB, polio, diphtheria, pertussis, tetanus, mumps, measles at rubella o
German measles.
Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 4: Sa Sapang Naman
Muling naghatid ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan ang LGU Bayambang
noong July 9. Sa pagkakataong ito, ang
mga serbisyo ng Munisipyo ay dinala sa
Sapang Covered Court, Brgy. Sapang. Kasama sa mga benepisyaryo ang mga
residente ng Sapang at karatig-barangay na Banaban at Duera. Daang-daang katao
ang nahatiran ng mga libreng serbisyo mula sa health, social services, finance,
agriculture, at ibang departamento ng Munisipyo.
Dr. Vallo: “Be a Responsible Pet Owner”
Muling pinapaalalahanan ni Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo,
ang lahat na maging responsbile pet owner at mag-ingat sa stray animals. Ito ay
dahil sa pagdami ng kaso ng mga nakakagat ng aso at pusa sa Animal Bite
Treatment Center ng RHU 1 sa unang bahagi pa lang ng taon. Inanabisuhan niya
rin ang lahat na pabakunahan din ang mga alagang hayop sa ating municipal
veterinary team.
Mga Serbisyo ng Munisipyo, Bumugso sa Brgy. Sanlibo
Patuloy ang pagtanggap ng mga Bayambangueño ng iba’t ibang serbisyo ng
lokal na pamahalaan sa paglalapit sa kanila ng mga ito sa pamamagitan ng
Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB) Year IV. Sa pangunguna ni KSB
Chairperson RHU II Rural Health
Physician, Dr. Adrienne Estrada, ang panglabing-dalawang edisyon na ito ng KSB
ay ginanap sa Sanlibo Covered Court noong July 16, at pinaglingkuran ang mga
karatig-barangay ng Idong, Inanlorenza at Sanlibo. Labis naman ang tuwa ng mga
mamamayan ng Sanlibo, Idong, Inanlorenza, sapagkat si Mayora Niña Quiambao ay
nagpaabot ng surpresa sa pamamagitan ng grocery package at bigas para sa mga
nagpuntang residente.
Mga Patok na Patimpalak sa Nutrition Month
Bilang parte ng pagdiriwang ng ika-47th na selebrasyon ng National
Nutrition Month, matagumpay na nagsagawa ang Nutrition Action Office ng iba’t
ibang patimpalak upang ipromote ang wastong nutrisyon sa lahat.
Nutri Online Photo Contest
Sila ay nagdaos ng Nutri Online Photo Contest para sa mga nanay upang
mai-highlight ang kanilang mga ginagawang hakbang para isulong ang wastong
nutrisyon sa first 1,000 days ng kanilang anak, simula sa araw ng kanilang
pagbubuntis.
Search for Idol Nanay Year 2
Sa ikalawang pagkakataon ay idinaos ang Search for Idol ko si Nanay
para sa lahat ng nanay na naiwasto ang timbang ng kanilang mga alagang supling
ayon sa assessment ng Nutrition Office.
Poster-Making Contest
Nagkaroon naman ng Poster Making Contest sa Aguinaldo Hall ng Events
Center patungkol sa tema ng Nutrition Month ngayong taon, ang “ Malnutrisyon
Patuloy na Labanan, First 1000 Days Tutukan!”
Search for A1 Child
Sa tradisyunal na Search for A1 Child sa Events Center, ibinida ng mga
munting kabataan ang kanilang angking talento sa pagsasayaw.
Nutri Vlog Cooking Contest
Nagpasiklaban naman ang mga Barangay Nutrition Scholars sa pagluluto ng
mga masusustansiyang ulam sa Nutri-Vlog Cooking Contest na ginanap sa Municipal
Library.
Healthy Food Treats in Pantol
Kinabukasan, ang mga nanalong putahe sa cooking vlog contest ay inulit
na lutuin ng mga Nutrition Office staff at ipinatikim sa mga buntis at lactating
mothers sa Brgy. Pantol bilang mga healthy food treats.
"Mayor Quiambao, Isa sa mga Nutrition Champion sa Rehiyon;
Bayambang MNAO, Top Performer sa Pangasinan"
Inihayag ni National Nutrition Council OIC Regional Coordinator Kendall
Pilgrim Gatan na si Mayor Cezar Quiambao ay isa sa mga napipisil na “Regional
Nutrition Champion” ng NNC ukol sa mabuting pamamahala sa pagpapatupad ng mga
programa ng ahensya. Inihayag din ni
Gatan na ang Municipal Nutrition Action Officer ng Bayambang na si Venus Bueno
ay ang top performer na MNAO sa buong probinsya ng Pangasinan. Dagdag pa ni
Gatan, nais nitong magbenchmark ang NNC sa Bayambang upang makita kung paano
iniangat ang bayan mula sa pagiging isa sa mga most malnourished towns sa
probinsiya hanggang sa tuluyan itong mabura sa listahan.
POSO Chief, Nag-ikot sa para sa Vaccination Info Campaign
Pinangunahan ni POSO Chief at Task Force Bakuna Chairperson Col.
Leonardo Solomon ang pag-iikot sa mga barangay upang hikayatin ang lahat ng
nasa priority list na magpabakuna na. Ayon sa kanya, kinakailangan lamang
magpa-profile sa mga Barangay Health Worker ang sinumang nais makatanggap ng
Johnson & Johnson (Janssen) vaccine para maisama sa schedule. Ang slot para
sa 4,000 doses na available sa ngayon para sa mga residente ay unang
ipamamahagi sa mga senior citizen at mga mayroong comorbidities katulad ng diabetes,
hypertension, cancer, atbp. Hindi iaaccommodate ang mga wala sa schedule sa
mismong araw ng pagbabakuna.
Resbakuna sa Bayambang, Patuloy sa Pag-arangkada
Lalong pinaigting ang pagbabakuna ng Lokal na Pamahalaan upang masiguro
ang kaligtasan ng bawat Bayambangueño kontra COVID-19. Salamat sa pagtutulungan
ng mga miyembro ng Task Force Bakuna, humigit-kumulang na 4,000 katao ang agad
na nabakunahan sa Pugo Vaccination Site simula July 27, gamit ang 4,000 vials ng
one-shot na bakunang Janssen na gawa ng Johnson & Johnson.
EDUCATION
Municipal Library Donates Educational Materials to Hermosa NHS
Noong July 5, nagdonate ang Municipal Library ng mga libro, DVD, at
magazines sa Hermosa National High School sa Brgy. Hermoza. Kabilang sa
donasyon ang 62 na aklat, 40 na educational DVD, at 33 na magazines.
Rotary Club, Magpapatayo ng 3 Classrooms sa Bascos ES
Noong July 8, nagsagawa ng isang groundbreaking ceremony ang Rotary
Club of Bayambang, sa ilalim ni President Gloria Valenzuela, para sa
ipapatayong tatlong silid-aralan sa Bascos Elementary School sa Brgy. Manambong
Parte. Kasama sa mga donors ang Chairman ng Kasama Kita sa Barangay Foundation,
Mrs. Niña Jose Quiambao, Mayor Cezar Quiambao, Rotary International, Rotary
District 3790, at Rotary Club of Korea Tamjin District 3610. Naroon sa
groundbreaking ceremony sina Vice-Mayor Raul Sabangan, Board Member Vici
Ventanilla, Incoming Rotary President Benjamin Francisco de Vera, Councilor
Philip Dumalanta, Bascos Elementary School Principal Lily Luz Corpuz, Local
School Board Executive Director Rolando Gloria, PSDS Dr. Mary Joy Agsalon,
Manambong Parte Punong Barangay Romeo Macaraeg at iba pang opisyal.
136 Learners, Nagtapos sa Distant Learning Enhancement Program
Noong July 27, nagsipagtapos ang 136 learners na kabilang sa mga sumali
sa eksperimental na proyektong Bayambang Community-Based Distant Learning
Enhancement Program ni Mayor Quiambao upang ipakita na posible ang limited
face-to-face learning sa panahon ng pandemya hangga't inoobserbahan ang minimum
health standards. Ang pagtatapos na inorganisa ng BPRAT ay ginanap sa
Inanlorenza Covered Court at Hermoza Covered Court sa presensiya ni Vice-Mayor
Raul Sabangan at ng mga Municipal Councilors kasama sina Inanlorenza Punong
Barangay Rolando Yome at Hermoza PB
Frankie Catalan) sampu ng kanilang buong council. Nagkaisa ang lahat ng mga
bumating opisyal na ang edukasyon ang mabisang panangga laban sa kahirapan,
kaya't ang mga kabataan ay dapat magpursige sa pag-aaral, anuman ang panahon.
LIVELIHOOD & EMPLOYMENT
ANCOP Ville Residents, Bagong Beneficiaries ng Project ITLOG ng KKSBFI
May bagong beneficiaries na ang Project ITLOG ng Kasama Kita sa
Barangay Foundation. Sila ay ang napiling 10 households na taga-ANCOP Ville sa
Brgy. Sancagulis. Sila ay nakatanggap ng housing materials at nakatakdang
makatanggap ng mga layer chicken at stocks ng first cycle feeds. Ang mga
benepisyaryo ang siyang magtatayo ng sariling housing ng mga alagang manok.
Kasangga ng KKSBFI sa implementasyon at monitoring ng proyekto ang Agriculture
Office, DSWD, MSWDO, at BPRAT.
Post-Harvest Training on Buro-Making, Gourmet Tuyo-Making, and Bangus
Deboning, Isinagawa
Noong July 1 at 2, nagsagawa ng 2-day Post-Harvest Training on
Buro-Making, Gourmet Tuyo-Making, at Bangus Deboning sa Brgy. Tampog RiceBIS
Cooperative Office. Ang mga participants’ ay mga members’ ng RiceBIS
Cooperative at Tampog Fisherfolk Association.
Mga Inactive na Co-op, Pinulong ni Mayor Quiambao
Noong July 5, pinulong ni Mayor Cezar Quiambao sa Events Center ang mga
Board of Directors pati na rin ang mga miyembro ng mga inactive na kooperatiba
upang pag-usapan ang kanilang mga nagiging suliranin sa organisasyon. Kasama
ang Municipal Cooperative Development Office, nangako si Mayor Quiambao na
tutulong na muling buhayin, maiangat, at pasiglahin
Digital Marketing Strategy, Inihatid ng DTI-Negosyo Center
Noong July 9, nagconduct ang DTI at Negosyo Center Bayambang ng isang
seminar ukol sa Digital Marketing sa Aguinaldo Hall ng Events Center. Dito ay
inimbitahan ang mga may-ari ng maliliit na negosyo at binigyan ng tips ukol sa
mga istratehiya sa pag-market ng kanilang serbisyo at produkto gamit ang social
media. Naroon sa seminar sina Councilor Levinson Uy bilang Sangguniang Bayan
Committee Chairman on Market Trade and Industry, at nagsilbi namang lecturer si
Bb. Jeanica Joson ng University of Luzon.
Arenas, Dumating para sa TUPAD Profiling
Noong July 14, dumating si former Congresswoman Rachel ‘Baby’ Arenas
para sa profiling ng potential beneficiaries per district para sa TUPAD program
ng Department of Labor and Employment o Tulong Pangkabuhayan Para sa Ating
Displaced Workers. Ang profiling ay inorganisa ng Public Employment Services
Office katulong ang BPRAT, POSO, at MDRRMO. May 1,000 na potensiyal na
benepisyaryo ng TUPAD ang nag-apply, at ang mga ito ay pawang mga repatriated
OFWs o pamilya ng isang OFW.
Sa temporary employment program na ito ng DOLE, popondohan ng opisina
ni Congresswoman Rose Marie Arenas ang bayad na P3,400 na salary para sa kada
isang temporary worker na matatanggap sa TUPAD.
Bagong Livelihood Project , Ikinasa para sa mga Dating DSWD-SLP
Beneficiaries
Noong July 13, dumating ang
director ng Philippine Carabao Center na si Vilma Gagni upang bilhin ang mga
pinalaking gatasang kalabaw ng mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood
Program ng DSWD na miyembro ng Tilapia Growers Association sa Brgy. Manambong
Sur at gamitin ang bayad upang gawing pambili ng panibagong livelihood project.
May pitong benepisyaryo ang tumanggap ng naturang bayad sa MSWDO. Naroon din
ang BPRAT, ang Project Development Officer ng DSWD Regional Field Office 1 na
si Roger Jimenez, at mga kasamahan na Municipal Links na siyang unang nangasiwa
sa naturang milking carabao project.
Basic Accounting & Bookkeeping Training, Isinagawa para sa mga
Magsasaka Atbp.
Sumailalim sa Basic Accounting & Bookkeeping Training ang mga
opisyal ng agricultural cooperatives, small livelihood project beneficiaries,
at ilang kabataan noong July 28 at 29 sa Royal Mall upang ang mga ito ay mahasa
sa pagpapatakbo ng kanilang organisasyon o negosyong tatahakin, partikular na
ang aspetong pampinansyal. Ito ay isinagawa sa pagtutulungan ng Agriculture
Office, Kasama Kita sa Barangay Foundation, at Bayambang Poverty Reduction
Action Team.
Bani Delicious Ice Cream SLPA, Tumanggap ng Financial Assistance mula
sa DOST
Noong July 28, inaward ng DOST Provincial Science and Technology Center
(PSTC)-Pangasinan ang isang financial assistance sa Bani Delicious Ice Cream
Sustainable Livelihood Program Association (SLPA). Ang grant na ito ay
nagkakahalaga ng P180,000, at ito ay ipambibili ng ice cream mixer na siyang
nirequest ng naturang SLPA noong nakaraang taon. Ito ay makatutulong upang ang
dating mano-mano na paggawa ng ice cream ay mas mapapabilis at mapataas ang
produksyon ng kanilang maliit na pagawaan sa Brgy. Bani.
OTHER SOCIAL SERVICES
DSWD RO1 Director, Dumating para sa Ikalawang Bugso ng SAP-LAG Payout
Dumating si DSWD Regional Director Marie Angela Gopalan para sa
ikalawang bugso ng pamamahagi ng Social Amelioration Program - Livelihood
Assistance Grant (SAP-LAG) ng Department of Social Welfare and Development
(DSWD) noong July 6 sa Events Center. Sa naturang grant, may 600 na
benepisyaryong rehistradong tricycle drivers at vendors ang tumanggap ng P5,000
cash bawat isa. Ito ay bilang munting ayuda sa pagkawala ng kanilang kabuhayan
noong magkaroon ng mga mahigpit na restriksyon sa pagputok ng pandemya.
MCTQ, Nakipagpulong sa DSWD-RO1 Regional Director
Pagkatapos ng SAP LAG payout, nakipagpulong si Mayor Quiambao kay Director
Gopalan sa Niña’s Café kasama ang Bayambang Poverty Reduction Action Team at
Municipal Social Welfare and Development Office. Kanilang tinalakay ang mga
proyekto ng LGU sa ilalim ng Socio-Cultural Development at Social Protection
sector ng Bayambang Poverty Reduction Plan at ang mga posibleng maaaring ibigay
na tulong ng DSWD Regional Office para sa ating mga kababayan.
Dalagitang may Intra-Nasal Mass, Sinaklolohan ng MAC
Noong June 18, naging daan ang Mayor's Action Center (MAC) upang
matulungan na magpa-opera ang isang dalagita na mayroong bukol sa loob ng ilong
na si Darlene Bless Perez na taga-Brgy. Telbang. Naging matagumpay ang
operasyon nito sa East Avenue Medical Center, kaya’t taos-pusong nagpapasalamat
ang dalagita at ang kanyang magulang sapagkat wala silang binayaran sa ospital.
Ito ay dahil sa pinagsama-samang tulong nina Congresswoman Rose Marie ‘Baby’
Arenas, Mayor Cezar Quiambao, Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. COO Romyl
Junio, ang Heart Center na gumawa ng referral sa pasyente, at ang MAC sa
pamumuno G. Jocelyn Espejo.
Social Pension para sa mga Indigent Senior Citizens, Ipinamahagi
Ipinamahagi ang social pension sa mga indigent senior citizens sa iba’t
ibang barangay simula Hulyo 13 hanggang 16. Sa panguguna ng Department of
Social Welfare and Development Office Field Office 1 (DSWD - FO1), kasama ang Municipal Social Welfare and
Development Office (MSWDO), nabigyan ang 3,391 indigent senior citizens ng
social pension para sa unang semestre na nagkakahalaga ng P3,000. Nagtungo ang
mga kawani at kinatawan ng mga nasabing opisina sa bawat barangay upang
ipamahagi ang pensiyon. Ito ay inaasahan na makatutulong sa kanila sa panggastos
sa araw-araw.
6,532 Seniors, Drivers, Vendors, Tumanggap ng Ayuda mula sa Office of
the President
Noong July 22 to 23, ginanap ang pamamahagi ng ayuda sa Events Center
para sa mga 6,532 senior citizens, tricycle drivers, vendors, at indigent solo
parents na pinaka-naapektuhan ng pandemya. Ito ay matapos magrequest si Mayor
Cezar Quiambao sa Office of the President sa pamamagitan ni Senator Bong Go.
Nauna nang nagkaroon ng profiling ng mga beneficiaries’ bago ang araw ng
pamamahagi ng ayuda. Ang aktibidad na ito ay inorganisa ng MSWDO at BPRAT, sa
tulong ng POSO, PNP, GSO, at Engineering Office.
Mayora Niña, Nanguna sa Oath-Taking ng mga Bagong Women's Organization
Officers
Noong July 19, pinangunahan ni Local Council of Women Chairperson,
Mayora Niña Jose-Quiambao, ang oath-taking sa Events Center ng mga officers ng
mga bagong tatag na women's organizations mula sa iba't ibang barangay, bilang
parte ng 3rd Quarterly Meeting ng mga grupo ng kababaihan ng Bayambang. Sa meeting na ito ay nagpresenta ang kada
distrito ng kani-kanilang accomplishments para sa third quarter ng taon.
MANGOs, Nag-Feeding sa Brgy. Asin Kasama ng KALIPI
Patuloy ang Municipal Association of NGOs (MANGOs) sa kanilang feeding
activity sa pakikipag-ugnayan sa Civil Society Organizations Desk ng LGU. Noong
July 25 ay kasama nila ang Presidente ng Kalipunan ng Lahing Pilipina (KALIPI)
ng Barangay Asin na si Nancy Bautista at kanyang Vice President na si Elisa
Taguiang, asawa ng Punong Barangay ng Asin. Tumulong din ang mga miyembro ng
Barangay Asin Women's Agriculture Cooperative at barangay officials. Kasama rin
sa aktibidad ang PNP-Bayambang.
Seminar on Women and Children's Rights, Isinigawa sa Darawey at Wawa
Idinaos ng MSWDO ang pinakaunang Orientation and Seminar on the Rights
of Women and Children noong July 22 sa Barangay Darawey at Wawa. Ang aktibidad
na ito na nilahukan ng mga opisyales ng mga naturang barangay, at naglalayong
magtatag ng ligtas na komunidad, bigyan ng karagdagang impormasyon ang mga
kalahok ukol sa pagtataguyod ng ligtas na komunidad, at isulong ang mga
karapatan ng kababaihan at kabataan. Dito ay tinalakay naman ni Atty. Glee-ce
Macaranas-Basco ng Public Attorney’s Office, San Carlos, ang RA 11313 o Safe
Spaces Act of 2019, karahasang pangsekswal at mga kaparusahan laban dito, at
child custody issues.
PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY
Bagong Uniporme ng POSO, Ipinagkaloob ni Mayor Quiambao
Ang buong pwersa ng Public Order and Safety Office sa pamumuno ni POSO
Chief, Col. Leonardo Solomon, ay taos-pusong nagpapasalamat sa ating butihing
Mayor, sa ipinagkaloob na uniporme para sa mga tauhan ng POSO. Ang bagong
uniporme ay malaking tulong sa mga tauhan ng departamento sa pagpapatupad ng
kanilang tungkulin bilang tagapangalaga ng katahimikan at kaayusan ng ating
bayan.
Donation Drive ng MANGOs, Nakalikon ng Bota para sa POSO Enforcers
Noong July 16, naging matagumpay ang inisyatibo ng Bayambang Municipal
Association of NGOs o MANGOs na mangalap ng mga sponsors para magdonate ng mga
bagong bota para sa ating mga POSO enforcers. Ang MANGOs ay nakapag-ipon ng 30
na bota para sa mga naturang empleyado, at ang naging major sponsor nila ay ang
Sorority Girls Inc. of New York, USA. Ang LGU ay nagpapasalamat sa MANGOs at sa
lahat ng donors sa naturang proyekto.
SPORTS
-
TOURISM, CULTURE & ARTS
AGRICULTURAL MODERNIZATION
PhilRice, Namahagi ng 590 Fertilizer Bags
Ang Rice Business Innovation System Bayambang Agriculture Cooperative
ay tumanggap ng 590 bags ng fertilizer mula sa PhilRice Nueva Ecija. Ito ay
parte ng RiceBIS community project na gagamitin sa agroenterprise na farm input
supplies bilang isa sa mga business ventures na papasukin ng naturang
kooperatiba.
Hand Tractors, Binigay ng OPAG
Noong July 16, nakatanggap ng hand tractor ang iba't-ibang farmers'
associations mula sa 2017 Tobacco Excise Tax sa Provincial Rice Processing
Complex sa Sta. Barbara, Pangasinan.
8 Agri Warehouses Project
Narito naman ang update ukol sa proyekto ni Mayor Quiambao na
Agricultural Warehouses sa 8 Farming Districts kung saan kasalukuyang nagtatayo
ang Engineering Office ng warehouse kada distrito. Itinatayo ang mga nasabing
warehouse sa Manambong Sur, Pantol, Telbang, Carungay, Idong, Langiran,
Amanperez, at Nalsian Sur. Ang pagkakaroon ng warehouse ay inaasahang
magbibigay-daan sa mga farmers na makapagdikta ng mas mataas na presyo sa
merkado para sa kanilang mga produkto.
VM Sabangan, Dininig ang Issues
at Concerns ng MAFC
Noong June 29, dumalo Vice-Mayor Raul Sabangan sa pulong ng Municipal
Agriculture and Fishery Council sa Royal Mall upang makinig sa iba't-ibang
issues at concerns ng ating mga magsasaka at mangingisda. Kabilang sa mga
paksang napag-usapan sa pangunguna ni MAFC-Bayambang President Marlon E.
Vismanos ay ang LGU-SEE loan program, RiceBIS updates, atbp.
ECONOMIC DEVELOPMENT
-
INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
Ongoing: Construction of Covered Court in Brgy. Tococ West
On-going: Construction of Drainage System in Brgy. Magsaysay
Ongoing: Construction of Multi-purpose Hall in Brgy. Tanolong
Ongoing: Construction of Multi-purpose Hall in Barangay Ataynan
Ongoing: Construction of multi-purpose Covered Court at Brgy. Buenlag
1st
Ongoing: Multi-purpose Hall in Brgy. Buenlag 2nd
Ongoing: Multi-purpose Hall in Brgy. Duera
Ongoing: Expansion of Public Market
Ongoing: Reinforced Concrete Box Culvert, 2 Barrel with Approach
Completed: Municipal Conference Room in 2nd Floor of Municipal Hall
ENVIRONMENTAL PROTECTION
Market Staff, Nag-Clean-Up Drive
Noong July 2, nagsagawa ng isang malawakang clean-up drive ang Office
of the Special Economic Enterprise sa pamumuno ni Ms. Gernalyn Santos. Kanilang
nilinis ang loob ng municipal plaza, public market, bus terminal, at iba pang
nasasakupang lugar.
MANGOs, Volunteer Groups, Nag-Clean-Up Drive at Tree-Planting sa
Hermoza
Noong July 18, nagsagawa ng clean-up drive at tree planting ang iba’t
ibang private volunteer groups sa pangunguna ng Bayambang Municipal Association
of NGOs o MANGOs sa Brgy. Hermoza. Kasama rin dito ang PNP-Bayambang Station sa
ilalim ni OIC Chief, PLtCol Andes Calaowa Jr. Ito ay kanilang handog sa
kaarawan ni Vice-Mayor Raul R. Sabangan na miyembro rin ng isang kasaping NGO.
Pagkatapos ng dalawang aktibidad at nagkaroon ng munting salo-salo at pa-raffle
sa Brgy. Hermoza Covered Court.
PSU Bio Majors, SK, Nag-Tree Planting sa Amancosiling Norte
Ang PSU Biological Science Majors 2019 ay nagsagawa ng isang
tree-planting activity ngayong araw, July 20, sa Amancosiling Norte, sa pakikipag-ugnayan
kay Johnson Abalos ng Local Youth Development Office at Amancosiling Norte
Punong Barangay Almario Ventura. Kasama rin sa aktibidad ang mga Amancosiling
Norte Sangguniang Kabataan (SK) members sa pangunguna ni SK Chairman Dominic
Terrado at mga SK Kagawad.
Isa Pang Tree-Planting Activity
Noong July 29, muling nagsagawa ng isang tree-planting activity ang mga
NGOs, at sila ay nagtungo sa Brgy. Pantol. Ito ay pinangunahan ng Kasama Kita
sa Barangay Foundation, Bayambang Lions Club, at ang kanilang mother club, ang
Bayambang Municipal Association of NGOs. Nakiisa rin sa aktibidad ang
PNP-Bayambang.
DISASTER RESILIENCY
Massive IEC & BDRRMC Inspection
Bilang parte ng pagdiriwang ng 2021 National Disaster Resilience Month,
nag-umpisa magsagawa ang MDRRMO ng isang massive information campaign sa
pamamagitan ng pagbisita sa bawat barangay Emergency Operation Center. Kanilang
chineck ang bawat rescue vehicle, rescue equipment, early warning devices,
policies, organizational structure,
evacuation centers, barangay base map, Barangay DRRM Plan, at iba pa, upang
masiguro na ang lahat ng ito ay nasa ayos, at tiyakin na handa ang mga first
responders ng bawat komunidad sa panahon ng sakuna.
DRRM Engineering Update
Patuloy ang Engineering Team ng MDRRM sa pagsasaayos ng ating mga
evacuation centers at isolation facilities. Ito ay bilang parte ng pag-obserba
ng opisina ng Disaster Resiliency Prevention Month. Sinemento rin ang daan sa
harap ng Pugo Evacuation Center/Vaccination Site at mga comfort rooms nito.
MDRRMO Virtual Quiz Bee, Idinaos
Bilang parte ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month,
nagdaos ang MDRRMO ng isang virtual quiz bee para sa lahat ng residente ng
Bayambang. Ito ay upang maitaas ang kamalayan ng ating mga kababayan ukol sa
kahandaan sa panahon ng sakuna. Ang mga nagwagi ay nag-uwi ng iba’t-ibang
premyo, at ang lahat ng lumahok ay maraming natutunan sa nasabing patimpalak.
E-Balde Plus Video-Making
Contest
Noong July 24, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management
Office ay nagsagawa ng isang video-making contest tungkol sa paggamit ng
E-Balde Plus, isang emergency kit, upang ipromote ang disaster resilience sa
mga Bayambangueño. Ito ay parte ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience
Month 2021. Pitong contestants ang sumali sa contest na ito, at ang winning
video ay isang animation na gawa ni Michael Louis Iglesias ng Brgy. Nalsian
Norte.
Agno River Rehabilitation Project, Dinala sa Brgy. Carungay
Umulan man o umaraw, tuluy-tuloy pa rin ang climate change mitigation
activities ng LGU-Bayambang sa pangunguna ng MDRRMO kasama ang CS First Green
at sa tulong ng PNP-Bayambang at Carungay BDRRMC. Sama-samang nagbungkal at
nagtanim ng kawayan ang apat na grupo sa tabing-ilog na nasasakupan ng Brgy.
Carungay. Umabot sa 190 na piraso bamboo seedlings ang kanilang naitanim sa
lugar. Nananawagan ang MDRRMO na suportahan ng lahat ang pagsawata sa climate
change sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punungkahoy tulad ng kawayan.
AWARDS & RECOGNITION
Mayor Quiambao, Isa sa mga Nutrition Champion sa Rehiyon
Bayambang MNAO, Top Performer sa Pangasinan
No comments:
Post a Comment