Saturday, July 3, 2021

LGU Accomplishments - June 2021

GOOD GOVERNANCE

BYB Millennial Challenge, Launched

Bilang parte ng 2021 Independence Day celebration, inilunsad ni Mayor Quiambao, sa pamamagitan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, ang Millennial Challenge, kung saan inaanyayahan ang lahat ng Sangguniang Kabataan na mag-isip ng proyekto para sa kanilang sariling barangay base sa limang sektor ng Bayambang Poverty Reduction Plan o BPRP. Ang mga magwawaging proyekto ay gagawaran ng pondo upang maisakatuparan ang mga ito.

SOMA 2021: Rising Up to the Challenge with New Normal Innovations 

Sa kanyang ika-limang State of the Municipality Address na ginanap noong June 30 sa Balon Bayambang Events Center, iprinesenta ni Mayor Quiambao ang mga naging programa at proyekto ng lokal na pamahalaan sa nakaraang taon bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga Bayambangueño at pagpatuloy ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan sa gitna ng pandemya. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya ang mga ginawang inobasyon ng LGU sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya upang mabilis na masolusyunan ang iba’t-ibang hamon ng panahon sa bagong normal. Ating sulyapan ang mga naging kaganapan sa araw na iyon sa videong ito.

Komprehensibong Serbisyo Goes to San Gabriel 2nd

Noong June 4, nagpatuloy naman sa Barangay San Gabriel 2nd Covered Court ang Komrehensibong Serbisyo sa Bayan upang pagsilbihan ang magkakaratig-barangay sa District 5. Gaya ng inaasahan, daan-daang residente ang naging benepisyaryo ng mga serbisyo, hindi lang medikal, kundi pati mga serbisyong mula sa lahat ng departamento ng LGU.

Komprehensibong Serbisyo, Nagbalik sa Pantol

Noong June 10, dinala ng Munisipyo ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year IV sa Pantol Evacuation Center, Brgy. Pantol upang maghatid ng iba’t-ibang serbisyo ng LGU-Bayambang.

Kabilang sa mga dumating ay si Mayora Niña Jose Quiambao, na dumalo sa unang pagkakataon. Nagbigay ng galak sa mga mamamayan ng Pantol si Mayora Niña nang siya ay magbigay ng surpresa sa pamamagitan ng pamamahagi ng grocery package, bigas at vitamins. Bilang parte ng pag-obserba ng National Earthquake Drill, itinuro naman ni MDRRMO head Genevieve U. Benebe ang mga dapat gawin kung sakaling magkaroon ng lindol. 

Komprehensibong Serbisyo sa Bayan, Nagpatuloy sa Manambong Sur 

Sa ika-apat na pagkakataon ay muling naging host ang Manambong Sur para sa Komprehensibong Serbisyo para sa Bayan, at gaya ng dati, ito ay ginanap sa Manambong Sur Evacuation Center. Ang tinaguriang "Manambong Trio" na binubuo ng Manambong Norte, Manambong Sur, at Manambong Parte, ay sumunod na tumanggap ng iba't ibang serbisyo ng lokal na pamahalaan ng Bayambang noong Hunyo 18, 2021. Naging mainit ang pagtangkilik ng lahat sa programa sapagkat hindi rin ipinagpapaliban ng mga opisyales ng LGU ang pagsuporta sa lahat ng serbisyong pampubliko gaya nito gaya ng medical at dental, agricultural, at social services.

LIVELIHOOD & EMPLOYMENT

6 Beneficiaries Receive DSWD Seed Capital Fund

Noong ika–17 ng Mayo, ang anim na pamilyang inendorso ni Mayor Cezar Quiambao sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ay nakatanggap ng Seed Capital Fund (SCF) mula sa Department of Social Welfare and Development–Sustainable Livelihood Program (DSWD–SLP). Ang SCF ay kanilang gagamitin bilang panimula o karagdagang puhunan para sa kanilang kanilang napiling hanapbuhay.

Virtual Job Fair, a Success

Naging matagumpay ang inilunsad a Virtual Job Fair ng Municipal Public Services Office sa tulong ng Department of Labor and Employment. Daan-daan ang nakisali gamit ang computer o cell phone upang mag-apply sa iba't-ibang job vacancies na inanunsyo ng iba't-ibang participating companies. 

DA-ATI, Nagpa-Training sa Cassava Production and Value-Added Processing

Noong June 22-24, nagsagawa ng tatlong araw na pagsasanay sa cassava production and value-added processing ang Agricultural Training Insitute-Region 1 ng Department of Agriculture para sa mga magsasaka ng Brgy. Ambayat 1st.  Tinalakay din ang wastong pagtatanim ng cassava upang mas mapalawig pa ang produksyon sa Bayambang. Nagkaroon din ng training sa paggawa ng iba't ibang luto ng cassava. At bilang post-training support, nagpamahagi rin ng ATI ng mga kagamitan sa pagluluto ng cassava tulad ng oven at grater sa mga magsasakang nais ng value-added livelihood. 

FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION

Tax Campaign, Patuloy sa mga Barangay

Patuloy ang pagpupursige ng Assessor's Office upang magkaroon ng positibong pananaw ang ating mga kababayan ukol sa pagbabayad ng buwis. Nitong May 31, sila ay nagtungo sa Tatarac upang magsagawa ng appraisal ng buildings, commercial establishments, at iba pang taxable and non-taxable properties. Namahagi rin sila ng Owner's Copy of Tax Declaration sa mga residenteng nagsipagbayad ng amilyar.

Assessor Office, Nagconduct ng Verification Survey sa Langiran 

Noong June 29, nagconduct ang Assessor's Office ng verification survey sa Brgy. Langiran upang malaman ang right of way sa lugar at magkaroon ng just compensation para sa mga apektadong landowners

HEALTH 

RHU 1 Sanitary Inspector Conducts WASH Orientation 

Isang orientation tungkol sa water sanitation and hygiene (WASH) ang ibinigay ni RHU 1 Sanitary Inspector, Danilo Rebamontan, para sa mga kapwa health workers ng RHU noong June 7 sa RHU Conference Room. Ang mga kaalamang kanyang ibinahagi ay nakatakdang ipasa ng RHU personnel sa mga barangay health workers upang matuto sila ng mga alituntunin kung sakaling may pagbaha at iba pang kalamidad.

Weighing and Immunization of Infants, Done Monthly by RHU Personnel  

Ang pagtimbang at immunization para mga 0 to 12 month-old na mga sanggol say isinasagawa ng mga health workers ng ating RHU kada buwan sa iba't-ibang barangay ng Bayambang. Ito ay upang makaiwas ang mga sanggol sa mga sakit na maaaring puksain gamit ang bakuna. 

Libreng Pagpapaanak, Patuloy sa RHU 1 at 2

Sa gitna ng pandemya, patuloy sa LIBRENG pagpapaanak ang ating mga health workers sa RHU 1 at RHU 2. Ang dalawang pasilidad na ito ay pawang Department of Health- at PhilHealth-accredited. Malaking katipiran para sa mga benepisyaryo ang libreng serbisyong ito ng pamahalaang lokal sa tulong ng DOH.

Senior Citizens, Kabilang sa Bagong Batch ng Nabakunahan

Noong June 14, matagumpay na nabakunahan ang bagong batch ng Bayambangueno, salamat sa pagpupursige ng Task Force Bakuna sa ilalim ni Ret. Col. Leonardo F. Solomon at Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo. Sa 536 indibidwal na nagparehistro, may 510 katao ang nabakunahan, at may 26 na pina-reschedule ang vaccination dahil sa pagtaas ng kanilang presyon. Karamihan sa mga bagong nabakunahan ay senior citizens. Ang latest development na ito ay resulta ng direktang pagsulat ng liham ni Mayor Cezar Quiambao sa Department of Health kung saan siya ay humingi ng adisyunal na vaccines para sa kanyang mga nasasakupan. Kaya't sa mga interesado, maaaring magpaprofile na sa kanilang Barangay Health Worker (BHW) at sabihin sa kanila kung gustong magpabakuna para sila ay unahin sa vaccination day.

Dugong Alay, Tulong na Bukal ng mga Bayani sa Bagong Normal 

Noong June 21, ang mga tinaguriang bayani sa ‘bagong normal’ ay naging matagumpay sa isa na namang Mobile Blood Donation sa Balon Bayambang Events Center sa pag-oorganisa ng Rural Health Unit I at II at sa pakikipagtulungan ng Region 1 Medical Center at Rotary Club of Bayambang. Kasama sa mga naging recruiters ng blood donors ang Local Council of Women, at namigay naman ng libreng t-shirt ang Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. para sa mga donors.

LEGISLATIVE WORK

Daing Ukol sa BayWad at CENPELCO, Tinugunan ng SB

Isang public hearing ang ginanap noong June 28 sa Sangguniang Bayan Session Hall, kung saan ipinatawag ng Sangguniang Bayan ang mga representante ng CENPELCO at BayWad, upang magpaliwanag at maaksyunan ang mga hinaing ng taumbayan ukol sa kanilang serbisyo. Dito ay sinagot ng dalawang kumpanya ang mga katanungan ukol sa madalas na pagkakaroon ng brownout at madalas na paghina o pagkawala ng tubig. Humingi naman ng dispensa ang dalawang kumpanya at nangakong gagawin ang lahat upang makapagbigay ng mas maayos na serbisyo.

EDUCATION

PSU-BC, Nagbigay ng Training para sa CDWs

Ang Pangasinan State University-Bayambang Campus sa pangunguna ni Campus Executive Director, Dr. Liza Quimson, ay nakipagtulungan sa Municipal Social Welfare and Development Office upang makapagbigay ng free extension services sa 75 Child Development Workers (CDWs) ng Bayambang. Ito ay sa pamamagitan ng tatlong araw na face-to-face training at weekly online training hanggang Marso. Nagsimula ang opening program ng naturang training noong June 22 sa Balon Bayambang Events Center. 

Lions Club Donates Classroom to Cason ES

Kamakailan ay pinasiyaan ng Bayambang Bayanihan Lions Club ang isang classroom sa Cason Elementary School sa Brgy. Sancagulis sa tulong ng Lions Club International 301-C Northern Philippines. Kabilang sa mga nagbigay ng tulong upang mabuo ang classroom ay sina Mayor Quiambao, Vice-Mayor Sabangan, at mga municipal councilors.  Sa turnover ceremony noong June 27, naroon ang Charter President na si Rainier Gutierrez at District Governor Robert Ranchez. Ang susi ng classroom ay malugod na tinanggap ng buong Cason ES teaching force sa ilalim ni Principal Janet Macam.

OTHER SOCIAL SERVICES

CDWs, Tumanggap ng Incentives

Sa buwanang pagtitipon ng mga Child Daycare Workers (CDW) na inorganisa ng MSWDO sa Events Center noong June 3, pinag-usapan ang akreditasyon ng mga Child Development Centers (CDCs), ang nalalapit na pagsasanay ng mga CDWs, ang implementasyon ng Early Childhood Care and Development-Information System (ECCD-IS), at ang recognition rites na magaganap sa July 10. Pagkatapos ng pagpupulong, muling nakatanggap ang mga CDWs ng quarterly cash incentives. At sa inisyatibo ni Mayor Cezar Quiambao, nadoble ang kanilang incentives. Mula P1,000, ito ay ginawang P2,000. 1st Virtual Job Fair, Naging Matagumpay

Empowering Women through Self-Care

Bilang parte ng pag-oorganisa ng MSWDO ng community-based women's groups sa 77 barangays ng Bayambang, nagkaconduct ang RHU I ng serye ng lecture ukol sa self-care, maternal care, at child care sa mga myembrong kababaihan. ...Sapagkat ang malusog na kababaihan ay nangangahulugan ng malusog na pamilya at malusog ding kabataan.

STAC Students, Sinorpresa ni Mayor at Mayora ng Regalong Gadgets; Parents ng STAC Students, Sinorpresa Rin

Sa inisyatibo ni Sangguniang Bayan Committee Chairman on Social Services, Councilor Benjamin "Benjie" S. de Vera, may 14 na aktibong mag-aaral ng Stimulation Therapeutic Activity Center ng Bayambang ang tumanggap ng tig-isang tablet galing sa opisina ni Mayor Cezar Quiambao. Ito ay bilang pagtugon sa kanilang kahilingan na magkaroon ng kagamitan sa pag-aaral lalo na sa panahong ito na importante ang electronic gadgets upang makapag-aral online. 

Kinabukasan ay panibagong sorpresa ang inihatid nina Mayor Cezar at Mayora Niña para sa mga magulang ng mga pupils ng Stimulation Therapeutic Activity Center (STAC)-Bayambang. Ang mga ito ay binigyan din tig-iisang smartphone at grocery package. Naging posible ang mga pasorpresang ito sa tulong nina Local Youth Development Officer Johnson Abalos at Councilor De Vera.

Victory Church Bayambang, Muling Namigay ng Food Treats sa CWDs 

Limampung Children with Disability (CWD) ang tumanggap ng food pack na naglalaman ng masustansyang pagkain mula sa Victory Church Bayambang, sa pakikipag-ugnayan sa Stimulation and Therapeutic Activity Center (STAC) noong June 26. Sa taunang handog na ito ng Victory Church, nagkaroon din ng medical check-up para sa mga bata sa tulong ng mga Rural Health Units, at nabigyan din sila ng bitamina galing sa Municipal Nutrition Action Office (MNAO).

PWDs Receive Assistive Devices

Inihatid ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), kasama si Councilor Martin Terrado II, noong June 24-26 sa tahanan ng 17 Persons with Disability (PWD) mula sa iba’t ibang barangay ang mga assistive devices kabilang ang15 adult wheelchairs, 2 adult walkers, at isang pares ng crutch. Ang mga assistive devices na ito ay makatutulong upang mapagaan ang kanilang pang-araw-araw na gawain.

Feeding Activity, Isinagawa ng MANGOs sa Zone V

Patuloy ang Bayambang MANGOs sa pagsasagawa ng mga aktibidad bilang suporta sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Administrator's Office at CSO Desk. Noong June 26, ang mga member organizations ng MANGOs ay nagsagawa ng isang feeding activity sa ilalim ng Adopt-a-Barangay Nutrition Development Program sa Zone V. Nanguna ang Xtreme Riders sa aktibidad, kasama ang Eagle Squad of Pangasinan at sa pakiki-ugnayan sa Brgy. Zone V officials at Health Worker nito. Ang grupo ay namahagi sa mga kabataan ng sopas, nilagang itlog, at ice cream, at nagbigay din ng mga face mask.

PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY

POSO, Muling Nakasabat ng mga Magnanakaw

A. Sa pamumuno ni Bayambang Public Order and Safety Office (POSO) Chief Col. Leonardo Solomon, muling nakasabat ng mga magnanakaw ang mga roving security patrol ng POSO. Noong June 10, sa Brgy. Bani, namataan ang isang bata lumabag sa curfew at dala ang isang mountain bike na tinangay pala mula sa may-ari na taga-Brgy. Goliman, Malasiqui. Nakatakas ang salarin, subalit naibalik sa may-ari ang mountain bike. 

B. Noon namang June 12, nakasabat ng mga traffic enforcer ang isa pang magnanakaw bunsod ng isang reklamo ng isang may-ari ng klinika sa bayan. Ayon sa salaysay ng may-ari, natangay ang kanyang bag na may P20,000 habang walang tao sa klinika. Nahuli ang suspek na taga-Brgy. Matalaba, Lingayen, at kaagad na naibalik ang pera sa biktima.

POSO, Todo Suporta rin sa mga Community Pantry

Nakiisa ang LGU sa pagsuporta sa mga community pantry sa Bayambang sa pamamagitan ng mga security force ng POSO. Noong June 12, sa loob ng Municipal Plaza, naroon ang presensiya ng POSO upang mapanatili ang kaayusan at pagpapatupad ng mga health protocol gaya ng social distancing sa ating mga kababayan na nagtungo sa community pantry na inorganisa ng Binibining Bayambang sa tulong ng Local Council of Women.

Paghihigpit sa Bagsakan, Tuluy-Tuloy

Patuloy ang araw-araw na pagbabantay at pagmomonitor sa Bagsakan ng PNP, POSO and Office of the Special Economic Enterprise, upang masiguro ang pag-obserba ng mga minimum health protocol sa lugar. Matatandaang ilang beses na pansamantalang ipinasara ang Bagsakan at Public Market area noong nakaraang taon matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang tindero at stall owner’s dito pati na ang ilang miyembro ng kanilang pamilya.

Special Meeting and Orientation, Isinagawa ng BPSOF

Noong Hunyo 20, nagsagawa ang Barangay Public Safety Officers Federation, sa ilalim ni BPSOF President Rodel Mecate, at sa tulong ng Bayambang Municipal Association of NGOs, ng isang Special Meeting and Orientation sa Balon Bayambang Events Center. Dito ay tinalakay bilang refresher course ang roles and responsibilities ng BPSOs o Civilian Volunteer Officers.

TOURISM, CULTURE & ARTS

DOT-R1 at PTCAO, Bumisita

Bumisita sa Bayambang ang Department of Tourism – Region 1 at ang Pangasinan Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) noong June 8 upang i-assess ang idustriya ng turismo sa bayan.  Ang kanilang grupo ay binati nina Mayor Cezar Quiambao at Supervising Tourism Operations Officer Rafael L. Saygo kung saan ipinresenta niya ang mga plano ng Lokal na Pamahalaan sa inaasahang pagbisita ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat at Regional Director Jeff Ortega. Matapos ang presentasyon ay sinamahan naman ng MTCAO ang mga bisita sa mga tourism sites ng Bayambang.

Mga Produktong Bayambangueño, Kabilang sa Food Mapping ng DOT-R1

Noong ding araw na iyon ay sinamahan gn MTCAO staff ang mga bisita upang tikman nila ang buro at gipang ng Bayambang upang maging kabilang sa Department of Tourism – Region 1 food mapping project. Sila ay sinamahan sa pagawaan ng buro sa Brgy. Bongato East at sa pagawaan ng gipang sa Brgy. Amanperez. Ang dalawang produktong ito ay ipinagmamalaking gawa at inobasyon ng mga Bayambangueño na kabilang sa mga nagpapayaman ng kultura ng Bayambang.

Bayambang Marks 123rd Independence Day

Ipinagdiwang ang ika-123 na Araw ng Kalayaan noong ika-12 ng Hunyo sa Balon Bayambang Events Center. Sa pangunguna ng Municipal Tourism and Cultural Affairs Office, sinariwa sa alaala ng mga Bayambangueño ang kabayanihan ng ating mga kapwa Pilipino na ipinaglaban ang kalayaan ng bansa mula sa mga dayuhan. Ang pagdiriwang na ito ay alinsunod sa direktiba ng DILG na ipaalam sa bayan ang mga prinsipyo at values sa mahalagang yugtong ito ng kasaysayan.

Tourism Secretary Berna Romulo Puyat, Bumisita

Bayambangueños, sinalubong si DOT Secretary Bernadette Puyat Sa kauna-unahang pagkakataon ay bumisita sa Bayambang ang Department of Tourism Secretary - Bernadette Romulo-Puyat, kasama si DOT Regional Director Jeff Ortega. Ang Bayambang ang unang-unang binisita ni Secretary Puyat sa buong Pangasinan bilang parte ng kanyang layunin na i-promote ang iba’t ibang destinasyon sa probinsya. Bagamat maiksi ang kanyang oras ay siniguro ng Tourism Office, sa pangunguna ni Ginoong Rafael Saygo, na naipakita sa sekretarya ng turismo at sa kanyang buong grupo ang mga maipagmamalaki nating mga kultura at produkto - kabilang ang Saint Vincent Ferrer Prayer Park at ang Saint Vincent Parish Church. Ito ay patunay na ang turismo sa bayan ay patuloy na yumayabong at ang Bayambang ay unti-unti nang nakikilala sa buong bansa.

AGRICULTURAL MODERNIZATION

Bagong Allocation ng Rice Seeds mula DA, Dumating

Dumating ang unang batch ng hybrid rice seeds na alokasyon ng Bayambang mula sa Department of Agriculture sa ilalim ng Rice Banner Program nito. May 3,520 bags ng 15 kilograms ng palay ang nakatakdang ipamahagi sa mga lokal na magsasaka. Sa kabuuan ay may halagang P15,840,000 ang alokasyong alay mula sa DA.

Training Seminar on Hatchery Management and Culture of Tilapia and Hito

Noong June 7, 8, 9 and 10, naglunsad ang Municipal Agriculture Office ng apat na araw ng Training-Seminar on Hatchery Management and Culture of Tilapia and Hito sa Langiran Elementary School sa tulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Kabilang sa mga aktibidad ang benchmarking activity sa Salayog Hatchery sa Brgy. Bacnono. Dito ay naging participants ang 40 na katao mula sa Brgy. Tampog, San Vicente, Paragos, Langiran, at Apalen, at Asin, at karamihan sa kanila ay mga kabataan.

Bagong Batch ng Farmers, Sumali sa RiceBis Year 2

Muling nagbabalik ang Rice Business Innovation System project ng Philippine RIce Research Institute o PhilRice sa bayan ng Bayambang. Kamakailan ay nagumpisa na ang dalawang batch ng participants para sa Farmers Field School. Mayroong 100 farmer participants kada batch mula sa District 1 at 4 sa Brgy. Dusoc Covered Court at sa District 6 at 7 sa Brgy. Macayocayo Covered Court.

Farmers’ Field School, Nag-Umpisang Muli

Ang pangalawang batch ng RiceBIS Community na itinatag ng PhilRice sa Bayambang ay sumabak na sa kanilang pangalawang session para sa wet season ng taong 2021. Ang mga kasapi ay magkahiwalay na umattend ng  Farmers’ Field School sa Brgy. Dusoc at sa Brgy. Macayocayo, sa tulong ng Municipal Agriculture Office at BPRAT.

Cash Assistance para sa mga Biktima ng Harabas, Ibinigay Na 

Noong June 11, nagpamahagi ng cash assistance ang LGU Bayambang sa tulong ng MDRRMO, Department of Agriculture, at Treasury Office sa mga biktima ng harabas sa bayan ng Bayambang.  Umabot ng P827,227.50 ang halaga ng naipamigay na tulong sa 15 na barangay na binubuo ng 415 na benepisyaryo. Ayon sa Treasury Office, ang susunod na iskedyul ng pamimigay ng cash assistance ay sa susunod na linggo, sa June 22.

ECONOMIC DEVELOPMENT

"Orientation on 'Koop Kapatid Program'", Isinagawa ng CDA

Sa inisyatibo ni Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr., bilang Chairman ng CSOs and Cooperatives, nagkaroon ng isang "Orientation on 'Koop Kapatid Program'" ang Cooperative Development Authority sa Balon Bayambang Events Center noong June 17. Nanguna sa nasabing aktibidad ang mismong Regional Director ng CDA Region I, Gng. Josefina Bitonio. Ito ay isang karagdagang orientation para sa mga kooperatiba kung paano mas mapapanatiling matibay ang mga ito, maliit man sila o malaki, sa pamamagitan ng pagtulong ng mga malalaking kooperatiba sa mga maliliit na kooperatiba.

MCDO Meets with Paragos Co-op

Noong June 22, nagdaos ng pagpupulong ang Municipal Cooperative Development Office kasama ang Brgy. Paragos Agriculture Cooperative sa Brgy. Paragos Covered Court. Layunin ng pulong na mapalakas pa ang operasyon ng naturang kooperatiba at maging matagumpay sa kanilang layuning umunlad.

INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT

Evaluation ng Ating PRDP Proposal, Nagpatuloy

Tuluy-tuloy pa rin ang evalution ng national offices sa ating application para sa World Bank-funded project sa ilalim ng Philipine Rural Development Project ng Department of Agriculture. Dahil dito ay nakipagpulong si Mayor Cezar Quiambao sa Regional Project Coordinating Office, National Project Coordinating Office, at Project Support Office ng ahensya. Ang PRDP Technical Working Group naman ay nag-conduct ng panibagong ocular inspection ng mga lugar na pagagawan ng bagong daan at tulay sa San Gabriel 2nd.

Geodetic Survey para sa PRDP, Isinagawa

Nagsagawa naman ang Assessor's Office geodetic engineer at ang kanyang team ng Phase 1 river crossing surveys para sa cross-section at IBUILD (Intensified Building Up of Infrastructure for Logistics and Development) purposes sa Mananzan River spillway section sa Brgy. San Gabriel 2nd bilang parte pa rin ng ating aplikasyon para sa 'Improvement of San Gabriel 2nd Road with Bridge Project' na popondohan sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP) ng DA.

Assessor, Legal Officer, Nangalap ng Datos para sa Panukalang PRDP Project

Noong June 14, nagtungo ang Municipal Assessor's Office kasama si Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brillante, sa Brgy. San Gabriel 2nd upang mangalap ng datos tungkol sa estado ng mga pananim na maaapektuhan ng panukalang "Farm-to-Market-Road with Bridge Project" sa ilalim ng Philippine Rural Development Program ng Department of Agriculture.

Covered Court in Bical Sur

Covered Court in Mangayao

Covered Court in Manambong Norte

On-going Construction of Covered Court Bleacher and Painting Works in Brgy. Dusoc

On-going Construction of Flood Control/Drainage System in Brgy. Wawa

On-going Construction of Access Road at Sitio Balangobong, Brgy. Tambac

Covered Court in Amancosiling Norte

Barangay Hall in Bani

Side Walk/Road Widening in Sapang

Municipal Hatchery in Langiran

Update: RHU 5 in Brgy. Pantol

Balon Bayambang Museum, Itatayo Na!

Ongoing: Construction of Multi-Purpose Hall in Brgy. Amanperez

Ongoing: Construction of Multi-Purpose Hall in Brgy. Sancagulis

Completed: Stone Masonry in Ataynan-Bacnono Roadline

Completed: Core Local Access Road at Sitio Balangobong, Brgy. Tambac

Completed: Core Local Access Road at Avocado St., Brgy. Bical Norte

ENVIRONMENTAL PROTECTION

Bayambang ESWMO at MRF, Kinilala sa Regional ESWM Summit 

Noong Hunyo 22, binigyan ng pagkilala ang LGU-Bayambang sa ginanap na virtual summit, ang 5th Region 1 Ecological Solid Waste Management Summit and Recognition. Dito ay kinilala ang pag-apruba sa 10-Year Solid Waste Management Plan ng Bayambang at ang "outstanding practices in recycling activity" ng ating Materials Recovery Facility sa Brgy. Telbang, alinsunod sa Ecological Solid Waste Management Act. Ayon sa Solid Waste Management Office, ang Bayambang ay isa sa 13 lamang na munisipalidad sa probinsya ng Pangasinan na may aprubadong 10-Year Solid Waste Management Plan.

MANGOs, Muling Nag-Clean-Up Drive

Noong May 22 ay muling nagsagawa ng clean-up drive ang Bayambang Municipal Association of NGOs sa iba't-ibang lugar sa bayan. Iba't-ibang kasaping organisasyon mula sa pribadong sektor ang muling nakilahok upang magbayanihan para sa inang kalikasan at para sa kaayusan at kalinisan.

DISASTER RESILIENCY

Site Assessment in Ataynan & Bacnono

Nagsagawa ng site assessment ang MDRRMO kasama ni CSFirst Green Forester, Mr. Webon Lomong-oy, sa Brgy. Ataynan at Bacnono noong ika-1 ng Hunyo. Ang isinagawang site assessment ay para sa proyektong "Agno River Rehabilitation" ng LGU sa tulong ng MDRRMO at CSFirst Green.

"Mag OSH-UP Tayo!"

Noong May 27 at 28, umattend ang MDRRMO sa isang serye ng webinar na handog ng Occupational Safety and Health Center at Department of Labor and Employment Regional Office 5. Kabilang sa mga pinag-usapan dito ay kung papaano masisiguro ang indoor air quality sa opisina upang maging ligtas ang lahat sa nakahahawang sakit. 

Bagyong Dante, Pinaghandaan ng MDRRMC

Noong June 2, nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) patungkol sa Bagyong Dante. Pinangunahan ni Local DRRM Officer Genevieve Benebe ang assessment maging ang pagpupulong sa MDRRM Office. Kabilang sa mga paghahandang isinagawa ay ang pagmonitor sa bagyo, preparasyon ng mga sasakyan, relief goods at rescue equipment, at pagkalat ng impormasyon sa lahat ng residente lalo na sa mga lugar na kung saan madalas ang pagbaha.  Ipinaalala sa lahat na maging handa upang maging ligtas sa sakuna.

Completed: MDRRMO's Distribution of Donated Housing Materials 

Nakumpleto kamakailan ng MDRRMO ang distribusyon ng mga construction materials na dinonate ni Mayora Niña Jose-Quiambao sa mga sinalanta ng Bagyong Ulysses noong nakaraang Nobyembre. Ang mga materyales ay kinabibilangan ng 2,000 piraso ng yero at mga construction materials upang makabuo ng isang bahay na magsisilbing evacuation area sa Brgy. Paragos para sa anim na pamilya sakaling magkaroon ng baha. May 573 na pamilya ang naging benepisyaryo ng donasyon ni Ma'am Niña na nagkakahalaga ng P548, 849.

MDRRMO, Nakiisa sa 2Q NSED

Noong June 10, sa alas nuwebe ng umaga, ginanap ang 2nd Quarter Online Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (ONSED). Patuloy ang pakikiisa ng MDRRMO sa ONSED at pagmomonitor sa lahat ng mga pribado at pampublikong eskwelahan, 77 na barangay, at ang LGU-Bayambang na pawang nakibahagi sa kaganapang ito. 

MDRRMO, Nagkabit ng Hazard Signages 

Umpisa na panahon ng tag-ulan ngayong buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre. Kaya’t bilang preparasyon, nagsagawa ng assessment sa 43 na bahaing barangay ang MDRRMO Operation and Early Warning team sa pangunguna ni Ms. Genevieve Benebe. Ito ay upang masiguro na maayos ang mga hazard signages sa mga naturang barangay.

2nd Quarter Monitoring ng Early Warning Bell, Isinagawa

Kasabay ng paghahanda sa tag-ulan, muling nagsagawa ng monitoring ang MDRRMO sa mga ipinamahaging early warning bells noong Abril. Mahalagang bawat barangay ay maging handa upang maging ligtas sa sakuna. 

AWARDS & RECOGNITION

Dr. Vallo, Pangasinan Medical Society Community Service Awardee

Noong June 27, binigyang parangal ng Pangasinan Medical Society si Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, sa kategorya ng Community Service, sa idinaos na awarding ceremony ng samahan sa Alaminos Convention Center, Alaminos City, Pangasinan. 

SDO1, Nagpasalamat kay Mayor CTQ

Sa pagpupulong ng Local School Board sa Niñas Cafe, kinilala ng Department of Education Region I Schools Division Office I Pangasinan ang naging pagsuporta ni Mayor Cezar Quiambao at ng kanyang Kasama Kita sa Barangay Foundation sa kanilang naging Learning Continuity Plan for Basic Education in SDO 1 Pangasinan for the School Year 2021-2021. Nauna nang iginawad ang naturang pagkilala noong ika-11 ng Hunyo sa ginanap na Division Partnerships Program ng SDO 1 Pangasinan sa Lingayen, Pangasinan.

No comments:

Post a Comment