“Isa sa pinakamalaking sanhi ng kahirapan sa bayan ay ang pagkakaroon nito ng sakiting mamamayan.” Ang katotohanang ito ang isa sa pumukaw sa atensyon ng alkalde ng bayan na si Dr. Cezar T. Quiambao nang kanyang inilunsad ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan.
Parte
ng Rebolusyon ang pagbibigay niya ng pokus sa sektor ng pangkalusugan, lalo na
sa nutrisyon, kaya’t binuo niya ang Municipal Nutrition Action Office (MNAO) upang
maging daan para masolusyunan ang malnutrisyon na minsa’y naging talamak sa
Bayambang.
Tuwing
buwan ng Hulyo, ipinagdiriwang ang Nutrition Month kung saan ay mas nalilinawan
at nabibigyang-kaalaman ang publiko sa kahalagahan ng opisinang ito at ng mga
aktibidad, proyekto at programang isinasagawa nito.
At
gaya ng nakasaad sa tema para sa taong 2021 – “Malnutrisyon Patuloy na Labanan,
First 1000 Days Tutukan” – mayroon nang programa at aksyon na ginagawa ang MNAO
mula sinapupunan pa lamang hanggang sa paglaki ng bata upang masiguro ang hangarin
nitong “healthy mommy at healthy baby.”
Ilan dito ay ang 90-Day Dietary Supplementation Program for Pregnant
Women at Infant and Young Child Feeding Program na pawang nakapaloob sa Early
Childhood Care and Development - First 1000 Days Program ng National Nutrition
Council.
Ayon
sa pag-aaral ay natuklasan ng mga staff ng MNAO na isa sa pinaka-epektibong paraan upang malabanan
ang malnutrisyon ay maisasagawa na sa first 1000 days of life na magsisimula sa
pagbubuntis pa lamang. Sa mga naturang programa, mga masusustansyang pagkain
gaya ng gulay, prutas, itlog at iba pa ang ipinamimigay sa mga buntis na may
mababa, mataas at normal na body mass index o BMI, sa tulong ng National
Nutrition Council. Dahil sa pagiging epektibo nito ay ipinagpapatuloy na ng lokal
na pamahalaan ang programa gamit ang sariling pondo.
Mga
forum naman ukol sa tamang paraan ng pagpapasuso ang madalas na isinasagawa rin
ng MNAO sa bawat barangay katuwang ang RHU upang masigurong healthy at
nutritionally sound ang mga infant. Ang programang ito na naayon sa Milk Code ay
mas pinaigting pa dahil na rin sa COVID-19 pandemic na kung saan ay wala pang bakuna
na angkop sa edad ng mga bata at tanging breast milk pa lamang ang first line
of defense nila laban sa mga sakit.
Upang
mamonitor kung sinu-sino, ilan at nasaan ang mga bata na mas nangangailangan ng
agarang suportang pangkalusugan ay nakikipagtulungan sa RHU ang opisina para sa
Operation Timbang Plus upang maassess ang nutritional status ng bawat bata. Mayroon
ding Checklist for Child Developmental Milestone Assessment na isinasagawa
upang makita kung may delay ba sa kanilang development. Lahat
ng naassess
sa OPT Plus na mga malnourished, underweight, stunted at wasted ay inienrol sa
Routine Dietary Supplementation Program for 6-59 Month-Old Children sa loob ng
tatlong buwan upang maisailalim sila sa rehabilitasyon upang masiguro ang
kanilang recovery.
Sa
inisyatibo ng Nutrition Office ay taunan ding nabibigyan ng free weight
calibration sa tulong ng Department of Science and Technology ang mga timbangan
na ginagamit sa 77 na barangay ng Bayambang upang masiguro na maayos at wasto ang
timbangan at maiwasan ang false positive result sa malnutrisyon. Dito ay
mapapansin na full support din sa mga barangay ang opisina upang maimprove ang kanilang
kagamitan sa pagmomonitor ng kalusugan ng mga bata.
Sila rin ay nagsasagawa
ng training para sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) – na sa ngayon ay 77
na mula sa dating 20 lamang. Ang mga BNS ang nagiging focal person ng bawat
barangay, at nagiging daan rin sila upang maapbrubahan ang Nutrition Plan ng
kada barangay.
Tuluy-tuloy
rin ang kanilang pamimigay ng food packs na naglalaman ng mga gulay at prutas
na sariling ani ng ating mga magsasaka sa bayan sa tulong ng Municipal Agriculture
Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office. Mayroon ding multivitamins na ibinibigay sa
lahat ng batang Bayambangueño, malnourished man o hindi.
Minomonitor
at hinihikayat din ng MNAO ang lahat ng mga bakery, retail store, at school
canteen na gumamit at magbenta ng mga fortified product para mapanatiling
masusustansyang pagkain ang nakukunsumo ng mga Bayambangueño alinsunod sa Food
Fortification Act RA 8976.
Lingid
sa kaalaman ng nakararami, ito ay ilan lamang sa mga gawain ng MNAO upang
itaguyod ang wastong nutrisyon sa ating bayan upang ang lahat ng kabataan ay lumaking
malusog at produktibong miyembro ng pamayanan.
No comments:
Post a Comment