Bayambang, Dapat
Alam Mo!
Kung may balak kang magnegosyo, dapat
alam mo na may proseso tayong sinusunod ayon sa itinatakda ng batas hindi lang
sa Bayambang, kundi sa buong bansa.
Kung tayo ay magbabasa sa ating
tinatawag na Citizen's Charter, ang isang bagong negosyante ay kinakailangang
magsumite ng mga sumusunod na dokumento:
- Barangay Business Clearance mula sa
barangay na iyong pagtatayuan ng negosyo
- DTI Certificate kung ikaw ay isang
single proprietor, o Securities and Exchange Commission (o SEC) Certificate
kung kayo ay isang korporasyon, o Cooperative Development Authority Certificate
kung kayo ay isang kooperatiba
- Sworn Declaration of Capitalization
mula sa notary public
- Occupancy Permit mula sa building
official o sa Engineering Office
- Sanitary Permit o Health Certificate
mula sa Rural Health Unit
- at Fire Safety Inspection
Certificate mula sa Bureau of Fire Protection
Kinakailangan ang lahat ng mga
naturang requirements upang masigurong lehitimo at ligtas para sa lahat ang
inyong napiling negosyo.
Sa ngayon, mayroon tayong tinatawag na
BOSS o Business One-Stop Shop, kung saan nakahilera na sa Treasury Office ang
mga staff ng iba't ibang departamento at ahensya na tatanggap ng inyong mga
requirement.
Mayroon din tayong e-BOSS kung saan
maaari kang mag-apply sa webpage na ito:
[MIKE: pls FLASH] https://bpbc.ibpls.com/bayambangpangasinan
Kaya't Bayambang, dapat alam mo na
hindi totoong napakahirap mag-apply for business permit.
Hindi rin totoong napakamahal ang mga
bayarin. Bagamat gagastos ng kaunti sa mga requirements, hindi naman kamahalan
ang mga ito lalo na kung maliit lang ang iyong itatayong negosyo.
Mas mabuti na ikaw ay magpunta sa
munisipyo upang magtanong at huwag maniniwala sa mga sabi-sabi dahil iba-iba
ang binabayaran depende sa lokasyon, laki, at klase ng negosyo.
Kaya, Bayambang, ngayon ay alam mo na!
No comments:
Post a Comment