Bayambang, Dapat Alam Mo!
Kung may balak kang magnegosyo, dapat alam mo na may proseso
tayong sinusunod ayon sa itinatakda ng batas hindi lang sa Bayambang, kundi sa
buong bansa.
Kung tayo ay magbabasa sa ating tinatawag na Citizen's
Charter, ang isang bagong negosyante ay kinakailangang magsumite ng mga
sumusunod na dokumento:
- Barangay Business Clearance mula sa barangay na iyong
pagtatayuan ng negosyo
- DTI Certificate kung ikaw ay isang single proprietor, o
Securities and Exchange Commission (o SEC) Certificate kung kayo ay isang
korporasyon, o Cooperative Development Authority Certificate kung kayo ay isang
kooperatiba
- Sworn Declaration of Capitalization mula sa notary public
- Occupancy Permit mula sa building official o sa
Engineering Office
- Sanitary Permit o Health Certificate mula sa Rural Health
Unit
- at Fire Safety Inspection Certificate mula sa Bureau of
Fire Protection
Kinakailangan ang lahat ng mga naturang requirements upang
masigurong lehitimo at ligtas para sa lahat ang inyong napiling negosyo.
Kaya't Bayambang, dapat alam mo na hindi totoong napakahirap
mag-apply for business permit. In fact, mayroon tayo ngayong tinatawag na BOSS
o Business One-Stop Shop, kung saan nakahilera na Treasury Office ang mga staff
ng iba't ibang departamento at ahensya na tatanggap ng inyong mga requirement.
Mayroon din tayong e-BOSS kung saan maaari kang mag-apply sa
https://bpbc.ibpls.com/bayambangpangasinan
Hindi rin totoong napakamahal ang mga bayarin. Bagamat
gagastos ng kaunti sa mga requirements, hindi naman kamahalan ang mga ito lalo
na kung maliit lang ang iyong itatayong negosyo.
Mas mabuti na ikaw ay magpunta sa munisipyo upang magtanong
at huwag maniniwala sa mga sabi-sabi dahil iba-iba ang binabayaran depende sa
lokasyon, laki, at klase ng negosyo.
Kaya, Bayambang, ngayon ay alam mo na!
No comments:
Post a Comment