Wednesday, June 25, 2025

Monday Report - June 30, 2025

Monday Report - June 30, 2025

 

[INTRO]

NEWSCASTER 1: Masantos a kabwasan ed sikayon amin, Bayambang! Ako po si ___.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si _____, at kami po ay mula sa Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office, ang inyong katuwang sa paghahatid ng mga napapanahong balita.

NEWSCASTER 1: Mga balitang tungo sa pagbabago at patunay ng sama-samang pagkilos para sa kinabukasan.

NEWSCASTER 2: Ito ang tinig ng bayan, tinig ng serbisyo...

SABAY: …BayambangueNews!

 

[ALTERNATE KAYO RITO]

1.     Pagtukoy sa Pinsala ng mga Nagdaang Bagyo, Isinagawa

Bilang bahagi ng post-disaster assessment ng lalawigan, nagsagawa ang Office of Civil Defense Region I ng isang field inspection at validation ng mga nasirang imprastruktura sa Bayambang. Bilang tugon sa pinsalang dulot ng mga anim na nagdaang malalakas na bagyo noong 2024, kanilang tiniyak ang maayos na pagsusuri at dokumentasyon ng mga nasirang imprastruktura. Sila ay tinulungan ng MDRRMO na masukat ang lawak ng pinsala, magkaroon ng batayan sa recovery planning, at matukoy ang posibleng pondong pagkukunan para sa rehabilitasyon.

 

2.     Mayor NJQ, Namahagi ng 57 Smart TVs

 Sa ilalim ng mabuting pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kitang-kita talaga kung saan napupunta ang mga ibinabayad na buwis ng mga Bayambangueño. Noong June 23, ipinamahagi ang 57 units ng smart TV para sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at sekundarya. Ang naturang mga school equipment ay nabili mula sa pondo ng LGU at Special Education Fund, kung saan kasama rito ang donasyong sahod ni Mayor Niña.

 

3.     Graduating Councilors, Pinarangalan

Binigyang pagkilala ng LGU ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na nagsipagtapos na sa kanilang termino, bilang pagpapahalaga sa kanilang di-matatawarang serbisyo at dedikasyon sa bayan ng Bayambang. Kabilang sa mga pinagkalooban ng plake ng pagkilala sina Hon. Mylvin Junio, Hon. Philip Dumalanta, Hon. Benjie de Vera, Hon. Amory Junio, at Hon. Martin Terrado II.

 

4.     Graduating Councilors, Nagdeliver ng Valedictory Address

Matapos ang parangal, ang mga naturang konsehal ay isa-isang nagdeliver ng kani-kanilang valedictory address sa huling session ng Sangguniang Bayan, kung saan sila ay nagnilay ukol sa mga naging karanasan sa serbisyo publiko at mga naging accomplishment, kasabay ng pasasalamat sa taumbayan at sa lahat ng naging katuwang sa adhikaing ito.

Ang buong LGU at bayan ng Bayambang ay nagpapasalamat sa kanilang naipakitang mahusay na pamumuno, pagsusumikap, at matatag na paninindigan sa paglingkod sa bayan sa kabila ng mga hamon sa loob ng kanilang siyam na taong termino.

 

5.     Bagong SK Federation President, Pormal na Ipinakilala

Pormal nang ipinakilala si Hon. John Roy S. Jalac bilang bagong SK Federation President ng Bayambang noong June 23. Sa pamumuno ni Hon. Jalac, inaasahang mas paiigtingin pa ang mga proyekto at aktibidad na tutugon sa pangangailangan at kinabukasan ng kabataan sa bayan ng Bayambang.

 

6.     LGU-Bayambang at UPLB-Biotech, Lumagda sa MOA

Noong June 23, ang LGU-Bayambang ay lumagda sa isang Memorandum of Agreement kasama ang UPLB National Institute of Molecular Biology and Biotechnology sa UP Los Baños, Laguna, bilang parte ng 45h anniversary ng ahensya at upang isulong ang biotechnology research and innovations ng UP-Biotech bilang parte naman ng agricultural modernization program ng administrasyon. Naging kinatawan ni Mayor Niña si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, sa naturang MOA signing, at nanguna naman si Chancellor Jose V. Camacho Jr. sa panig ng UPLB.

 

7.     Values Formation Activity, Muling Isinagawa

Noong June 23, isang values formation activity ang muling inihatid ng HRMO para sa mga kawani ng LGU upang linangin ang kanilang mga pananaw at ugaling nakatuon sa integridad, disiplina, at malasakit sa kapwa. Ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ni Mayor Niña para sa pagpapalalim ng etikal na pamumuno at pagbibigay ng serbisyo publiko. Naging panauhing tagapagsalita sina Mrs. Maria Maila Justo at Ms. Angelus Ferrer mula sa Bayambang National High School.

 

8.     Transition Ceremony, Naging Maayos

Noong June 24, isang local governance turnover ceremony ang isinagawa ng transition team na binubuo ng outgoing at incoming officials, upang masiguro ang maayos at tuluy-tuloy na paghahatid ng serbisyo publiko matapos ang ginanap na halalan. Sa pag-upo ng mga bagong grupo ng mga nahalal na opisyal ng bayan, tiniyak na organisado at transparent ang kanilang dadatnan na lokal na pamahalaan, kabilang ang turnover ng mga dokumento, record, at pasilidad.

 

9.     Mga Kawani, Natuto sa Paggawa ng Budget

Noong June 24, isang Budget Coaching and Mentoring Session ang isinagawa ng Budget Office para sa lahat ng LGU departments at agencies upang tulungan ang lahat ng inaatasang gumawa ng budget sa mga naturang tanggapan na alamin kung paano gumawa ng budget. Kabilang sa mga tinalakay ang overview ng budget cycle, responsibilidad ng mga head at mini-buget officers, at kaugnay na issues at concerns.

 

10.  Iba’t Ibang Peace and Order Issues, Tinalakay sa MPOC-MADAC Meeting

Noong June 24, nagpulong para sa second quarter ang mga miyembro ng Municipal Peace and Order Council at Municipal Anti-Drug Abuse Council upang pag-usapan ang mga naging accomplishment ng LGU pagdating sa inisyatibo sa anti-criminality, anti-insurgency, at anti-illegal drugs, at ang security clearance application ng mga CSO member, at iba pang kaugnay na paksa.

 

11.  Mini-Job Fair, May 53 Hired on the Spot

Isang mini-job fair ang isinagawa noong June 25 ng Public Employment Services Office, kung saan may 224 total registrants, at 189 sa mga ito ang qualified, at 53 naman ang hired on the spot. Ang pagkakaroon ng job fair para sa local at overseas employment ay malaking katulungan hindi lamang sa mga Bayambangueño kundi pati na rin sa mga dumayo mula pa sa mga kalapit-bayan upang makapaghanap ng trabaho.

 

12.  2Q Social Pension Payout para sa mga Senior Citizen, Isinagawa

Mula June 23 hanggang 25, ang DSWD at MSWDO ay nagsagawa ng social pension payout para sa mga 3,509 na senior citizen beneficiaries para sa second quarter ng taon. Ito ay magkakahiwalay na idinaos sa iba't ibang lokasyon upang maiwasan ang siksikan.

 

13.  Blood Drive, May 42 Successful Donors

Isang mobile blood donation ang ginanap sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park noong June 23, kung saan may 42 successful donors out of 54 registered possible donors, salamat sa pagtutulungan ng Rural Health Unit I at Philippine Red Cross-San Carlos Chapter.

 

14.  LCR, Nag-house-to-House sa Pag-award ng Birth Certificate in SECPA

Sa unang pagkakataon, ang Local Civil Registry Office ay nagsagawa ng house-to-house awarding ng mga Birth Certificate in Security Paper (SECPA) para sa mga residenteng nag-apply na taga-Brgy. Ligue, Maigpa, Banaban, Nalsian Sur, Asin, Sancagulis at Tamaro. Kasabay nito ang pag-aasiste sa mga wala pang birth certificate sa Brgy. Banaban, Tanolong, San Vicente, Pugo, Managos, Tampog, Langiran, at Beleng. Ang LCR ay may 38 na kabuuang benepisyaryo sa nasabing serye ng aktibidad. Kasama rin dito ang Community Service Card team upang makapag-data capture at umasiste sa pagproseso ng iba pang dokumento o papeles ng Local Civil Registry.

 

15.  2Q BPRP Agri, Environmental, at Social Sectoral Meeting, Ginanap

Sa pangunguna ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, ang pulong para sa sector ng Agricultural Modernization, Environmental Protection and Disaster Resiliency, at Socio-cultural Development and Social Protection ay ginanap para sa second quarter noong June 25. Isa-isang tinalakay dito ang iba’t ibang proyekto upang patuloy ang monitoring and evaluation ng mga naturang tatlong sektor sa ilalim ng Bayambang Poverty Reduction Plan 2018-2028. Sa pagtutok sa status ng lahat ng proyekto, nalalaman kung nasaan na ang mga ito pagdating sa implementasyon.

 

16.  Good Local Governance Orientation Workshop, Isinagawa

‎Noong June 26, isang orientation workshop ukol sa good local governance ang isinagawa ng DILG bilang hakbang sa pagpapalalim ng kaalaman ng mga lingkod-bayan sa prinsipyo ng mahusay na pamamahala. Tampok dito ang pagpapaliwanag ni MLGOO Editha Soriano ukol sa pag-incorporate ng State of Local Governance Summary ng LGU sa tinaguriang Newly-Elected Officials Performing Leadership for Uplifting Service o NEO PLUS++. Sa inisyatibong ito, higit na napaigting ang koordinasyon sa pagitan ng executive at legislative branches ng gobyernong lokal.

 

17.  Sweldo ng 1,000 Benepisyaryo, Tinanggap sa Isa na namang TUPAD Payout

May mahigit na 1,000 na Bayambangueño ang nakatanggap ng kanilang sahod sa payout activity para sa Tulong Panghanap-buhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) noong June 26 -- salamat sa tulong ni Congresswoman Rachel 'Baby' Arenas. Ang batch na ito ng mga benepisyaryo ay nagmula sa mga sektor ng parents ng malnourished children, indigent psychiatric at hemodialysis patients, at teenage parents.

 

18.  Treasury, Nagdispose ng mga Laman ng Lumang Ballot Boxes

Noong June 26, binuksan ng Treasury Office ang mga ginamit na ballot box sa nakaraang barangay at SK elections noong taong 2023 upang i-dispose ang mga laman nitong balota, base sa direktiba ng Commission on Elections. Ito ay ginanap sa tulong at presensiya ng mga election stakeholders at concerned electoral parties.

 

19.   CDWs, Sumabak sa Teambuilding Activity

Ang mga Bayambang Child Development Worker (CDW) ay sumabak sa isang teambuilding activity, kung saan ang mga ito ay nakapagbonding at napagtibay ang Samahan bilang isang grupo. Kabilang sa mga naging aktibidad ang curriculum planning, parlor games, socialization night, at awarding ceremony. Ang aktibidad ay ginanap sa bayan ng Bolinao.

 

 

20.  LGU-Bayambang, Muling Tumanggap ng "Unmodified Opinion" mula sa COA

Muling tumanggap ng pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) ang Pamahalaang Lokal ng Bayambang! Sa ulat na ipinadala sa Tanggapan ng Punong Bayan, nagbigay ang COA ng isang “unmodified opinion” ukol sa pagiging makatarungan at tumpak ng presentasyon ng financial statement ng LGU para sa taong 2024. Ang “unmodified opinion” ay itinuturing na pinakamagandang opinyon na maaaring matanggap ng isang ahensya ng pamahalaan mula sa mga state auditor.

Congratulations sa buong LGU-Bayambang sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao!

 

***

Bayambang, Dapat Alam Mo!

Kung may balak kang magnegosyo, dapat alam mo na may proseso tayong sinusunod ayon sa itinatakda ng batas hindi lang sa Bayambang, kundi sa buong bansa.

Kung tayo ay magbabasa sa ating tinatawag na Citizen's Charter, ang isang bagong negosyante ay kinakailangang magsumite ng mga sumusunod na dokumento:

- Barangay Business Clearance mula sa barangay na iyong pagtatayuan ng negosyo

- DTI Certificate kung ikaw ay isang single proprietor, o Securities and Exchange Commission (o SEC) Certificate kung kayo ay isang korporasyon, o Cooperative Development Authority Certificate kung kayo ay isang kooperatiba

- Sworn Declaration of Capitalization mula sa notary public

- Occupancy Permit mula sa building official o sa Engineering Office

- Sanitary Permit o Health Certificate mula sa Rural Health Unit

- at Fire Safety Inspection Certificate mula sa Bureau of Fire Protection

Kinakailangan ang lahat ng mga naturang requirements upang masigurong lehitimo at ligtas para sa lahat ang inyong napiling negosyo.

Sa ngayon, mayroon tayong tinatawag na BOSS o Business One-Stop Shop, kung saan nakahilera na sa Treasury Office ang mga staff ng iba't ibang departamento at ahensya na tatanggap ng inyong mga requirement.

Mayroon din tayong e-BOSS kung saan maaari kang mag-apply sa webpage na ito:

[MIKE: pls FLASH]  https://bpbc.ibpls.com/bayambangpangasinan

Kaya't Bayambang, dapat alam mo na hindi totoong napakahirap mag-apply for business permit.

Hindi rin totoong napakamahal ang mga bayarin. Bagamat gagastos ng kaunti sa mga requirements, hindi naman kamahalan ang mga ito lalo na kung maliit lang ang iyong itatayong negosyo.

Mas mabuti na ikaw ay magpunta sa munisipyo upang magtanong at huwag maniniwala sa mga sabi-sabi dahil iba-iba ang binabayaran depende sa lokasyon, laki, at klase ng negosyo.

Kaya, Bayambang, ngayon ay alam mo na!

 

 

[OUTRO]

NEWSCASTER 1: Sa bayan nating may puso, may direksyon, at may malasakit, ang serbisyo ay tuluy-tuloy.

NEWSCASTER 2: At sa bawat ulat na aming hatid, nariyan ang pangakong hindi kayo pababayaan.

NEWSCASTER 1: Ako po si ___, kaisa ninyo sa pagpapatuloy ng tunay na pagbabago.

NEWSCASTER 2: At ako si ___, mula sa ____, patuloy na naglilingkod sa inyo, sa ngalan ng LGU-Bayambang. Hanggang sa susunod na lingo.

SABAY: Ito ang.... BayambangueNews!


No comments:

Post a Comment