Welcome Address
PSU–CLTC Laboratory High School Grand Alumni Homecoming 2025
Magandang gabi po sa ating lahat—lalo
na sa ating minamahal na alumni, our school officials and administrators, faculty
members, retired teachers, at mga bisitang nagtipon upang ipagdiwang ang
makulay na kasaysayan ng PSU–CLTC Laboratory High School.
I know how special this day is for
everyone, so I regret that I couldn’t make it tonight to be with you in person.
Batid kong sa muling pagbabalik ninyo sa lugar na minsan ninyong tinawag na
tahanan, kasamang bumabalik ang mga alaala ng inyong kabataan, mga aral na
humubog sa inyo, at mga pangarap na dito unang sumibol.
I am sure many of you here have spent
many hours traveling from miles away just to be here together, And tonight, after
how many long years, you’re back to your old turf. Welcome back home to
Bayambang and to PSU Lab High!
I know that you only reserve such great
preparation and special sacrifice for your loved ones, for your family and good
old friends. I am sure every minute spent with them will be worth it.
Sa mga host batches ng 1987, 1997, at
2007—maraming salamat sa inyong dedikasyon, lalo na sa mga indbidwal na ’di
nagsasawang mag-organisa ng mga kaganapang tulad nito. Ang inyong pagsisikap at
pagnanais na muling pagsamahin ang komunidad na ito ay isang inspirasyon. Sa
bawat alumnus na naririto, malaking karangalan para sa amin na makita kayo—mga
propesyonal, lider, magulang, at mabubuting mamamayan—na patuloy na nagliliwanag
sa inyong kani-kaniyang larangan. Kayo po ang patunay na ang tatak-PSU Lab High
ay hindi basta nakikita sa uniporme o ID; ito ay buhay sa inyong mga nagawa at
patuloy na ambag sa lipunan.
I would like to thank PSU Laboratory
High because many of our excellent department and unit heads and best employees
in the LGU are products of this institution. There’s our Municipal
Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, Municipal Health Officer,
Dr. Paz Vallo, Sangguniang Bayan Secretary Joel Camacho, MDRRM Officer, Gene Benebe, our designated PIO Resty Odon, our
Municipal Dentist, Dr. Dave Francis Junio, our Legal Officer, OIC Librarian, and Municipal Cooperative Development Officer, Atty. Melinda Rose Fernandez, our Municipal Accountant Flexner de Vera, our
Municipal Budget Officer Christine Bautista Terrado, our Veterinary Doctor, Dr.
Joselito Rosario, our former MENRO Joseph Quinto, our Administrative Officers Valentine
Garcia and Mark Espino, our former Bb. Bayambang Gabriele Marie Reloza, among
many others. I thank PSU Lab High for these hardworking talents and dedicated
public servants.
Ang inyong temang “Rewind. Reminisce.
Rekindle.” ay hindi lamang pagbabalik-tanaw, kundi isa ring pag-alab muli ng
ating diwa ng pagkakaisa—isang panibagong commitment na tumulong sa paaralan at
sa mga batang susunod sa ating mga yapak. Sana po ngayong gabi, habang
nagkukumustahan kayo at muling nag-uugnayan bilang mga dati nang magkakaibigan,
maipadama ninyong muli ang sigla at lakas ng isang alumni community na marunong
tumingin sa pinanggalingan at tumanaw ng utang na loob.
Bilang inyong Mayor, nananatili po ang
aming suporta upang patuloy na maging maunlad ang edukasyon sa Bayambang. Ang
tagumpay ng bawat isa sa inyo ay tagumpay din ng ating bayan. Sa inyong pag-uwing
ito, sana ay makagala kayo sa ating bayan at sa iba’t ibang barangay at mapansin
ninyo kung gaano na kalaki ang ipinagbago ng Bayambang buhat noong kayo’y
magsipagtapos dito.
Nawa’y matuwa kayo sa progresong
inyong makikita at marealize na mayroon palang mga bagong oportunidad sa
Bayambang, at maaari rin palang magkaroon ng matayog na pangarap ang isang
maliit na bayan gaya ng Bayambang sa probinsya ng Pangasinan. Sana’y makapasyal
kayo sa St. Vincent Ferrer Prayer Park, makita ng personal ang Blue Sky Theme
Park sa BYB Metro, ang ating bagung-bagong Bayambang Central Terminal dito rin
sa PSU, at marami pang iba.
Although PSU is not directly under the
jurisdiction of the LGU, I am happy to note that the LGU and PSU-Bayambang in
general have collaborated in the past on various projects (like the creation of
the O’Krantz brand of vegetable chips made from the produce of our vegetable
farmers) and will continue to work together if there are more opportunities to
do so.
Nawa’y maging masaya, makabuluhan, at
puno ng pagmamahalan ang inyong pagdiriwang ngayong gabi. Muli, maligayang
pagbabalik sa inyong tahanan—ang PSU–CLTC Laboratory High School. Happy grand
alumni homecoming to all the batches of PSU Lab High! And to all the hosts,
congratulations for doing a good job.
Mabuhay kayo, at mabuhay ang ating
minamahal na institusyon, ang PSU Laboratory High School, at mabuhay ang bayan
ng Bayambang!
No comments:
Post a Comment