BAYAMBANGUENEWS – MONDAY REPORT - DECEMBER 8, 2025
[SMILE, VOLUME, ENERGY!]
Magandang araw, Bayambangueños! Ako po si Wrensly Mercado Calimlim mula sa kagawarang pambalitaan ng LGU-Bayambang.
Tampok namin ang mahahalagang kaganapan at serbisyong hatid ng inyong gobyernong lokal sa nakalipas na linggo.
Narito ang mga balitang dapat ninyong malaman.
SABAY: Ito ang... BayambangueNews!
***
[SMILE, VOLUME, ENERGY!]
1. Seal of Child-Friendly Local Governance, Muling Nakamit ng Bayambang
Noong December 2, pormal nang tinanggap ng LGU-Bayambang ang Seal of Child-Friendly Local Governance 2022–2023 sa Lingayen sa pangunguna ni MSWD Officer Kimberly Basco at kanyang mga ECCD focal persons. Kabilang ang Bayambang sa 37 LGUs sa Pangasinan na kinilala dahil sa mahusay na pagpapatupad ng mga polisiya at programang nakatuon sa kaligtasan, proteksyon, at kabuuang pag-unlad ng kabataan.
2. Calibration ng Weighing Scales, Isinagawa
Noong November 28, nagsagawa ang Office of Special Economic Enterprises ng calibration ng mga timbangan na ginagamit ng mga Barangay Nutrition Scholar ng Rosales, Pangasinan. Layunin nitong matiyak na tama at maaasahan ang lahat ng pagsukat ng timbang para sa mas tumpak na datos sa kalusugan at nutrisyon ng mga bata at benepisyaryo.
3. Distribusyon ng Yero, Tulong sa mga Nasalanta ng Bagyo
Simula November 27, naghatid ng tulong si Mayor Nina Jose-Quiambao sa mga pamilyang nasalanta sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga yero. Tumanggap ng materyales ang mga apektadong residente upang maayos at maitayo muli ang kanilang mga nasirang kabahayan. Patuloy ang pamahalaang lokal sa ganitong klaseng ayuda bilang bahagi ng mabilis na tugon sa kalamidad.
4. Byaheng Tirad Pass, Muling Bumisita Rito
Muling bumisita sa Bayambang ang grupong Byaheng Tirad Pass noong December 1 bilang bahagi ng paggunita sa ika-126 na anibersaryo ng kabayanihan ni Heneral Gregorio del Pilar. Maaga silang binati at tinanggap sa Bayambang Municipal Museum ng Tourism Office para sa isang meet-and-greet at almusal at pagbisita sa St. Vincent Ferrer Prayer Park.
5. World AIDS Day, Sinelebra
A. Nakiisa ang RHU-Bayambang I, II, at III sa pagdiriwang ng World AIDS Day. Una, naglunsad ang RHU I ng isang video competition tungkol sa tamang pagbabahagi ng impormasyon ukol sa AIDS, kung saan itinanghal na kampeyon ang gawa ng staff ng Banyuhay ng PSU Laboratory High School.
B. Pangalawa, idinaos ang isang espesyal na programa sa BNHS, AP Guevarra Integrated School, at Moises Rebamontan High School, upang palalimin ang kamalayan ng mga kabataan tungkol sa HIV prevention at stigma reduction.
[SHOW DRONE VIDEO HERE]
C. Pangatlo, nagkaroon ng isang candle-lighting ceremony bilang pakikiisa sa Candlelight Memorial, isang taunang pagdiriwang na ginugunita sa buong mundo para sa mga taong naapektuhan ng HIV at AIDS.
Hinihikayat ng RHU ang buong komunidad na maging maalam, maingat, at responsable sa usaping HIV-AIDS.
6. Apat na Parangal Pangnutrisyon, Iginawad
Iginawad ng LGU ang apat na pangunahing parangal sa larangan ng nutrisyon bilang pagkilala sa mga barangay at paaralang nagpakita ng kahusayan sa pagpapatupad ng kanilang mga nutrition program.
Tinanghal na kampeon sa Outstanding BNC ang Sancagulis, habang nanguna naman ang Amancosiling Elementary School sa Outstanding Schools in Nutrition Program Management. Nagwagi rin ang Brgy. Bacnono bilang Best Nutrition Support Group at ang Brgy. Buayaen bilang Best Implementer ng HAPAG Program.
7. Task Force Disiplina, Ilulunsad sa 77 Barangays
Noong December 2, isinagawa ang isang orientation at launching ng Task Force Disiplina para sa lahat ng 77 barangays. Tinalakay dito ang mga municipal ordinance, traffic management, solid waste management, at field operations ng TFD. Ito ay upang palakasin ang kultura ng kaayusan at disiplina sa buong bayan ng Bayambang at hindi lamang sa sentro.
8. Special Recruitment Activity, Dinumog
Nagsagawa ang PESO-Bayambang noong December 2 at 3 ng isang special recruitment activity sa pakikipag-ugnayan sa Golden Rammad International Manpower Services upang matulungan ang mga local jobseekers na nais magtrabaho abroad. May mahigit sa 50 applicants and dumating at nag-apply para sa iba't ibang available na posisyon.
9. BayWaD, Pinulong ukol sa Cityhood Status
Noong December 2, pinulong ni SATOM, Dr. Cezar Quiambao, ang buong pamunuan ng Bayambang Water District, upang talakayin ang mga posibleng pagtulong ng ahensya sa pag-abot ng cityhood status ng bayan ng Bayambang. Tinalakay dito ang potensyal na papel ng BayWaD sa pag-angat ng revenue performance ng bayan upang ito ay maging ganap na lungsod.
10. MCDC, Nagpulong para sa 4th Quarter
Noong December 3, nagpulong ang Municipal Cooperative Development Council upang talakayin ang mga naisagawang programa ngayong taon at ihanda ang mga susunod na hakbang para sa pagpapatatag ng mga kooperatiba. Tampok sa pulong ang pagbabahagi ng best practices sa cooperative development mula sa mga tagapagsalita at ang pagsasagawa ng eleksyon para sa mga bagong opisyal ng konseho.
11. Disaster Kits, Patuloy na Ipinapamahagi
Patuloy na ipinapamahagi ang libu-libong disaster preparedness kits sa lahat ng elementary school sa bayan upang mapalakas ang kahandaan ng mga batang Bayambangueño sa oras ng sakuna. Ang mga kit, na naglalaman ng flashlight, whistle, at hard hat, ay iniabot ng MDRRMO sa lahat ng school head, sa layuning matiyak ang kaligtasan at kahandaan ng bawat mag-aaral sa harap ng mga posibleng panganib.
12. Food Handlers Class, Idinaos
Noong December 3, idinaos ang isang Food Handlers Class para sa mga food handler mula sa iba’t ibang bahagi ng bayan upang palawakin ang kanilang kaalaman sa food safety at tamang kalinisan. Iba’t ibang eksperto ang nagbahagi ng mahahalagang paksa tulad ng food safety, sanitation, waste management, at health requirements para sa mga food handler ng mga food establishments sa bayan. Bahagi ito ng patuloy na kampanya ng LGU-Bayambang para sa mas ligtas, malinis, at malusog na komunidad.
13. DILG, Nakipagpulong ukol sa SGLG Incentive Fund
Nag-courtesy call ang DILG Monitoring Team kay Mayor Niña upang iulat ang progreso ng mga proyektong pinondohan sa ilalim ng SGLG Incentive Fund 2024 at ang status ng encoding para sa Result-Based Monitoring and Evaluation of LGU Infrastructure Projects o RLIP. Pinangunahan ng mga kinatawan mula sa regional at provincial offices ang pagbisita, kasama ang Municipal Monitoring Team ng Bayambang. Tiniyak naman ng LGU ang patuloy na suporta para sa mas mahusay na implementasyon at monitoring ng mga proyekto.
14. National Tobacco Administration, Bumisita
Nakipagpulong din ang National Tobacco Administration sa Municipal Agriculture Office upang talakayin ang pagpapalakas ng lokal na industriya ng tabako. Ibinahagi ng NTA ang mga benepisyong makukuha ng mga magsasaka at ang mga suportang tulad ng seedlings, training, at technical assistance. Napag-usapan din ang tobacco excise tax, na nagpapatibay sa ugnayan ng NTA at LGU para sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura.
15. MNC 4th Quarter Meeting and PIR, Ginanap
Noong December 4, idinaos ng Municipal Nutrition Committee ang 4th Quarter Meeting at Program Implementation Review upang talakayin ang mga accomplishment sa huling quarter ng 2025 at mga planong programa para sa 2026. Kabilang sa mga tinalakay ang mga nutrition-related programs at activities sa national at local levels kada MNC member, na naka-angkla sa Municipal Nutrition Action Plan 2025.
15. 25 Rice Farmers, Grumaduate sa Financial Management Training
Dalawampu’t limang magsasaka ng palay ang nagtapos sa training sa Financial Management at Organizational Strengthening para sa Rice-Based Enterprises ng DA-PhilRice at Agricultural Training Institute. Layon ng programa na palakasin ang kaalaman ng mga RiceBIS members sa pamamahala ng pondo at pagpapatatag ng kanilang organisasyon. Ginanap ang pagtatapos noong December 4 at pinangunahan ng mga kinatawan mula sa PhilRice, A.T.I., at Agriculture Office.
16. GAD Budget Utilization at Accomplishment, Tinalakay sa TWG Meeting
Sa isinagawang huling Gender and Development TWG Meeting para sa 2025, tinalakay ng mga departamento ng LGU ang budget utilization at accomplishment reports kaugnay ng kanilang mga GAD program. Binigyang-diin ang kahalagahan ng tamang paglalaan ng pondo at maayos na dokumentasyon upang matiyak ang transparency at pagsunod sa national guidelines.
17. Municipal Councilors, Dumalo sa 2nd CLLEP ng Councilors League
Dumalo ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Bayambang sa Philippine Councilors League 2nd Continuing Local Legislative Education Program (CLLEP) na ginanap noong December 1 to 3 sa Lapu-Lapu City, Cebu. Kinatawan ng LGU-Bayambang sina Konsehal Zerex Terrado, Jan Nazer David Junio, Jocelyn Espejo, Rhyan de Vera, at John Roy Jalac. Sa aktibidad na ito, pinalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga lokal na mambabatas na makapaghatid ng mas mahusay na serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.
18. Migrant Desk Officer, Pinarangalan
Samantala, tumanggap naman si SLEO at Migrant Desk Officer Gernalyn Santos ng Reintegration and Welfare Assistance Merit Award mula sa OWWA bilang pagkilala sa kanyang natatanging serbisyo para sa mga OFW at kanilang pamilya. Ang parangal ay kanyang tinanggap noong December 2 sa Migrant Desk Officer Year-end Assessment ng ahensya.
19. Alaminos City, Nag-Benchmark sa Modernong Transportasyon ng Bayambang
Ang LGU-Alaminos City ay nagbenchmarking activity sa Bayambang noong December 6, kung saan sinuri nila ang best practices at modernong sistema ng pampublikong transportasyon ng bayan. Kasama sa programa ang courtesy call sa mga lokal na opisyal, presentasyon ng workflows at tourism-oriented strategies, at aktwal na obserbasyon sa operasyon ng tricycle, jeepney, at transport cooperatives.
20. OFW Family Association President at Migrant Desk Officer, Pinarangalan
Ang OFW Family Association President na si Mr. Abner M. Cantano ay kinilalang finalist (6th place) sa Bolun Awards 2025 dahil sa kaniyang masigasig na pagtutok sa kapakanan ng mga OFW at kanilang pamilya. Ginawaran din ng Certificate of Recognition ang adviser na si PESO-Bayambang Migrant Desk Officer Gernalyn Santos, para sa kaniya ring ambag sa pagpapatupad ng mga programa para sa mga migranteng pamilya.
21. Pamaskong Handog Year 9, Naghatid ng Tuwa sa mga Residente
Mula December 1 hanggang 10, nagpamamahagi si Mayor Niña at Dr. Cezar Quiambao ng tig-limang-kilong sako ng bigas sa lahat ng kabahayan sa 77 barangays ng bayan, isang simpleng pamasko mula sa kanilang sariling bulsa para sa bawat pamilyang Bayambangueño. Taun-taon, ang programang ito ang nagiging paraan ng first couple upang masigurong masagana at masaya ang Pasko ng lahat ng kabahayan sa Bayambang.
22. Accounting Staff, Pag-IBIG Fund Dayew Awardee 2025
Pinarangalan si Elma de Dios ng Municipal Accounting Office bilang Dayew Awardee 2025 ng Pag-IBIG Fund Dagupan Branch sa year-end assembly ng ahensya noong December 3. Kinilala siya bilang Best Pag-IBIG Fund Coordinator (Government Category) dahil sa kaniyang tapat at mahusay na pagpapatupad ng employer responsibilities. Ipinagmamalaki ng LGU-Bayambang ang naturang parangal bilang patunay ng dedikasyon at propesyonalismo ng mga kawani sa serbisyo publiko.
***
[SMILE, VOLUME, ENERGY!]
Bayambang, Dapat Alam Mo!
SKIP THIS PART
***
[SMILE, VOLUME, ENERGY!]
At iyan ang kabuuan ng ating mga balita ngayong Lunes. Muli ako po si ____
Patuloy ninyo kaming subaybayan para sa mga susunod pang kaganapan at serbisyong hatid ng ating pamahalaang lokal.
Para sa mas progresibong Bayambang...
SABAY: Ito ang... BayambangueNews!
No comments:
Post a Comment