BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! - Masamang Epekto ng Sobrang Carbs at Sugar
Bayambang, dapat alam mo!
Ikaw ba ay mahilig mag-diet ngunit parang walang epekto?
Marami ang nagtataka kung bakit tila walang epekto ang kanilang pagda-diet kahit pa hindi na kumakain ng kanin.
Ang hindi alam ng karamihan: Hindi naman kanin lang ang dahilan. Bukod sa sedentary lifestyle, ang tunay na salarin sa paglobo ng timbang ay ang sobrang carbs gaya ng tinapay o pasta, at lalung-lalo na ang SOBRANG ASUKAL.
Oo, ito ang “top secret” sa epektibong pagbabawas ng timbang—isang sikreto na dapat alam ng bawat BayambangueƱo!
Ayon sa mga nutrition expert, mabilis maipon bilang taba ang sobrang asukal sa katawan, lalo na kung galing ito sa matatamis na inumin, dessert, processed foods, at pati mga tinapay o snack na akala natin ay “light” lamang. Kapag mataas ang sugar intake, tumataas ang blood sugar, bumibilis ang gutom, at mas lalo tayong naghahanap ng pagkain—kaya hirap makontrol ang timbang.
Kaya naman, kahit umiwas ka sa kanin pero tuloy pa rin ang pag-inom ng milk tea, softdrinks, sweetened coffee, o pagkain ng cake at matatamis na tinapay, mawawala ang saysay ng iyong diet. Tandaan: mas malakas ang epekto ng asukal sa timbang kaysa sa kanin kung parehong sobra ang konsumo.
Kaya Bayambang, Dapat Alam Mo:
✔️ Piliin ang tubig kaysa matatamis na inumin
✔️ Bawasan ang dessert at processed snacks
✔️ Mas pumili ng whole foods kaysa sugar-heavy na pagkain
✔️ At higit sa lahat, tandaan na ang pangunahing susi sa pagpapapayat ay ang pagkontrol sa carbs at asukal
Malapit na naman ang panahon ng noche buena, kaya't siguradong mmapapakain na naman ang lahat ng maraming masasarap na pagkain.
Kung din ito maiiwasan, subukan niyo ang tinatawag na portion control. O di kaya ay isabay ang sugar sa mga food items na mataas sa good fats at protein upang mapabagal ang pagbulusok pataas ng blood sugar. Iwasan din ang pagkain ng matatamis kung gabi na.
Sa pagsunod nito, mas madali mong maaabot ang healthy na pangangatawan at maiiwasan ang obesity, diabetes, at iba pang sakit. Tandaan, ang tamang impormasyon ay sandata — kaya iwasan na ang sobrang carbs at sobrang matatamis para sa mas malusog na Bayambang!
Ang lahat ng ito Bayambang, ay Dapat Alam Mo!
No comments:
Post a Comment