Bayambang, Dapat Alam Mo: Pag-Exit sa 4Ps
Bayambang, dapat alam mo na hindi LGU o ang Municipio ang pumipili ng mga magiging benepisyaryo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Hindi rin ang Municipio ang nagdidikta kung sinu-sino ang maaari nang mag-graduate o mag-exit sa programa.
Anu-ano nga ba ang mga maaaring dahilan upang ang isang benepisyaryo ay mag-exit o grumaduate na mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)?
Dapat alam mo na, alinsunod sa Republic Act No. 11310, maaari nang grumaduate o maalis ang benepisyaryo sa programa base sa alinman sa mga sumusunod:
1) Ang household-beneficiary ay wala nang eligible child na kailangan i-monitor o subaybayan o ang mino-monitor na bata ay umabot na sa 19 taong gulang
2) Ang huling monitored child ay nakapagtapos na ng Senior High School
3) Ang sambahayan ay umabot na ng pitong (7) taon sa programa
4) Ang household-beneficiary ay nag-waive o boluntaryong nag-exit sa programa
5) Ang household-beneficiary ay nakamit ang Level 3 o Self-Sufficiency Level
6) Ang household-beneficiary ay in-assess ng Listahanan bilang non-poor o hindi mahirap
7) Maling pag-uugali o misdemeanor ng household-beneficiary
Ngayon, Bayambang, ang lahat ng ito ay... dapat alam mo!
[SOURCE: DSWD: https://www.facebook.com/dswdserves/posts/pfbid0dUhKbEAkWwRut1rF1uCGqo2oDrS94LA1ibCwqmqzb8F5GQEUFkaFsNgtiMe2CP7Tl]
No comments:
Post a Comment