MONDAY REPORT – SEPTEMBER 8, 2025
[INTRO]
NEWSCASTER 1: Good vibes Monday, Bayambang! Ako po si ___.
NEWSCASTER 2: At ako naman po si _, at kami ay mula sa Ecological Solid Waste Management Office. ….Narito upang ihatid ang mga ulat ng pagkilos at pagbabago.
NEWSCASTER 1: Mga hakbang tungo sa mas masigla at mas progresibong bayan.
NEWSCASTER 2: Kaya’t samahan ninyo kami sa lingguhang kwentuhan, impormasyon at serbisyong totoo. Dito sa...
SABAY: ...BayambangueNews!
***
[SALITAN NA KAYO RITO]
1. Libreng Chest X-ray, Inihandog sa mga Pasyente
Ang RHU II at RHU III ay naghandog ng libreng chest X-ray para sa 102 clients na nakitaan ng sintomas, close contact ng mga nakitaan ng sintomas, at mga gustong magpa-check. Ang free X-ray ay inisponsor ng Philippine Business for Social Progress noong August 28 sa Brgy. Telbang Covered Court.
2. Rerouting sa Paligid ng Central Terminal, Ipatutupad
Simula September 1, ipinatupad ng Task Force Disiplina ang one-way na ruta sa paligid ng Bayambang Central Terminal at bagong Bagsakan Market. Kabilang sa mga apektadong daan ang Burgos St. sa Zone III na ginawang one way papasok; Bonifacio St. sa Zone II na one way palabas; at Public Cemetery sa Zone VI na two-way para lamang sa mga light vehicles.
3. 2 Centenarians, Tumanggap ng Cash Gift
Dalawang centenarian mula sa bayan ng Bayambang ang pinagkalooban ng cash gift na P100,000 each sa ilalim ng Expanded Centenarians Act of 2024 noong August 28. Sila ay sina Eduardo Caerlang ng Brgy. Pangdel at Paula Ramos ng Brgy. Tanolong. Inaward door-to-door ang cash gift ng National Commission of Senior Citizens sa tulong ng MSWDO at OSCA.
4. LGU, Ginawaran ng Red Cross-Pangasinan
Ang LGU ay ginawaran ng Pinabli Award ng Philippine Red Cross-Pangasinan Chapter, matapos ito ay magkapagbigay ng 485 blood bags noong nakaraang taon. May dalawang staff naman mula sa RHU II at RHU III ang naging Blood Galloner awardees, mga donor na nakapag-donate ng higit sa sampung bag ng dugo: sina Ignacia Asuncion at Christian Dave Aquino.
5. Project BUNTIS Year 2, Ikinasa!
Para mas mapalakas pa ang programang pangkalusugan para sa mga first-time moms, ang Rural Health Unit I ay muling nakipag-ugnayan sa Philippine Dental Association-Pangasinan Chapter sa pamamagitan ng isang MOA signing para sa pagpapatuloy ng Project BUNTIS o First 1,000 Days Oral Health Program for First-Time Moms Year 2. Ito ay may adhikaing tutukan ang oral health ng mga ina at sanggol upang matiyak ang mas malusog na ngiti at mas maliwanag na kinabukasan.
6. BPC Students, Umattend sa Iskolar ni Juan Assessment
Isinagawa ang isang orientation at assessment activity para sa Iskolar ni Juan program ng Gokongwei Brothers Foundation sa pamamagitan ng Zoom video sa Bayambang Polytechnic College noong August 29. Ito ay dinaluhan ng mga aplikante ng naturang scholarship program mula sa Bayambang at mga karatig-bayan, kung saan ipinaliwanag ang mga benepisyo at proseso ng programa at ginabayan ang mga kabataang nais magpatuloy at magtagumpay sa pag-aaral.
7. Dating MPDO OIC, Kinumpirma bilang MENRO Chief
Noong September 1, kinumpirma ng Sangguniang Bayan si dating Municipal Planning and Development Office OIC, Ma-Lene Torio bilang Department Head ng Municipal Environment and Natural Resources Office. Matapos ang masusing pagsusuri, siya ay nakitang kwalipikado ayon sa batas. Inisponsoran ni SB Committee Chair on Civil Service and Personnel, Councilor Jose Ramos, ang nominasyon kay Ms. Torio bilang MENRO Chief.
8. MAC, Nagkaloob ng Higit P500,000 na Tulong
Sa pamamagitan ng Mayor’s Action Center, umabot sa kabuuang 542,000 pesos ang ipinagkaloob na tulong pinansyal para sa mga Bayambangueño mula Hunyo hanggang Hulyo 2025. Sa buwan ng Hunyo 2025, naitala ang kabuuang halaga na 337,000 pesos bilang medical assistance at burial assistance. Umabot sa 234 na benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong.
9. Mga Sagabal na Puno sa Daan, Tatanggalin Na!
Noong August 27, nakipag-ugnayan ang MDRRMO sa DPWH at DENR para sa pagtanggal ng mga punong naiwang nakahambalang sa mga road shoulder, matapos ang mga road widening project sa tatlong national roads sa Bayambang. Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga motorista at maging maayos ang daloy ng transportasyon.
10. Congresswoman Arenas, Tutulong sa Agarang Pag-ayos ng Nasirang Dike
Nakipagpulong ang MDRRMO kay Congresswoman Rachel “Baby” Arenas noong August 29, upang talakayin ang pagkasira ng dike sa Brgy. Managos na nagsisilbing depensa laban sa ilog Sawat mula sa Camiling, Tarlac. Ang nasabing isyu ay naiparating na sa OCD-Region 1, at inaasahang mas mapapabilis ang aksyon sa pagkukumpuni sa tulong ng sabayang pakikipag-ugnayan ng LGU sa OCD at sa Kongreso.
11. DRRM Course for Barangay Officials, Nagpatuloy!
Noong Setyembre 1–3, nagpatuloy ang MDRRMO sa pagsasagawa ng 3-Day Disaster Risk Reduction and Management Course for Public Sector sa Events Center. Naging resource speakers ang mga kinatawan mula sa OCD, DENR, DOST-PAGASA, PRC, BFP, at PNP, na siyang nagbahagi ng kaalaman sa early warning systems, evacuation procedures, fire safety, climate change adaptation, atbp.
12. Bagong Work Immersion Students, Na-deploy sa LGU
Noong September 1, ang mga estudyante mula sa Tanolong National High School ay nagsimula sa kanilang internship sa LGU bilang mga work immersion student. Sila ay winelcome ni BPC President, Dr. Rafael Saygo, at SLEO Gernalyn Santos matapos i-orient ng mga staff ng PESO.
13. Huling Batch ng SPES Beneficiaries, Tumanggap ng Sahod
Noong September 3, tumanggap ng sahod ang huling batch ng mga benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) ng DOLE na na-deploy at nagtrabaho sa LGU ng 20 araw. Ang pay-out activity ay isinagawa sa presensiya ng PESO-Bayambang at DOLE staff.
14. Orientation ukol sa Batas Kasambahay at Child Labor, Ginanap
Isang orientation activity ang isinagawa ng PESO, ukol sa Batas Kasambahay, Child Labor Prevention and Elimination Program, Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Person, at ang papel ng mga BESO o Barangay Employment Service Officers. Ito ay dinaluhan ng mga barangay official at OFW Association President.
15. LCRO, Nagpatuloy sa Info Drive
Nagdaos ang Local Civil Registry Office ng information drive sa Catalino Castañeda Elementary School upang talakayin ang tamang pagrerehistro at updates sa PSA memorandum circulars. Dumalo ang mga guro, magulang, at opisyal ng barangay kung saan sinagot ni MCR Ismael Malicdem Jr. ang kanilang mga katanungan. Kasabay nito, tumulong din ang Community Service Card team sa pagbibigay ng kaalaman at data capturing para sa iba pang proseso ng civil registry.
16. Segundo Cluster Associations at Brgy. Langiran, Nakatanggap ng P1M Composting Facility!
Tumanggap ang Segundo Cluster Associations at Barangay Langiran ng Composting Facility for Biodegradable Waste (CFBW) mula sa Bureau of Solid Waste Management, sa tulong ng LGU. Bawat unit ay nagkakahalaga ng ₱1,000,000, at kayang makagawa ng isang toneladang organikong pataba kada buwan, na makatutulong sa pagsusulong ng organikong agrikultura. May kasamang biomass shredder at rotary composter ang naturang pasilidad.
17. 34 CDCs, Sumalang sa External Assessment
Sumailalim ang may 34 Child Development Centers sa isang external assessment noong September 3-4, na isinagawa ng mga assessor mula sa PSWDO Pangasinan. Ang pagsusuri ay bahagi ng paghahanda para sa Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA). Nakatakdang isagawa ang exit conference sa September 12.
18. SB Members, Nagtapos sa NEO Refresher Course
Dumalo ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa isang refresher course na pinamagatang, “Transformative Leadership for Elevated Governance,” para sa mga re-elected officials noong September 2 at 3 sa San Carlos City. Pinangunahan ito ni Vice Mayor Ian Camille Sabangan, at ito may layong palakasin ang kakayahan ng mga lingkod-bayan. Ang pagdalo rito ay requirement mula sa DILG para sa lahat ng nahalal na opisyal.
19. SB, Pinulong ang mga CSO at NGO ukol sa Akreditasyon
Pinulong ng Sangguniang Bayan ang mga CSO at NGO para sa proseso ng akreditasyon at pagpapalakas ng kanilang partisipasyon sa pag-unlad ng bayan. Sa pangunguna ni SB Committe Chair on People's Participation, Councilor John Roy Jalac, tinalakay ang mga aplikasyong nais mapasama sa unang batch ng accredited organizations. Ayon sa SB, mahalaga ang papel ng mga CSO at NGO upang maging mas inklusibo at matibay ang mga programang pangkaunlaran ng pamahalaan.
20. SB, Tinalakay ang Paggamit ng Natitirang MDRRM Funds
Tinalakay ng SB Committee on Finance ang paggamit ng natitirang pondo mula sa MDRRM Fund para sa mga proyektong may kaugnayan sa kahandaan at kaligtasan ng mamamayan. Pinangunahan ni Konsehal Jose S. Ramos ang pagdinig kasama ang mga kinatawan mula sa iba't ibang opisina ng LGU bilang mga resource person. Binigyang-diin nito ang tamang paglalaan ng pondo para sa mas ligtas at matatag na komunidad.
21. Switch Cafe, MNAO, Naglunsad ng Feeding Program
Naglunsad ang Switch Café at Municipal Nutrition Action Office ng isang feeding activity para sa 42 na batang kulang sa timbang mula sa tatlong child development centers. Ginawa ito sa Brgy. Macayocayo, Langiran, at Alinggan noong September 4. Plano ng dalawang grupo na palawakin pa ang programa at magsagawa ng regular na monitoring upang tumulong mabawasan ang malnutrisyon.
22. Pulong, Isinagawa ukol sa ZOD Program
Nagsagawa ng pagpupulong ang Municipal Health Office, barangay officials, at ZOD Technical Working Group para sa pagpapatupad ng ZOD o Zero Open Defecation Program. Pinangunahan ito ni Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo. Nilinaw sa pulong ang monitoring results at criteria ng ZOD upang makamit ang mas malinis at ligtas na kapaligiran.
23. Pangangalap ng Datos kaugnay ng RPVARA, Nagpatuloy
Ipinagpatuloy ng Municipal Assessor’s Office ang pangangalap ng datos mula sa mga may-ari ng lupa kaugnay ng Real Property Valuation and Assessment Reform Act o RPVARA. Bahagi ito ng paghahanda para sa General Revision of Property Assessment and Classification. Isinagawa ang aktibidad noong September 1 to 4 sa walong barangay ng Bayambang.
***
BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO!
Bayambang, dapat alam mo na hindi LGU o ang Municipio ang pumipili ng mga magiging benepisyaryo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Hindi rin ang Municipio ang nagdidikta kung sinu-sino ang maaari nang mag-graduate o mag-exit sa programa.
Anu-ano nga ba ang mga maaaring dahilan upang ang isang benepisyaryo ay mag-exit o grumaduate na mula sa 4Ps?
Dapat alam mo na, alinsunod sa Republic Act No. 11310, maaari nang grumaduate o maalis ang benepisyaryo sa programa base sa alinman sa mga sumusunod:
1) Ang household-beneficiary ay wala nang eligible child na kailangang i-monitor o subaybayan, o ang mino-monitor na bata ay umabot na sa edad 19.
[Please be mindful of how these words are pronounced: beneficiary, eligible]
2) Ang huling monitored child ay nakapagtapos na ng Senior High School.
3) Ang sambahayan ay umabot na ng pitong taon sa programa.
4) Ang household-beneficiary ay nag-waive o boluntaryong nag-exit sa programa.
5) Ang pamilyang beneficiary ay nakamit na ang Level 3 o Self-Sufficiency Level.
6) Ang household na benepisyaryo ay in-assess ng Listahanan bilang non-poor o hindi mahirap.
7) Maling pag-uugali o misdemeanor ng household-beneficiary.
Ngayon, Bayambang, ang lahat ng ito ay... dapat alam mo!
[Please indicate as reference runner in the video: SOURCE: DSWD: https://www.facebook.com/dswdserves/posts/pfbid0dUhKbEAkWwRut1rF1uCGqo2oDrS94LA1ibCwqmqzb8F5GQEUFkaFsNgtiMe2CP7Tl]
***
[OUTRO]
NEWSCASTER 1: Sa bawat proyekto’t inisyatibo ng LGU, kabalikat ang bawat Bayambangueño.
NEWSCASTER 2: At sa bawat ulat, nariyan ang puso ng serbisyo.
NEWSCASTER 1: Ako po si ___, kasama niyo sa bawat kwento ng pagbabago.
NEWSCASTER 2: At ako si ___, mula sa Ecological Solid Waste and Management Office, hatid ang balita para sa bawat isa. Hanggang sa muli,
SABAY: Ito ang… BayambangueNews!
No comments:
Post a Comment