Monday, September 1, 2025

LGU Accomplishments - August 2025

EVENTS COVERED 

1.      Task Force Disiplina, Umarangkada!

 

2.     DOLE, Nagbigay ng Technical Assistance

 

3.     Grupong FAB, Muling Naghandog ng Tulong

 

4.     NIA, Nagsagawa ng Consultation Meeting

 

5.     Bayambangueño, Muling Nagdonate ng mga Aklat

 

6.     Osave, Namigay ng Food Packs sa Solo Parents

 

7.     Zone VI BNS, Contender sa Pangasinan's Most Outstanding BNS

 

8.     MDRRMO, Tumulong sa Alaminos Clearing Operation

 

9.     Weighing Scale Calibration Activity, Isinagawa

 

10.  Technical Budget Hearing, Isinagawa

 

11.  DMW Regional Director, Bumisita

 

12.  1,100 BPC Students, Tumanggap ng Food Assistance

 

13.  Kampanya sa Pagtitipid sa Kuryente, Tampok sa Seminar

 

14.  Supplemental Budget ng LGU, Aprubado ng SP!

 

15.  Karagdagang Parking Space, Inihahanda

 

16.  PESO at PSU, Nag-ugnayan para sa Job Fair

 

17.  Info Drive kontra TB at HIV, Inilunsad

 

18.  Wire Clearing Operation, Nagpatuloy

 

19.  Mga Sagabal na Poste, Dinemolish

 

20.  LGU, Panelist sa Nutrition Conference

 

21.  MVAT Team, Muling Naglibot

 

22.  LGBTQI-Bayambang, May Bagong Opisyales

 

23.  TODA Members, Binigyan ng Unipormeng Pang-isang Linggo!

 

24.  Napulot na Wallet, Isinauli ng Enforcer

 

25.  Mga Evacuation Center, Nilinis at Isinaayos

 

26.  LGU-Bayambang, Nag-update ng CDP

 

27.  LGU-Bayambang, Wagi Muli Bilang Provincial Model LGU Implementing 4Ps!

 

28.   Municipal Accountant, Isa sa Most Outstanding sa Pangasinan

 

29.  Bagong ECCD Bldg. at MSWDO Bldg., Pinasinayaan

 

30.  Fountain sa Royal Mall, Ipinatibag

 

31.  Internal Assessment ng CDCs at CDWs, Isinasagawa

 

32.  Updates sa 4Ps, Tinakalay sa MAC Meeting

 

33.  Iba't Ibang Grupo, Nagbigay ng Relief Goods

 

34.  Search and Retrieval Operation, Isinagawa

 

35.  'Gender-Fair Language Training,' Idinaos

 

36.  Miguel Family, Nagdonate ng Bigas sa mga Nasalanta ng Bagyo

 

37.  BEACONS Program, Dinala Rito ng UPLB

 

38.  ONGOING: Data-Gathering ng Assessor's Office para sa RPVARA

 

39.  Holistic Health, Tinutukan sa SK Symposium

 

40.  Training on Barangay Budgeting and AIP, Isinagawa

 

41.  Mga Barangay Kagawad, Nag-Team-Building Activity

 

42.  3 PMMA Grads, Nagcourtesy Call

 

43.  Dairy Farm Training, Inilunsad

 

44.  Wellness Day, Inilaan para sa PWD Presidents at Council

 

45.  8th RLK Anniversary at Linggo ng Kabataan, Sabay na Ipinagdiwang!

 

46.  LGU, Regional Winner sa Kaunlarang Pantao Award

 

47.  Bayambang, Host ng Induction ng PARE-Pangasinan

 

48.  OCD Regional Director, Muling Bumisita

 

49.  MCDO, Nagbigay ng 2-Day Seminar

 

50.  Orientation on Cooperatives, Isinagawa

 

51.  SK Officials, Sumabak sa Budget Training

 

52.  Mayor Niña, May Birthday Treat Muli!

 

53.  MSWDO at ECCD Office, Lumipat na sa mga Bagong Gusali

 

54.  Edukasyon, Muling Tinutukan sa LSB Meeting

 

55.  HRMO, Nagbigay ng Training on Effective Communication

 

56.  KSB Year 8, Nagpatuloy sa Manambong

 

57.  LGU, Nagbenchmarking sa Urbiztondo Water Services

 

58.  SVF Prayer Park, Parte ng Familiarization Tour ng TPB

 

59.  2,804 4Ps Members, Nag-exit sa Programa

 

60.  Bagong Central Terminal at Bagsakan Market, Pinasinayaan!

 

61.  Libreng Chest X-ray, Inihandog sa mga Pasyente

 

62.  Rerouting sa Paligid ng Central Terminal, Ipatutupad

 

63.  2 Centenarians, Tumanggap ng Cash Gift

 

64.  LGU, Pinarangalan ng Red Cross-Pangasinan

 

65.  RHU at PDA-Pangasinan, May MOA Signing para sa Project BUNTIS Year 2

 

 

 

SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT

 

EDUCATION FOR ALL

 

- (LSB, Library, DepEd)

 

Bayambangueño, Muling Nagdonate ng mga Aklat

 

Muling nagdonate ng mga aklat at iba't ibang kagamitan sa mga paaralan at ibang grupo at indibidwal ang US-based na Bayambangueño na si Mr. Joey Ferrer sa pamamagitan ng kanilang foundation. Ang mga ito ay tinanggap ng iba't ibang paaralan kabilang ang Bayambang Poytechnic College, PSU, BNHS, at St. Vincent Catholic School.

 

1,100 BPC Students, Tumanggap ng Food Assistance

 

Noong August 7, nakatanggap ng food assistance na nagkakahalaga ng P2,000 bawat isa ang may 1,100 na estudyante ng Bayambang Polytechnic College sa isang programang handog ng Pinoy Workers Partylist sa pamamagitan ni Board Member Vici Ventanilla. Ang nasabing food assistance ay bahagi ng adbokasiya ng Pinoy Workers Partylist sa pagtugon sa pangangailangan ng mga estudyante.

 

Bayambang, Host ng Induction ng PARE-Pangasinan

 

Sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, malugod na winelcome ng LGU-Bayambang ang mga retiradong guro mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan, sa ginanap na mass induction ng mga opisyales ng Philippine Alliance of Retired Educators (PARE)-Pangasinan Chapter noong August 22. Si Mayor Niña ay naging panauhing pandangal, at nirepresenta ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan.

 

Edukasyon, Muling Tinutukan sa LSB Meeting

 

Sa pulong ng Local School Board noong August 27, muling tinutukan ang iba't ibang isyu sa sektor ng edukasyon. Kabilang sa mga tinalakay ang paggamit ng Special Education Fund, preparasyon para sa World Teachers' Day, eleksyon ng PTA Officers, at iba pa.

 

HEALTH FOR ALL

 

- Health (RHUs)

 

Info Drive kontra TB at HIV, Inilunsad

 

Mula July 29 hanggang August 28, nagsagawa ang RHU I ng information drive laban sa TB at HIV sa anim na barangay, at sila ay may 187 participants. Ipinaliwanag ng RHU na ang TB is isang posibleng sintomas ng HIV, kung kaya't isinabay ang dalawang paksa sa isang sesyon.

 

KSB Year 8, Nagpatuloy sa Manambong

 

Nagpatuloy ang team ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 8 sa Manambong Sur Evacuation Center, upang pagsilbihan ang ating mga kababayan sa mga barangay ng Manambong Norte, Manambong Sur, at Manambong Parte. May ___ na [Or: Daan-daang] residente ang nakapag-avail ng mga libreng serbisyo ng munisipyo nang di na kailangang mamasahe pa sa sentro, kaya't laking pasasalamat ng mga ito.

 

Libreng Chest X-ray, Inihandog sa mga Pasyente

 

Ang RHU II at RHU III ay naghandog ng libreng chest X-ray para sa 102 clients na nakitaan ng sintomas, close contact ng mga nakitaan ng sintomas, at mga gustong magpa-check. Ang free X-ray ay inisponsor ng Philippine Business for Social Progress noong August 28 sa Brgy. Telbang Covered Court.

 

RHU at PDA-Pangasinan, May MOA Signing para sa Project BUNTIS Year 2

 

Para mas mapalakas pa ang programang pangkalusugan para sa mga first-time moms, ang LGU of Bayambang, sa pamamagitan ng Rural Health Unit I, ay muling nakipag-ugnayan sa Philippine Dental Association (PDA) Pangasinan Chapter sa pamamagitan ng isang MOA signing para sa pagpapatuloy ng Project BUNTIS o First 1000 Days Oral Health Program for First-Time Moms Year 2. Ito ay may adhikaing tutukan ang oral health ng mga ina at sanggol upang matiyak ang mas malusog na ngiti at mas maliwanag na kinabukasan.

 

- Nutrition (MNAO)

 

Zone VI BNS, Contender sa Pangasinan's Most Outstanding BNS

 

‎Sumailalim si Christien Garcia ng Brgy. Zone VI sa monitoring at evaluation nitong August 6 bilang bahagi ng kanyang nominasyon para sa 2024 Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) in the Province. Ang onsite evaluation ay isinagawa ng Provincial Nutrition Evaluation Team, sa tulong ng Nutrition Office. Kamakailan lamang, itinanghal si Garcia bilang Most Outstanding BNS sa municipal level.

 

Weighing Scale Calibration Activity, Isinagawa

 

Noong August 6 at 7, ang mga DOST-trained calibrator ng LGU ay nagcalibrate ng mga timbangan ng mga barangay, upang masiguro ang accuracy ng mga ginagamit na timbangan sa mga barangay. Ang mga trained calibrator ay nagmula sa Nutrition Office at Special Economic Enterprise.

 

LGU, Panelist sa Nutrition Conference

 

Noong August 12 to 13, naimbitahan bilang panelist si Mayor Niña sa isang kumperensiya ng National Nutrition Council ukol sa "Strengthening LGU Nutrition Programs through the Creation of a Nutrition Office," na ginanap sa Parañaque City. Siya ay nirepresenta ni Municipal Nutritionist Venus Bueno, na siyang naglahad ng tinahak na landas ng LGU-Bayambang mula sa pagiging kabilang sa hanay ng mga most malnourished towns sa probinsya hanggang sa pagkakaroon ng one of the top 10 Municipal Nutrition Offices nationwide.

 

- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)

 

 - Veterinary Services (Mun. Vet.)

 

– Slaughterhouse

 

PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN

 

- Social Services (MSWDO, MAC)

 

Grupong FAB, Muling Naghandog ng Tulong

 

Matapos makipag-ugnayan sa MSWDO at RHU, ang grupong Feeding Angels of Bayambang ay nagsagawa ng unang bugso ng relief operation sa Brgy. Pantol, Manambong Sur, at Manambong Parte para sa mga nasalanta ng baha. Sila ay may natulungang 60 na pamilya o 170 na indibidwal. Ang FAB ay namahagi ng mga hot meal at food pack mula sa kanilang mga anonymous donor at sponsor.

 

Osave, Namigay ng Food Packs sa Solo Parents

 

Isang daan at limampung solo parents sa Bayambang ang nakatanggap ng mga food pack mula sa Osave noong August 4. Bawat food pack ay naglalaman ng bigas, kape, de lata, noodles, at iba pang pagkain bilang tulong sa sektor lalo na sa mga naapektuhan ng nagdaang kalamidad.

 

DMW Regional Director, Bumisita

 

Noong August 6, bumisita ang Regional Director ng Department of Migrant Workers na si Director Christian Rey O. Sison upang talakayin ang pagkakaroon ng isang Department of Migrant Workers Help Desk sa bayan ng Bayambang para maipalapit ang serbisyo at tulong ng gobyerno sa ating mga OFW at kanilang pamilya.

 

LGBTQI-Bayambang, May Bagong Opisyales

 

Inihalal si Joyce de Guerto ng Barangay Mangayao bilang ikalimang pangulo ng Balon Bayambang LGBTQI Association matapos isagawa ang eleksyon noong August 10 ng mga miyembro ng local LGBTQI community. Sa ilalim ng kanyang panunungkulan, pangungunahan ni De Guerto ang adhikaing itaguyod ang karapatan at pagkilala sa LGBTQI community sa Bayambang.

 

Bagong ECCD Bldg. at MSWDO Bldg., Pinasinayaan

 

Noong August 18, pormal na binuksan at binasbasan ang bagong magkahiwalay na gusali ng Early Childhood Care and Development (ECCD) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa Brgy. Magsaysay. Ang proyekto ay inilunsad upang mas mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo para sa mga bata, kababaihan, senior citizens, at iba pang sektor.

 

Internal Assessment ng CDCs at CDWs, Isinasagawa

 

Noong nakaraang linggo, nag-umpisang magsagawa ang MSWDO ng monitoring at validation activity sa 34 na Child Development Centers at Child Development Workers ng Bayambang. Dito ay tiniyak ang kumpletong dokumentasyon ng bawat pasilidad, bilang paghahanda sa nakatakdang external evaluation ng ECCD Council at assessors mula sa Pangasinan SWDO.

 

Updates sa 4Ps, Tinakalay sa MAC Meeting

 

Sa pinakahuling pulong ng Municipal Advisory Council, tinalakay ng DSWD ang status update ng 4Ps members, kabilang ang pagsusuri ng compliance turnout, ang Social Welfare and Development Indicators administration, at mga isyu gaya ng teenage pregnancy. Ibinalita rin dito ang nakatakdang pag-exit ng 2,804 na benepisyaryo mula sa programa.

 

Iba't Ibang Grupo, Nagbigay ng Relief Goods

 

Iba't ibang grupo ang patuloy na nagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo. Noong August 18, naghatid ng food packs at hot meals sa 180 residente ng Sitio Lagare, Nalseban, Brgy. San Gabriel 2nd, ang pinagsamang relief mission ng Gabriel Medical Clinic, Gabs Pharmacy Cooperative Store, at Bayambang Matikas Eagles Club, salamat kina Dr. Roberto Gabriel at BMEC President Bogs Bugarin.

 

Miguel Family, Nagdonate ng Bigas sa mga Nasalanta ng Bagyo

 

Noong August 19, nagdonate ang Miguel family ng 150 bags ng tig-limang kilong bigas sa mga nasalanta ng bagyong 'Emong.' Ito ay tinanggap ng Municipal Social Welfare Management Office (MSWMO) at ipinamahagi naman ng Municipal Agriculture Office (MAO) sa mga magsasaka. Malugod na nagpapasalamat kina Dr. Nicolas at Dr. Myrna Miguel ang LGU-Bayambang at ang mga magsasakang kanilang biniyayaan.

 

Holistic Health, Tinutukan sa SK Symposium

 

Bilang pagsuporta sa pagsulong ng holistic health sa mga kabataan, nagsagawa ang Sangguniang Kabataan ng Bayambang ng isang symposium noong August 20. Ipinaliwanag dito ang kahalagahan ng pangangalaga, hindi lamang sa pisikal na kalusugan, kundi pati sa mental, emosyonal, sosyal, at ispiritwal na aspeto ng buhay – upang maging ganap na masigla at balance ang pamumuhay ng kabataang Bayambangueño.

 

Wellness Day, Inilaan para sa PWD Presidents at Council

 

Isang Wellness Day ang inilaan ng Persons with Disability Affairs Office noong August 21 para sa mga PWD President at Council members ng iba't ibang barangay. Ito ang nagsilbing culminating activity ng Disability Rights Week, kung saan nabigyan ng natatanging araw ang mga PWD sa pamamagitan ng pag-alok ng mga libreng serbisyo kabilang ang haircut, massage, at manicure at pedicure.

 

8th RLK Anniversary at Linggo ng Kabataan, Sabay na Ipinagdiwang!

 

Nanguna ang Sangguniang Kabataan Federation ng Bayambang, katuwang ang Local Youth Development Office, sa gabay ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, sa mga aktibidad bilang parte ng selebrasyon ng ikawalong aniberaryo ng ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan at ang taunang Linggo ng Kabataan.

 

A.         Una, kanilang inilunsad kasama ng ESWMO ang Bali-Balin Bayambang 3.0 upang mas mapaigting ang kalinisan at kaayusan sa ating bayan.

 

B.         Ikalawa, iginawad sa napiling benepisyaryo mula sa Brgy. Bical Norte ang nalikom na pondo mula sa pinakahuling Ukay for a Cause activity.

 

C.        Ikatlo, nagsagawa ng isang outreach program ang mga SK Chairperson sa Don Teofilo Mataban Memorial School sa Brgy. Ligue, kung saan nagkaroon ng storytelling session at pamamahagi ng reading materials.

 

D.        Noong August 19 naman, nagsagawa ng literary and arts contest ang SK Federation kung saan nagtagisan ang mga kabataan sa poster-making, essay writing, at poetry slam.

 

E.         Nang sumunod na araw, nagsagawa ng isang usapang pangkalusugan para sa mga kabataan upang talakayin ang holistic approach sa kalusugan.

 

F.         Noong August 21, nagkaroon ng Youth Leadership Development Symposium kung saan naging kalahok hindi lamang ang mga SK Chairperson kundi pati na rin ang mga student leader.

 

G.        Sa araw na iyon, nagdaos din ng isang Laro ng Lahi competition upang pagyamanin ang kaalaman ng mga kabataan sa pamana ng lahing Pilipino at kulturang Pinoy pagdating sa larangan ng sports o palakasan.

 

H.        Kinagabihan ng August 22, nagpasiklaban ang mga kabataan sa HimigSikan Battle of the Bands. At may kasabay pa itong Your Face Sounds Familiar contest.

 

I.          Ito ay nagtapos sa isang Awarding at SK Fellowship Night, kung saan pinarangalan ang lahat ng nagwagi sa mga patimpalak at masayang nagbonding magdamag ang lahat ng mga kabataan.

 

SK Officials, Sumabak sa Budget Training

 

Noong araw ding iyon, sumabak ang mga Sangguniang Kabataan officials sa isang Budget Management Training na ibinigay ng Municipal Budget Office. Sa aktibidad, itinuro sa mga SK official ang tamang proseso ng pagba-budget, at mga paraan upang masiguro ang pagiging transparent at responsable sa paggamit nito.

 

Mayor Niña, May Birthday Treat Muli!

 

A. Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong August 26, muling ipinakita ni Mayor Niña ang pagiging bukas-palad sa mga Bayambangueño sa pamamagitan ng mga handog na packed lunch para sa lahat ng kawani ng LGU....

 

B. ...gayundin ang mga katuwang mula sa iba’t ibang sektor.

 

C. Nagpaabot din si Mayor Niña ng libreng sorbetes para sa lahat ng 77 barangays bilang pagpapasalamat at pagbahagi ng biyaya sa buong komunidad.

 

 

 

MSWDO at ECCD Office, Lumipat na sa mga Bagong Gusali

 

 

Simula August 26, opisyal nang lumipat sa kanilang bagong tahanan ang Municipal Social Welfare and Development Office at Early Childhood Care and Development Office. Ang MSWDO ay matatagpuan na ngayon sa MSWDO Multi-Purpose Building, habang ang ECCD naman ay nasa ECCD Building na parehong nasa Brgy. Magsaysay. ‎Ang paglipat ay isang malaking hakbang tungo sa maayos na pagbibigay ng social welfare services.

 

 

 

2,804 4Ps Members, Nag-exit sa Programa

 

 

 

May 2,804 na bilang ng 4Ps beneficiaries ang grumadweyt sa programa, matapos ang mga ito ay magboluntaryong mag-exit, mag-improve ang kanilang level of well-being, at wala nang puwedeng ma-monitor na 0-18 years old o buntis na miyembro ng pamilya. Ang graduation ceremony ay ginanap noong August 28, at siyang naging highlight ng pagdiriwang ng ika-walong anibersaryo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan.

 

 

 

2 Centenarians, Tumanggap ng Cash Gift

 

 

‎Dalawang centenarian mula sa bayan ng Bayambang ang pinagkalooban ng cash gift na P100,000 each sa ilalim ng Expanded Centenarians Act of 2024 noong August 28. Sila ay sina Eduardo Caerlang ng Brgy. Pangdel at Paula Ramos ng Brgy. Tanolong. Inaward door-to-door ang cash gift ng National Commission of Senior Citizens sa tulong ng MSWDO at OSCA.

 

 

 

 

- Civil Registry Services (LCR)         

 

 

 

 

 

- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)

 

 

 

 

 

- Peace and Order (BPSO, PNP, DILG)

 

Task Force Disiplina, Umarangkada!

 

 

 

Sa unang araw ng Agosto, inilunsad ng LGU ang pagpapatupad ng Disiplina Zones sa bayan ng Bayambang. Sa ilalim ng bagong programang ito, ibayong paiigtingin ng Task Force ang pagpapatupad ng lahat ng mga batas na dapat ay matagal nang sinusunod ng lahat. Dumalo sa formal launching ang lahat ng empleyado ng LGU na na-deputize upang maghuli ng sinumang lumalabag nang walang kinikilingan, bukod pa sa PNP, mga sundalo, at ang Bayambang Public Safety Office. Inaasahan ang pakikiisa ng lahat, dahil sa disiplinadong mamamayan, uunlad ang bayan ng Bayambang!

 

MVAT Team, Muling Naglibot

 

Muling naglibot ang Municipal Validation and Assessment Team ng DILG at LGU noong August 12 para mag-evaluate ng mga barangay ukol sa kanilang compliance sa "Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program" ng pangulo. Masusing tiningnan sa aktibidad kung maayos na naipatutupad sa mga barangay ang mga programa kabilang ang Barangay Road Clearing Operations, Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay, at ang Quarterly Assessment for Cleanest Barangays.

 

TODA Members, Binigyan ng Unipormeng Pang-isang Linggo!

 

Ang mga miyembro ng TODA ay binigyan ng LGU ng unipormeng pang-isang linggo, gamit ang donasyon nina Mayor Niña, Dr. Cezar Quiambao, BM Raul Sabangan, at Konsehal Zerex Terrado. Layunin nito na makaiwas sa mga colorum na traysikel ang mga komyuter at gawing disente ang bihis ng lahat ng mga lehitimong tricycle driver sa Bayambang. Tinanggap ng may mahigit 2,000 trike drivers ang unang 4,500 set ng uniporme sa presensiya ni Task Force Disiplina Deputy Officer Amory Junio.

 

 

 

Napulot na Wallet, Isinauli ng Enforcer

 

 

Isa na namang traffic enforcer ng BPSO ang nagpakita ng katapatan sa paglilingkod sa pamamagitan ng pagsasauli ng napulot na wallet sa nakawala nito. Noong August 13, isinauli ni BPSO traffic enforcer John Hernan Roberto de Vera ang isang wallet na naglalaman ng ID at mga cash sa may-ari nito na isang estudyante ng SVCS. Agad naisauli ang wallet matapos kontakin ng BPSO ang may-ari gamit ang nakitang ID sa loob nito.

 

Fountain sa Royal Mall, Ipinatibag

 

Ipinatibag ng Task Force Disiplina ang fountain sa tapat ng Royal Mall na itinuturing na obstruction sa road shoulder at panganib para sa mga motorista. Pinanindigan ng task force ang kanilang layunin na linisin ang mga lansangan laban sa anumang sagabal para sa kaligtasan ng publiko.

 

Rerouting sa Paligid ng Central Terminal, Ipatutupad

 

Ayon sa Task Force Disiplina, simula September 1, Lunes, ang mga lugar sa paligid ng Bayambang Central Terminal at bagong Bagsakan Market ay magkakaroon ng one-way na ruta. Ang mga apektadong daan ay ang Burgos St. sa Zone III na magiging one way papasok;  Bonifacio St. sa Zone II na one way palabas; at Public Cemetery sa Zone VI na two-way para lamang sa mga light vehicles.

 

AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)

 

NIA, Nagsagawa ng Consultation Meeting

 

Noong August 1, nagsagawa ng consultation meeting ang National Irrigation Administration kasama ang LGU at Agri Tech Real Estate Development Corporation upang talakayin ang usapin ng land reclassification kaugnay ng isang panukalang broiler breeder farm sa Brgy. Dusoc. Tinalakay dito ang kahalagahan ng maayos na koordinasyon hinggil sa reclassification ng lupa na maaaring madaraanan o maapektuhan ng nasabing proyekto.

 

BEACONS Program, Dinala Rito ng UPLB

 

Noong August 19 to 21, isinagawa ng UP Los Banos Biotech ang isang serye ng aktibidad sa ilalim ng Biotechnology Empowerment and Assistance of Communities and the Nation for Sustainability o BEACONS, upang lalo pang mapalawak ang kaalaman ng mga magsasaka at kooperatiba sa makabagong teknolohiya, partikular na sa paggamit ng biofertilizers. Dinaluhan ito ng humigit-kumulang na 100 magsasaka at farmer-cooperators, kung saan sila ay nakinig sa mga lecture at nanood ng mga field demo mula sa mga eksperto ng UPLB Biotech.

 

Dairy Farm Training, Inilunsad

 

Noong August 20, opisyal nang sinimulan ng Dairy Farm Training Center ng Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. ang isang Dairy Farm Training sa Brgy. Mangayao para sa unang batch ng trainees upang magbigay ng wastong kaalaman sa dairy farm operations. Ang KKBSF Dairy Farm ay isang Learning Site for Agriculture, sa paggabay ng Agricultural Training Institue ng Department of Agriculture Region I at ng National Dairy Authority.

 

JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL

 

- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)

 

DOLE, Nagbigay ng Technical Assistance

 

Noong July 3, bumisita ang DOLE Region I para sa isang Technical and Advisory Visit sa tulong ng PESO na dinaluhan ng mga lokal na business owner. Ipinaalam sa mga business owner ang tungkol sa mga labor law, occupational safety and health, at iba pang mga patakaran kaugnay ng labor and employment.

 

PESO at PSU, Nag-ugnayan para sa Job Fair

 

Isang job fair ang matagumpay na isinagawa ng PESO at PSU-Bayambang Campus noong August 6. Ito ay may 289 na aplikante, at 72 sa kanila ay hired on the spot. Sampung ahensya ang lumahok, kabilang ang isang overseas recruiter, at sila ay nag-alok ng 2,930 job vacancies.

 

PESO-Yokohama Rubber LRA, Nagbunga ng 27 HOTS

 

Noong August 19–20, isang local recruitment activity ang isinagawa sa pagtutulungan ng Public Employment Service Office at Yokohama Rubber Company sa SB Session Hall. May 72 na aplikante ang nakapagparehistro, at 27 sa mga applicants ang hired on the spot.

 

- Economic Development (SEE)

 

- Cooperative Development (MCDO)

 

MCDO, Nagbigay ng 2-Day Seminar

 

Patuloy ang Municipal Cooperative Development Office (MCDO) sa pagpapalakas ng mga kooperatiba sa Bayambang. noong August 19 at 20, ang tanggapan ay nagsagawa ng dalawang araw na seminar sa may Brgy. Macayocayo sa tulong ng Cooperative Development Agency.

 

Orientation on Cooperatives, Isinagawa

 

Noong August 26 naman, nag-organisa ang Agriculture Office ng isang orientation activity para sa mga local corn farmers tungkol sa tamang proseso ng pagpapalakas, pagtatayo, at pagpaparehistro ng isang kooperatiba. Ito ay ginanap sa Brgy. Sapang Covered Court sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Cooperative Development Office (MCDO) at Cooperative Development Authority.

 

- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)

 

SVF Prayer Park, Parte ng Familiarization Tour ng TPB

 

Ang Tourism Promotions Board - Philippines ng Department of Tourism ay nag-tour sa St. Vincent Ferrer Prayer Park bilang panghuling destinasyon ng kanilang Domestic Tourism Invitational Program, isang familiarization tour na nagdadala ng iba't ibang tour operators at travel agents upang maranasan ang isang kakaibang cultural tour sa Ilocos Region at ibenta ang naturang tour sa mga turista. Ang mga bisita ay winelcome at sinamahan ng Tourism Office staff.

 

- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)

 

Kampanya sa Pagtitipid sa Kuryente, Tampok sa Seminar

 

Isang Energy Efficiency and Conservation (EEC) Seminar ang isinagawa nitong August 7, upang lalong mapalakas ang kampanya ng lokal na pamahalaan para sa mas matipid na pagkonsumo ng kuryente. Naging guest speaker ang mga taga-Department of Energy. Nagbahagi naman ang Energy Efficiency and Conservation Officer ng LGU ng mga best practices ng munisipyo ukol dito.

 

Karagdagang Parking Space, Inihahanda

 

Nakatakdang gibain ang "Yellow Building" sa pamilihang bayan sa darating na September 21, upang bigyang-daan ang bagong pampublikong parking area sa bayan ng Bayambang. Ang gusali ay itinayo sa lupaing pagmamay-ari ng LGU nang walang pahintulot, at inaasahang mapakikinabangan na ng mas nakararami. Inalok naman ng alternatibong puwesto sa White Building ang 15 na apektadong tenants.

 

Wire Clearing Operation, Nagpatuloy

 

Patuloy ang Bayambang Wire Clearing Group sa pagtanggal ng mga dangling wire sa mga pangunahing kalsada ng bayan. Nitong August 8, nag-operate ang grupo sa highway mula Poblacion hanggang Telbang. Kasama sa operasyon ang BPSO, MDRRMO, Engineering Office, Globe, at Converge.

 

Mga Sagabal na Poste, Dinemolish

 

Dalawang poste naman ng Digitel ang giniba ng team noong August 12 sa harapan ng public market at Mercury Drug store, bilang bahagi naman ng mas pinaigting na road clearing operations ng gobyerno, kabilang na ang Task Force Disipina ng LGU-Bayambang, upang maiwasan ang aksidente sa mga pedestrian at motorista.

 

Bagong Central Terminal at Bagsakan Market, Pinasinayaan!

 

Pormal na pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ang bagong tayong Bayambang Central Terminal at Bagsakan Market nitong August 25, sa isang seremonyang dinaluhan ng mga opisyal at mga bagsakan vendors. Ang modernong pasilidad, na matatagpuan sa Pangasinan State University-Bayambang Campus, ay itinuturing na makasaysayang hakbang para sa pagsasaayos ng transportasyon at pagpapalago ng ekonomiya ng bayan. Ang proyektong ito ay naging posible dahil sa magandang ugnayan sa pagitan ng LGU sa pamumuno nina Dr. Quiambao at Mayor Niña at ng PSU sa pamumuno ni University President, Dr. Elbert Galas.

 

DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)

 

MDRRMO, Tumulong sa Alaminos Clearing Operation

 

Noong July 28, ang MDRRMO-Bayambang ay nagsagawa ng clearing operation sa Brgy. Pangapisan, Alaminos City at naghatid ng kaunting tulong, matapos manawagan ang naturang lungsod ng tulong mula sa iba't ibang LGU.

 

Mga Evacuation Center, Nilinis at Isinaayos

 

Ang MDRRMO, kasama ang BFP at mga Barangay DRRM Committee, ay nagsagawa ng cleaning and clearing operation sa lahat ng 11 evacuation centers sa Bayambang. Ang team ay nag-ayos sa mga naturang pasilidad upang mapanatili ang kahandaan at maayos na kondisyon ng mga ito anumang oras kailanganin.

 

Search and Retrieval Operation, Isinagawa

 

Noong August 18, ang MDRRMO, katulong ang BFP at BDRRMC ng Brgy. San Gabriel 2nd ay nagsagawa ng search and retrieval operation matapos makatanggap ng tawag mula sa naturang barangay ukol sa isang insidente ng pagkalunod. Matapos ang apat na oras na operasyon, matagumpay na natagpuan at naiahon ang walang buhay na biktima, na isang 21 taong gulang na binata na residente sa lugar.

 

OCD Regional Director, Muling Bumisita

 

A. Noong August 22, muling bumisita si Office of Civil Defense Regional Director Lawrence E. Mina upang makipagdayalogo sa MDRRMO hinggil sa mga naging epekto ng nagdaang pagbaha sa bayan, ang ugnayan at epekto ng iba't-ibang kailugan sa ating mga karatig-bayan, gayundin ang mga posibleng hakbang upang mapigilan o mabawasan ang epekto ng ganitong sakuna sa hinaharap.

 

B. Binisita rin ni Mina ang mga lugar na sentro ng paglikas upang personal na masuri ang kahandaan ng mga ito ngayong panahon ng tag-ulan.

 

C. Binisita ni Director Mina at kanyang mga kasamahan sa OCD ang pabrika ng bamboo materials ng CSFirst Green AID sa Brgy. Amanperez. Inilibot sila sa loob ng pagawaan, at nakita ng grupo ang iba't-ibang produkto ng kawayan at kung papaano ito pinuproseso gamit ang iba't-ibang makina sa loob ng pabrika. Humanga ang opisyal sa proyekto, lalo na sa malaking pagsuporta nito sa climate change adaptation.

 

HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS

 

Mga Barangay Kagawad, Nag-Team-Building Activity

 

Sa unang pagkakataon, lumahok ang lahat ng miyembro ng mga Sangguniang Barangay at ilang Punong Barangay ng Bayambang sa isang team-building activity at capability development training na ginanap sa isang beach resort sa Bolinao, Pangasinan noong Agosto 19-20. Masayang nagbonding ang lahat sa mga aktibidad na inorganisa ng kanilang samahan.

 

- Planning and Development (MPDO)

 

LGU-Bayambang, Nag-update ng CDP

 

Ang LGU-Bayambang ay nagsagawa ng pormulasyon ng isang updated at risk-based Comprehensive Development Plan sa Baguio City mula August 11 hanggang 15. Sa risk-informed CDP, isinama sa diskusyon ang disaster risk reduction at climate change adaptation sa kabuuang proseso ng development planning. Sa ganitong paraan, natitiyak na isinasa-alang-alang ang mga posibleng panganib at kahinaan sa pagbuo ng mga estratehiya, programa, at proyekto para sa kaunlaran, na nagreresulta sa mas resilient at sustainable na komunidad.

 

- Legal Services (MLO)

 

- ICT Services (ICTO)

 

- Human Resource Management (HRMO)

 

HRMO, Nagbigay ng Training on Effective Communication

 

Noong August 27, nagsagawa ang HRMO ng isang training para sa mas mabisang komunikasyon ng mga piling kawani ng LGU. Naging tagapagsalita si Dr. Sharon F. Sanchez ng Bayambang National High School, na nagbahagi tungkol sa kahalagahan ng public speaking, storytelling, at epektibong komunikasyon sa serbisyo publiko.

 

- Transparency/Public Information (PIO)

 

Technical Budget Hearing, Isinagawa

 

Mula August 6 hanggang 8, nagsagawa ng isang Technical Budget Hearing ang Municipal Budget Office upang masiguro ang maayos na paglalaan ng pondo para sa mga programang pangkaunlaran at serbisyong panlipunan ng lokal na pamahalaan. Ang technical hearing ay dinaluhan ng mga department head dala-dala ang kanilang panukalang badyet, kasama ang mga prayoridad na proyekto at inisyatibong nakapaloob sa Annual Investment Program ng munisipyo.

 

3 PMMA Grads, Nagcourtesy Call

 

Tatlong bagong ensign ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) ang nagcourtesy call kay Mayor Niña. Dumalaw ang mga bagong graduate na mga tubong Bayambang upang ipagpasalamat ang suporta ng kanilang bayan. Sila anila ay pawang mga anak ng mga magsasakang nagsumikap upang maitawid ang kanilang edukasyon, at patunay na hindi hadlang ang kahirapan sa kanilang pangarap na makapagtapos.

 

ONGOING: Data-Gathering ng Assessor's Office para sa RPVARA

 

Ang Municipal Assessor's Office ay kasalukuyang nangangalap ng mga datos mula sa mga real property owner sa iba't ibang barangay. Ito ay bahagi ng paghahanda para sa pagbabalangkas ng Schedule of Market Value at pagsasagawa ng General Revision of Property Assessment and Classification, alinsunod sa Real Property Valuation and Assessment Reform Act.

 

Training on Barangay Budgeting and AIP, Isinagawa

 

Noong August 20, nag-organisa ang Budget Office, sa pakikipag-ugnayan sa MPDO, ng isang libreng pagsasanay para sa mga punong barangay, barangay secretary, barangay treasurer, at barangay kagawad na pinuno ng Committee on Appropriations tungkol sa Barangay Budgeting and Annual Investment Programming. Dito ay mas pinalawak ang kaalaman ng mga naturang opisyal sa tamang proseso ng pagpaplano at pagbubuo ng badyet, gayundin sa maayos na paglalaan ng pondo para sa mga proyekto.

 

LGU, Nagbenchmarking sa Urbiztondo Water Services

 

Ang mga opisyal ng LGU-Bayambang ay bumisita sa bayan ng Urbiztondo upang magbenchmarking activity sa Urbiztondo Water Services. Kanilang inalam ang best practices ng naturang ahensya upang maaral kung alin ang maaaring iapply sa bayan ng Bayambang. Ang mga opisyal ay mainit na sinalubong nina Urbiztondo Mayor Modesto Operania at Vice-Mayor Alexis dela Vega.

 

- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)

 

AWARDS AND RECOGNITIONS

 

LGU-Bayambang, Wagi Muli Bilang Provincial Model LGU Implementing 4Ps!

 

 

Muling nasungkit ng LGU-Bayambang ang titulong "Model LGU Implementing 4Ps" sa buong probinsiya ng Pangasinan! Ito ay isang pagkilala sa ipinakitang pagpupursige ng LGU-Bayambang sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga benepisyaryo ng programang 4Ps ng DSWD sa bayan ng Bayambang. ...Salamat sa personal na pagtutok ni Mayor Niña sa lahat ng usapang 4Ps at sa mga naisip at naisagawang inobasyon ng lahat ng sektor upang mas paigtingin pa ang tagumpay ng programa.

 

Municipal Accountant, Isa sa Most Outstanding sa Pangasinan

 

Kinilala si G. Flexner de Vera, bilang isa sa mga Most Outstanding Municipal Accountant ng probinsya ng Pangasinan, sa ginanap na seremonya ng Pangasinan Association of Local Government Accountants o PALGA noong August 12 sa Dagupan City. Ito ay isang pagkilala sa kanyang husay at dedikasyon, na siyang nagbigay-daan sa LGU-Bayambang upang makatanggap ng unmodified opinion mula sa Commission on Audit para sa 2024 financial statements nito.

 

 LGU, Regional Winner sa Kaunlarang Pantao Award

 

Ang LGU-Bayambang ay pinarangalan ng Commission on Population and Development bilang Regional Winner sa Municipal Category ng 2025 Rafael M. Salas Kaunlarang Pantao Award. Ito ay bilang pagkilala sa mga inisyatibo ng LGU sa pag-localize ng population and development agenda sa pamamagitan ng mga innovative, inclusive, at sustainable na programa.

 

LGU, Pinarangalan ng Red Cross-Pangasinan

 

Ang LGU-Bayambang ay pinarangalan ng Pinabli Award mula sa Philippine Red Cross-Pangasinan Chapter, matapos ito ay magkapagbigay ng 485 blood bags noong nakaraang taon. May dalawang staff naman mula sa RHU II at RHU III ang naging Blood Galloner awardees, mga donor na nakapag-donate ng higit sa 10 bags ng dugo: sina Ignacia Asuncion at Christian Dave Aquino.

 

LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)

 

Supplemental Budget ng LGU, Aprubado ng SP!

 

Matagumpay na naipagtanggol ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ang mungkahing resolusyon na “Pag-apruba sa Supplemental Annual Investment Program No. 1” na pormal na inendorso ng Municipal Development Council na may kabuuang halagang PhP454,610,285.32 noong Aposto 5, 2025 sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan.

 

 


No comments:

Post a Comment