Bayambang, Dapat Alam Mo!
Ano ang TUPAD?
Ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged o Displaced Workers ay isang cash-for-work program ng DOLE. Layunin nito na bigyan ng maikling trabaho (sa loob ng sampung araw) ang mga nawalan ng hanapbuhay, underemployed, o kabilang sa mahihirap na sektor. Ang sahod ay nakabase sa minimum wage ng rehiyon, at may kasamang insurance at proteksyon sa kaligtasan.
Sino ang Puwedeng Benepisyaryo ng TUPAD?
Mga 18 taong gulang pataas na kabilang sa:
• Nawalan ng trabaho (displaced workers).
• Walang trabaho o kulang sa trabaho (unemployed/underemployed).
• Vulnerable o marginalized workers (mga mahihirap, seasonal workers, informal workers).
Dapt alam mo na hindi puwede sa TUPAD ang mga sumusunod:
• Mga empleyado ng gobyerno (permanent, contractual, project-based, job order ,tumatanggap ng honoraria o allowance).
• Mahigit sa isang miyembro ng pamilya kada taon, maliban na lang kung may kalamidad.
Anu-ano naman ang mga benepisyo at proteksyon ng TUPAD?
• Sahod: Katumbas ng regional minimum wage (non-agricultural).
• Insurance: Lahat ng benepisyaryo ay may group micro-insurance.
• Kaligtasan: Bibigyan ng safety orientation, protective equipment, at tools.
• TUPAD ID: Para sa lahat ng benepisyaryo.
• Post-program support: Puwedeng magkaroon ng skills training mula DOLE/TESDA para sa mas pangmatagalang trabaho.
Bayambang, dapat alam mo na bawal ang mga sumusunod:
• Kaltasan o bawasan ang sahod ng benepisyaryo.
• Gumamit ng ghost beneficiaries (pekeng pangalan).
• lisa ang tao pero doble ang nakalista.
• Job-sharing o pagpapasa ng trabaho sa iba
Paano nga ba pinipili ang mga benepisyaryo ng TUPAD?
1. Priority ang mga walang stable na trabaho at kabilang sa mahihirap na komunidad.
2. Kinokonsulta ng DOLE ang mga LGU at barangay para sa listahan ng qualified individuals.
Ang mga napili ay bibigyan ng suweldo na P468/day base sa bilang ng araw na nagtrabaho.
Ngayon, Bayambang, ay dapat alam mo!
No comments:
Post a Comment