ABISO
Ayon sa PAGASA, isa ang Pangasinan sa mga lugar sa bansa na tatamaan ng tagtuyot sa mga darating na buwan (mula 4th quarter ng 2023 hanggang kalagitnaan ng 2024), kung saan ang dami ng ulan ay bababa ng mula 21% hanggang 60%.
Isa sa mga posibleng epekto nito ay ang pagbaba ng suplay ng tubig na inihahatid ng Bayambang Water District.
Dahil dito, pinapakiusapan ang lahat na magtipid sa paggamit ng tubig at gumawa ng lahat ng maaaring paraan upang iwasan ang maaksayang paggamit ng tubig sa araw-araw.
Inaabisuhan din ang lahat na i-double check ang kanilang linya ng tubig sa posibleng pagtagas.
Sa ating pagtutulungan, kaya nating lampasan ang pagsubok na dulot ng tagtuyot. Samantala, sama-sama tayong manalangin sa Panginoon na huwag nang tumuloy sa ating bansa ang hagupit ng tagtuyot.
No comments:
Post a Comment