Friday, September 29, 2023

SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS - September 2023

EDUCATION FOR ALL

- (LSB, Library, DepEd)

Mga Dating PSDS, Pinasalamatan sa Kanilang Serbisyo; Mga Bagong PSDS, Winelcome

Noong August 24, pinasalamatan ng Local School Board ang outgoing Public Schools District Supervisor (PSDS) ng Bayambang na sina Dr. Angelita Munoz at Dr. Mary Joy Agsalon. Ang dalawa ay ginawaran ng Certificate of Appreciation sa presensiya ng lahat ng miyembro ng LSB. Winelcome naman ang nagbabalik na si Dr. Candra Penoliar, bilang PSDS ng District II, at si Dr. Longino Ferrer, na nakaassign naman sa District I.

Child Development Sessions, Nagsimula Na

Noong September 4, muling nagsimula ang Child Development Sessions sa 74 Child Development Centers ng Bayambang. Ayon kay MSWDO Child Development Focal Person, Marvin Bautista, mayroong 2,925 learners ang kasalukuyang nakaenroll bilang Pre-K1 at Pre-K2, at ang mga ito ay tinuturuan ng 77 Child Development Teachers.

525 Bayambangueños, Nabiyayaan ng Libreng College Education

Sa araw ding iyon, ang Bayambang Polytechnic College ay nagsagawa ng isang College Orientation program sa Events Center, na dinaluhan ng lahat ng 525 na enrollees, mga guro at opisyal sa pangunguna ni College President, Dr. Rafael Saygo, at mga municipal officials, sa pangunguna ni Vice Mayor IC Sabangan. Tinalakay sa programa ang mga academic at non-academic matters na nagsisigurong magiging matagumpay sa pag-aaral ang lahat ng enrollees sa school year na ito.

17,445 na Estudyante mula Public Elementary School, Makakatanggap ng Libreng School Supplies

Noong September 5, nag-umpisa nang magpamahagi ang LGU ng school supplies sa mga public elementary schools ng Bayambang District I at II para sa school year 2023-2024. Nagpapasalamat ang may 17,445 na estudyante kay Mayor Niña sa panibagong tulong na ito sa kanilang pag-aaral.

LSB Update

Sa ginanap na pulong ng Local School Board noong September 21 sa Mayor's Conference Room, nagdonate si Mayor Niña Jose-Quiambao ng P50,000 mula sa sariling bulsa para sa BNHS students at faculty members na aattend ng isang kumperensya sa Malaysia.

HEALTH FOR ALL

- Health (RHUs)

KSB Year 6, Lumapag sa Buenlag

Sa pagpapatuloy ng paghahatid ng Total Quality Service, ang buong pangkat ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 ay lumapag sa Buenlag 1st Barangay Covered Court noong September 8. Ang team ay malugod na sinalubong ng mga taga-Barangay Mangayao, Buenlag 1st, at Buenlag 2nd. Ayon sa ulat ng overall organizer, Dr. Roland Agbuya, may 882 total registered clients ang nakinabang sa aktibidad.

Dental Team, Nag-ikot sa mga CDC

Noong nakaraang lingo, ang dental team ng RHU ay nag-umpisang mag-ikot sa mga Child Development Center ng Bayambang para magbigay ng libreng fluoride application, oral health education, at lecture on proper toothbrushing sa mga child development learner.

Dito ay magkasamang nag-ikot sina Dr. Dave Francis Junio, Dr. Alma Bandong, at kanilang team mula sa mga RHU, at si DOH dentist, Dr. Zaida Alcantara.

Water Refilling Stations, Ininspect

Isang sanitary inspection ang isinagawa noong September 12 sa dalawang water refilling station na nag-aapply para sa Permit to Operate. Ang inspeksyon ay isinagawa ni Engr. Michelle Bumatay ng DOH RO1, kasama si RHU I Sanitary Inspector, Jonathan Florentino.

KSB Team, Nagbalik sa Tambac

Kasing-aliwalas ng panahon ang nabanaag sa mukha ng mga residente ng Brgy. Ataynan, Bacnono at Tambac sa muling pagbabalik ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sa Brgy. Tambac Covered Court upang patuloy na magbigay ng mga libreng serbisyo mula sa Municipio na may tatak Total Quality Service. Sa AVP message ni Mayor Niña, wala aniyang pinipiling panahon, lugar, estado, edad at kondisyon ang KSB, makatulong lamang na maiahon ang bawat Bayambangueño sa kahirapan. May 838 clients ang nag-avail ng mga serbisyo sa nasabing aktibidad.

Blood Drive, Nakakolekta ng 95 Blood Bags

Noong September 18, nagsagawa ng isang mobile blood donation drive ang mga Rural Health Unit, kasama ang Region 1 Medical Center, sa Balon Bayambang Events Center. Mayroong 154 registered donors, subalit 62% lamang ang naging successful donors. Sa kabuuan, ang RHU at R1MC ay nakakolekta ng 95 blood bags.

RHU III, Muling Nag-Info Drive

Kamakailan ay matagumpay na nagtapos ang isang information drive ng RHU III ukol sa "Teenage Pregnancy, Maternal and Child Health Care, and Effective Parenting." Ayon kay Dr. Roland Agbuya, mayroong 618 total participants sa aktibidad na ginanap sa iba't-ibang venue sa 12 catchment barangays ng RHU III, kabilang ang Brgy. Carungay, Hermoza, Tatarac, Apalen, at Pangdel.

Libreng Serbisyo sa KSB Year 6, sa Bandang Darawey Ibinigay

Hindi nagpahuli ang mga residente ng Brgy. Pugo, Wawa at Darawey sa pag-avail ng mga serbisyong may tatak Total Quality Service, sa isa na namang edisyon ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6, na ginanap sa Brgy. Darawey Covered Court noong September 22. Ayon kay Dr. Roland Agbuya, overall organizer, may 812 total registered clients sa aktibidad, kung saan naghandog ng libreng serbisyo ang lahat ng departmento ng LGU at line agencies ng gobyerno

- Nutrition (MNAO)

- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)

LGU Sportsfest 2023, Pormal na Binuksan

Noong September 25, ginanap ang opening program ng LGU Sportsfest 2023, sa pag-oorgnisa ng Municipal Physical Fitness and Sports Development Council. Ito ay nag-umpisa sa isang simpleng parada at sinundan ng isang programa sa Events Center. Naroon ang limang koponan na kinabibilangan ng Team Luntian, Sinaglahi, Masigasig, Marangal, at Mandirigma. Napuno ng hiyawan ang venue nang masungkit ng Team Luntian ang most active Team at tumanggap ng P15,000 cash prize mula ay Mayor Niña.

- Veterinary Services (Mun. Vet.)

- Slaughterhouse

PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN

- Social Services (MSWDO, MAC)

LGU Bazaar for Pre-loved Items, Matagumpay

Naging matagumpay ang dalawang araw na LGU-Bayambang Bazaar for Pre-loved Items at live selling na ginanap noong September 8 at 9 sa Balon Bayambang Events Center. Ang proyektong ito ay inisyatibo ni Municipal Administrator, Atty. Raj Vidad, salamat sa donasyon ng lahat ng departamento ng LGU, CIAISI, Project Aral Foundation, Rotaract Club, at Binibining Bayambang. Ang nalikom na pondo ay gagamitin upang makatulong sa housing project ni Mayor Niña para sa mga piling pamilya na miyembro ng 4Ps.

Natulungang Heart Patient, Bumisita upang Magpasalamat

Noong September 11, nagsadya sa opisina ni Mayor Niña Jose-Quiambao si Gng. Gina Herrera kasama ang kanyang anak na si Sheinna, 15 taong gulang, mula sa Brgy. Dusoc upang magpasalamat sa lahat ng naitulong at patuloy na pagtulong ng Mayor’s Action Center sa naging open heart surgery ni Sheinna sa Heart Center para sa congenital heart disease.

DSWD SLP Payout, May 35 Muslim Beneficiaries

Nagpamahagi ang DSWD-RO1 ng puhunang pangkabuhayahan, o seed capital fund, sa napiling 35 na benepisyaryo mula sa lokal na Muslim community sa Brgy. Telbang sa ilalim ng programa ng ahensya na Sustainable Livelihood Program. Ito ay matapos humiling si Ginoong Abdulcader Ben Camarullah, na miyembro ng naturang komunidad, sa ahensya para sa naturang ayuda. Ginanap ang payout sa Telbang Barangay Hall noong September 12, sa pangunguna ng DSWD, kasama ang MSWDO at BPRAT.

ERPAT Sessions, Muling Lumibot sa mga Barangay

Ang MSWDO ay muling lumibot sa mga barangay upang magsagawa ng ERPAT o Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities (ERPAT). Ito ay isang programang naglalayong gawing modelo ang mga tatay sa komunidad sa paghubog ng isang mapag-arugang tahanan para sa kanilang pamilya. Ang mga ERPAT session ay ginanap sa Brgy. Banaban, Alinggan, Tococ East, Balaybuaya, Zone 6, Managos, at Pantol noong March 22 hanggang September 7.

Bagong Listahan ng Senior Citizen Beneficiaries, Muling Dumaan sa Validation Round

Isinagawa ng Department of Social Welfare Development, sa tulong ng MSWDO, ang isa na namang validation activity para sa bagong batch ng mga indigent senior citizen na maaaring maging benepisyaryo ng quarterly social pension sa susunod na taon. Ito ay isinagawa noong September 25 hanggang 26 sa Balon Bayambang Events Center.

- Civil Registry Services (LCR)

PhilSys Birth Registration Assistance Project, Muling Dinala sa mga Barangay

Noong nakaraang linggo, ang Local Civil Registry Office ay muling lumibot sa mga barangay para sa PhilSys Birth Registration Assistance Project. Ang team ay nagtungo sa Brgy. Hermoza, Caturay, Banaban, Sanlibo, Beleng, Inanlorenza, at Macayocayo.

- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)

Sabayang Pagtatanim ng mga Puno, Isinagawa sa Pugo Evacuation Center

Noong September 13, ginunita ang unang taong anibersaryo ng National Simultaneous Tree Planting Program sa pamamagitan ng sabayang pagtatanim ng puno sa Pugo Evacuation Center. Ang tree-planting activity ay isang kolaborasyon sa pagitan ng Liga ng mga Barangay at LGU departments, national agencies, at NGOs. Ito ay dinaluhan ng 110 na boluntaryo na nakapagtanim ng 100 na mga punla ng namumungang punongkahoy.

77 Barangays, Nagbayanihan para sa Kalinisan

Noong September 16, sabay-sabay na sumali ang 77 barangays sa isang simultaneous clean-up drive nationwide na tinatawag na Barangay at Kalinisan Day o BarKaDa ayon sa DILG Memorandum Circular No. 2023-133. Gamit ang walis-tingting, pandakot, at mga sako bilang trash bag, sama-samang ginalugad ng mga taga-barangay ang mga maruruming sulok at tulung-tulong na nilinis ang mga ito, kasama ang mga government employees at NGOs.

Solid Waste IEC, Isinagawa ng ESWMO sa Tanolong NHS

Noong September 19, nagsagawa ang ESWMO ng isang information campaign ukol sa Solid Waste Management sa Tanolong National High School, at ito ay ginanap sa kanilang Junior High School Building. Ipinaliwanag ni DENR Region I ENMO, Engr. Eroll Rayden Gan, ang ukol sa RA 9003. Naroon din sina ESWMO SEMS Eduardo Angeles Jr. na nagpaliwanag ukol sa composting, ESWMO staff May Ann Palaming ukol sa recycling, at ESWMO staff Arielito Agas para naman sa waste segregation at penal provisions.

- Youth Development (LYDO, SK)

- Peace and Order (BPSO, PNP)

BPSO Staff, Muling Hinasa sa First Aid at Fire Safety

Noong September 15, sumailalim sa isa na namang seminar-training ang Bayambang Public Safety Office (BPSO) sa "Basic First Aid and Fire Safety" na ginanap sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. May 60 personnel ng BPSO ang naging participants. Guest lecturer dito sina Municipal Fire Marshall SInsp Divina Cardona, SFO3 Teresa Pascua, at FO1 Fallucky Santiago ng Bureau of Fire Protection.

Road Clearing Operations, Walang Puknat

Nagtulung-tulong ang mga miyembro ng Road-Clearing Task Force noong September 21 upang isagawa ang isa na namang operasyon sa iba't-ibang barangay. Nagbigay din ang Task Force ng mga demand letter upang mapagsabihan ang mga vendors na magtinda sa tamang lugar at kumuha ng nararapat na business permit.

Sa isang pulong naman noong September 26, napagkasunduang bibigyan ng sampung araw na palugit ang lahat ng may violation matapos silang mabigyan ng demand letter. Kapag hindi sumunod ang mga ito, naatasan ang Task Force na kumpiskahin o idemolish ang mga nananatiling nakahambalang sa sidewalk.

AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)

Agri-Balita

A. Noong September 7 naman, nagconduct ang Provincial Fisheries Office Director ng BFAR na si Mary Ann Salomon ng isang validation activity sa Brgy. Langiran para sa isang commercial fish tank na nirerequest ng LGU sa ahensya.

B. Noong September 8, ang PhilMech ay nagconduct ng Impact Assessment ng Bani at Ligue Farmers' Association kaugnay ng kanilang nakuhang four-wheel tractor. Kanilang inalam kung paano nakatulong ang inaward na makinaryang ito sa kanilang mga asosasyon.

C. Sa araw ding iyon, nagsagawa ang DA-RFO1 ng isang validation activity para sa mga farm machineries na inaward sa iba't-ibang Farmers' Association sa Bayambang. Inalam ng team kung operational o functional pa ang mga makinaryang inaward sa siyam na local farmers' association.

Local Finalist, Tinanggap ang P80,000 mula sa Provincial Young Farmers Challenge

Noong September 14, isinagawa ang awarding ng Young Farmers Challenge provincial level sa Department of Agriculture Regional Office I, sa San Fernando, La Union. Kasama ang MAO staff, tinanggap ni Christian Lapurga na taga-Brgy. Tampog ang kanyang award at certificate. Ang provincial level award ay nagkakahalaga ng P80,000 na siyang gagamiting pondo para sa napiling agro-enterprise entry.

Fertilizer Voucher, Ipinamahagi sa Rice Farmers; Onion Seeds, para sa Onion Farmers

Noong September 15, pormal na ipinamahagi ang mga fertilizer discount voucher sa mga magsasaka na nauna nang nabigyan ng rice seeds sa ilalim ng DA Rice Competitiveness Enhancement Fund. Kasabay nito ay ang pamamahagi rin ng onion seeds para sa mga onion farmer na nasalanta ng bagyong Paeng noong 2022. Ayon sa MAO, mayroong 2,768 rice farmers ang nakatanggap ng fertilizer voucher, at may 600 cans naman ng onion seeds ang inisyal na ipinamahagi sa mga apektadong onion farmers.

Field Demo ng Drone Spray Application ng Foliar Fertilizer, Muling Isinagawa

Isa na namang field demonstration ng drone spray technology ang isinagawa ng service provider na AgriDOM sa Brgy. Dusoc noong September 20, 2023. Ayon sa Municipal Agriculture Office. ito ay parte pa rin ng Corporate Farming Project ng provincial government sa mga farming towns ng Pangasinan. Sa field demo na ito, tanging ang drone na lamang ang mag-iispray ng iba't-ibang klase ng foliar fertilizer sa mga pananim.

Ground Verification Survey at Geotagging for Onion Cold Storage

Noong September 7, ang Assessor's Office ay nag-conduct ng ground verification survey at geotagging ng panukalang 20,000-bag capacity Onion Cold Storage sa Brgy. Amancosiling Sur.  

District 7 Farming Cluster, Tumanggap ng 4-Wheel Tractor

Noong September 20, tumanggap ang Bayambang District 7 Cluster Organization Inc. ng isang four-wheel tractor na nagkakahalaga ng P3.4 million bilang parte ng Corn Banner Program ng Department of Agriculture. Ito ay iginawad sa Pangasinan Research and Experiment Center, Sta. Barbara, Pangasinan. Naroon din ang Municipal Agriculture Office Corn Banner personnel na silang umasiste sa aplikasyon ng naturang organisasyon.

Training para sa Food Safety Compliance Officers, Isinagawa

Noong araw ding iyon, nagsagawa ng isang Food Safety Training para sa mga Food Safety Compliance Officers ang Bureau of Plant Industry - Baguio ukol sa kinakailangang pagtatalaga ng isang Compliance Officer ng kada kumpanyang nasa food business alinsunod sa Food Safety Act. Ito'y isinagawa sa Municipal Hall compound at dinaluhan ng mga food business owners at kani-kanilang mga Food Safety Officers mula sa bayan ng Bayambang at Villasis, Pangasinan at sa Samar, Bulacan, at Bicol.

JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL

- Livelihood and Employment (MESO, BPRAT)

Electrical Tool Kit, Inaward sa 10 BPC Grads

Noong September 8, sampung benepisyaryo ang pinagkalooban ng DOLE, sa pamamagitan ng PESO-Bayambang, ng electrical tool kit na nagkakahalaga ng P30,000 bawat isa, upang magamit nila bilang starter tool kit na panghanapbhay. Ang mga recipients ay pawang nagsipagtapos ng Electrical Installation and Maintenance NC II sa Bayambang Polytechnic College.

IEC na "Different Pathways to Migrating to Canada," Dinagsa

Noong September 23, nagsagawa ng isang information campaign ukol sa "Different Pathways to Migrating to Canada" o iba-ibang paraan kung paano mag-migrate sa bansang Canada. Ito ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center, sa pagtutulungan ng Administrator's Office, PESO, at BPRAT. Naging resource person si Arnida Guillermo, Coordinator ng AG & Associates ng Ascent Employment Services ng Calgary, Alberta, Canada. May 316 katao mula sa iba't-ibang sektor ang umattend ng event.

Financial Subsidy para sa Rice Micro-Retailers, Ipinamahagi

May 21 local rice micro-retailers ang tumanggap ng financial subsidy na P15,000 kada isa bilang handog ng gobyerno para malampasan ang epekto ng Executive Order No. 39 na nagpapatupad ng price ceiling sa regular at well-milled na bigas. Ginanap ang payout activity sa Events Center noong September 26 sa pangunguna ng DSWD kasama ang MSWDO at BPRAT. Dumaan ang mga retailers sa masusing validation ng MAO, DTI, at SEE.

Latest TUPAD Payout, May 438 PWD Beneficiaries

Noong September 28, muling nagrelease ang DOLE ng payout para sa mga PWD mula sa 75 barangays na benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Displaced Workers. Ang payout ay mayroong 438 PWD beneficiaries na naglinis ng sampung araw mula August 24 hanggang September 2 sa kani-kanilang barangay. Sila ay nakatanggap ng tig-P4,000.

- Economic Development (SEE)

- Cooperative Development (MCDO) 

Investment Forum, Isinagawa ng M.C.D.O.

Noong September 5, isang investment forum ang isinagawa ng Municipal Cooperative Development Office sa Mayor's Conference Room upang makapag-identify ng qualified na kooperatiba na magko-co-manage ng isang cold storage facility at agribusiness hub o trading post na itatayo ng LGU sa ilalim ng PRDP Scale-Up Program ng Department of Agriculture. Bilang Number 1 onion producer sa Region I, mahalagang may cold storage sa Bayambang upang maextend ang shelf life ng mga aning sibuyas.

Bayambang, Nag-host ng 3Q LCDOP 2023 Meeting

Noong September 12, isinagawa ang isang pulong ng mga Local Cooperative Development Officer ng Pangasinan para sa ikatlong kwarter ng taon sa Balon Bayambang Events Center. Naroon sa pagpupulong ang Cooperative Development Authority, Provincial Cooperative Development Officer, at M.C.D.O. kasama ang mga kawani ng kooperatiba mula sa iba't ibang mga munisipalidad, lungsod, at pamahalaang panlalawigan.

Bagong Officers ng Sibol MPC, Nanumpa

Noong September 14, nanumpa ang mga bagong halal na opisyal ng Sibol Multi-Purpose Cooperative (MPC) kay Mayor Niña Jose-Quiambao, sa isang induction ceremony na ginanap sa Balon Bayambang Events Center. Ang mga bagong halal na opisyal ay pinangunahan ng Chairperson ng Board of Directors na si Valentine Dela Cruz at Vice Chairman, Princesita Sabangan. Ang Sibol MPC ay isang kooperatiba na kinabibilangan ng mga LGU employees.

- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)

Tourism Month, Binuksan ng Isang Tree Planting Activity

Sa pagbubukas ng Tourism Month 2023, ang Tourism Office ay nagsagawa ng isang tree-planting activity sa Brgy. Tanolong noong Setyembre 22, ayon sa temang "Tourism and Green Investment." Sa tulong ng Ecological Solid Waste Management Office, umabot sa 700 na punla ng iba’t-ibang fruit-bearing trees, vegetables seeds, at puno ng gmelina ang naitanim ng munisipyo, kabilang ang Bayambang Polytechnic College, at Barangay Tanolong officials.

Paligsahan sa Sining Kaugnay ng Inang Kalikasan, Bagong Pasabog sa Buwan ng Turismo

Pagkatapos nito, nagsagawa ang Tourism Office ng tagisan sa pagpinta ng mga obra at pagdisensyo ng mga miniature garden sa Balon Bayambang Events Center. Sa Painting Contest, naging grand winner si Nicole Joi Gasmen mula sa bayan ng Alcala at nagwagi ng P15,000 cash prize. Grand winner naman sa Dish Garden Contest sina Ma. Wenonah Go, Ma. Imelda Gabriel, at Marilyn Tulagan at nag-uwi ng P10,000 grand prize.

BCS 6th Graders, Nag-tour sa Museum

Bilang pagtatapos ng selebrasyon sa araw ding iyon, nagkaroon ng isang Mini-Tour ang Tourism Office at Museum para sa mga chikiting. Ang mga 50 na turista ay mga Grade 6 students ng Bayambang Central School, kasama ang kanilang advisory teachers at Principal na si Dr. Nancy Gutierrez.

- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)

Narito naman ang update ukol sa Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center.

Engineering Infrastructure Projects

Narito naman ang mga latest construction project ng Engineering Office sa ilalim ng 20% Development Fund ng LGU para sa taong 2023.

Ongoing ngayon ang mga sumusunod:

Road widening sa Brgy. Bongato West

-        Construction ng Core Local Access Road sa Brgy. Zone VII

-        Construction ng Multi-purpose Hall sa Brgy. Caturay

-       Construction ng Daycare Center sa Brgy. Wawa

Engineering Office, Nagbigay sa Iba't-Ibang Serbisyo

Noong September 23, naging abala ang Engineering Office sa pagbibigay ng iba't-ibang serbisyo. Kabilang dito ang:

A. Pagwawasto ng mga rampa para sa Persons with Disability, ayon sa mga pamantayan ng Seal of Good Local Governance.

B. Pag-aayos sa Wawa Evacuation Center

C. Pagtulong sa kontratista ng Provincial Engineering Office para sa installation ng mga solar streetlight sa perimeter ng Municipal Plaza

D. Ang Dangling Wire Clearing Task Force naman ay tuluy-tuloy ang operasyon sa Public Market sa kahabaan ng national road.

DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)

MDRRMO, Umikot sa Iba't-Ibang Eskwelahan

Noong September 4 pa rin, umikot ang MDRRMO upang i-check ang lokal na estado ng mga paaralan dahil sa naranasang mga pag-ulan dulot ng bagyo at habagat. Dito ay ipinarating sa mga guro na ipaalala sa mga estudyante, magulang at iba pa ang tungkol sa DepEd Order No. 37 series of 2022 o ang "Guidelines on the cancellation or suspension of classes." Kasabay nito ay ang pagbabahagi ng mga puwedeng ihatid na serbisyo ng MDRRMO.

3rd Quarter NSED, Muling Inihanda ang Publiko sa Sakuna

Sa unang Linggo ng Setyembre, muling nakilahok ang lahat ng public at private elementary school at high school students, barangay officials, daycare centers, at LGU employees sa 3rd Quarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED 2023. Ito siyempre ay inorganisa ng MDRRMO, kasama ang BFP PNP, BPSO, at Engineering. Sa pakikilahok sa quarterly NSED, nasasanay ang publiko na maging handa at iwasang magpanic kung may di inaasahang pagyanig.

HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS 

5S, Muling Nirepaso bilang Pamantayan sa Kaayusan sa LGU

Noong September 15, pinangunahan ng GSO at ESWMO ang isang pulong sa Mayor's Conference Room upang ipahayag ang mahigpit na pagpapatupad ng sistema ng 5S sa lahat ng mga opisina ng LGU. Layunin ng hakbang na ito na maging ehemplo ang mga kawani sa lahat ng mga residente ng Bayambang pagdating sa kalinisan, paghihiwa-hiwalay ng basura, at magandang kapaligiran, alinsunod sa RA 9003. Ang 5S System ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng trabaho sa pamamagitan ng maayos, malinis, at maaliwalas na tanggapan at pamamaraan ng paggawa.

GSO, Nagmonitor at Nagrepair ng mga Leak

Kasalukuyang nagmomonitor ang General Services Office ng lahat ng gripo, tubo, at palikuran ng LGU, bilang pagtalima sa panawagan ng lokal na pamahalaan at ng Bayambang Water District na magtipid ng tubig sa harap ng nakaambang panganib ng tagtuyot dulot ng El Niño. Lahat ng may leakage ay kaagad na inasikaso ng mga staff upang maiwasan ang pagtagas at pag-aksaya ng tubig. Inaabisuhan ang publiko na gawin din ang nararapat na water conservation measures.

- Planning and Development (MPDO)

- Legal Services (MLO)

- ICT Services (ICTO)

ICTO, Nag-update ukol sa GAD Database System Development

Noong September 21, nagkaroon ng inisyal na presentasyon ang ICT Office ng kanilang dinivelop na database system para sa Gender and Development (GAD) concerns ng LGU-Bayambang. Sa pulong na ginanap sa Mayor's Conference Room, kinonsulta ng ICTO ang MSWDO at iba pang miyembro ng GAD Focal Point System ukol sa mga nais nilang datos na ma-input bago mafinalize ang nasabing GAD Database System.

- Human Resource Management (HRMO)

HRMO, May Free Pampering Services para sa LGU Employees

Taun-taon, bakas ang kasiyahan sa mga mukha ng mga LGU employees tuwing ipinagdiriwang ang anibersaryo ng Civil Service Commission dahil ito ay isang espesyal na okasyon para sa kanila. Noong September 7, muling naghatid ang HRMO ng mga libreng serbisyong alinsunod sa 123rd anniversary celebration ng CSC sa Balon Bayambang Events Center. Nagkaroon ng libreng haircut, back massage, pedicure, at manicure para sa kanila, at mayroon ding dalawa pang pakulo sa mga susunod na araw.

LGU-Employees, Muling Humataw sa Pag-zumba

Muli na namang nag-organisa ng isang Zumba session ang HRMO sa Balon Bayambang Events Center noong September 15, bilang parte pa rin ng 123rd Anniversary ng Civil Service Commission, sa tulong ng ZumBayambang at Kasama Kita sa Barangay Foundation. Ang mga kalahok mula sa iba’t ibang opisina ng LGU ay sabay-sabay na umindak at gumiling-giling kasama ang Zumba instructors. Ang mga kawani ay nakatanggap pa ng freebies tulad ng T-shirt at energy drink.

7 LGU Retirees, Pinarangalan

Noong September 25, pinarangalan ang pitong retirees ng LGU bilang pagkilala sa mahabang taong serbisyo nila sa bayan at bilang parte pa rin ng Civil Service Month 2023 celebration. Kabilang sa mga kinilala sina former Municipal Librarian Leonarda Allado (32 years of service), former Municipal Engineer Eddie Melicorio (29 years), Rolando Castillo ng SEE (19 years), Jaime Bautista ng Solid Waste (17 years), Romeo Quinto ng Treasury (31 years), dating Agriculture Technician Rodolfo Ragos (27 years), at Tomas Vinluan ng Engineering Office (41 years).

- Transparency/Public Information (PIO)

- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)

AWARDS AND RECOGNITIONS

RHU II, Adolescent-Friendly Facility

Gaya ng RHU III, ang RHU II ay accredited na rin ng Department of Health bilang “Level 1 Adolescent-Friendly Health Facility.” Ang Certificate of Compliance ay iginawad ng Provincial Health Office noong July 23. Ibig sabihin nito, mas maraming serbisyo ang maibibigay ng RHU II sa mga nagbibinata at nagdadalagang kabataan.

LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)

SB, Nagsagawa ng Public Hearing ukol sa Tatlong Ordinansa

Noong September 14, isang pampublikong pagdinig ang isinagawa ng Sangguniang Bayan ukol sa tatlong panukalang ordinansa, at ito ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center. Ang mga panukalang ordinansa na isa-isang tinalakay ay ukol sa…, una, ang pagtatag ng isang mental health program para sa bayan. Pangalawa ay ang pagbuo ng intervention program upang masugpo ang tumataas na insidente ng teenage pregnancy sa bayan. At ang pangatlo ay ang pagbibigay proteksyon para sa mga karapatan ng LGBTQI lalo na sa mga insidente ng diskriminasyon. Ang pagdinig ay pinangunahan ng SB Committee on Rules, Laws and Ordinances; Social Services; at Health and Sanitation.

CENPELCO, Inimbitahan upang Magpaliwanag ukol sa Lumalalang Serbisyo at Taas ng Singil

Noong September 25, inimbitahan ng Sangguniang Bayan ang CENPELCO sa isang public hearing upang magpaliwanag ukol sa lumalalang lebel ng kanilang serbisyo sa kabila ng taas ng singil sa kuryente. Pinangunahan ang hearing ni SB Committee Chairman on Public Utilities, Coun. Gerry Flores, kasama ang iba pang konsehal, Municipal Administrator, at iba pang opisyal. Sa talakayan ay isinisi ng CENPELCO ang mga di inaasahang power interruption sa paghampas ng mga sanga ng punongkahoy sa mga kawad ng kuryente, at ang kakulangan nila ng personnel upang isa-isang asikasuhin ang lahat

No comments:

Post a Comment