Sunday, September 3, 2023

LGU Accomplishments - August 2023

 SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS

 EDUCATION FOR ALL

- (LSB, Library, DepEd)

DepEd Region I at Division Officials, Muling Nakipagpulong ukol sa Central School

Noong August 10, muling nakipagpulong si DepEd Region I Director Tolentino Aquino at division officials sa Legal Team ng LGU at kina Mayor Niña Jose-Quiambao at Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar Quiambao sa Mayor's Conference Room upang pag-usapan ang mga update tungkol sa kaso sa pagbawi ng LGU sa Bayambang Central School. Pinapakita rito na patuloy pa rin ang pagbawi ng LGU sa Central School bilang pagmamay-ari ng bayan ng Bayambang.

HEALTH FOR ALL

- Health (RHUs)

Mga Libreng Serbisyo sa KSB Year 6, sa Bani naman Ibinigay

Sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan dala ng bagyong 'Egay,' hindi nagpatinag ang buong puwersa ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 upang ibigay sa mga residente ng Bani, Asin, at Ligue ang mga free Total Quality Services mula sa Municipio. Kaya naman ang edisyong ito ng KSB Year 6 na ginanap sa Bani Elementary School noong July 28 ay sinalubong ng mga nagliwanag na mukha ng 350 na residente sa gitna ng makulimlim na kalangitan.

PBSP, May Libreng Pa-Xray sa mga TB Patients at High-Risk na Indibidwal 

Bilang parte ng paggunita ng Lung Month 2023, nag-sponsor ang Philippine Business for Social Progress ng libreng pagpapa-X-ray para sa mga indibidwal na may suspected tuberculosis o TB. Sa tulong ng RHU at Bayambang District Hospital, kanilang in-X-ray ang mga household contacts ng confirmed TB patients, suspected TB patients, diabetic patients, at smokers. Ang mga ito ay binigyan din ng bigas, vitamins, at toothbrush sa ng Rotary Club at LGU.

Calibration ng Weighing Scales, Isinagawa para sa mga Barangay

Isang calibration activity ang isinagawa noong August 8 to 9 ng mga staff ng Special Economic Enterprise at mga Rural Health Unit na natrain ng DOST kamakailan. Ito ay para maayos at magamit ng tama ang lahat ng weighing scales na ginagamit sa barangay. Dahil dito, masisiguro na wasto ang timbang ng mga kabataan at maiiwasan ang false positive result sa malnutrisyon.

KSB Year 6, Inabangan sa Inirangan

 Noong August 11, lumipat ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 sa Inirangan-Reynado Elementary School, upang ituloy ang hamon laban sa kahirapan at ihatid ang mga libreng serbisyo mula sa Municipio para sa Brgy. Reynado, Carungay, at Inirangan. Sa pangunguna nina Inirangan Punong Barangay Jonathan Espejo at iba pang opisyal, maligayang inabangan ang buong pangkat ng KSB Year 6 upang muli nilang matanggap ang iba't-ibang serbisyo na may tatak Total Quality Service. May 788 ang total registered clients sa aktibidad, sa ulat ni KSB Year 6 organizer Dr. Roland Agbuya.

Bakuna Kontra Rabies Death sa Caturay

Ang Municipal Veterinarian at kasamahan sa Agriculture Office ay nagtungo sa Barangay Caturay noong August 16 upang magsagawa ng massive anti-rabies vaccination sa mga alagang hayop doon. Ang pagbabakuna ay mabisang solusyon upang makaiwas sa rabies at rabies death, dahil wala pa ring gamot laban sa rabies. Pinaaalalahanan ang lahat na maging responsableng pet owners at sumunod sa Antirabies Act of 2007.

 KSB Year 6, Dinagsa sa Nalsian

Dinagsa ng mga residente ng Barangay Tamaro, Nalsian Norte, at Nalsian Sur ang ginanap na Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 (KSB Y6) noong August 18 sa Nalsian Elementary School. Ang buong pangkat ng KSB Year 6 ay muling umariba upang ipagkaloob sa mga dumalo ang libreng serbisyo mula sa Municipio na may tatak Total Quality Service. Sa ulat ng overall organizer na si Dr. Roland Agbuya, ang aktibidad ay may 937 na benepisyaryo. 

Mga Libreng Serbisyo ng Munisipyo, Pinilahan sa Sapang

Bata man o matatanda, babae o lalaki, nagsama-sama ang mga taga-Brgy. Sapang, Duera, at Banaban upang dumalo sa Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 na ginanap sa Sapang Elementary School noong August 25. Ang lahat ng departamento ay naghatid ng kanya-kanyang serbisyo, mula assessment services ng Assessor's Office hanggang zoning advice mula sa Planning and Development Office. Sa ulat ni Dr. Roland Agbuya, overall organizer, may 1,016 katao ang naging benepisyaryo sa aktibidad.

Local Health Programs, Nirepaso ng DOH at PHO

Noong August 29, bumisita ang mga representante ng DOH at Provincial Health Office para sa Semi-Annual Program Implementation Review (PIR), at ito ay ginanap sa Mayor's Conference Room. Ang PIR ay isang instrumento upang mamonitor at maevaluate ang implementasyon ng mga national at local health programs gamit ang ilang scorecards. Naroon ang Municipal Administrator, ang tatlong duktor ng bayan, at mga staff ng RHU I, II, at III, na kanya-kanyang nagsipagreport ng kanilang naging accomplishments.

- Nutrition (MNAO)

LGU-Lingayen, Nagbenchmarking sa MNAO

Noong August 3, nag-benchmarking ang LGU-Lingayen sa Municipal Nutrition Action Office upang alamin ang best practices ng tanggapan sa paghahatid ng tamang nutrisyon sa mga undernourished children sa bayan ng Bayambang. Ang mga bisita sa pangunguna ni Lingayen Nutrition Officer Pol Johanna Celestino-Morante ay winelcome ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at Municipal Nutritionist Venus Bueno at ng kanyang staff sa Mayor's Conference Room at ipinasyal sa Nutrition Office.

Pondo mula sa Fundraising, Ipinamili ng Food Packs para sa mga Kabataan

Sa tulong ng mga empleyado at mga pribadong indibidwal na nag-avail ng food stub sa fundraising activity noong nakaraang Nutrition Month celebration, nakalikom ang Nutrition Office ng pondo para mabigyan ang nasa 30 na kabataan ng grocery package na nagkakahalaga ng P1,000 bawat isa.

Ginanap ang distribusyon ng food packs sa bara-barangay noong August 2.

- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)

Rotaract Club, Nag-Zumba for a Cause

Noong June 11, ang Rotaract Club of Bayambang ay nag-organisa ng isang Zumba for a Cause sa Balon Bayambang Events Center. Ang "2Gether We Rac, Zumba for a Cause" ay sinalihan ng 276 na participants mula sa iba't-ibang bayan ng Pangasinan at binisita ng mga District Officer ng Rotaract mula sa iba't ibang bahagi ng Luzon. Ang proceeds ng aktibidad ay mapupunta sa End Polio Campaign ng Rotary International.

- Veterinary Services (Mun. Vet.)

 – Slaughterhouse

 PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN

- Social Services (MSWDO, MAC)

 Training on Basic Bookkeeping, Isinagawa para sa 4Ps

Noong August 15, nag-organisa ng isang Training on Financial Report Preparation at Basic Bookkeeping ang DSWD, sa tulong ng MSWDO at BPRAT. Tinalakay ni OIC Municipal Accountant Flexner de Vera ang ilang procedure ukol sa bookkeeping at paggawa ng financial reports. Ipinaliwanag naman ni BPRAT Chairperson, Dr. Rafael Saygo, ang CONE Approach na isang istratehiya upang gawing matagumpay ang mga livelihood projects. Sa pagbibigay ng mga bagong kaalaman sa mga miyembro ng Sustainable Livelihood Projects ng DSWD, mahahasa ang kanilang kakayanan sa tamang pagpapatakbo ng kanilang negosyo.

 Bayanihan Lions Club Int'l, Nakiisa sa Brigada Eskwela

Noong August 16, ang Bayambang Bayanihan Lions Club International ay nagbigay ng suporta sa Brigada Eskwela, sa pamamagitan ng pamimigay ng mga kagamitan sa pagsasayos at paglilinis tulad ng walis tingting, dust pan, basahan, at semento sa Tococ National High School at sa mga elementary school ng Tococ, Sancagulis, Managos, Wawa, Malimpec, at Amancosiling Sur.

- Civil Registry Services (LCR)

- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)

 DENR-EMB R1 Monitoring & Validation, Nagpatuloy

 Noong August 2, dumating ang DENR-Environment Management Bureau-Region 1 upang imonitor sa loob ng anim na araw ang implementasyon ng 10-Year Solid Waste Management Plan ng Bayambang. Kabilang sa mga inispeksyon at iinspeksyunin ng ahensya ang waste management system sa MRF, RHU, Public Market, 77 barangays, at mga paaralan. Ito ay upang masiguro na ang Bayambang ay sumusunod sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

 DENR: Bayambang, Compliant Implementasyon ng RA 9003

 Sa isang exit interview, inihayag ng DENR-EMB R1 ang mga resulta ng kanilang ginawang Initial 10-Year Plan Monitoring noong August 4 sa Mayor's Conference Room. Pahayag ng mga validators, naging compliant ang LGU-Bayambang sa implementasyon ng RA 9003, at ang pinakamaganda sa mga best practices ng bayan ay ang Bali-Balin Bayambang program ni Mayor Nina Jose-Quiambao. Napuri rin ang maayos na recordkeeping system ng LGU at ang sistema sa pagkokolekta ng basura.

 Isa na namang Scops Owl, Natagpuan at Dinala sa MENRO

 Isa na namang kuwago na scops owl species ang isinurender ng MENRO sa DENR Dagupan noong August 9. Ayon sa MENRO, ang kuwago ay isinurender ng dalawang taga-Brgy. Inirangan noong August 8, matapos mahulog ang naturang ibon mula sa puno ng mangga. Nakatakdang dalhin ng DENR ang kuwago sa Wildlife Rescue Center sa Mangatarem. Ito ang pangwalong kuwago na naiulat ng MENRO na boluntaryong isinurender sa opisina mula 2022.

 

Rotaract Club, Iba pang Grupo, Nagsanib-Puwersa para sa Tree Planting

 

Ang local youth group na Rotaract Club of Bayambang ay nag-organisa ng isang tree-planting activity sa Daang Kalikasan, Mangatarem, Pangasinan noong August 20, kasama ang iba't-ibang grupo, kabilang ang STAC Bayambang. Naging sponsor ng aktibidad ang CSFirst Green AID Inc, Local Youth Development Office, at Rotary Club of Bayambang. Mayroong 421 participants sa aktibidad, na binigyan bawat isa ng 10 seedlings upang itanim.

 - Youth Development (LYDO, SK)

 Local Youth, Nagtraining sa Hydroponics Farming

 Pitumpung kabataan na pawang anak ng lokal na magsasaka sa Bayambang ang sumailalim sa Basic Hydroponics Training noong August 11 sa Events Center. Tinalakay ng eksperto mula sa D&E Aquaponics na si Rainier Estrada ang hydroponic farming bilang isa sa mga alternatibong solusyon na maaaring makatulong sa food sustainability at source ng alternative livelihood. Ang training ay inorganisa ng LYDO sa tulong ng MAO, SK at BPRAT bilang parte ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan at International Youth Day.

Mga Kabataan, Hinikayat Pasukin ang Farming Business sa Agripreneur Forum

Noong August 25, nag-organisa ang Local Youth Development Office ng isang forum para sa mga kabataan bilang parte pa rin ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan at International Youth Day. Ito ay ginanap sa Events Center at may temang, “Upskilling the Youth in Agriculture." May singkwentang anak ng local farmers ang lumahok sa forum, kung saan sila ay nakinig sa mga kwento ng mga magsasaka na naging successful sa kanilang farming business.

Abalos, Ininduct bilang Pangasinan LYDO Federation President

Noong August 25, nagtungo si Bayambang Local Youth Development Officer Johnson Abalos sa Kapitolyo para dumalo sa Local Youth Assembly at pormal na i-induct bilang Presidente ng Federation of Local Youth Development Officers of Pangasinan para sa taong 2023. Ang induction ceremony ay ginanap sa Pangasinan Training Center, kung saan naging inducting officer si Board Member Philip Theodore Cruz.

Bayambangueño, Finalist sa Young Farmers Challenge, Provincial Level

Isang Bayambangueño ang nakapasok ang entry sa provincial level ng Young Farmers Challenge ng Department of Agriculture para sa taong 2023. Ayon sa Municipal Agriculture Office, siya ay si Christian Lee S. Lapurga ng Brgy. Tampog. Ang kanyang entry para sa Startup Open Category ay isang native goat production project.

- Peace and Order (BPSO, PNP)

AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)

Local Rice Seed Growers, Umattend sa 5-Day Training

Umattend simula August 1 hanggang 5 ang mga lokal na rice seed growers sa "Training on Inbred Rice Seed Production and Certification for Potential Seed Growers." Ang pagsasanay ay ginanap sa Agricultural Training Institute-Regional Training Center 1, Sta. Barbara, Pangasinan.

PCIC, Nagproseso ng Higit 500 Aplikasyon para Crop Insurance at Claims

Noong August 1, nagtungo ang Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) sa Municipal Agriculture Office upang tulungan ang ating mga magsasaka na maipasiguro ang kanilang mga pananim. Sila ay nakaproseso ng mahigit sa limang-daang (500) aplikasyon para sa crop insurance at indemnity claims para sa mga nasalanta ng bagyong 'Egay.'

OPAG, Nagvalidate para sa Corporate Farming Project

Noong August 4, nagpunta ang Office of the Provincial Agriculturist sa Bayambang upang ivalidate ang mga posibleng lugar para sa corporate farming project ni Governor Ramon Guico III. Ang proyekto ay naglalayong icluster at iconsolidate ang mga maliliit na sakahan at tutukan ang pagsasaka bilang isang modernong farm business.

61 Local Farmers, Nagtapos sa School on Air at Nag-Top 3 sa Exam

 Noong August 4, nagtapos ang 61 farmers ng Bayambang sa "School on Air on Smart Rice Agriculture" ng Department of Agriculture, sa ginanap na seremonya sa Urdaneta City Sports Center. Nasungkit din ng farmers ng Bayambang ang top 3 sa isang examination out of 29  municipalities ng Region I na kasali sa nagtraining mula May hanggang June 2023.

 Pulong ukol sa Census of Agriculture and Fisheries, Ginanap

 Noong August 7, nakipagpulong ang concerned department heads ng LGU ukol sa Census of Agriculture and Fisheries (CAF) ng Philippine Statistics Authority. Dumating ang Focal Person ng Pangasinan na si Dr. Xavier Narvas kasama ang CAF Focal Person ng Bayambang na si Josephine Rosario. Tinalakay sa pulong kung paano magiging matagumpay ang nasabing census sa Bayambang sa pamamagitan ng pagtatalaga ng isang local CAF Coordinating Board. 

 Update mula sa Rice Varietal Derby

Nasa ika-labindalawang session na ang Farmers Field School meeting ng Agriculture Office, na parte pa rin ng eksperimentong Rice Varietal Derby ng tanggapan. Tinalakay ang mga isinagawang Agro-Ecosystem Analysis, kung saan inaral ang mga naging epekto ng iba't-ibang factors sa mga hybrid rice varieties under investigation.

Mga Farmers' President, Pinulong ng Provincial Office

Pinulong ng Provincial Agriculture Office (PAO) ang mga farmers president sa Bayambang upang mapag-usapan ang nakahanay na programa ng pamahalaang panlalawigan kabilang ang Corporate Farming Program at Kadiwa Program. Ang pulong ay ginanap noong August 18, kasama ang MAO at BPRAT, at ginanap sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Dito ay ipinaliwanag na ang Corporate Farming Program ni Governor Ramon 'Monmon' Guico III at ang Kadiwa Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kadiwa Rolling Store, Dumayo sa Bayambang

Dinala ni Pangasinan Governor Ramon Guico III ang Kadiwa Mobile Store sa harap ng Balon Bayambang Events Center noong August 25. Ang retail selling program na ito ay inisiyatibo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naglalayong mapalakas ang sektor ng agrikultura at mapanatili ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng dekalidad na pagkain sa bansa sa murang halaga. Pinasinayaan ang aktibidad nina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, Provincial Agriculturist Dalisay Moya, at iba pang opisyal. Tampok sa naturang aktibidad ang 20 retailing stores na mula sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan.

Field Demo sa Drone Spraying at Fertilizer Application, Isinagawa ng OPAG sa Dusoc

Noong August 30, nagsagawa ang Provincial Agriculture Office ng isang field demonstration ng drone spraying at drone fertilizer application technology sa Brgy. Dusoc. Ito ay pinangunahan ng mga provincial at municipal agriculture officials, kasama ang Farmers’ Federation members. Ang paggamit ng drone technology ay malaking tulong para mapadali ang trabaho ng mga magsasaka at malimitahan ang kanilang exposure sa mga ginagamit na kimikal.

JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL

- Livelihood and Employment (MESO, BPRAT)

DOLE, Muling Nagprofiling Activity para sa TUPAD

Muling nagsagawa ng profiling activity ang DOLE sa pakikipagtulungan ng PESO-Bayambang para sa TUPAD Program noong August 2 sa Pavilion I ng Saint Vincent Ferrer Prayer Park. May 443 PWD ang makaka-avail ng DOLE TUPAD Program, at sila ay nakatakdang makatanggap ng P4,000 matapos ang 10 araw ng paglilinis.

Galing Pook Foundation, Dumating para sa Validation ng Shortlisted Entry ng Bayambang

Noong August 2, bumisita ang mga validator mula sa Galing Pook Foundation para personal na inspeksyunin ang Bani Delicious Ice Cream Livelihood Project ng LGU at DSWD. Unang ginanap ang validation sa Mayor’s Conference Room, kung saan humarap sa mga bisita ang BPRAT, DSWD, MSWDO, at Kasama Kita sa Barangay Foundation. Ang mga validators ay nagpahayag ng interes sa tinaguriang "CONE Approach" upang gawing matagumpay ang naturang livelihood program. Ang proyekto ay kabilang sa top 33 out of 166 entries nationwide.

Iba't-Ibang Istilo ng Pamumuno, Tinalakay sa Training para SLPAs

Noong August 7, nagsagawa ang DSWD ng isang Leadership Training para sa Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) Executive Board Members. Dito ay tinalakay ang iba't-ibang istilo ng pamumuno sa asosasyong nasasakupan at ang iba't ibang responsibilidad ng isang lider. Inaasahang paiigtingin ng training na ito ang kaalaman ng bawat lider sa paghawak ng pinakabagong 14 SLP Associations sa ngayon.

Agew na Propesyunal at Mini-Job Fair, Dinayo ng 482 Clients

A. Noong August 22, nagkaroon ng Mini-Job Fair sa Events Center sa pag-oorganisa ng Public Employment Service Office, kung saan may 25 aplikante ang naitalang na-interview, 9 ang qualified, 4 ang hired on the spot, at 12 naman ang near-hires.

B. Kasabay nito ay ang Agew na Propesyunal kung saan nag-avail ang 446 na Bayambangueño ng mga libreng serbisyo mula sa Professional Regulations Commission (PRC) Regional Office 1 kabilang ang Aplikasyon para sa Licensure Examination at iba pa. Ang mobiel service ng PRC ay malaking tulong upang katipiran para sa mga propesyunal sa paglalakad ng kanilang mga dokumento.

PESO, Nag-Special Recruitment Activity

Noong August 25, nagsagawa ang Public Employment Services Office ng isang Special Recruitment Activity sa harapan ng kanilang tanggapan. Naging recruiter ang Tekstil Manpower and Construction Corporation.

- Economic Development (SEE)

- Cooperative Development (MCDO) 

- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)

RNG Luzon, Nakatakdang Ifeature ang Bayambang

Noong August 12 at 13, nagvideoshoot ang Regional News Group - Luzon, bilang parte ng proyekto ng provincial government na maifeature ang iba't-ibang bayan sa Pangasinan bilang tourism destination sites. Sila ay tinulungan ng Tourism Office upang mabisita ang local attractions gaya ng Municipal Museum, parish church, St. Vincent Ferrer Prayer Park, Silver Concha, buro factory sa Brgy. Bongato, Niña's Cafe, at iba pa.

Mga Bulaklak, Inalay sa Ating mga Bayani

Noong August 28, nag-alay ang LGU, sa pamamagitan ng Tourism, Information, and Cultural Affairs Office, ng mga bulaklak bilang pag-aalaala sa sakripisyo ng ating mga bayani. Mensahe ni Dr. Rafael Saygo ng MTICAO, “Nawa’y ang kanilang di-matatawarang pagmamahal sa bayan ay manatili sa ating isipan at habambuhay na ating isalin sa mga susunod na henerasyon.”

- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)

 Declogging ng Drainage sa Tambac at Tamaro

Nagsagawa ang Engineering Office ng declogging operations sa drainage system ng Brgy. Tambac at Brgy. Tamaro matapos ang malawakang pagbaha. Base sa inisyal na inspeksyon ng Engineering Office, isa sa mga nakikitang dahilan ng pagbaha ay ang pagbara sa drainage dulot ng mga naipong plastic waste. Inaabisuhan ang mga opisyal at residente ng mga naturang barangay na magbayanihan sa declogging operations upang maiwasan ang insidente.

DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)

Bayambang, Nagbayanihan sa Kasagsagan ng Pagbaha

Nang sumunod na araw, nagpatuloy ang bayanihan ng LGU at iba pang ahensya at grupo upang maghatid ng 24/7 na serbisyo-publiko para sa mga Bayambangueño sa kabila ng pagbaha matapos ang paghagupit ng bagyong 'Egay.' Ang lahat ng departamentong miyembro ng MDRRMC ay nagsagawa ng roving, monitoring, coordination, validation, rapid damage assessment at needs analysis, at information dissemination.

MDRRMC, Nag-update ukol sa Bagyong “Egay” at Nagsagawa ng Pre-Assessment ng Bagyong “Falcon”

Noong July 31, nagsagawa ng pulong ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council upang magbigay ng update ang mga departamento at ahensya ukol sa kani-kanilang ginawang hakbang bilang tulong noong nakalipas na bagyong 'Egay.' Kasabay nito ay ang pagsagawa naman ng Pre-Disaster Risk Assessment para sa parating na bagyong 'Falcon.'

830 Residenteng Binaha, Tumanggap ng Relief Goods

Noong July 30, nagsimulang mamahagi ng mga relief goods ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng MSWDO, MDRRMO, BPSO at BPRAT katuwang ang BFP at PNP, sa mga residenteng pinaka-naapektuhan ng baha dulot ng bagyong ‘Egay.’ Ang mga residenteng ay nahirapang makalabas upang bumili ng kanilang pangangailangan, kaya't sila'y hinatiran ng agarang tulong mula sa LGU, Kasama Kita sa Barangay Foundation, at Niña Cares Foundation.

Mga Evacuees, Binigyan ng Iba't-Iba Pang Serbisyo

Mula July 27 hanggang sa mga sumunod na araw, ang RHU, Nutrition Office, MSWDO, RHU, PNP, at DOH ay naghatid ng iba't-ibang serbisyo sa mga naging evacuees sa Manambong Sur Evacuation Center at Manambong Parte Evacuation Center. Sila ay chineck-up at binigyan ng gamot at bitamina, food packs, sanitary kits, at iba pang tulong.

Lions Club, Namigay ng Relief Goods

Samantala, ang Bayambang Bayanihan Lions Club International ay namahagi ng relief goods noong July 30, para sa 30 na residente ng limang barangay na apektado ng nakaraang pagbaha.

MDRRMO, Nirescue ang Nabalahaw na Sasakyan

Noong August 11, isang Avanza ang aksidenteng nabalahaw matapos mahulog ang dalawa nitong gulong sa putikan sa Barangay Malimpec. Agad itong pinuntahan ng MDRRMO at tinulungang makaahon.

Agno River Rehab Project, Itinuloy sa Caturay

Matapos magtanim ng kawayan sa labing-isang barangay, isinunod naman ng MDRRMO ang Brgy Caturay. Noong August 12, nakapagtanim ng 136 na bamboo propagules ang MDRRMO, BFP, PNP, at Caturay Barangay Council gamit ang kawayan mula sa CSFirst Green AID Inc. Ang proyekto ay may hangaring makabawas sa insidente ng pagbaha dahil sa soil erosion, na siyang pangunahing hazard sa bayan ng Bayambang.

OCD Region I, DILG, at DOST, Nag-validate para sa Gawad KALASAG

Noong August 24, bumisita sa bayan ng Bayambang ang mga validators mula sa Office of Civil Defense Region I, DILG, at DOST para personal na mag-inspeksyon para sa Gawad KALASAG, ang pinakamataas na  parangal na iginagawad ng gobyerno sa larangan ng disaster resiliency. Ginanap ang validation sa Mayor’s Conference Room, MDRRMO Operations Center, at Wawa Evacuation Center, sa pangunguna ni OCD-R1 Civil Defense Officer III Mike Aldrin Sabado. Masusing tinignan ng validators ang implementasyon ng MDRRMO ng apat na aspeto ng disaster resiliency: 1. Prevention and Mitigation, 2. Preparedness, 3. Response, at 4. Rehabilitation and Recovery.

MDRRMO Satellite Office, Pinasinayaan

Isang bagong-gawang Satellite Office ang pinasinayaan ng MDRRMO sa Brgy. Wawa Evacuation Center noong August 29. Ayon sa MDRRMO, ang bagong opisina ay naglalapit sa mga serbisyo ng tanggapan sa mga mamamayan ng Distrito Uno, kabilang ang pamimigay impormasyon tungkol sa anumang nakaambang panganib at mga dapat gawin para sa kaligtasan ng lahat. Isang simpleng blessing ceremony ang isinagawa sa pagbubukas ng Satellite Office.

HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS 

Mayor Niña, Muling Pinulong ang mga Kapitan

Muling pinulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kasama si Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar Quiambao, ang mga Kapitan noong August 14, sa Events Center. Sa pulong ay dininig ang iba't-ibang concerns ng mga barangay. Naroon din ang ilang department head upang tulungang sagutin ang mga hinaing at magpresenta ng impormasyong kailangang malaman ng mga barangay.

SSS RACE, Nandito na sa Bayambang!

Noong August 18, bumisita ang SSS sa Bayambang para ilunsad ang kanilang kampanyang "Run After Contribution Evaders (RACE)." Ang kampanya ay naglalayong masiguro na ang SSS contributions ng lahat ng empleyado ay regular na naireremit ng mga pribadong kumpanya sa ahensya. Sila ay muling bumisita noong August 25 sa Magic Mall upang makapagbigay ng kanilang serbisyo sa lahat ng empleyado.

Ika-6 Anibersaryo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan, Ipinagdiwang

Noong August 24, ipinagdiwang ang ika-anim na taong anibersaryo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan, ang programa na idineklara ni dating Mayor Cezar T. Quiambao noong August 27, 2017 upang tuluyang mawakasan ang kahirapan sa bayan ng Bayambang. Sa isang simpleng programa na parte ng quarterly Municipal Advisory Committee meeting sa Events Center, pinangunahan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team ang detalyadong pag-uulat kung ano na nga ba ang narating ng ating bayan ayon sa mga nakapaloob na proyekto at aktibidad sa limang sektor ng Bayambang Poverty Reduction Action Plan 2018-2028.

SSS Services, Dinala sa Public Market

Matapos magkaroon ng ocular inspection ang SSS sa bayan noong August 18, muling nagtungo ang ahensya sa Magic Supermarket sa Public Market noong August 25, upang maghatid ng kanilang mga serbisyo para sa bawat empleyadong Bayambangueño. Ilan sa mga serbisyong ito ay ang Verification/Inquiries, Issuance of SSS Number, Membership Inquiry, Salary Loan Application, at iba pa.

Unang Araw ng Filing ng Certificate of Candidacy para sa BSKE 2023, Kasado

Noong August 28, maayos na nakapagfile ng kanya-kanyang Certificate of Candidacy ang mga tatakbo sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, sa pag-oorganisa ng Commission on Elections.  Ang isang malinis at mapayapang halalan ay inaasahan para sa naturang eleksyon, salamat sa pakikipagtulungan ng iba't-ibang ahensya sa COMELEC, kabilang na ang DILG, PNP, SB, at iba pang departamento ng LGU.

Mayor Niña, May Surprise Birthday Treat

Noong August 29, surpresang nagpamahagi ng libreng pananghalian si Mayor Niña Jose-Quiambao sa mga empleyado ng munisipyo, Bayambang District Hospital staff at patients, mga miyembro ng TODA, LQBTQI community, mga nagtitinda sa Public Market, at iba't-ibang kumpanya.

·        Kasabay nito, lumibot ang Bani Delicious Ice Cream sa bawat barangay upang magpamigay ng libreng sorbetes. Nagpasalamat ang bawat isa sa surpresang handog sa init ng tanghaling tapat, kasabay ng pagbati ng isang maligayang kaarawan sa ina ng bayan.

Mula sa ‘yong LGU family at sa buong bayang ng Bayambang, maligawang kaarawan po, Ma’am Niña!

- Planning and Development (MPDO)

Pre-ARTA Orientation, Ginanap sa Events Center

Noong August 9, nagsagawa ang MPDO ng isang Orientation Program ukol sa Ease of Doing Business (EODB) at Anti-Red Tape Act sa Balon Bayambang Events Center upang ipaalam sa lahat ng departamento kung paano iuupdate ang kani-kanilang Citizen's Charter base sa mga procedure na binalangkas para sa ISO Certification. Nagsilbing lecturer si Atty. Janneliza Taloma ng Civil Service Commission Region 1. Sa updated na Citizen's Charter, aniya, maiiwasan ang mga kumplikadong proseso na maaaring pag-isahin, pasimplehin, o alisin dahil hindi kailangan.

- Taxation & Financial Transparency (Assessor, Budget, Treasury, Accounting, IAU, BAC)

Assessor's Office Distribution of Tax Declaration & Notice of Assessment

Noong August 2-3, 2023, ang Assessor's Office ay namahagi ng Tax Declaration (Owner’s Copy) na may Notice of Assessment (NOA) sa iba't-ibang barangay, kabilang ang Alinggan, Bacnono, Buenlag, Magsaysay, at Tambac. Sa pag-isyung ito ng Assessor's, nagkakaroon nang malinaw na basehan ang mga residente kung magkano ang kanilang mga babayaran na amilyar.

Assessor's Office, Nagsagawa ng Field Inspection para sa NIA Irrigation Project

Noong August 16, ang Assessor's Office ay nagsagawa ng field inspection ng mga bagong alignment para sa irrigation project sa tulong ng National Irrigation Authority kasama ang apektadong residente para sa Fiscal Year 2023 sa Brgy. Amancosiling Norte. Sila ay inasistehan ni Amancosiling Norte Punong Barangay Almario Ventura kasama ang MSWDO.

- Legal Services (MLO)

 - ICT Services (ICTO)

- Human Resource Management (HRMO)

- Transparency/Public Information (PIO)

Bagong LGU Website, Pinasinayaan

Pagkatapos ng ISO awarding ceremony noong August 16, nagkaroon ng official launching ng bagong website ang LGU, ang new.bayambang.gov.ph. Ang bagong website ay 100% na gawa ng ICT Office. Ang lumang website ay ginawa at minaintain ng isang third party provider, at kabilang sa mga matagal na binabayaran ni former Mayor Cezar Quiambao mula sa sariling bulsa simula 2016. Sa bagong website na ito, walang karagdagang ginastos at walang gagastusin ang LGU.

- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)

AWARDS AND RECOGNITIONS

 LGU, Muling Kinilala ng Red Cross

Noong August 2, ang Philippine Red Cross-Pangasinan Chapter ay naggawad ng Pinabli Award sa Lokal na Pamahalaan ng Bayambang, matapos makakolekta ang bayan ng 251 blood units sa pamamagitan ng Mobile Blood Donation Activities na isinagawa sa taong 2022. Ayon sa Red Cross, ito ay isang pagkilala sa napakahalagang kontribusyon at pakikipagtulungan ng LGU-Bayambang sa kanilang blood services program.

LGU-Bayambang, Pormal nang Tinanggap ang ISO Certification

Noong August 16, pormal nang tinanggap ng LGU Bayambang, sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice Mayor IC Sabangan ang ISO Certification nito mula sa Certification Partner Global - Philippines, sa isang seremonyang ginanap sa Events Center. Kabilang sa mga bumati sina Congresswoman Rachel Arenas, Gov. Monmon Guico, at Vice Governor Ronald Lambino.

Mga BPSO Staff, Nakatanggap ng Komendasyon mula sa Malacañang Hotline

Noong August 18, nakatanggap ng commendation ang tatlong staff ng Bayambang Public Safety Office mula sa isang concerned sa pamamagitan ng 8888 Citizens' Complaint Hotline ng Malacañang. Ayon kay Teegee A. Gallardo ng Sitio Beldet, Brgy. Tamaro, Bayambang, naging kahanga-hang a ang ipinamalas na serbisyo ng BPSO emergency responders.

Isa lamang ito sa mga natatanggap na papuri at pasasalamat ng ating mga emergency services personnel  hindi lamang BPSO kundi pati maging ng MDRRMO, mga RHU, at ng buong MDRRM Council.

LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)

Konsultasyon ukol sa Septage Management Program, Ginanap

Noong August 14, nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng pinakaunang konsultasyon sa mga barangay ukol sa Septage Management Program alinsunod sa Republic Act 9275 o “Clean Water Act of 2004.” Ito ay ginanap sa Barangay Malimpec Covered Court at dinaluhan ng higit isang daang katao. Ang SB ay nagbigay kaalaman sa mga taga-Malimpec tungkol sa mga panukalang ordinansa ukol sa “Septage Management Program” at “Health and Sanitation” sa ating bayan, na may layuning mapangalagaan ang kalikasan at kalusugan ng mamamayan at mapanatiling malinis ang tubig sa bayan ng Bayambang.

No comments:

Post a Comment