JUNE
HIGHLIGHTS
SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS
IN S.O.M.A. FORMAT
EDUCATION FOR ALL
DepEd Usec Densing,
Nakipagpulong sa Bayambang
Kasama si Mayor Niña Quiambao,
Special Assistant to the Office of the Mayor, Dr. Cezar Quiambao, at ang mga
Schools Division Officer mula sa iba’t ibang parte ng Pangasinan, nakipagpulong
si Department of Education Undersecretary, USec. Epimaco Densing III noong June
1 ukol sa kasalukuyang estado ng mga paaralan at mga paraan upang magkaroon ng
mas komportableng pag-aaral ang mga estudyante sa probinsya ng Pangasinan.
Nangako naman si Usec. Densing na tututukan ang mga programang
pang-imprastraktura sa mga paaralan at ang pagbawi ng bayan sa Bayambang
Central School.
SK Federation Updates
A. Patuloy ang SK Federation of
Bayambang ng pagbibigay ng suporta sa Project Aral Foundation volunteers sa
kanilang supplemental learning activities. Ang SK ay patuloy na namamahagi ng
50 packs ng educational materials/school supplies kada session, at ito ay para
naman sa mga young learners ng Brgy. Carungay.
B. Ang SK Federation of
Bayambang at Kasama Kita sa Barangay Foundation ay nagbigay din ng suporta sa
Moises Rebamontan National High School volunteers sa kanilang implementasyon ng
Project READ sa Tatarac-Apalen Elementary School sa pamamagitan din ng
pagbibigay ng school materials.
BNHS Students, Wagi sa
Pangasinan IT Challenge for Youth with Disabilities
Itinanghal na 1st Placer
at 3rd Placer ang dalawang estudyante ng Bayambang National High School, sa
ginanap na Provincial IT Challenge for Youth with Disabilities noong June 21 sa
capitol grounds. Si Renz Baring ay nagchampion sa E-tool Microsoft Powerpoint
category, kaya’t siya ng representative ng Pangasinan sa national I.T.
Challenge. Si Mark John Reynosa naman ay 2nd runner up sa E- Life Google Search
category. Kasama nila ang mga coaches na sina Mr. Raffy Carungay at Ms. Angelus
Ferrer, Local Youth Development Officer Johnson Abalos, at MSWDO Focal Person
on PWDs Alta Grace Evangelista.
SK Federation, Nakiisa sa BNHS
Research Congress 2023
Nakiisa ang Sangguniang Kabataan
Federation sa isinagawang 2023 Research Congress na inorganisa ng Bayambang
National High School noong June 23. Itinampok sa Research Congress ang
discoveries, innovations, at creative solutions ng mga estudyante para sa mga
suliraning panlipunan na napili nilang hanapan ng solusyon.
BNHS Students, 80% Passer sa
National IT Challenge
Naging passer sa robotics
contest ang dalawang estudyante mula sa Bayambang National High School na
pambato ng Pangasinan sa ginanap na 2023 National IT Challenge for Youth with
Disabilities sa Maynila noong June 26-27. Sina Renz Baring at Mark John Reynosa
ay naging national qualifiers sa naturang I.T. Challenge na may 80% passing.
Dahil dito, inisponsoran ng lokal na pamahalaan ang kanilang pamasahe at
accommodation expenses kasama ng kanilang coaches at ang Local Youth
Development Officer.
BPC TESDA, 100% Compliant!
We are very proud to announce
that BPC TESDA has successfully passed the Compliance Audit for CSS NC II and
EIM NC II last June 22. The inspection was conducted by the TESDA Provincial
Office led by TESDA Regional Auditor and Expert, Ms. Leona Cayapan, to ensure
that the school meets all the necessary regulations and standards.
Congratulations to the TESDA
Compliance Audit Team led by BPC College President, Dr. Rafael Saygo!
PWD Student Winners sa Robotics,
Pinarangalan ng Probinsya
Ang provincial government ay nag-award
ng Plaque of Recognition sa mga Global I.T. Challenge qualifiers na may 80% and
above score sa robotics na mula sa Pangasinan team, na kinabibilangan nina Renz
Baring at Mark John Reynosa ng Bayambang National High School. Ayon kay LYD
Officer Johnson Abalos, ito ay ginanap noong June 29, sa Capitol grounds, sa
presensiya ng PSDWO, provincial DICT, at provincial DILG officials.
HEALTH FOR ALL
Sanlibo Blood Drive, Nakaipon ng
30 Blood Bags
Isang mobile blood donation ang
ginanap noong June 7 sa Brgy. Sanlibo, kung saan nagkaroon ng 60
registered potential donors, at 30 rito ang successful blood donors. Kasama ng
Rural Health Unit III sa aktibidad na ito ang Region 1 Medical Center. Sa
susunod na linggo, sa June 15, ay sa Brgy. Inirangan Covered Court naman
magsasagawa ng mobile drive ang grupo. Pagkatapos ay lilipat naman ang team sa
Brgy. Pangdel.
Mobile Blood Drive sa mga
Barangay, Nagtungo sa Inirangan
Ang RHU III at Region 1
Medical Center ay muling nagsanib-pwersa upang magsagawa ang isa na namang
Mobile Blood Donation drive sa mga malalayong barangay. Ginanap sa Barangay
Inirangan noong June 15 ang latest blood drive, kung saan umabot ang
nagregister sa 42 katao, at 26 dito ang naging matagumpay na blood donor.
Nagbigay ng suporta si Inirangan Punong Barangay Jonathan Espejo sa pamamagitan
ng kaniyang donasyong pagkain at assistance para sa mga staff at donor.
"Idol ko si Nanay"
Refresher Training, Isinagawa
Isa na namang Refresher Training
ang inorganisa ng Municipal Nutrition Action Office para sa mga Rural Health
Midwife, Barangay Nutrition Scholar, at Barangay Health
Worker. Kasama sa mga naging resource speaker si
Nutritionist-Dietitians' Association of the Philippines-Pangasinan Chapter
President Melita Castillo. Nagbigay naman ng cooking demo si Ligene Neri ng
Provincial Nutrition Office.
Mobile Blood Drive ng RHU III,
Lumipat sa Pangdel
Dinala sa Brgy. Pangdel Covered
Court ang Mobile Blood Donation Drive ng RHU III at Region 1 Medical Center
noong June 21. Sa ulat ni Dr. Agbuya, may 57 katao ang nagregister, at 43 sa
mga ito ang naging successful donors. Nag-donate ng dugo ang mga Barangay
Kagawad at Barangay Health Workers ng Pangdel. Umasiste rin ang buong Pangdel
Barangay Council at nagbigay pa ng pagkain para sa mga staff at donors doon.
Mayor Niña, Nagpadala ng mga
Dentista sa Palawan
Personal na sinagot ni Mayor
Niña Quiambao ang gastos nina Municipal Dentist, Dr. Dave Francis Junio, kasama
ang iba pang mga dentista mula sa Pangasinan noong June 22-26 upang sila ay
maging parte ng isang medical mission sa Punta Baja, Rizal, Palawan kung saan
walang access sa dentista ang mga residente. Sa tulong ng mga dentista,
iba't-ibang libreng dental services ang naihatid sa halos limang daang (500)
pasyente.
SPORTS & PHYSICAL FITNESS
District 9, Nasungkit ang
Kampeonato sa 2023 Inter-District Basketball Tournament
Nasungkit ng District 9 ang
kampeonato kontra District 3 sa Best of 3 championship series ng 2023
Inter-District Basketball Tournament na ginanap sa Barangay Tamaro Covered
Court noong June 1. Nanaig ang koponan ng nasabing distrito sa final score na
97-91, at sila ay nag-uwi ng P30,000 cash prize, at itinanghal namang MVP si
Onofre Basan. Sila ay sinundan ng District 3 as 1st runner-up,
District 5 as 2nd runner-up, at District 4 as 3rd runner-up. Ang sportsfest ay
inorganisa ng Municipal Physical Fitness and Sports Development Council.
PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN
OTHER SOCIAL SERVICES
Bayambang, Pinaka-unang Data
User ng DSWD Listahanan 3 sa Region 1
Tinanggap ng Lokal na Pamahalaan
ng Bayambang ang listahan ng mga mahihirap na sambahayan mula sa National
Household Targeting System for Poverty Reduction o Listahanan noong May 31.
Mahalaga ang datos na ito sa ating pagkamit ng “zero poverty” sa bayan at sa
pagkapanalo sa ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan.
CDWs, Dumalo sa CDW Regional
Convention
Ang mga Child Development Worker
(CDW) ng Bayambang ay dumalo sa Child Development Worker Regional Convention sa
Crown Legacy Hotel, Baguio City, mula June 5 hanggang June 7 bilang parte ng
2023 National Child Development Workers Week celebration. Ayon kay Focal Person
on Child Development Marvin Bautista, kabilang sa aktibidad ang tatlong araw na
seminar-training ukol sa pinakabagong kaalaman sa child development service.
Nagkaroon din ng awarding ceremony para sa mga may matagal nang length of
service bilang CDW.
Outreach Program para sa PWD
Kids
Noong June 3 at 4, nagkaroon ng
isang Outreach Program sa Balon Bayambang Events Center sa inisyatibo ng
Victory Bayambang at iba pang sponsor, sa pakikipagtulungan ng Municipal
Nutrition Action Office at Municipal Social Welfare and Development Office.
Naging benepisyaryo ang 51 special children at isang severely underweight na
bata. Ang aktibidad ay parte ng selebrasyon ng kaarawan ni RHU Nurse Lady
Philina Duque, na siyang nangalap ng pondo para mabigyan ng food packs ang mga
naturang benepisyaryo.
Mayor Niña, May Father's Day
Treat sa LGU
Noong June 19, may surprise
treat si Mayor Niña Quiambao sa lahat ng tatay at kalalakihang lider ng
iba't-ibang departmento ng LGU bilang paggunita ng Father's Day. Siya ay
namigay ng fruit basket sa mga department at unit head matapos ang flag-raising
ceremony sa Events Center. May libreng pa-ice cream din ang alcalde mula sa
Bani Delicious Ice Cream para sa lahat ng mga tatay na empleyado ng Munisipyo.
Tatay Roger, Pinahanap at
Pinasundo ni Mayor Niña
Noong June 19, agad na
ipinahanap ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang nagviral sa Facebook na si Tatay
Roger na napabalitang nangangailangan ng agarang tulong ayon sa isang concerned
citizen sa Quezon City. Agad na hinanap si Tatay Roger at sinundo pauwi ng
Barangay Buayaen sa pamamagitan ng MSWDO, BPSO, at BPRAT. Sa ngayon ay nasa
piling na ng kanyang mga kamag-anak ang pasyente, at patuloy din ang pagbibigay
ng iba pang tulong sa kanya.
Lions at Eagles, Sanib-Puwersa
sa Feeding Program
Noong June 25, nagsanib-puwersa
ang dalawang CSOs para sa isang supplemental feeding activity sa Brgy. Del
Pilar. Ang Bayambang Bayanihan Lions Club International, kasama ang Bayambang
Maaro Leo Club, Bayambang Royalty Matikas Eagles Club, Bayambang Matikas Eagles
Club, Team Gabriel, Barangay M.H. Del Pilar officials at
LGU-Bayambang-Nutrition Section ay namigay ng vitamins at pagkain sa may
tatlumpu’t limang (35) undernourished na kabataan sa lugar.
CDWs, Nag-Skills Training
Noong June 26 to 29, isang
skills training ang isingawa para sa mga Child Development Workers ng Bayambang
bilang parte ng pagdiriwang ng 2023 National Child Development Workers' Week.
Ang training na ito ay isang requirement sa accreditation process, at kabilang
sa mga tinalakay doon ang guidelines ukol sa bagong tools para sa
accreditation.
PEACE AND ORDER & PUBLIC
SAFETY
Wire-Clearing Group, Tuluy-Tuloy
ang Operasyon
Tuluy-tuloy ang Bayambang Wire
Clearing Group sa pagbabaklas ng mga nakalaylay at mga unserviceable wires at
cables ng iba-ibang telecommunication firms. Tulung-tulong dito ang MDRRMO,
Engineering, BFP, CENPELCO, Globe, Smart, DITO, USATV, at Converge. Ang BPSO ay
nagbibigay ng traffic assistance, at ang ESWMO naman ang kumukulekta at
nagdidispose ng mga inalis na wire at tinigpas na halaman. Ang aksyon na ito ay
bunsod ng Public Hearing na isinagawa ng SB tungkol sa proposed Anti-Dangling
Wire Act ng Bayambang.
Mga Natulungan ng Emergency
Rescuers, Nagpapasalamat
Isa na namang pasyente ang
agad-agad na natulungan ng LGU-Bayambang ambulance sa tulong ni BPSO Chief,
Ret. Col. Leonardo Solomon. Ayon sa nagrequest ng emergency rescue na si Sammy
Lomboy, mabilis na nabigyan ng tulong si Gng. Lea Joson ukol sa mabilisang
paglipat ng kanyang naaksidenteng anak mula sa Bayambang District Hospital
patungong Region I Medical Center. Sila ay nagpapasalamat din sa Mayor’s Action
Center at BPRAT na hindi nagdalawang-isip na umasiste sa emergency situation.
BNHS Student, Nagsauli ng
Napulot na Wallet
Agad na idinulog ng Grade 11
student na si Rolin Cardinoza sa Bayambang Public Safety Office ang isang
pitaka na kanyang napulot sa kahabaan ng Bical Norte road noong June 27. Dahil
dito, agad na naisauli sa may-ari ang pitaka, pati na ang laman nitong mga
mahahalagang dokumento at pera. Nagpasalamat naman ang may-ari nang mabawi ito,
at sa tuwa ay nagbigay ng pabuya sa nakapulot na estudyante.
ENVIRONMENTAL PROTECTION
Isa na namang Kuwago, Nirescue
Isa na namang kuwago ang
nirescue at isinurrender ng mga concerned na kabataan kay MENRO Joseph Anthony
Quinto. Ang naturang kuwago ay natagpuan sa Public Cemetery ng mga kabataan ng
Zone 6. Ang kuwago ay kaagad na itinurn-over ng opisina sa CENRO-Dagupan.
"Tapat Ko, Linis Ko,"
Isinulong sa Pamilihang Bayan
Noong June 27, nagpaskil ang
Office of the Special Economic Enterprise sa iba’t-ibang lugar sa loob ng
pampublikong pamilihan ng mga tarpaulin signage kung saan nakasulat ang “Tapat
Ko, Linis Ko” ayon sa P.D. No. 856 o Code on Sanitation in the Philippines.
Hinihikayat ng SEE na magkaroon ng sense of responsibility ang lahat ng stall
owners sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa Public Market.
LGU, Nakiisa sa Pangasinan Green
Canopy Program
Nakiisa ang LGU at PNP-Bayambang
sa isang tree-planting activity na inisyatibo ng Provincial Population,
Cooperative and Livelihood Development Office noong June 30 sa San Gabriel 2nd
Evacuation Center at dike area. Kasama sa mga lumahok ang MAO, MENRO, MCDO,
MSWDO, iba pang opisina, at local farmers at cooperative associations. Ang aktibidad
ay parte ng Pangasinan Green Canopy Program ng probinsya, isang climate change
mitigation program. May 500 tree seedlings ang ibinahagi ng probinsya sa
aktibidad na ito.
AGRICULTURAL MODERNIZATION
Bagong Batch ng Rice Inbred
Seeds, Ipinamahagi
A. Nakumpleto noong June 2 ang
delivery ng 5,895 bags ng tig-20 kilo ng rice inbred seeds galing sa
PhilRice-Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF). Kaya nitong taniman ang
2,947.5 ektarya ng sakahan, ayon ulat ng Municipal Agriculture Office. Matapos
ang hakutan, ipinamahagi ang bagong seed allocation sa mga rice farmers sa
Brgy. Amanperez Covered Court mula May 29 hanggang June 7.
B. Pinangunahan ang unang bugso
ng pamamahagi nito ni Vice-Mayor IC Sabangan sa nasabing venue.
Pagtuklas ng mga Makabagong
Kaalaman sa Pagsasaka, Tuluy-Tuloy
Ginanap noong June 9 ang 2nd
Farmers' Farm School meeting para sa eksperimentong 'Hybrid Seed Varietal
Derby' ng Department of Agriculture sa Brgy. Dusoc. Binisita ng mga kalahok ang
mga itinanim na trial seedlings at nakinig sa pagtalakay sa iba't-ibang
makabagong pamamaraan sa pagsasaka. Ipinaliwanag naman ng Pangasinan
Agriculture Office ang konsepto ng 'corporate farming' gamit ang E-Agro farm
business app.
Pagsaliksik ng Pinakamainam na
Rice Seed Variety, Patuloy
Ginanap noong June 16 ang
pangatlong Farmers’ Field School meeting para sa pag-aaral ng mga seed company
at MAO na “Rice Varietal Derby.” Nagtanim ang mga kalahok sa kanilang
kinabibilangang grupo ng hybrid palay variety at tinalakay naman ang ukol sa
mga tamang elemento na kailangan ng bawat sakahang lupa upang maging malusog
ang mga naturang variety ng palay.
MAO, Muling Umasiste para sa
Crop Insurance
Ang Municipal Agriculture Office
ay kasalukuyang umiikot sa mga barangay para i-assist ang mga magsasaka para sa
kanilang crop insurance application. Sa ganitong aktibidad, matutulungan ang
mga magsasaka na mapasiguro ang kanilang mga pananim sa Philippine Crop
Insurance Corporation mula sa posibleng pagkasira dulot ng natural na
kalamidad.
JOBS AND LIVELIHOOD FOR
ALL
LIVELIHOOD & EMPLOYMENT
Isa na Namang Job Fair,
Isinagawa
Noong June 1, isang panibagong
job fair ang isinagawa ng MESO sa Balon Bayambang Events Center. Mayroong 21
lokal na kumpanya at 1 overseas na kumpanya ang sumali sa recruitment activity.
Ayon sa ulat ng MESO, mahigit dalawang daang aplikante ang nagparehistro, at
marami sa mga ito ang qualified, near hires, at hired on the spot.
40 Skills Training Graduates,
Tumanggap ng PESO Financial Assistance
Kasabay ng naturang job fair ang
pamamahagi ng financial assistance mula sa provincial government sa pamamagitan
ng PESO Provincial Office at MESO. May 40 beneficiaries ang tumanggap ng
tig-P2,000, at sila ay pawang nagsipagtapos kamakailan sa Basic Sewing Skills
Training.
3 Bayambangueño, Nakatanggap ng
Livelihood Package mula DOLE
Tatlong Bayambangueño ang
nakatanggap ng livelihood package mula DOLE noong June 22, sa DOLE Central
Pangasinan Field Office, Dagupan City sa pakikipagtulungan ng MESO-Bayambang.
Ayon sa MESO, ang tatlo ay nakatanggap ng rice store, street food vending, at
frozen food vending livelihood package.
MOA Signing, Ginanap para sa BPC
Beneficiaries
Lumagda sa isang Memorandum of
Agreement ang sampung Bayambang Polytechnic College graduates, DOLE at
Municipal Employment Services Office ng LGU-Bayambang noong June 23 para sa isa
na namang livelihood grant. Ang sampung graduates ng kursong Electrical
Installation and Maintenance NC II ay nakatakdang makatanggap mula sa DOLE ng
electrical tool kit na nagkakahalagang P30,000 bawat isa.
ECONOMIC DEVELOPMENT
Mayor Niña, Namigay ng Portable
Ceiling Fan sa Meat Vendors
Noong June 8, ipinamahagi ng
Office of the Special Economic Enterprise ang 35 na portable energy ceiling fan
sa mga meat vendors sa Public Market. Ang naturang mga portable ceiling fan ay
idinonate ni Mayor Niña dose-Quiambao noong June 5.
INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
Dismantling of street posts
obstructing the national road (Rizal Ave).
Declogging operations at Brgy.
Zone III, Poblacion Sur, and Zone II.
Congresswoman Arenas,
Naka-secure ng Pondo para sa Wawa Bridge
Sigurado na ang pondo para sa
reconstruction ng Carlos P. Romulo Bridge sa Brgy. Wawa, salamat sa pagdulog ni
Congresswoman Rachel Arenas sa Department of Public Works and Highways
Secretary Manuel Bonoan. Ang makabago, mas matibay at mas ligtas na tulay ay
nakatakda nang maitayo sa susunod na taon upang magsilbing daanan ng mga
sasakyan mula sa iba’t ibang parte ng bayan.
Mula sa buong Bayambang,
maraming salamat, Congresswoman Arenas!
Anti-Dangling Wire TWG Update
Ongoing Project: Declogging
Activities, Puspusang Muli
TOURISM
Ika-125 na Araw ng
Kalayaan, Ginunita
Isang maikli ngunit makabuluhang
programa ang idinaos sa Balon Bayambang Events Center noong June 12 upang
gunitain ang ika-125 na Araw ng Kalayaan sa pag-oorganisa ni Municipal Tourism,
Information, and Cultural Affairs Office head Dr. Rafael Saygo. Naging tampok
ang isang makabagbag-damdaming tableau presentation na binuo ng mga guro at
estudyante ng Bayambang Polytechnic College, at mga mensahe ukol sa halaga ng
paggunita ng araw na ito at ang pagpapahalaga sa natamong kasarinlan, salamat
sa sakripisyo ng ating mga pambansang bayani.
Bayambangueña, Nagdonate ng
Painting sa Museum
Isang mural painting na
ginamitan ng mga butil ng bigas ang idinonate sa Bayambang Museum noong June 26
ni Ms. Chona Terrado Cabel na isang Bayambangueña. Ang naturang obra na likha
ng isang pintor na taga-Pangasinan na si Bernard Paragas, ay sumasalamin sa
tradisyunal na kultura ng sayawan at kasiyahan sa bayan ng Bayambang tuwing
kapistahan.
DISASTER RESILIENCE
Kahandaan sa Sakuna, Muling
Ipinamalas sa 2Q NSED 2023
Sa pangunguna ng MDRRMO, kasama
ang PNP, BFP, BPSO, at Engineering, nakilahok ang lahat ng kawani ng lokal na
pamahalaan ng Bayambang sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill
(NSED) 2023 noong June 9. Aktibo ring nakiisa ang lahat ng mga kliyenteng may
transaksiyon sa loob ng munisipyo sa oras ding iyon. Ayon sa tala ng MDRRMO,
may 22,300 participants sa nasabing aktibidad.
Kauna-unahang ICTO Disaster
Recovery Drill, Isinagawa
Kasabay rin ng naturang
earthquake drill ay ang ICT Office Disaster Recovery Drill na isinagawa upang
masubok ng mga ICTO staff ang kanilang kakayahan na agarang maibalik ang
internet connection at mapagana ang mga importanteng application kung sakaling
magkaroon ng malaking pinsala sa main internet ng Munisipyo. Umabot sa 1 minuto
at 35 na segundo bago matagumpay na ilipat ang internet connection ng mga
departamento ng Munisipyo sa back-up Internet Service Provider (ISP) ng LGU
mula sa main o primary ISP nito.
[Ang aktibidad na ito ay parte
ng adhikain ng bayan ng Bayambang na maging isang smart town.]
BPC, Sumali sa NSED sa Unang
Pagkakataon
Sa unang pagkakataon ay lumahok
ang Bayambang Polytechnic College sa ginanap na 2nd Quarter Nationwide
Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2023. Ayon sa report ng MDRRMO, mayroong
16 participants ang BPC sa aktibidad.
HONEST & EFFICIENT PUBLIC
SERVANTS
GOOD GOVERNANCE
KSB Year 6, Walang Patid sa
Pagtulong
Sa pagbabalik ng KSB Team sa
Barangay Tanolong Covered Court noong June 9, kanilang ibinuhos ang mga
serbisyong de-kalidad ng Munisipyo para sa mga residente ng Brgy. Tanolong,
Maigpa, at Batangcaoa.
Isang mainit na pagtanggap naman
ang natamo ng grupo mula sa mga opisyales ng mga nabanggit na barangay. Sa
maikling programa ay kinumusta ng mga opisyales ng Munisipyo ang lahat ng mga
pamilya roon. Sa ulat ni KSB Year 6 organizer Dr. Roland Agbuya, may higit
1,000 na katao ang nakinabang sa isa na namang outreach activity na ito.
Accountant for Barangay
Financial Affairs, Umasiste para sa Barangay SGLG
Noong June 7 at 8, ang Office of
the Accountant for Barangay Financial Affairs sa ilalim ng OIC nito na si Elsie
Dulay ay nag-asiste sa mga Barangay Treasurers sa pagprepara ng kani-kanilang
financial reports para sa Seal of Good Local Governance for Barangays. Ang
aktibidad ay ginawa sa Municipal Annex Conference Room, bilang parte ng
pagpapaigting ng lokal na pamahalaan sa mabuting pamamahala maging sa lebel ng
mga barangay.
Bayambang, Muling Sumailalim sa
SGLG Assessment
Ang bayan ng Bayambang ay muling
sumailalim sa Regional Assessment ng DILG para sa 2023 Seal of Good Local
Governance o SGLG. Dumating si Provincial DILG Director Virgilio P. Sison at
nagpahayaag ng suporta. Kabilang sa mga naging validators sina Bishop Reynaldo
Lazo, LGOO III Ma. Beverly Ines-Baquiran, at CLGOO VIII Roger P. Daquiaog
bilang Provincial Cluster Team Leader. Kanilang inispeksyon kung maayos ang mga
papeles ng bawat departamento at kung mahusay ang lagay ng mga major facilities
ng Munisipyo gaya ng Events Center, MRF, Wawa Evacuation Center, PWD access
ramps, public market, at public restrooms.
KSB Year 6, Lumakbay sa Caturay
Sumunod na dinala ng Munisipyo
ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 sa Brgy. Caturay noong June 16
kung saan ang mga residente ng Brgy. Caturay, Hermoza, at Malioer ay
nakatanggap ng iba't-ibang uri ng libreng serbisyo. Ayon sa ulat ni overall
organizer, Dr. Roland Agbuya, mayroong 840 na benepisyaryo ang aktibidad.
ISO Mock Audit, Isinagawa ng LGU
A. Noong June 20, nagsagawa ng
ISO 9001:2015 Mock Audit sa buong LGU ang mga auditor mula sa Alaminos City
Government upang masuri ang antas ng pagsunod ng LGU Bayambang sa ISO standards
at matukoy kung saan-saang aspeto pa ang kinakailangang pagbutihin. Nagsimula
ang mock audit sa isang orientation na dinaluhan ni Mayor Niña Jose-Quiambao,
at pagkatapos ay ang deployment naman ng mga auditor sa lahat ng tanggapan.
B. Kinabukasan ay nagkaroon
naman ng isang post-activity report at analysis sa Events Center sa tulong pa
rin ng Neo-Amca. Dito ay pinag-aralan ang mga dapat gawin upang pag-ibayuhin pa
ang implementasyon ng Quality Management System ng LGU, base sa findings ng
Internal Audit at sa mga ginanap na pre-mock at mock audits.
Mga Serbisyo ng Munisipyo,
Ipinarating sa Amancosiling
Noong June 23, ang
Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 ay dumayo sa Amancosiling Sur Covered
Court upang direktang maiparating ang mga serbisyo mula sa Munisipyo para sa
tatlong barangay ng Amancosiling Sur, Amancosiling Norte, at San Gabriel 1st.
Ayon sa report ng overall organizer na si Dr. Roland Agbuya, may 744 na
benepisyaryo sa nasabing aktibidad.
Vice-Mayor IC, Pinamunuan ang
SGLGB Assessment Team
Si Vice-Mayor Ian Camille 'IC'
Sabangan ay inappoint ni Mayor Niña upang mamuno sa Municipal Performance
Assessment Team (MPAT) para sa DILG Seal of Good Local Governance for Barangays
- Year 2. Noong June 26, nagpulong ang Team upang aralin kung paano maging
compliant ang lahat ng barangay sa SGLG for Barangays, at paano paghitian ang
mga mga evaluation tasks na kinakailangang gawin.
FINANCIAL ADMINISTRATION &
TAXATION
LGU-Bayambang, Nakakuha ng
"Unmodified Opinion" sa COA sa Unang Pagkakataon!
Sa kauna-unahang pagkakataon sa
kasaysayan ng Bayambang, nakakuha ang LGU ng "unmodified opinion"
mula sa Annual Audit Report ng Commission on Audit. Ito ay inanunsyo ni OIC
Municipal Accountant Flexner de Vera noong June 30. Ito aniya ang pinakamataas
na rating na maaaring ibigay ng COA sa isang LGU, nangangahulugang maayos ang
financial transactions ng Munisipyo at walang discrepancy sa pangangasiwa ng
pondo at ari-arian ng bayan.
AWARDS & RECOGNITIONS
RHU III, Level I
Adolescent-Friendly Health Facility
Ang Bayambang Rural Health Unit
III ay accredited na ng Department of Health bilang “Level 1 Adolescent
Friendly Health Facility." Ang Certificate of Compliance ay iginawad ng
Provincial Health Office noong June 5, 2023.
SANGGUNIANG BAYAN (LEGISLATIVE ENACTMENTS)
Public Hearing para sa Tatlong
Proposed Ordinance, Isinagawa
Nagsagawa ng isang public
hearing ang Sangguniang Bayan ukol sa tatlong panibagong proposed ordinances,
at ito ay ginanap noong June 8 sa SB Session Hall, pangunguna ni Sangguniang
Bayan Committee Chairman on Laws, Rules, Ethics and Privileges, Konsehal Amory
Junio, at sa pag-oorganisa ni SB Secretary Joel Camacho. Ang mga
proposed ordinances na isa-isang tinalakay ay ang mga sumusunod:
- An Ordinance
Institutionalizing the Seal of Good Local Governance for Barangay Local
Government Units and Allocating Funds and for Other Purposes
-An Ordinance Institutionalizing
the Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) sa Barangay Project in the
Municipality of Bayambang
-An Ordinance Institutionalizing
the Citizen’s Charter of the Municipality of Bayambang, and for other Purposes
Ang pagdinig ay dinaluhan ng 77
na Punong Barangay at mga LGU department head.
Public Hearing on Ordinance
Establishing the VAWC Desk in Every Barangay
Noong June 13, isang
public hearing ang isinagawa ng Sangguniang Bayan ukol sa panukalang "An
Ordinance Establishing the VAWC Desk in Every Barangay of the Municipality of
Bayambang Prescribing the Protocol in the Handling of All VAWC Cases Filed
Thereof." Layon ng ordinansa na paigtingin ang pagbibigay ng proteksyon sa
barangay level para sa mga kababaihan at kabataan na nagiging biktima ng
karahasan sa loob ng kanilang tahanan. Naging resource persons ang MSWDO at
PNP.
No comments:
Post a Comment