MENSAHE SA MGA CDLs
June 6, 2023
Maraming salamat sa Diyos sa pagsama-sama natin ngayon upang saksihan
ang muling sabayang pagtatapos ng ating mga munting mag-aaral ng face-to-face, na
di tulad noong nakaraang taon. Lubos akong nagpapasalamat sa inyong lahat na mga
sumusuporta sa larangan ng child development: mga magulang, guro, ang MSWDO,
ang ating LGU, at iba pang stakeholders. Higit sa lahat ay ang pagbati ko sa
mga nagsipagtapos na Child Development Learners.
Sa ating mga mahuhusay na nagtapos, congratulations sa pagkamit sa mahalagang
yugtong ito sa inyong buhay! Ang araw na ito ay isang hudyat na bawat isa sa
inyo ay nagpakita ng katatagan at determinasyon sa inyong unang hakbang sa pag-aaral.
Sa kabila ng mga pagbabago at hamon ng mga nakaraang taon, napatunayan ninyo na
walang makapapawi sa inyong kagustuhang matuto at umunlad. Sa buong panahon ninyo
sa daycare, hindi ninyo lamang natutunan ang inyong alpabeto at numero, kundi
binuo niyo rin ang iyong mga social at emotional skills na magsisilbing isang
malakas na pundasyon para sa inyong hinaharap.
Nais kong ipahayag ang aking taos-pusong pasasalamat sa mga guro,
magulang, guardians, at pamilya, sa inyong walang tigil na suporta at paghihikayat
para sa ating mga Child Development Learners. Salamat at hindi kayo nagsawa sa
paghahanap ng iba't ibang diskarte sa pagtuturo at pagsubok ng mga makabagong
paraan upang tiyakin ang kagalingan at kaligtasan ng ating mga mag-aaral, lalo
na noong kasagsagan ng pandemya.
Sa pagtatapos na ito, pagnilayan natin ang kahalagahan ng pakikipagtulungan
upang mairaos ang unang hakbang sa pag-aaral ng ating mga kabataan. Ang mga
hamong kinakaharap natin ngayon ay nangangailangan ng pagkakaisa, pagsuporta sa
isa't isa, at paglikha ng tamang kondisyon kung saan tayo at ang ating mga anak
ay maaaring umunlad ng mapayapa. Bawat isa sa atin ay may responsibilidad sa
kanilang paglalakbay tungo sa magandang kinabukasan, at hindi natin tinalikuran
ang ating mga obligasyon.
At sa inyo namang mga nagsitapos, habang sumusulong kayo sa susunod na
hakbang ng inyong pag-aaral, sana’y alalahanin ninyo ang mga aral at turo ng inyong
kanya-kanyang Child Development Workers at masasayang karanasan sa inyong Child
Development Center. Patuloy na habulin ang iyong mga pangarap at maniwala kayo
sa inyong sarili, sapagkat napatunayan na ninyo na kaya ninyong pagtagumpayan
ang anumang balakid. Inyong tandan na ang pagtatapos na ito ay umpisa lamang ng
patuloy ninyong pagharap sa hamon ng buhay.
Muli, isang mainit na pagbati, mga graduates!
MARY CLARE
JUDITH PHYLLIS JOSE-QUIAMBAO
MUNICIPAL
MAYOR
No comments:
Post a Comment