GOOD
GOVERNANCE
Dinala ng Lokal na Pamahalaan ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 sa Paragos Covered Court noong May 5, upang magbigay ng libreng serbisyo sa mga Bayambangueño sa barangay Paragos, Iton, at San Gabriel 2nd. Ayon sa report sa overall organizer ng KSB Year 6 na si Dr. Roland M. Agbuya, limangdaan at pitumput apat (574) na residente ang naging benepisyaryo sa naturang aktibidad.
VM IC Sabangan, Panauhing Pandangal sa IBP Regional Leaders' Summit
Naging panauhing pandangal si Vice Mayor Ian Camille Sabangan sa "2nd Isang Bansa Pilipino Regional Leaders' Summit" na ginanap sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park noong May 29. Sinalubong niya ang mga panauhin na nanggaling pa sa iba’t ibang bayan ng Rehiyon Uno.
SPORTS & PHYSICAL FITNESS
UPDATE | LGU Bayambang Inter-District Basketball Tournament 2023
Noong May 28, nasungkit ng District 9 ang unang panalo sa best of three series ng championship laban sa District 3. Ang ikalawang championship game naman na ginanap noong May 30 ay napanalunan ng Ikatlong Distrito. Ang dikit na labanang ito ay parehong ginanap sa Brgy. Tamaro Covered Court, sa pagoorganisa ng Municipal Physical Fitness and Sports Development Council.
EDUCATION
PSU Students, Naging Observer sa Live SB Session
Ang mga estudyante ni Pangasinan State University Instructor Rosbelle Nuñez-Magno ay dumalo sa isang live regular Monday session ng Sangguniang Bayan sa SB Session Hall noong May 8. Ang aktibidad na ito ay malaking tulong upang lalong maunawaan ng mga estudyante ng Parliamentary Procedure ang kanilang paksa at para maipakita sa mga kabataang Bayambangueño ang proseso sa Sangguniang Bayan.
Last Batch ng Work Immersion Students, Inorient ng MESO
Muling nagsagawa ng isang orientation program ang Municipal Public Employment Services Office noong May 5 para naman sa huling batch ng Work Immersion Students ngayong taon. Ang mga estudyante ay galing ng AP Guevarra Integrated School, Ambayat Integrated School, Hermoza National High School, at Marianne College.
BPC Board of Trustees, Nagpulong
Nagpulong ang Board of Trustees ng Bayambang Polytechnic College noong May 10 sa Mayor's Conference Room, upang alamin ang updates ukol sa iba’t ibang aktibidad ng paaralan, estado ng enrolment, at koleksyon nito. Nagkaroon din ng presentasyon ng accomplishments, requirements para sa institutional recognition, at request para sa Board Resolution ukol sa aplikasyon ng kolehiyo bilang isang TESDA Assessment Center. Ang BPC ay isa sa mga pangunahing sandata sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan ng administrasyong Quiambao-Sabangan.
Mayor Niña, Nagdonate ng Uniporme para sa R1AA Athletes
Nagpapasalamat ang mga lokal na atletang kasali sa Region I Athletic Association Meet sa donasyong jersey uniform galing sa sariling bulsa ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Mayroong 117 na piraso ng full set jersey ang ibinigay ni Mayor Niña, kasama na ang para sa mga coach o trainer ng Bayambang National High School at iba pang delegasyon sa R1AA.
Maraming salamat, Mayor Niña! At congratulations sa ating mga atleta!
Project Aral Volunteers, Nagtungo sa Tambac
Noong May 13, ang Project Aral volunteers mula Pangasinan State University ay nagtungo sa Brgy. Tambac Covered Court upang makapagbigay ng aral, saya, at inspirasyon sa mga kabataan. Sa pakikipagtulungan ng SK Federation at Brgy. Tambac SK, nasa isandaang bata ang dumalo sa aktibidad kung saan sila ay nakatanggap ng libreng lunch, pati na rin mga gamot at bitamina mula naman sa mga barangay officials at volunteers.
LEGISLATIVE
Committee Hearing, Isinagawa ukol sa Loan Agreement ng LGU sa Landbank
Noong May 10, isinagawa ang isang Committee Hearing para sa panibagong proposed ordinance ukol sa loan agreement ng LGU sa Landbank of the Philippines, sa pangunguna ni Sangguniang Bayan Committee Chairman on Finance, Budget, and Appropriations, Councilor Philip Dumalanta. Ang proposed ordinance ay pinamagatang, "Resolution Authorizing the Local Government Unit of Bayambang to Negotiate and Enter into a Loan Agreement with Landbank of the Philippines in the Amount of 100,000,000 Pesos under the Terms and Conditions of the Term Loan Facility."
Public Hearing, Isinagawa ukol sa Septage System
Isang pampublikong pagdinig ang isinagawa sa Sangguniang Bayan Session Hall noong May 15 ukol sa “An Ordinance Providing for the Water Quality and Proper Sewage Treatment and Septage Management System in the Municipality of Bayambang, Prescribing Penalties for Violation Thereof and for Other Purposes.” Sa pangunguna nina Vice-Mayor IC Sabangan, Coun. Amory Junio, Coun. Levinson Uy, at Coun. Rodelito Bautista, tinalakay ang mga maaaring gawin upang masigurong malinis at ligtas ang tubig sa bawat kabahayan at business establishment sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tamang disenyo ng mga septic tank.
Pagdinig Ukol sa Anti-dangling Wire Ordinance, Ginanap
Noong May 18, nagsagawa ng public hearing ang Sangguniang Bayan Committee on Public Utilities and Public Order and Safety, upang talakayin ang panukalang ordinansa laban sa mga naglipanang dangling wire sa mga daan. Ang Anti-Dangling Wire Ordinance ang siyang mag-aayos sa problema ng "spaghetti wire" sa bayan na posibleng maging sanhi ng aksidente, bukod pa sa di ito kaaya-aya sa paningin.
LIVELIHOOD& EMPLOYMENT
M.C.D.O., Dumalo sa Basic Cooperative Training
Dinaluhan ng mga myembro ng Municipal Cooperative Development Office at Cooperative Development Council ang Basic Cooperative Training for Local Cooperative Development Officers sa Pangasinan Provincial Capitol noong May 23-26. Isa na naman itong dagdag kaalaman upang patuloy na palakasin ang pagtatatag ng mga kooperatiba sa bayan bilang isa sa mga sandata laban sa kahirapan.
MNJQ, Nangakong Dodoblehin ang Kita ng Sinumang SLPA na Magtatagumpay
Sa ikalawang quarter ng taon, pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang Municipal Advisory Committee Meeting, sa pag-oorganisa ng DSWD at MSWDO. Ipinangako ni Mayor Niña na dodoblehin nito ang kikitain ng sinumang Sustainable Livelihood Program Association na magtatagumpay na palaguin ang napiling negosyo mula sa seed capital fund ng DSWD.
OTHER SOCIAL SERVICES
LCPC 1Q Meeting 2023, Tinalakay ang Iba't-Ibang Isyung Pangkabataan
Sa pulong ng
Local Council for the Protection of Children (LCPC) sa unang quarter ng taon,
mainit na tinalakay ang patungkol sa statutory rape at pagkakaroon ng Early
Childhood Care and Development (ECCD) service sa bawat barangay sa bayan ng
Bayambang. Ito ay ginanap sa Mayor’s Conference Room.
Bagong DSWD RO1 Municipal Links, Ipinakilala
Isang Parent Leader General Assembly ang inorganisa ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, DSWD Region I, at MSWDO sa Balon Bayambang Events Center noong May 15. Matapos repasuhin ang mga batayan sa pagpili ng mga Parent Leader ng mga DSWD 4Ps beneficiaries at ang mga tungkulin ng mga Parent Leader, ipinakilala naman ang mga bagong assigned DSWD RO I Municipal Links sa bayan ng Bayambang.
Bayambang Bayanihan Lions Club International, Muling Nag-feeding Activity
Noong May 21, nagmigay ng pagkain, bitamina at prutas ang Bayambang Bayanihan Lions Club International sa mga undernourished na bata sa Brgy. Magsaysay. Kasama sa activity ang Bayambang Maaro Leo Club, Brgy. Magsaysay officials, at Barangay Nutrition Scholars.
YOUTH DEVELOPMENT
International Youth Fellowship Leadership Camp 2023, Ginanap
Sa pag-oorganisa ng Local Youth Development Office, nagkaroon ng International Youth Fellowship Leadership Camp para sa mga local student organizations at mga miyembro ng Student Supreme Council ng PSU-Bayambang Campus noong May 26. Ang programa ay lubos na nakatulong sa mga estudyante upang lalong mahasa ang kanilang personality at leadership skills.
HEALTH
Joint Blood Drive ng CSOs, Mayroong First Aid/CPR Lecture-Demo at Iba pang Serbisyo
A. Isang bloodletting program na mayroon pang lecture demonstration on first aid at CPR, free blood sugar screening, at libreng eye checkup ang isinagawa ng Reaction 166-Animal Kingdom Base, Xtreme Riders Club Pangasinan Inc., Bayambang MANGO Inc., at Bayambang Bayanihan Lions Club in partnership with LGU-Bayambang, Luzon Aliguas, Eagles Club, Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc., at Philippine Red Cross-Dagupan Chapter. Ito ay ginanap noong May 28 sa Balon Bayambang Events Center.
B. Noong May 30 ay iniextend naman ang free eye checkup para sa mga LGU employees, sa tulong ng AO Balajadia Optical.
Supplemental Immunization ng DOH, Muling Inilunsd
Bilang pagsuporta sa kampanya para sa kaligtasan ng mga chikiting laban sa mga nakahahawang sakit, pinangunahan nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice-Mayor Ian Camille Sabangan ang paglunsad ng Massive Supplemental Immunization Activity laban sa measles, rubella at polio (MR-OPV) ng Department of Health at World Health Organization kasama ang mga duktor ng Rural Health Units. May 84 na 0-59-buwang gulang na sanggol at bata ang napabakunahan sa launching activity na ginanap sa Balon Bayambang Events Center.
NNC R1, Minonitor ang Nutrition Early Warning System ng Bayambang
Bumisita ang National Nutrition Council Region I sa Munisipyo noong May 5, upang imonitor ang Local Nutrition Early Warning System (LNEWS) ng Bayambang sa unang quarter ng 2023. Matapos ang kanilang pagsusuri, kinongratulate ng NNC ang LGU-Bayambang dahil sa maraming programa nito patungkol sa food sustainability, kalusugan, at nutrisyon.
Progress Report ukol sa MR-OPV Supplemental Vaccination
Ayon sa pinagsamang ulat ng Rural Health Units I, II, II, at IV, narito ang resulta ng DOH Measles, Rubella, Oral Polio Vaccine (MR-OPV) Supplemental Immunization Activity sa iba't ibang barangay ng Bayambang, as of May 9, 2023.
Para sa measles at rubella, may nabakunahan nang 6,905 o 62% ng kanilang target na 11,156. Para naman sa polio ay may nabakunahan nang 7,911 o 61% ng kanilang target na 13,047. Matatandaang nagsimula ang naturang aktibidad noong May 2, 2023, at ito ay nakatakdang matapos sa loob ng isang buwan.
RHU III, Inilunsad ang Antay Kiss Campaign
Nagkaroon ng information-education drive ang RHU 3 na tinaguriang "Antay Kiss Campaign" (o ang dating "Healthy Young Ones") sa Moises Rebamontan National High School at Hermoza National High School noong May 8 hanggang May 18. Kabilang sa tinalakay ang mga ukol sa STI/HIV, COVID-19, at mental health. May 245 na Grade 9 to Grade 12 student ang binigyan ng counseling dahil sa iba't-ibang kadahilanan.
Bayambang, Nangunguna sa Region I sa MR-OPV SIA 2023 Implementation
Ayon sa report ng DOH, as of May 18, ang bayan ng Bayambang ay nangunguna sa mga munisipalidad sa Rehiyon Uno sa mabilis at epektibong implementasyon ng Measles, Rubella, Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity 2023. Congratulations sa buong RHU at bayan ng Bayambang!
WHO, Minonitor ang Local Supplemental Immunization Activity
Noong
May 23 naman, bumisita ang representante ng World Health Organization na si Dr.
Namrata Bhatta mula sa bansang Nepal upang magconduct ng Rapid Coverage Convenience
Monitoring ng implementasyon ng nasabing vaccination activity. Kasama ni Dr.
Bhatta ang mga personnel mula sa Department of Health at Provincial Health
Office.
PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY
Dangling Wire Clearing Action Group, Binuo at Agad Nag-inspeksyon sa Sentro
Kaugnay ng mga napagkasunduan sa nasabing public hearing ukol sa dangling at sala-salabit na wire at kable, nagsagawa ng ocular inspection noong May 24 ang Wire Clearing Action Group ng LGU, kasama ang CENPELCO at telecom companies, upang tignan ang mga lugar na mayroong dangling spaghetti wires at cables sa sentro ng bayan. At sa kanilang sariling inisyatibo, nag-uumpisa na ang mga ahensya at kumpanya na baklasin ang kani-kanilang mga non-serviceable dangling wires sa Poblacion area.
Joint Fire Safety Inspection, Isinagawa
Noong May 19, sa inisyatibo ni Municipal Fire Marshal, SInsp Divina Cardona, nag-umpisang magsagawa ng fire safety inspection ang Building Administrator sa mga opisina at gusali ng Munisipyo. Ito ay upang masiguro na ang bawat sulok ng Munisipyo ay ligtas sa banta ng sunog.
PNP News Updates
Ang kapulisan ng Bayambang, sa pamumuno si PLtCol. Rommel Bagsic, ay patuloy sa pagpapatupad ng mga batas laban sa kriminalidad upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bayan. Kabilang dito ang:
A. pag-aresto sa mga lumalabag sa batas gaya ng sa illegal drugs at gambling,
B. pagsagawa ng anti-criminality strategies gaya ng checkpoint at Oplan Sita,
C. mobile patrolling,
D. regular na pagbisita sa iba’t ibang barangay, business establishments, at maging sa mga paaralan, at
E. mahigpit ng pagpapatupad ng batas trapiko, kabilang ang helmet law, at road clearing activities.
TOURISM
International Museum Day 2023, Ipinagdiwang!
Sa kauna-unahang pagkakataon, ang Municipal Museum ay nakiisa sa pagdiriwang ng International Museum Day 2023, at ito ay ginanap noong May 18 sa temang "Sustainability, Museums and Wellbeing." Ito ay isang paalaala ukol sa katuturan ng mga museo sa komunidad at buhay ng mga mamamayan.
AGRICULTURAL MODERNIZATION
Bayambang, 2nd Runner-up sa Pista'y Dayat 2023 Float Competition
Nagwagi ng 2nd runner-up ang Bayambang sa float competition ng provincial government, bilang parte ng pagdiriwang ng Pistay Dayat 2023 sa capitol grounds noong Mayo 1. Para sa kumpetisyon, nag-ambagan ang lahat ng lider ng Municipal Agriculture and Fishery Council, Bayambang Farmers' Federation, at Municipal Association of NGOs, kasama ang Municipal Agriculture Office. Ang kanilang pagsisikap ay nagwagi ng 2nd runner-up mula sa 25 na kalahok galing sa iba't ibang bayan ng Pangasinan. Ang koponan ay nag-uwi ng P100,000 na premyo mula sa kompetisyon.
ONGOING: Accreditation ng Municipal Hatchery
Ang Bayambang Municipal Hatchery sa Brgy. Langiran ay kasalukuyang sumasailalim sa accreditation activity ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1 at Provincial Fisheries Office. Ayon sa MAO at BPRAT, ang BFAR accreditation ay magsisilbing guarantee ng kalidad ng fingerling production ng pasilidad.
Panibagong Inbred Rice Seed Allocation ng DA, Tinanggap ng MAO
Dalawang libong bags ng tig-20 kilos inbred rice seed varieties ang tinanggap ng Municipal Agriculture Office upang ipamahagi sa mga lehitimong magsasaka pagkatapos ma-inspect at pumasa sa quality standards ng PhilRice. Ito ay tinanggap ng opisina noong May 15, at kaya nitong taniman ang isang libong ektarya ng sakahan.
Mangabul Seed Growers MC, Ginabayan sa Kanilang General Assembly
Patuloy ang Municipal Cooperative Development Office sa paghubog sa mga lokal na kooperatiba upang maging sandata laban sa kahirapan. Noong May 17, ang opisina ay nagtungo sa Barangay Pantol Evacuation Center upang umasiste sa General Assembly ng mga miyembro ng Mangabul Seed Growers Marketing Cooperative. Naroon si Gng. Rhodora Sagum, ang bagong Chairman ng naturang kooperatiba.
5-Month Training on Varietal Derby, Sinimulan
Pormal na binuksan noong May 9 ng Municipal Agriculture Office ang Season-Long Training sa "Hybrid Varietal Derby with Emphasis on Palay Check," na tatagal ng humigit-kumulang na limang buwan. Sa proyektong ito, malalaman ang pinakaangkop na binhi sa ating lugar sa kabila ng iba't ibang uri ng hybrid rice seeds sa merkado.
DA Rice Seed Allocation, Ipinamahagi
A. Noong May 30, pinangunahan ni Vice-Mayor IC Sabangan ang distribusyon ng mga sako ng palay na alokasyon ng Department of Agriculture para sa mga lokal na rice farmers. Ang pamamahagi ay inorganisa ng Municipal Agriculture Office sa Brgy. Amanperez Covered Court.
B. Dumating sa araw ding iyon ang karagdagang inbred rice seeds na nagmula sa PhilRice RCEF project. Parte pa lamang ito ng 5,436 bags na inisyal na allocation ng inbred rice seeds ng DA para sa bayan ng Bayambang.
INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
Updates from Engineering Office
Samantala, naritong muli ang mga latest construction projects ng Engineering Office.
ONGOING: Construction of Core Local Access Rd. at Brgy. Ambayat 2nd under 2022 20% Development Fund
ONGOING:
Construction of Core Local Access Rd. with Slope Protection at Brgy. Pantol
under Excise Tax Fund
JKQ Hospital Update
Bilang panghuli, narito naman ang latest updates ukol sa konstruksyon ng Julius K. Quiambao Medical & Wellness Center sa Brgy. Ligue.
Engineering, Pinaigting ang Declogging Activities
Pinaigting ng Engineering Office ang declogging activities sa mga kanal sa Poblacion area upang maiwasan ang pagbaha. Hinihiling ng Engineering Department ang kooperasyon ng lahat na gawin ang kanilang bahagi sa pagpapanatili ng kalinisan at pagpigil sa pagtapon ng basura sa daan na siyang malimit na dahilan ng pagbabara sa ating mga drainage.
ENVIRONMENTAL PROTECTION
LGU-Rosales, Nagbenchmarking sa MRF
Bumisita ang mga opisyal ng LGU-Rosales, Pangasinan noong May 4 upang mag-lakbay aral sa Materials Recovery Facility ng Bayambang sa Brgy. Dusoc. Matapos ang courtesy call sa opisina ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kanila namang inalam ang best practices ng MRF. Nagpasalamat ang mga bisita sa nakita nilang mahusay na implementasyon ng RA 9003 pati na rin ang proyektong Bali-Balin Bayambang ni Mayor Niña Jose-Quiambao.
Notice of Violation, Patuloy na Iniisyu ng ESWMO
Patuloy ang ESWMO sa pag-issue ng mga Notice of Violation sa mga barangay at establisimyento na nahuhulihang lumalabag sa mga panuntunang nakasaad sa probisyon ng RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ito ay upang masiguro na kaisa ang bawat Bayambangueño sa pagsiguro ng isang malinis na bayan at maaliwalas na kapaligiran.
ESWMO IEC, Isinagawa sa Idong-Inanlorenza ES
Isang Information-Education Campaign ang isinagawa ng ESWMO sa Idong-Inanlorenza Elementary School noong Mayo 12. Doon tinalakay ni ESWMO Supervising Environment Specialist Eduardo Angeles Jr. ang mga dapat malaman para magkaroon ng malinis na paaralan at bayan.
DISASTER RESILIENCY
MDRRMO, Muling Nag-Info Drive at Nagmonitor ng Early Warning Bells
Noong May 2, nagsimulang imonitor ang MDRRMO ang mga early warning bells na kanilang ipinamahagi sa lahat ng barangay at public schools, upang masigurong ang mga ito ay maayos na magagamit kung sakaling kailanganing magbigay ng babala.
Kasabay nito ay ang pamimigay ng mga information materials sa lahat din ng barangay at public schools tungkol sa kung ano ang mga dapat gawin kapag nagkaroon ng lindol, sunog, at baha. Ito ay upang magkaroon ng kahandaan ang publiko sa oras ng panganib.
Emergency Meeting, Ginanap ukol sa Banta ng El Niño
Noong May 4, nagkaroon ng emergency meeting ang MDRRM Council ukol sa banta ng mahabang El Niño na pinaghahandaan sa bansa. Kasama ang BayWad, CENPELCO, at DepEd, ay tinalakay ng konseho ang posibleng paglipana ng mga sakit sa tag-init, kakulangan sa inuming tubig at patubig sa bukid, at iba pang suliranin na maaaring harapin dahil sa panahon. Iprinisenta naman ng mga kinauukulang departmento at ahensya ang kanilang mga plano upang makatulong na maalpasan ang mga ito.
IEC sa San Roque Dam Operations, Muling Isinagawa
Emergency Meeting, Isinagawa Kaugnay ng Typhoon
“Mawar”
Noong May 25, isang emergency meeting ang ipinatawag ng MDRRM Council upang pag-usapan ang mga paghahandang dapat gawin sa posibleng banta ng Typhoon Mawar sa pagdating nito sa Philippine area of responsibility. Tinalakay ng doon ng iba’t ibang opisina ang kani-kanilang action plans upang makaiwas ang ating mamamayan sa anumang sakuna.
AWARDS & RECOGNITION
Mayor Niña, Pinarangalan ng Milpitas City Council
Sa isang City
Resolution na pirmado ng buong Milpitas City Council, pinarangalan ng City of
Milpitas, California, USA si Mayor Niña Jose-Quiambao bilang kauna-unahang
babaeng alkalde ng bayan ng Bayambang. Isa pang pagkilala na iginawad ng
Milpitas City Council noong May 8 ang komendasyon para sa Bayambang Town Fiesta
2023 Committee dahil sa pagpreserba nito ng kultura at tradisyong
Bayambangueño.
No comments:
Post a Comment