Monday, March 28, 2022

Visitors Benchmarking in Bayambang

Visitors Benchmarking in Bayambang


Daet LGU Reps Visit Bayambang - November 24 2016

LGU-Pinamalayan, Nag-Benchmarking sa Bayambang - December 28, 2018

LGU-Maddela, Quirino Province, Narito para sa Benchmarking - March 15, 2019

Papua New Guinea Agri Minister, Other Officials, Visit Bayambang to Learn About Our Agricultural Practices - June 22, 2019

LGU-Pateros, Nag-Benchmarking sa Bayambang - July 5, 2019

LGU-San Nicolas, Ilocos Norte, Nag-Lakbay Aral sa Bayambang MRF - August 26, 2019

Mayor at Iba pang Opisyal ng LGU-Gloria, Oriental Mindoro, Bumisita - September 12, 2019


---------------------


LGU-Pateros, Nag-Benchmarking sa Bayambang
July 5, 2019

Bumisita ang mga opisyal mula sa iba't-ibang departamento ng LGU-Pateros sa Bayambang upang makita ang best practices ng Munisipyo sa LGU-wide computerization program nito.

Ang mga panauhin, na pinangunahan ng kanilang Information Technology Department head Jeffrey A. Abellar, ay winelcome nina Municipal Administrator Atty. Raymundo B. Bautista Jr., Tourism Office head Rafael Saygo, at Information and Communication Technology Office head Carmela Atienza noong ika-5 ng Hunyo sa Munisipyo.

Ani Atty. Bautista, “Kahit hindi biniyayaan ang bayan ng Bayambang ng likas na yaman, puno naman ito ng history at puno ng creativity ang mga tao upang maging puhunan sa pag-unlad.”

“Ang plano ni Mayor CTQ ay mapadali ang bagay-bagay gamit ang teknolohiya -- isa itong daan para umasenso ang bayan,” paliwanag niya.

Kasama ni G. Abellar sina Municipal Treasurer Ramil Q. Legaspi, Assessors Eldie M. Luelo at Ann Margaret Charanguero, PLTO head Conrado C. Aglahian kasama si Jacquilou Miranda, Accounting officers Gemma T. Rubion at Ronaldo Balungon, HRMO head Dennis Dato, Purchasing head Antonio Samaniego, Engr. Marcelino P. Cabilino Jr, LCR officer Marites R. Schofield , GSO officer Jessie Silvestre, at BAC Secretary Ervin San Jose.

Inilibot ng mga ICTO staff ang mga bisita sa Assessor’s, Treasury, Accounting, Engineering, Budget, Local Civil Registry, at Human Resource Management Office.


LGU-Pinamalayan, Nag-Benchmarking sa Bayambang
December 28, 2018

Bumisita ang buong Municipal Planning and Development Office (MPDO) ng Local Government Unit ng Pinamalayan, Oriental Mindoro, sa Bayambang upang mag-benchmarking noong ika-27 ng Disyembre 2018.
Ang MPDO ng Pinamalayan sa pangunguna ng Department Head na si G. Rosenio A. Toriano ay malugod na sinalubong ni Mayor Cezar T. Quiambao at MPDO Coordinator Ma-lene S. Torio, kasama ang lahat ng department heads ng LGU Bayambang.

Kasama ni G. Toriano, na isang registered Environment Planner, sina Development Management Officer IV at MPDC Assistant Patricio L. del Valle, Project Development Officer III Virgilio M. King; Statistician I Orlex H. Marayan, Planning Officer II Fredelino A. Toriano Jr., Project Evaluation Assistant Romel T. Marayan, Information System Analyst II Jan-Neil H. Evangelista, Community Affairs Assistant Reynaldo P. Lazo, at Planning Assistant John Eric G. Mondoñedo.

Ayon kay G. Toriano, ang Pinamalayan ay isang coastal town “at the heart of Oriental Mindoro” at isa ring first-class municipality tulad ng Bayambang. Aniya, “Napili namin ang inyong bayan para sa replication ng best practices dahil kami po ay humahanga sa pamamahala ni Mayor Cezar T. Quiambao, sa kanyang focus sa trabaho upang mapalago at mapaganda ang bayan ninyo.”

Sa kanyang welcome remarks sa programang inorganisa ni Senior Tourism Operations Officer Rafael L. Saygo, ibinahagi ni Municipal Chief of Staff at Legal Officer Atty. Raymundo Bautista Jr. ang mga nakamit na award ng Bayambang, kabilang na ang pagpasok nito sa top 27% sa nakalipas na national SGLG assessment, at ang year-end assessment ng LGU upang malaman ng lahat kung gaano na ba kalayo ang naabot ng Bayambang taun-taon. “Isa lamang ang goal namin sa Bayambang: ang magkaroon ng maayos na pamumuhay ang bawat Bayambangueño.”

Kabilang sa mga video presentations sa programa ay ang Best Practices ng LGU Bayambang sa lahat ng larangan, ang tungol sa Bayambang Poverty Reduction Plan under Municipal Administrator-Anti-Poverty Office Atty. Rodelynn Rajini A. Sagarino-Vidad, at ang bamboo industry ng CSFirst Green AID sa pamumuno ng kapatid ni Mayor Quiambao na si G. Romeo T. Quiambao.

"Isang karangalan namin ang inyong pagbisita para sa benchmarking," wika ni Mayor Quiambao sa mga panauhin. Sa kanyang talumpati naman ukol sa Best Practices ng LGU Bayambang, nabanggit niya ang mga sumusunod bilang pinaka-highlight ng kanyang mga accomplishments as a first-termer local chief executive:

- pagsugpo sa korapsyon sa gobyernong lokal through LGU-wide computerization program at policy of financial transparency,
- ang pagtaas sa local revenue sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Tax Code, na nagresulta sa P256M local revenue versus P250M na pondo galing IRA (or internal revenue allotment), surpassing the 1:1 ratio,
- ang pagpasok sa mga P4 (public-private-people partnership) projects tulad ng Mini-Amusement Park at Rides sa plaza to spur development,
- joint planning and budgeting sessions na nagbigay sa mga department heads sa unang pagkakataon ng tsansang magsumite ng sarili nilang budget,
- paggamit ng husto sa 20% development fund na hindi nagamit ng husto sa loob ng 20 taon (dahil ipinambayad ng utang, atbp.) para sa mga infrastructure projects sa 77 barangay, na nagbigay daan sa massive infra projects (daan, barangay hall, covered court, atbp.) in all barangays
- pagbigay ng salary increase sa mga LGU employees ng naaayon sa batas (P283 minimum wage), pagbigay ng iba't-ibang training/workshop, at pagreregular sa mga matagal nang kwalipikadong empleyado
-  pagrequest ng halos P1B funds sa Department of Budget and Management under the Local Government Support Fund para sa marami pang nakahanay na infrastructure development projects
-  pag-create ng mga bagong departamento tulad ng Public Order and Safety Office (POSO) para sa 24/7 service including emergency service, General Services Office, atbp.
-  pagdeklara ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan (at pagbalangkas ng Bayambang Poverty Reduction Plan) upang sugpuin ang kahirapan sa loob ng 10 taon.

Sa programa, binaggit ni Mayor Quiambao na siya ay nawala sa Pilipinas mula 1965 hanggang 1995 upang magtrabaho sa Indonesia, at kung ano ang kanyang iniwan ay ganoon din ang kanyang dinatnan pabalik matapos ang tatlong dekada, kaya napagtanto niya na kailangang magkaroon ng authority upang maimplementa ang inaasam-asam na pagbabago.

Matatandaang sa pamamagitan ng Kasama Kita sa Barangay Foundation at paglipat niya ng headquarter ng kanyang kumpanyang Stradcom sa bayang tinubuan, matagal nang tinutulungan ni Dr. Quiambao ang Bayambang kahit wala sa isip nito ang pumasok sa pulitika. Dahil sa pagkainis niya sa korapsyon, aniya, kaya niya pinasok ang magulong mundo ng pulitika taong 2015 at isakripisyo ang kumportableng buhay ng isang retiradong OFW sa Maynila. Mula 2016 hanggang Oktubre 2018, nakapag-ambag na ng mahigit na P150M buwis si Dr. Quiambao sa kabang-yaman ng bayan ng Bayambang.

Ang mga bisita ay inilibot sa Munisipyo, partikular na sa CCTV Command Center ng POSO, MDRRMO, at Balon Bayambang Events Center, at pati na rin sa Paskuhan sa Bayambang animated Christmas display (the Philippines’ biggest), ang ongoing construction ng St. Vincent Ferrer Prayer Park at sa operations ng CSFirst Green AID sa Kasama Kita sa Barangay Foundation sa Brgy. Amanperez.

“Alam naming marami kaming matututunan sa inyong bayan upang mai-applay din namin sa aming bayan,” pangwakas na mensahe ni Pinamalayan MPDO Toriano. “Salamat sa amazing accommodation ninyo sa amin.”

Mayor at Iba pang Opisyal ng LGU-Gloria, Oriental Mindoro, Bumisita
September 12, 2019

Sinalubong ng mga opisyal ng Bayambang ang mga bisita mula sa munisipalidad ng Gloria, probinsya ng Oriental Mindoro, na nag-benchmarking dito ukol sa mga programa at proyekto ng administrasyong Quiambao-Sabangan.

Ang Gloria ay isang third-class municipality na nabuo noong 1964 na ipinangalan sa anak ng dating Pangulong Diosdado Macapagal, ang dati rin na Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang mga panauhin ay malugod na binati nina Mayor Cezar T. Quiambao, Vice Mayor Raul R. Sabangan, mga myembro ng Sangguniang Bayan, Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista, Municipal Administrator Atty. Raymundo B. Bautista Jr., Supervising Tourism Operations Officer Rafael L. Saygo, at mga staff ng lokal na pamahalaan sa umaga ng ika-12 ng Septyembre sa Balon Bayambang Events Center. Sa programa ay ibinahagi sa mga bisita ang mga best practices ng bayan, ang tungkol sa Bayambang Poverty Reduction Plan 2018-2028, at ang ipinagmamalaking bamboo plantation project na inaasahang magbibigay ng kabuhayan sa mga mamamayan habang tumutulong mapaigting ang kanilang kaligtasan sa panahon ng sakuna.

Pinasalamatan ni LGU-Gloria Mayor German D. Rodegerio ang mga naroon sa programa at si Dr. Rico J. Cabangon mula sa Department of Science and Technology-Forest Products Research and Development Institute dahil sa kanyang pagmungkahi sa bayan ng Bayambang para sa kanilang benchmarking activity. Nagpasalamat din si Mayor Rodegerio sa isang Bayambangueño at dating dean ng Pangasinan State University na si Dean Trinidad Montero na siya aniyang nagbigay ng oportunidad na makapag-aral noong kanyang kabataan.
“Hindi kami nagkamali na magpunta dito sa inyong bayan para marami kaming matutunan,” ani Mayor Rodegerio.

Matapos ang maiksing programa ay binisita ng grupo ang tallest supported bamboo sculpture sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park sa Brgy. Bani at ang pagawaan ng mga produktong yari sa kawayan sa factory ng CSFirst Green AID Inc. sa Brgy. Amanperez.

Daet LGU Reps Visit Bayambang
Posted on Thursday November 24 2016

Delegates from the local government unit of Daet, Camarines Norte were welcomed by municipal executives led by Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini Sagarino as they visited Bayambang on Wednesday, November 23, 2016.

The guests were treated to a breakfast showcasing the town’s delicacies such as rice crackers, boiled corn and sapin-sapin. They were also given buro and lemongrass juice as takeaway gifts.

Tourism Officer-in-Charge Gloria Valenzuela accompanied the guests in visiting the town’s rice cracker factory in Brgy. Sancagulis and the Kasama Kita sa Barangay training facilities in Amanperez. Valenzuela said this move will surely advertise the town’s products, thus boosting its tourism industry.

Mayor Cezar T. Quiambao personally invited the guests to visit his home to take a rest, knowing the grueling experience of a 13-hour drive from Daet to Pangasinan.

Daet Municipal Agriculture chief Esther Macabuhay said the tour is part of their livelihood program for the 21 fisherfolks and housewives who are recipients of Bottoms-Up Budgeting projects of their town. “This benchmark is our strategy to further improve our products and learn other methods in providing livelihood programs to our constituents.”

(Bayambang PIO/Media Affairs)

Papua New Guinea Agri Minister, Other Officials, Visit Bayambang to Learn About Our Agricultural Practices
Posted on Saturday June 22 2019

A delegation from Papua New Guinea visited our town on June 22 to learn about our agricultural practices. The visitors were led by no less than Papua New Guinea Agriculture and Livestock Minister John Simon, Coconut Industry Corp. Managing Director Alan Aku, Cocoa Board Executive Manager David Yinil, Maprik District First Secretary Otto Wangillen, Ministry of Agriculture Acting Secretary Stephen Mobi, media person Cyril Gare, and lawyer Martin Ginyaru.

The Papuans were accompanied by Sathwo Corp. President Bernilo Pacheco, Sathwo Nutrition and Production Consultant on Livestock and Poultry Glen Banogon, and Department of Agriculture-Regional Field Office 1 Researcher Nestor Blanco.

Municipal Administrator Atty. Raymundo B. Bautista Jr., Municipal Agriculture Office head Artemio Buezon, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office head Genevieve U. Benebe, and the Bayambang Poverty Reduction Action Team headed by Dr. Joel T. Cayabyab led the LGU Bayambang in welcoming the delegation.

The BPRAT organized a welcome program at the Balon Bayambang Events Center and the ensuing site visits, with assistance from the Public Order and Safety Office and Bayambang PNP. At the open forum during the program, the discussion centered on the necessity of crop insurance for additional protection for farmers in case of calamities, Mayor Cezar T. Quiambao’s farm mechanization program, support given to cooperatives through the Municipal Cooperative Development Office, and the strategies being adopted by the Mangabul Seed Growers Marketing Cooperative (MSGMC) to bring its farm products out in the market.
Engr. Bernard Bawing was also part of the welcoming party from the private sector, to represent CS First Green Agro-Industrial Development Inc. (CS1st Green AIDI), together with Marlon Nonato, representing the Rotary Club of Bayambang, and Jayson Sagum of MSGMC.

The group visited the following sites: the rice transplanting processing area in Brgy. Pangdel, the world record holder St. Vincent Ferrer Statue bamboo sculpture in Brgy. Bani, MSGMC’s seed propagation business and modern equipment in Brgy. Pantol, and CS1st Green AIDI’s bamboo factory in Brgy. Amanperez.

LGU-Maddela, Quirino Province, Narito para sa Benchmarking
Posted on Friday March 15 2019

Bumisita ang mga pinakamataas na pinuno ng bayan ng Maddela, probinsiya ng Quirino, upang mag-benchmarking sa Bayambang noong ika-15 ng Marso, 2019.

Nauna na nilang binisita ang bamboo farming project ng CSFirst Green AID sa Brgy. Mapita, Aguilar, bilang isang mabisang paraan ng pagsawata sa mga landslides.

Sila ay inilibot ni MDRRMO head Genevieve Benebe at CSFirst Green AID OIC President Engr. Bernard O. Bawing bago sila nagtungo sa factory ng mga bamboo products sa Kasama Kita sa Barangay Foundation sa Amanperez.

Makalipas nito ay nagcourtesy call ang mga bisita kay Mayor Cezar T. Quiambao sa 3F ng Royal Mall. May 60 katao ang delegasyon ng LGU-Maddela.

Kabilang sa mga opisyal ay sina Councilor Alberto Cadavis, Municipal Treasurer Gloria Fontanilla, LDDRMO Edwin S. Besas, Municipal Agriculturist Jovencio G. Salvador, MSWDO Mary Rose S. Valiente, Budget Officer Melanie Cadavis, at Economic Enterprise Officer George V. Colebra.

LGU-San Nicolas, Ilocos Norte, Nag-Lakbay Aral sa Bayambang MRF
Posted on Monday August 26 2019

Nag-Lakbay Aral ang LGU-San Nicolas, Ilocos Norte, sa Materials Recovery Facility (MRF) ng Bayambang noong ika-9 ng Agosto. Sa pangunguna ni Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) Supervisor Eduardo M. Angeles, Jr. ay ipinakita sa mga bisita ang paraan ng pagpoproseso ng mga biodegradable wastes upang maging organic compost soil enhancers gamit ang rapid composter na binili ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang.

Ang grupo ay binubuo ng Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO) ng San Nicolas na si Gng. Marilyn Tolentino kasama ang kanyang mga staff at ang kanilang Municipal Engineer.

Labis ang pasasalamat ng grupo sa mainit na pagtanggap ng ESWMO sa kanila na kanilang ipinahayag nang sila ay mag-courtesy call kay Mayor Cezar T. Quiambao.


2022

LGU Castillejos, Zambales, Nagbenchmarking ukol sa RiceBIS Bayambang

Noong May 13, bumisita ang opisyales ng LGU Castillejos, Zambales at mga miyembo ng RiceBIS Castillejos sa Niña's Cafe upang pag-aralan ang karanasan ng Bayambang sa implementasyon ng proyekto ng DA PhilRice dito na Rice Business Innovation System. Sila ay malugod na winelcome ni Mayor Cezar Quiambao, Agriculture Office, at ng buong Bayambang Poverty Reduction Team, na siyang nagpaliwanag kung paano naging akma ang RiceBIS sa mga layunin ng Bayambang Poverty Reduction Plan sa sektor ng agrikultura.

DSWD-CAR, Nagbenchmarking sa Bayambang    

Noong June 14, bumisita ang DSWD ng Cordillera Administrative Region upang pag-aralan ang mga istratehiya para sa matagumpay na implementasyon ng iba't-ibang Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD dito sa Bayambang. Ang delegasyon ay winelcome ni Mayor Cezar Quiambao, kasama ang MSWDO, DSWD Bayambang SLP team, at BPRAT. Sinabi ni Mayor Quiambao na, hindi man perpekto ang SLP implementation sa Bayambang, hindi tumitigil aniya ang LGU sa pamamagitan ng BPRAT na magpatuloy sa pagbibigay ng suporta gaya ng financial assistance, capacity building, marketing, at partnerships.

Basista CDWs, Nag-Lakbay Aral sa Bayambang

Noong June 14, nag-Lakbay Aral sa Bayambang ang Child Development Workers (CDWs) mula sa MSWDO ng bayan Basista. Sila ay bumisita sa tatlong Child Development Centers -- ang CDC ng Brgy. Hermoza, Malioer, at Carungay -- upang kumalap ng mga ideya para mas mapaunlad pa ang kanilang kaalaman bilang CDWs at ang kanilang implementasyon ng Early Childhood Care and Development Program sa bayan ng Basista. Kabilang sa 14 na bumisita ang kanilang Focal Person on Child and Youth Affairs na si Alexander A. de Vera.

Brgy. City Camp Proper Officials ng Baguio, Bumisita

Bumisita sa Bayambang ang barangay officials ng City Camp Proper, Baguio City noong October 26 upang magbenchmarking sa Municipal Nutrition Office at opisina ng Sancagulis Barangay Nutrition Scholar. Pinangunahan ang delegasyon ni City Camp Proper Punong Barangay, Hon. Jaime Bustarde. Sila ay malugod na tinanggap ng mga municipal at Sancagulis barangay officials. Ipinakita sa mga bisita ang best practices ng Municipal Nutrition Council pagdating sa mga nutrition programs nito. Ipinasyal din ang mga ito sa St. Vincent Ferrer Prayer Park at Municipal Museum.

LGU Lingayen, Nag-benchmarking sa ESWMO

Noong October 27, bumisita ang mga department heads ng LGU-Lingayen sa Bayambang upang tingnan ang solid waste machinery and equipment at best practices ng ESWMO. Pinangunahan ang delegasyon ni LGU-Lingayen Municipal Administrator Roberto DG. Sylim. Sila ay nag-courtesy call kay Municipal Administrator, at pina-unlakan ng machinery demo ni MENRO Joseph Anthony Quinto sa Material Recovery Facility sa Brgy. Telbang. Matapos nito, ang mga bisita ay ipinasyal sa St. Vincent Ferrer Prayer Park at Municipal Museum.

LGU-Pinamalayan, Oriental Mindoro, Muling Bumisita

Muling bumisita ang mga taga-LGU ng bayan ng Pinamalayan, Mindoro Oriental sa Bayambang upang magbenchmarking activity. Sa pagkakataong ito, ang grupo ay mula sa Human Resources Management Office ng LGU, sa pangunguna ng kanilang deparment head na si Nemia B. Monsanto. Sila ay ipinasyal noong December 12 sa iba't-ibang lugar sa Bayambang at noong December 13 ay winelcome nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, Tourism Office head, Dr. Rafael Saygo, at Budget Officer Princesita Sabangan. Matapos nito ay inilibot ang mga bisita sa Munisipyo at Annex Building.

Ifugao Officials, Bumisita

Noong December 14 at 15, sumunod namang bumisita ang iba't-ibang matataas na opisyal ng pamahalaang lokal ng probinsya ng Ifugao. Sila ay winelcome ni former Mayor Cezar Quiambao, Municipal Administrator at ilang department heads sa Niña's Cafe sa pamamagitan ng isang programa, at ipinasyal sa ating Materials Recovery Facility, Municipal Museum, at St. Vincent Ferrer Prayer Park. Kabilang sa mga opisyal sina Provincial Board Member Peter Bunnag, Provincial Engineer Ericson Mammag, PDRRM Engineer Arnold Bacnog, Councilor Fermin Haclao Jr. at Councilor John Alfred Cappleman II ng bayan ng Banaue, at mga department head.


2023

LGU-Alaminos at LGU-Pinamalayan, Nagbenchmarking sa BPC

Noong January 12 at 13, dumating sa Bayambang ang LGU officials mula sa Alaminos City, Pangasinan, at Pinamalayan, Oriental Mindoro, upang magbenchmarking sa Bayambang Polytechnic College. Ayon sa ulat, balak ding magpatayo ng naturang mga LGU ng kanilang sariling kolehiyo upang makapagbigay din ng oportunidad sa kanilang mga kabataan na makapag-aral.


Pinamalayan Mayor at Ibang Opisyales, Bumisita

Noong January 13, dumating sa Bayambang ang alkalde ng Pinamalayan, Oriental Mindoro na si Mayor Aristeo Baldos, Jr. kasama ang iba pang matataas ng opisyales ng naturang bayan upang magbenchmarking sa Bayambang Polytechnic College at Bayambang ESWMO. Kasama ni Mayor Baldos ang Pinamalayan SB Members at iba't-ibang department heads. Sila ay winelcome ni Mayor Niña Quiambao at iba pang opisyales ng bayan.
   

LGU-Rosales, Nagbenchmarking sa MRF

Bumisita ang mga opisyal ng LGU-Rosales, Pangasinan noong May 4 upang mag-lakbay aral sa Materials Recovery Facility ng Bayambang sa Brgy. Dusoc. Matapos ang courtesy call sa opisina ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kanila namang inalam ang best practices ng MRF. Nagpasalamat ang mga bisita sa nakita nilang mahusay na implementasyon ng RA 9003 pati na rin ang proyektong Bali-Balin Bayambang ni Mayor Niña Jose-Quiambao.




No comments:

Post a Comment