It’s Trivia Time!
Alam ba ninyo na kasabay ng pagpapalawig ng
ating digitization efforts ay lumalawak din ang ating online presence, subalit
ito ay may kaakibat na cybersecurity risks?
Araw-araw, humigit-kumulang 2,500 na
cyberattacks ang namo-monitor at napipigilan ng ICTO gamit ang iba’t ibang
security tools. Karamihan sa mga atakeng ito ay mula sa ibang bansa, ngunit may
ilan ding galing sa Pilipinas.
Ang mga atake ay maaaring
virus, trojan, spam, at minsan ay sinusubukan ding atakihin ang ating mga
online systems tulad ng ating public website.
Upang masiguro ang kaligtasan ng ating
online systems, pinalalakas ng ICTO ang cybersecurity capabilities ng LGU.
Kabilang dito ang pagpapatupad ng mga polisiya para maunawaan ng bawat
empleyado ang kanilang responsibilidad sa information security.
Noong Pebrero 24, 2025, nilagdaan ni Mayor
Nina Jose-Quiambao ang Office Order No. 3, s. 2025, na nag-i-institutionalize
ng Information Security Policy ng Municipal Government ng Bayambang, alinsunod
sa National Cybersecurity Plan 2023-2028 ng Office of the President.
Pinapalakas din ng ICTO ang Security
Operations Center (SOC) na pinamumunuan ni Lloyd Neil Diaz bilang SOC Manager.
Taun-taon, nagsasagawa ng Cybersecurity Awareness Seminars upang ipaalala ang
responsibilidad ng bawat kawani sa cybersecurity.
Kung may pinaghihinalaang virus o
cybersecurity threat sa inyong LGU computers, huwag mag-atubiling mag-email sa
soc@bayambang.gov.ph o tumawag sa ICTO sa Local 1111 para sa agarang tulong.
No comments:
Post a Comment