Monday Report
- March 10, 2025
[INTRO]
NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si Emeirson C. Calub.
NEWSCASTER 2: At ako naman po si Kaemart C. Valera, at kami po ay mula sa Information and Communications Technology Office.
NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...
NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...
SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!
***
[SALITAN NA KAYO RITO]
Sa ulo ng nagbabagang balita:
1. 62 Applicants, Ginawaran ng Libreng Birth Certificates
May kabuuang 62 na benepisyaryo ang Local Civil Registry Office (LCRO) sa pinakahuling paggawad nito ng mga birth certificate in security paper (SECPA). Noong February 27, nagtungo ang LCR sa Zone VI para mag-award ng birth certificates in SECPA sa 32 na benepisyaryo mula sa iba't ibang barangay. Kinabukasan, sila ay nagtungo sa Brgy. Wawa para mag-award din sa 30 na benepisyaryo mula sa distrito.
Isang sawa o python ang isinurrender ng ESWMO-Bayambang sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Dagupan noong February 27.
At isa namang kuwago na Philippine scops owl ang inilagak sa nasabing ahensya noong March 5. Agad na ininspeksyon ng mga opisyal ang kalagayan ng mga nasabing wildlife upang matiyak na ito ay nasa maayos na kondisyon bago dalhin sa mas angkop na tirahan.
3. 2 PWDs, Tumanggap ng Libreng Prosthesis
[Note: pronunciation of prosthesis is pros-thee-sis, not pros-the-sis.]
Dalawang panibagong PWDs ang natulungan para magkaroon ng libreng prosthesis na artificial leg, salamat sa kolaborasyon sa pagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office at Persons with Disability Affairs Office ng Bayambang, at sa tulong ng Kapampangan Development Foundation Inc. Ang mga benepisyaryo ay sina Mar Laza ng Brgy. Darawey at Isagani de Veyra ng Brgy. Sancagulis.
A. Masiglang inumpisahan ng LGU-Bayambang ang buwan ng Marso sa sabayang pagbubukas ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month at Women's Month. Una ay nagpalabas ng isang nakakaantig na short film ang Bureau of Fire Protection ukol sa mga panganib ng sunog dahil sa kapabayaan.
B. Sinurpresa naman ang mga kababaihan ng isang harana ni Mr. Vandave Paragas, at isang violin performance, pamamahagi ng rosas, at dance performance ng BFP.
5. BPSO Staff, Muling Hinasa sa Basic Life Support at First Aid
Ang mga kawani ng Bayambang Public Safety Office ay muling nagsanay sa Basic Life Support at First Aid sa loob ng limang araw mula March 3 hangang March 7. Sila ay natuto sa lecture ng mga eksperto mula sa Pangasinan Provincial Health Office. Naging parte ng training ang mga aktibidad na nagbigay-daan sa praktikal na pagkatuto ng CPR, tamang paghawak sa sugatan, at iba pang emergency response techniques.
6. Assessor at Treasury, Umattend sa RPVARA Webinar
Noong March 4, ang mga head at personnel ng Municipal Assessor at Municipal Treasurer's Offices ay umattend sa isang webinar na inihatid ng Bureau of Local Government Finance ukol sa Real Property Valuation and Assessment Reform Act and Its Implementing Rules and Regulations. Tinalakay sa webinar ang mga salient provisions ng naturang bagong batas na kilala rin bilang Republic Act. No. 12001.
7. Formulation ng GAD Agenda, Matagumpay
Naging matagumpay ang formulation ng Gender and Development agenda ng Bayambang, sa ginanap na training-workshop sa Pantabangan, Nueva Ecija mula March 4 hanggang March 6. Ang tatlong araw na aktibidad ay dinaluhan ng mga pinuno at GAD focal persons ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang bayan. Hangarin ng nasabing aktibidad ang bumuo ng mga programa kung saan lahat ng sektor ng lipunan, lalo’t higit ang mga kababaihan, ay mabibigyan ng prayoridad tungo sa pagkakapantay-pantay ng lahat. Gayundin, ang pondong nakalaan sa GAD ay sinigurong nailaan ng tama para sa tunay na kapakinabangan ng mga Bayambangueño.
8. MPMIU, Umattend sa General Assembly ng PRDP Support Office
Ang mga miyembro ng Municipal Project Management and Implementation Unit ng LGU ay umattend sa General Assembly ng Philippine Rural Development Project - Project Support Office North Luzon ng Department of Agriculture noong March 5 hanggang 7 sa Subic, Zambales. Layunin ng aktibidad na mag-assess ng overall performance ng North Luzon Cluster sa ilalim ng Second Additional Financing for CY 2024 at ang estado ng ongoing na scale-up project implementation.
9. Takbo Para kay Juana, Napuno ng Saya
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng National Women’s Month, matagumpay na idinaos noong March 8 ang Takbo Para kay Juana: Purple Fun Run for a Cause. Daan-daang Bayambangueño mula sa iba’t ibang sektor ang lumahok sa naturang fun run, suot ang kanilang purple running gear bilang simbolo ng suporta sa adbokasiya ng women empowerment. Binigyan ng cash prize ang mga nanguna sa fun run, at isang raffle draw ang nagbigay ng surpresa sa mga lumahok. Ang nalikom na pondo ay ilalaan sa pagbili ng mga bahay kubo na ipamamahagi sa mga mapipiling benepisyaryo.
10. Bayambang, 2024 Good Financial Housekeeping Passer
Ang LGU-Bayambang ay muling nakatanggap ng Good Financial Housekeeping Certification. Sa pinakahuling audit ng DILG Region I, matagumpay na pumasa ang LGU sa 2024 Good Financial Housekeeping (GFH) assessment. Ito ay isang kongkretong patunay ng dedikasyon ng LGU sa financial transparency, accountability, at mahusay na pangangasiwa sa kaban ng bayan. Ang pagkilalang ito ay nagpapatunay sa pagsisikap ng LGU na matiyak na ang mga pondo ng gobyerno ay nagagamit nang wasto para sa kapakanan ng buong pamayanan.
Noong March 7, opisyal na inilunsad ang pagdiriwang ng Fire Prevention Month ng mga personnel ng Bayambang Fire Station sa pamamagitan ng isang grand motorcade upang itaas ang kamalayan ng publiko at maipalaganap ang mensahe ng kaligtasan sa sunog sa loob ng area of responsibility ng Bureau of Fire Protection. Kasama ng BFP sa naturang motorcade ang kapwa nila frontliners, kabilang ang PNP, MDRRMO, BPSO, at RHU.
12. SATOM, Dumalo sa Groundbreaking ng Hemodialysis Center sa BDH
Sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, buong-galak ang pagbati ni Dr. Cezar Quiambao kay Governor Ramon Guico III at iba pang provincial officials sa matagumpay na pagpapasinaya ng mga ito sa mga bagong CT scan, stationary at portable ultrasound, at mga X-ray machine sa Bayambang District Hospital, pati na rin sa groundbreaking para sa bagong hemodialysis center sa naturang ospital. Ang pinakahuling development na ito ay tiyak na magpapabuti sa kalidad ng diagnostic services at magpapabilis ng paggamot sa naturang pasilidad.
***
It’s Trivia Time!
Alam ba ninyo na kasabay ng pagpapalawig ng ating digitization efforts ay lumalawak din ang ating online presence, subalit ito ay may kaakibat na cybersecurity risks?
Araw-araw, humigit-kumulang 2,500 na cyberattacks ang namo-monitor at napipigilan ng ICTO gamit ang iba’t ibang security tools. Karamihan sa mga atakeng ito ay mula sa ibang bansa, ngunit may ilan ding galing sa Pilipinas.
Ang mga atake ay maaaring virus, trojan, spam, at minsan ay sinusubukan ding atakihin ang ating mga online systems tulad ng ating public website.
Upang masiguro ang kaligtasan ng ating online systems, pinalalakas ng ICTO ang cybersecurity capabilities ng LGU. Kabilang dito ang pagpapatupad ng mga polisiya para maunawaan ng bawat empleyado ang kanilang responsibilidad sa information security.
Noong Pebrero 24, 2025, nilagdaan ni Mayor Nina Jose-Quiambao ang Office Order No. 3, s. 2025, na nag-i-institutionalize ng Information Security Policy ng Municipal Government ng Bayambang, alinsunod sa National Cybersecurity Plan 2023-2028 ng Office of the President.
Pinapalakas din ng ICTO ang Security Operations Center (SOC) na pinamumunuan ni Lloyd Neil Diaz bilang SOC Manager. Taun-taon, nagsasagawa ng Cybersecurity Awareness Seminars upang ipaalala ang responsibilidad ng bawat kawani sa cybersecurity.
Kung may pinaghihinalaang virus o cybersecurity threat sa inyong LGU computers, huwag mag-atubiling mag-email sa soc@bayambang.gov.ph o tumawag sa ICTO sa Local 1111 para sa agarang tulong.
***
[OUTRO]
NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.
NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.
NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Emeirson C. Calub.
NEWSCASTER 2: At ako naman po si Kaemart C. Valera, at kami ay mula sa Information and Communications Technology Office.
[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!
No comments:
Post a Comment