Monday, August 26, 2024

Editorial - August 2024 - Iba't Ibang Mukha ng Kahirapan

Iba't Ibang Mukha ng Kahirapan

Bakit nagiging mahirap ang isang tao o pamilya?

Ang katanungang ito ay mahirap sagutin dahil, sa aming pagtanto, iba't iba ang maaaring maging dahilan ng naturang suliranin. Nariyang ipinanganak ang tao na mahirap. 'Ika nga ng isang lumang kanta, "Grade 1 lang ang inabot ko, no read no write pa 'ko." ...Kaya naman walang mapasukang maayos na trabaho o hanapbuhay. O kung may kabuhayan man ay maliit naman ang kita. 

Base sa aming mga obserbasyon, maaari ring pagmulan ng kahirapan ang pagkakaroon ng sakit (kabilang ang sakit sa pag-iisip), kapansanan, kawalan ng oportunidad, korapsyon sa gobyerno, di pantay na access sa mga oportunidad, pagwaldas ng kabang-yaman ng bayan, kalamidad, nakagisnang kaugalian, mga maling personal na desisyon tulad ng maagang pagbubuntis, kawalan ng kaalaman sa pananalapi, adiksyon sa droga o sugal at iba pang bisyo, at marami pang iba.

Ang mga dahilang ito ay karaniwang sala-salabit at madalas ay nagiging dahilan din o 'di kaya'y epekto ng isa't isa. Mahirap maging mahirap, at mahirap ding puksain ang kahirapan.

Masasabi natin kung gayon na isang kumplikadong usapin ang kahirapan.  

Paano ba matatakasan ang kahirapan? Sa aming palagay, makakawala lamang sa hawla ng kahirapan kapag malinaw nating matutukoy kung anu-ano ang mga naging sanhi nito. Kaya naman sa bayan ng Bayambang, nagkaroon tayo ng Bayambang Poverty Reduction Action Plan 2018-2028 at Bayambang Poverty Reduction Action Team. 

Sa pamamagitan ng mga ito, hindi lamang natin malinaw na natutunton ang mga sanhi ng kahirapan matapos ang mahaba-habang pag-aaral at konsultasyon sa lahat ng sektor, kundi nagkaroon din tayo ng komprehensibong mga plano, proyekto, at aktibidad upang isa-isang malunasan ang mga nakitang dahilan.

Base sa aming personal karanasan, marami sa ating mga kababayan na mabilis na umangat ang kabuhayan ay dahil isa sa miyembro ng kanilang pamilya ay nakahanap ng magandang trabaho abroad. Kaya naman, hindi natin inaalis ang pagbubukas ng mga pagkakataon sa mga nais tahakin ang landas na ito. 

Ngunit hangga't maaari sana ay dito tayo mismo sa ating bayan makakita at makagawa ng mga oportunidad upang 'di na mawalay pa ang mga magkakapamilya sa isa't isa, na siyang malimit -- at mapait -- na kapalit ng pag-angat sa buhay ng pamilya ng mga OFW.

Pitong taon na ang ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Tatlong taon na lang ang nalalabi rito, kaya't inaasahan natin na ang iba't ibang mukha ng kahirapan na ating natunghayan sa mga nakaraang taon at hanggang ngayon ay magiging ngiti naman ng tagumpay pagdating ng taong 2028. 

Ating ipanalangin na maalpasan nawa ng lahat ng pamilya ang hirap ng buhay sa ating bayan sa pamamagitan ng marubdob na pagsusumikap sa araw-araw at walang tigil na paghahanap ng ating ikaaangat sa pamamagitan ng ating Rebolusyon. Ito ay sa pamamagitan ng edukasyon, maayos na hanapbuhay o trabaho, sapat na nutrisyon at wastong kalusugan, modernong agrikultura, mabuting pamamahala, serbisyong panglipunan at pinagyaman na kultura, modernong imprastraktura, mayabong na industriya, seguridad at kaayusan, at kahandaan sa kalamidad. 

Wednesday, August 21, 2024

Monday Report - August 26, 2024

 

Monday Report - August 26, 2024

[INTRO]

 

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si _____.

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mas pinalakas at mas pinalawak...

NEWSCASTER 1: Mga maiinit at napapanahong balita...

SABAY KAYO: Ito ang….BayambangueNews!

 

***

[SALITAN NA KAYO RITO]

NEWSCASTER 1: Sa ulo ng nagbabagang mga balita!

1. 30 Katao, Nagtraining sa Corn Husk Processing

May 30 na corn farmers, asawa ng magsasaka, at 4Ps members mula sa Brgy. Ligue at Sanlibo ang nakilahok sa Skills Training on Corn Byproducts Utilization na inorganisa ng Municipal Agriculture Office sa Sanlibo Barangay Covered Court noong Agosto 13-16. Nagsilbing trainors ang mga taga-Heart and Soil Farm School sa paggawa ng mga bag at iba pang novelty items gamit ang byproduct ng corn farming, ang corn husk na karaniwan ay itinatapon o sinusunog lang.

 

2. Pamilyang Nasunugan sa Nalsian, Tinulungan

Isang pamilya sa Brgy. Nalsian Norte na nasunugan noong August 17 ang agad na tinulungan ng Munisipyo. Matapos maapula ng BFP ang sunog, agad na nagprofiling activity ang MSWDO. Sa sumunod na araw, August 18, ang pamilya ay inabutan ng food packs. Sila ay nakatakda ring bigyan ng cash assistance at ilang building materials upang tulungang maitayong muli ang kanilang natupok na tahanan.

 

 

3. Free Treatment ng Skin Diseases, Inihatid ng RHU at R1MC

Ang RHU, sa tulong ng Dermatology Department ng Region I Medical Center, ay nag-sponsor ng isang libreng dermatologic consultation at treatment noong August 19 sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park. May 56 residente ng Bayambang na may iba't ibang problema sa balat ang nakinig sa isang maikling lecture ukol sa skin diseases at proper skin care, at nag-avail ng mga libreng serbisyo.

 

 

4. Bayambangueña, Tumanggap ng Libreng Prosthetic Leg

Lubos na nagpapasalamat si Gng. Letecia de Guzman ng Brgy. Ligue kay Mayor Niña Jose-Quiambao, matapos niyang makatanggap ng isang prosthetic leg noong August 17 galing sa Kapampangan Development Foundation, sa tulong ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng MSWDO at Provincial Social Welfare and Development Office. May apat pang Bayambangueño na PWD ang sumailalim naman sa prosthesis assesment noong August 16 upang sila ay masukatan.

 

5. Youth Leaders, Nagdiwang sa SK Night

Noong August 16, ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Bayambang ay nagdaos ng isang SK Night bilang kick-off event para sa pagdiriwang Linggo ng Kabataan (LNK) at International Youth Day 2024 na naglalayong itampok ang potensyal, talento, at kontribusyon ng mga kabataan sa buhay ng ating pamayanan. Naging highlight ng event ang Mr. and Ms. Linggo ng Kabataan 2024, Gawad Parangal, at pa-raffle at live concert ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

 

6. Korapsyon, Naging Mainit na Paksa sa Kick-off Ceremony

Sa isang kick-off ceremony para sa pagdiriwang ng ika-pitong anibersaryo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan noong August 19, tinalakay ang problema ng korapsyon bilang isa sa mga pangunahing sanhi ng kahirapan sa komunidad. Dineliver dito ni BPRAT Chair, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, ang kanyang State of Corruption Address, at naging resource speaker si Pastor Jeff Eliscupidez ng Rebuild City Church. Ang usapin ay dinaluhan ng lahat ng local government officials at employees at mga estudyante.

 

 

7. Usec Vergeire, Naghatid ng Free Medical Services sa Bani

May 958 na residente ng Purok Pocdol, Brgy. Bani ang tumanggap ng iba’t ibang libreng serbisyong pangkalusugan sa isang medical mission na inihatid ni DOH USec. Maria Rosario Singh-Vergeire, kasama ang Ilocos Center for Health Development, sa St. Vincent Ferrer Prayer Park noong August 20. Kasama ni Vergeire si Dr. Paula Paz M. Sydiongco ng ICHD, at iba pang health agencies bilang parte ng programang 'Purok Kalusugan para sa Bagong Pilipinas' at 'National Family Planning Month Celebration.'

 

8. Bayambangueño, Kampeon sa "The Voice PWD Edition" ng PSWDO

Ang batang si Christian Joel Dueñas ng Brgy. Zone VI ay nagwagi bilang kampeon sa "The Voice PWD Edition" ng Pangasinan Provincial Social Welfare and Development Office at Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Pangasinan. Ang patimpalak ay ginanap noong August 20 sa SM Urdaneta, kung saan nakalaban ni Dueñas ang 37 na kalahok mula sa iba't ibang bayan. Si Dueñas ang naging representative ng Pangasinan sa "PWD Got Talent" sa Vigan City noong August 22.

 

 

9. Aktor na si Lito Gruet, Ibinahagi ang Healing Journey sa Drug Symposium

Pinukaw ng dating aktor at fashion model na si Lito Gruet ang damdamin ng mga kabataan sa kanyang inspirasyunal na testimonya bilang dating drug abuser, sa ginanap na symposium na pinamagatang "Poverty at Drugs" noong August 20. Tinalakay ni Gruet, na ngayo'y Director na ng Battle Against Ignorance Foundation, ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay magmula noong siya ay maging tanyag at kumita ng malaki hanggang siya ay malulong sa droga, dumanas ng matinding paghihirap, at mahulog sa mga kamay ng batas. Ang kanyang pagbabagong buhay matapos nito ay nagbigay naman ng inspirasyon sa lahat.

 

 

 

 

 

10. 64 Stalls at Slots sa Public Market, Now Open for Rent!

May kabuuang 64 na stalls/slots ang maaari nang upahan ngayon sa ating Pamilihang Bayan, anunsyo ng Special Economic Enterprise Office noong August 21. Ang mga bakanteng stalls ay matatagpuan sa 2nd floor ng Quadricentennial Building, Mezzanine Area, 2nd Floor ng Block 3 o RTW section, Meat Section, at 2nd Floor ng New Building Phase 2. Ang mga interesadong mag-appy ay maaaring magtungo sa Special Economic Enterprise Office sa Public Market, at hanapin lamang si Ms. Mercedes Serafica.

 

11. BNS Association, Namigay ng Groceries sa Indigent Senior Citizens

Noong nakaraang buwan, ang Bayambang Barangay Nutrition Scholars Association ay nagsimula nang magpamahagi ng mga grocery packs sa mga senior citizens na naidentify na "poorest of the poor" bilang parte ng kanilang community service. Sila ay namigay ng limang kilong bigas, powdered milk, biscuits/bread, at iba pang food items kada isang benepisyaryo. Ang charity work ito ay nakatakdang maging taunang aktibidad ng asosasyon.

 

12. Mental Health and Wellness, Muling Tinutukan

Noong August 22, sunod namang tinutukan ng BPRAT ang mental health bilang isang sanhi ng kahirapan, sa ginanap na Symposium on Poverty and Mental Health. Kabilang sa mga tinalakay ang mga istatistika at epekto ng mental health sa kahirapan, pati na rin ang mga intervention programs ng LGU-Bayambang, mga paraan upang mapabuti ang mental health, ang epekto ng peer support at peer counseling sa kabataan, at ang papel ng spirituality sa mental health.

 

**

 

[OUTRO]

 

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

 

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

 

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, __________.

 

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!

Sunday, August 18, 2024

Monday Report - August 19, 2024

Monday Report - August 19, 2024

[INTRO]

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si _____.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si ___, at kami ay mula sa Rural Health Unit I.

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mas pinalakas at mas pinalawak...

NEWSCASTER 1: Mga maiinit at napapanahong balita...

SABAY KAYO: Ito ang….BayambangueNews!

***

[SALITAN NA KAYO RITO]

NEWSCASTER 1: Sa ulo ng nagbabagang mga balita!

1. Mga Incoming Freshmen ng BPC, Winelcome ni Mayor Niña

Noong August 9, dumalo si Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice Mayor IC Sabangan sa isang orientation program para sa incoming freshman students ng Bayambang Polytechnic College, kung saan kanilang winelcome ang mga estudyante sa BPC. Ang programa ay ginanap sa Events Center, sa pangunguna ni BPC President, Dr. Rafael Saygo.

2. SPES Beneficiaries, Tinanggap ang Sahod

Tinanggap ng may 25 na benepisyaryo ng DOLE-Special Program for the Employment of Students (SPES) ang kanilang sahod sa Treasury Office noong August 8. Naroon ang DOLE at PESO-Bayambang bilang saksi sa pay-out.

3. RHU 3 Animal Bite Center, Accredited Na!

Ang Rural Health Unit III Animal Bite Treatment Center sa Brgy. Carungay ay ginawaran ng accreditation ng Department of Health (DOH) Center for Health Development I. Dahil dito, di na kailangan pang magtungo ng mga taga-distrito at karatig-barangay sa RHU I at BDH upang magpa-inject ng anti-rabies vaccine.

4. Mobile Kitchen, Inihandog ni Mayor Niña

Isang mobile kitchen o food truck ang inihandog ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa tulong ng mga Binibining Bayambang noong August 12 bilang parte ng pagdiriwang ng kanyang kapanganakan sa buwan ng Agosto. Ang mobile kitchen, na binansagang 'Mangan Tila, Ka-Niña-Aro,' ay nakatakdang gamitin sa iba't-ibang aktibidad ng LGU Bayambang, kabilang ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan at isang literacy program na malapit nang ilunsad.

5. Brgy. Pantol, Biniyayaan ng Service Vehicle

Isang brand new L300 van ang iginawad ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa Brgy. Pantol upang maging service vehicle nito. Malugod na tinanggap ni Punong Barangay Arnel Ochave ang sasakyan na nagkakahalaga ng P1,032,000 noong August 12. Ang sasakyan ay donasyon ng Agricultural Infrastructure and Leasing Corporation, Niña Cares Foundation, at Kasama Kita sa Barangay Foundation.

6. Iba’t Ibang Isyu, Tinalakay ni Mayor Niña Kasama ang mga Kapitan

Muling pinulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang mga kapitan ng barangay noong August 12 upang talakayin ang mahahalagang usapin at hinaing ng bawat barangay at masigurong may tamang tugon ang bawat isyu na kanilang kinakaharap. Kabilang sa mga naging usapin ang pagsumite ng Barangay Financial Reports, patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bayan, fogging operations, Clean and Bloom Project, Zero Open Defecation regional validation, at isyu ukol sa mga dumadaang cargo truck sa Calvo Bridge.

7. 50 RBAC Members, Nagtraining sa PhilGAP

May 50 miyembro ng RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative (RBAC) ang natuto sa Philipine Good Agricultural Practices o PhilGAP, matapos silang dumalo sa training ng Department of Agriculture  katuwang ang Municipal Agriculture Office. Itinuro ng PhilRice sa mga magsasaka ang mga tamang pamamaraan sa pagtatanim upang maging GAP-certified ang mga ito at maging competitive sa merkado.

8. Mayor Niña, Nagdonate ng Kagamitan para Dengue Patients sa BDH

Bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bayan, nagkaloob si Mayor Niña Jose-Quiambao ng 50 hospital beds, 10 stand fans, at 2 water dispensers sa Bayambang District Hospital (BDH) noong Agosto 13 upang mas maging kumportable ang mga pasyenteng nagpapagaling sa ospital. Maraming salamat sa Agricultural Infrastructure and Leasing Corp. (AILC), Niña Cares Foundation, at Kasama Kita sa Barangay Foundation.

9. SOGIE Ordinance ng Bayambang, Inaprubahan ng SP

Pormal na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang Municipal Ordinance No. 15, series of 2023 o

"An Ordinance Protecting the Rights of LGBTQIs in Bayambang Against Discrimination" matapos ang deliberasyon noong August 12 sa kapitolyo. Ang ordinansa, na akda ni Councilor Benjie de Vera, ay naglalayong protektahan ang karapatan ng mga miyembro ng LGBTQI community at mapigilan ang anumang uri ng diskriminasyon laban sa komunidad.


10. Residente, Nagsurrender ng Alagang Unggoy

Isang residente ang nagsurrender ng kanyang alagang unggoy matapos itong sitahin ng mga kawani ng ESWMO. Isinurrender ng isang residente ng Brgy. Carungay noong Agosto 14 ang isang Philippine long-tailed macaque sa MENRO matapos siyang maabisuhan na labag sa batas at may kaparusahan ang pag-aalaga nito ayon sa R.A. 9147. Agad na inihatid ng ESWMO staff ang nasabing matsing sa CENRO Dagupan.

11. BNHS Alumni, Namahagi ng School Supplies

Ang tinaguriang 'BTS' o Born to Serve Team na pawang mga alumni ng Bayambang National High School ay namahagi ng mga school supplies sa mga mag-aaral ng Langiran Elementary School at San Gabriel-Iton Elementary School noong August 14. Ang Team ay nagdonate ng bags, raincoats, at payong sa 252 na kabataan at isang ceiling fan at sampung kurtina sa ilang piling guro.

12. Treasury, Nagdispose ng mga Laman ng Ballot Boxes

Noong August 15, binuksan ng Treasurer’s Office ang mga ginamit na ballot boxes noong nakaraang eleksyon upang idispose ang mga laman nitong balota, base sa direktiba ng Commission on Elections. Ito ay ginanap sa Events Center sa tulong at presensiya ng mga election stakeholders at concerned electoral parties.

13. Komprehensibong Serbisyo sa Bayan, Dinala sa Idong

Ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 7 ay dinala sa Idong-Inanlorenza Elementary School sa Brgy. Idong noong August 15, kasama ang food truck ni Mayor Nina.  Ito ay upang direktang dalhin ang mga serbisyo ng Munisipyo sa mga barangay ng Idong, Inanlorenza, at Sanlibo, sa pangunguna ni Vice-Mayor IC Sabangan. Mayroong 1,201 na residente ang nag-avail ng mga libreng serbisyo gaya ng dental services, medical check-up, at animal vaccination, kung kaya’t sila ay nakatipid ng halagang ₱160,622.07.

14. HRMO at ICTO, Nagbigay ng Orientation ukol sa Programang PRIME HRM

Noong August 15, ang HRM Office ay nagbigay ng isang orientation activity ukol sa programa ng Civil Service Commission na tinaguriang PRIME HRM o Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management. Ang implementasyon ng PRIME HRM ay nakatakdang magpalawig sa professinalization sa hanay ng mg opisyal at kawani ng LGU.

15. Sectoral Assessment para sa Recalibration ng BPRP, Pinaigting

Noong August 12 at 13, nagkaroon ng Sectoral Assessment Meeting ang BPRAT kasama ang National Anti-Poverty Commission para maifinalize ang bagong objectives at mga plano sa Bayambang Poverty Reduction Plan (BPRP) 2018-2028. Dito ay nirepaso at fininalize ang mga bagong target objectives na nabuo mula sa mga inisyal na assessment, at dinivelop ang mga detalyadong plano at istratehiya para sa implementasyon.

16. Anti-Poverty Summit, Naging Matagumpay

Noong August 14 naman, pinangunahan ni Mayor Niña at former mayor, Dr. Cezar Quiambao, ang Anti-Poverty Summit, na nilahukan ng iba’t ibang sektor. Sa pag-oorganisa ng BPRAT at sa tulong ng NAPC, nagkaroon ng mahabang talakayan sa pagitan ng mga sektor upang maayos na mabuo ang kanya-kanyang nailatag na plano at masiguro ang epektibong implementasyon ng mga ito. 

Samantala, magkakaroon ng isang serye ng mga aktibidad ang BPRAT bilang parte ng pagdiriwang ng ikapitong anibersaryo ng deklarasyon ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan sa darating na August 28.

17. Bagong Ambulansya, Itinurn-over sa BPSO

Opisyal na naiturnover sa Bayambang Public Order and Safety Office ang isang ambulansya mula sa Department of Health (DOH) noong August 16. Ito ay isang inisyatibo ni Mayor Niña Jose-Quiambao, Vice Mayor IC Sabangan, at SB members, sa tulong ni Congresswoman Rachel 'Baby' Arenas at ng DOH. Malaking tulong ito sa mabilis na pagresponde sa mga Bayambangueño sa oras ng medical emergencies.

18. Batas sa Road Clearing, Ipinatupad; Nalsian Sur, Sinampolan

Isang emergency road clearing operation ang isinagawa ng LGU upang mahigpit na ipatupad ang batas laban sa mga market stall sa gilid ng highway. Kinailangan ng Road Clearing Task Force na ipatupad ang batas matapos matagpuang nagpabalik-balik ang mga vendors na nirelocate sa isang bagong gawang puwesto na malapit din sa tabi ng nasabing mga stall. Nananawagan ang LGU sa lahat ng mamamayan na magkaroon ng disiplina para sa kaligtasan ng lahat at upang ang bayan ng Bayambang ay may kaayusan. 

***

It's Trivia Time!

Alam ba ninyo na tanging ang LGU-Bayambang lang sa buong probinsya ng Pangasinan ang may tatlong public health doctors na magkakapareho ng salary grade? Idagdag pa rito ang pagtaas ng bilang ng mga health workers mula 26 positions matapos ang devolution sa Department of Health noong 1992 hanggang sa 84 permanent plantilla positions simula 2016 nang maupo ang administrasyong Quiambao-Sabangan.

Ang patuloy na paglago ng bilang ng mga health workers at doctors ay patunay ng matinding pagpapahalaga ng Bayambang sa kalusugan ng mga residente nito, na naglalayong magbigay ng mas mahusay at mas komprehensibong serbisyong pangkalusugan. Serbisyong may tatak TOTAL QUALITY SERVICE!

***

[OUTRO]

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, __________.

NEWSCASTER 2: At _______, mula sa Rural Health Unit I.

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews! 

Wednesday, August 14, 2024

Monday Report - August 12, 2024

 Monday Report - August 12 2024

[INTRO]

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po Johnroy Jalac, SK Federation Vice-President ng Bayambang.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si Marlo Sinay, SK Federation Secretary.  

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

SABAY KAYO: Ito ang….BayambangueNews!

***

[SALITAN NA KAYO RITO NEWSCASTER 1 & 2]

NEWSCASTER 1: Sa ulo ng nagbabagang mga balita!


1. RHU II, Naging Abala sa Anti-dengue Drive

Ang RHU II ay nagsasagawa rin ng sariling anti-dengue drive sa kanilang catchment area, sa pamamagitan ng fogging sa mga pinamumugaran ng lamok at pamamahagi ng mga Olyset Net sa mga pampublikong paaralan.


2. PESO, May Special Recruitment Activity

Noong August 1, ang PESO-Bayambang ay nagconduct ng isa na namang Special Recruitment Activity kasama ang Saint Rosalia International Recruitment Agency para sa mga naghahanap ng trabaho bilang domestic workers at semi-skilled at skilled workers sa Hong Kong, Singapore, at Kingdom of Saudi Arabia.


3. Parents ng CDC Learners, Inorient ng MSWDO

Bago nagsimula ang unang araw ng pasukan noong August 5 ng mga Child Development Center (CDC) learners para sa School Year 2024-2025, nagsagawa ang MSWDO ng limang araw na Parents' Orientation alinsunod sa ECCD Council schedule of activities sa 76 CDCs ng Bayambang. Dito ay tumulong sa MSWDO ang mga Child Development Workers at Teachers sa pakikipagtulungan sa mga barangay officials mula July 29 hanggang August 2.


4. Mga BPSO Staff, Trim 'n Triumph Grand Winners!

Itinanghal na grand champion sina Ferdinand Ramos at Menmar Bravo ng 'Team Bang' mula sa Bayambang Public Safety Office, sa katatapos na Trim 'n Triumph Weight Loss Challenge ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Ito ay matapos mapagtagumpayan ng dalawa ang anim na buwang pagbabawas ng timbang sa pamamagitan ng physical activity at pag-iwas sa unhealthy habits. Sila ay tumanggap ng P100,000 cash prize mula sa sariling bulsa ng alkalde.


5. BPRAT, Naghanda para sa Antipoverty Summit

Noong August 5, pinulong ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) ang mga team leader ng lahat ng development sectors sa ilalim ng Bayambang Poverty Reduction Plan o BPRP 2018-2028. Ito ay upang mareview at mafinalize ang Sectoral Assessment Report ng LGU para sa ikapitong anibersaryo ng deklarasyon ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Nakatakdang talakayin ang naturang report sa Anti-Poverty Summit upang maging basehan ng pag-update ng BPRP.


6. Food Items para sa Dietary Supplementation Program, Ipinamahagi

Noong August 7, dumating ang mga food items mula sa DSWD para sa taunang implementasyon ng 90-day Dietary Supplementation Program (DSP) ng Nutrition Office. Ang mga food items na ito ay nakalaan para sa 500 undernourished at indigent na 6-month-old to 59-month-old children.


7. Calibration of Weighing Scales, Isinagawa

Kasabay nito, nagsagawa rin ang MNAO at Office of the Special Economic Enterprise ng calibration ng lahat ng weighing scales na ginagamit sa lahat ng barangay sa tulong ng mga nagtraining na LGU calibrators. Ito ay upang masiguro na tama ang pagsukat ng timbang sa mga kabataan at maiwasan ang mga false positive readings, at tama ang panimbang ng lahat ng weighing scales sa palengke.


8. Bayambang, 100% ZOD sa Municipal-Level Validation

Ang bayan ng Bayambang ay napag-alamang isang 100% zero open defecation (ZOD) town, matapos na maging matagumpay ang naging municipal-level validation. Ayon sa ulat ng RHU II, 100% ng mga barangay sa Bayambang ang maituturing na may zero open defecation. Ibig sabihin nito ay may maayos na toilet at tamang pagtatapon ng basura ang bawat sambahayan sa Bayambang.


9. Treasury Office, Magdidispose ng mga Laman ng Ballot Boxes

Nais iparating ng Office of the Municipal Treasurer na bubuksan nito ang mga ginamit na ballot boxes noong nakaraang eleksyon "for purposes of disposal," ayon sa direktiba ng Commission on Elections. Ito ay gaganapin sa alas nuwebe ng umaga sa Agosto 15 sa Balon Bayambang Events Center. Iniimbitahan ang lahat ng election stakeholders at concerned electoral parties na saksihan ang nasabing aktibidad at maging parte nito.


10. Mayor NJQ at LGU, Pinarangalan ng PRC

Isang Blood Samaritan Bronze Award at Certificate of Appreciation ang iginawad kay Mayor Niña Jose-Quiambao ng Philippine Red Cross-Pangasinan Chapter, dahil sa aktibong pakikilahok nito sa iba’t ibang Blood Services Program ng organisasyon bilang Presidente ng PRC-San Carlos City Branch Council. Iginawad naman ang Pinabli Award ng PRC sa LGU-Bayambang matapos makalikom ng LGU ang 438 blood units sa loob lamang ng taong 2023.


***


It's Trivia Time!

Alam ba ninyo na ang SK o Sangguniang Kabataan ay binuo mula sa Kabataang Barangay na itinatag noong Martial Law ni Pangulong Ferdinand Marcos?

Itinatag ni Marcos ang KB noong Abril 15, 1975 sa bisa ng Presidential Decree 684, at ang panganay na anak niyang si Imee Marcos ang naging unang pangulo.

Sa pamamagitan ng Kabataang Barangay -- na ngayon nga ay tinatawag nang Sangguniang Kabataan -- nabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na makilahok sa mga aktibidad sa komunidad at magbigay ng paraan para ipaalam ng pamahalaan sa mga kabataan ang mga pagsisikap ng pamahalaan sa pagpapaunlad.

At alam niyo rin ba na ang kauna-unahang naging KB President ng Bayambang ay si Ms. Filipinas Santillan noong 1974? Siya rin ang naging KB Federation President ng buong Pangasinan. Ngayon ay isa na siyang residente sa bansang Belgium.  Si Ginoong Gabriel Tristan Fernandez naman ang SK Federation President na naging pinakamatagal sa katungkulan, dahil siya ay nagsilbi ng walong taon matapos ma-extend ang kanyang term.

Samantala, nais naming ipaalam na ngayong araw, August 12, ay umpisa na ng Linggo ng Kabataan kasabay ng pagdiriwang ng International Youth Day.

Mabuhay ang mga kabataan ng Bayambang!


[OUTRO]

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Johnroy Jalac, SK Federation Vice-President.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si Marlo Sinay, SK Federation Secretary.

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!

 

 

Tuesday, August 13, 2024

Trivia: RHUs

It's Trivia Time!

Alam ba ninyo na tanging ang LGU-Bayambang lang sa buong probinsya ng Pangasinan ang may tatlong public health doctors na magkakapareho ng salary grade? Idagdag pa rito ang pagtaas ng bilang ng mga health workers mula 26 hanggang 40 permanent plantilla positions simula 2016 nang maupo ang administrasyong Quiambao-Sabangan?

Now you know!


Trivia: RP's First Anti-rabies Vaccine was Administered in Bayambang

Alam ba ninyo na, ayon sa kasaysayan, sa Bayambang ginanap ang kauna-unahang anti-rabies vaccination sa Pilipinas? 

Ayon sa aklat na "Dogs in Philippine History" ni Ian Christopher Alfonso ng National Historical Commission of the Philippines, ito ay nangyari noong July 17, 1910 sa may Camp Gregg, Bayambang, at ang bakuna ay inadminister ng isang nagngangalang Dr. Eugene Whitmore.




Friday, August 9, 2024

Editorial for July 2024 - Diskarte sa Bayanihan

Editorial for July 2024

Dumiskarte at Magbayanihan

Gaya ng dati, sari-sari ang naging malalaking kaganapan nitong buwan ng Hulyo sa ating bayan. Nariyan ang pagdiriwang ng National Nutrition Month, National Disaster Resilience Month, National Disability Awareness and Prevention Week, at maging ang Police Community Relations Month.

Kasabay nito ang State of the Municipality Address ni Mayor Niña Jose-Quiambao na punung-puno ng ulat ukol sa lahat ng naisakatuparan ng kanyang administrasyon sa kanyang ikalawang taon ng panunungkulan. 

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang implementasyon ng road-clearing sa sentro ng bayan at sa lahat ng barangay. Ito ay isang hudyat ng pamahalaan na seryoso ito pagdating sa kaayusan sa ating pamayanan. Hindi-hindi tayo uunlad kung tayo ay pasaway, walang disiplina, at ipinipilit ang hindi ipinapahintulot ng batas para na rin sa kapakanan ng mas nakararami.

Ngunit ang bagong nakaagaw ng aming pansin sa buwan na ito ay ang panibagong pagsusulong sa backyard gardening. Ito ay dahil kailangang-kailangan nating maging madiskarte sa panahon ngayon ng krisis kung saan pataas ng pataas ang presyo ng mga bilihin dahil sa mga puwersa na 'di kontrolado ng ating lokal na pamahalaan.

Napakagandang proyekto kung gayon ang HAPAG o 'Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay' na isinusulong ng DILG. Lahat tayo ay may maiaambag sa proyektong ito kung tayo bilang isang komunidad ay makapagtatanim at makapag-aalaga ng mga bungangkahoy at gulay na maaaring pakinabangan ng buong sambahayan at maging ng kapitbahayan. Malaking katipiran ito siyempre sa ating mga gastusin sa araw-araw para sa hapag-kainan.

Mapalad tayo na nakatira tayo sa isang lugar kung saan ang halos lahat ng itanim ay nabubuhay at namumunga. Isama na sana natin kung gayon ang pagsubok sa hydroponics farming upang maging produktibo sa pang-araw-araw na pangangailangan sa hapag-kainan kahit pa walang malawak na lupain. 

Isama na rin natin sa usapan hindi lang ang communal backyard gardening kundi maging ang backyard fisher, poultry-raising, at egg production, upang hindi na natin kailangan pang bilhin ang ating mga pangunahing pinagkukunan ng protina. Bagkus ay maaari pa natin itong pagkunan ng adisyunal na pagkakakitaan.

Maging sa pag-commute at iba pang mga bagay ay maaari nating ibalik ang bayanihan o barangayan upang makatipid ng husto sa pamasahe, kung atin lang gugustuhin.

Sa panahon ngayon ng krisis, ating pairalin ang bayanihan at pagiging madiskarte, dahil dalawa ito sa mga magagandang katangian at tradisyon ng pagiging isang Pilipino.


Thursday, August 8, 2024

Prayer to St. Vincent Ferrer

 Prayer to St. Vincent Ferrer

O my protector, St. Vincent Ferrer, as the eternal God has deposited in you an inexhaustible treasure of grace and of supernatural virtues, hear my earnest petition, and help me with your intercession, more powerful now even than when you were on earth. Hence with blind confidence do I cast myself at your feet, there to place my requests for all those in whom I am concerned but more particularly for (special favor). O glorious saint, let not my confidence in you be deceived. Present for me, to the Divine Majesty, your suppliant prayers and watch over my soul. Should sorrow and trials increase, so also will my rejoicing increase, and may my patience grow with each day, that I may thus save my soul. Amen.

Tuesday, August 6, 2024

Trivia: SK-Bayambang

It's Trivia Time!

Alam ba ninyo na ang SK o Sangguniang Kabataan ay binuo mula sa Kabataang Barangay na itinatag noong Martial Law ni Pangulong Ferdinand Marcos?

Itinatag ni Marcos ang KB noong Abril 15, 1975 sa bisa ng Presidential Decree 684, at ang panganay na anak niyang si Imee Marcos ang naging unang pangulo.

Sa pamamagitan ng Kabataang Barangay -- na ngayon nga ay tinatawag nang Sangguniang Kabataan -- nabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na makilahok sa mga aktibidad sa komunidad at magbigay ng paraan para ipaalam ng pamahalaan sa mga kabataan ang mga pagsisikap ng pamahalaan sa pagpapaunlad.

At alam niyo rin ba na ang kauna-unahang naging KB President ng Bayambang ay si Ms. Filipinas Santillan noong 1974? Siya rin ang naging KB Federation President ng buong Pangasinan at tinalo niya sa eleksyon si Conrado Estrella III. Ngayon ay isa na siyang residente sa bansang Belgium.  

Ang mga kauna-unahang Kagawad sa KB ng Bayambang ay sina:
Virgil R. Gomez
Anthony C. Antonio
Herminigildo Iglesias
Prospero S. Poserio
Oggie Agas Taguiang
Mario C. Camacho

Si Ginoong Gabriel Tristan Fernandez naman ang SK Federation President na naging pinakamatagal sa katungkulan, dahil siya ay nagsilbi ng limang taon matapos ma-extend ang kanyang term mula 2018 hanggang 2023.

Samantala, nais naming ipaalam na ngayong araw, August 12, ay umpisa na ng Linggo ng Kabataan kasabay ng pagdiriwang ng International Youth Day.

Mabuhay ang mga kabataan ng Bayambang!

(text: SK Federation President Marianne Cheska Dulay, Resty S. Odon; video: Andrew Casipit; info sources: SK Federation President Marianne Cheska Dulay, SB Secretary Joel Camacho, Boyette Santillan Poserio)


Friday, August 2, 2024

LGU Accomplishments - July 2024

  

EDUCATION FOR ALL 

- (LSB, Library, DepEd)

Nursing Board Topnotcher, Pinakauna mula Bayambang

Kinilala ng LGU noong July 1 si Susanna Rodriguez Evangelista, mula sa Barangay Nalsian Sur bilang topnotcher ng June 2024 Philippine Nurses Special Professional Licensure Exam. Nakamit niya ang Top 1 spot sa nasabing licensure examination, sa iskor na 86.20% points. Ito ang pinakaunang pagkakataon na may topnotcher mula sa Bayambang sa anumang board exam. 

Mainit na pagbati kay Ms. Susanna Evangelista!

Mga School Heads, Nagpulong para sa World Teachers’ Day 2024

Bilang paghahanda sa paparating na pagdiriwang ng World Teachers’ Day, nagpulong ang mga school heads at faculty presidents mula sa public and private educational institutions sa Events Center noong July 4. Ang mga guro ay nag-brainstorm ng mga ideya para sa isang hindi malilimutang pagdiriwang kung saan kikilalanin at pasasalamatan ang dedikasyon ng mga guro.

105 Armchairs, Idinonate sa Don Teofilo ES

May 105 na armchairs mula sa lumang Bayambang Central School ang nirepair at pininturahan ng Engineering Office, at pagkatapos ay inilipat sa Don Teolfilo Elementary School sa Brgy. Ligue, upang magamit ng mga incoming na mag-aaral doon. Ang hauling activity ay isinagawa ng BPRAT, sa tulong ng GSO at MDRRMO, noong July 1. 

Buong Pamayanan, Muling Nagtulung-tulong sa Brigada Eskwela 2024

Nagtulung-tulong ang lahat ng sektor ng ating pamayanan, kabilang na ang LGU, upang maisagawa ang Brigada Eskwela 2024, na naglalayong isulong ang kolaborasyon ng lahat ng sektor upang gawing kumbinyente ang learning environment sa lahat ng paaralan. Matatandaang namigay ng Brigada package ang LGU-Bayambang na siyang magagamit sa paglilinis ng lahat ng kalahok sa brigada sa lahat ng public schools. 


Mga CDC, Nakiisa sa 'Bayanihang Bulilit 2024'

Kasabay ng Brigada Eskwela ng DepEd, ang Early Childhood Care and Development Council (ECCDC) ay nakiisa sa 'Bayanihang Bulilit' na ipinatutupad sa lahat ng Child Development Centers sa buong Pilipinas ngayong taon. Noong July 22, nakiisa ang 76 Child Development Centers (CDCs) ng Bayambang sa Bayanihang Bulilit 2024, kasama ang mga barangay officials, parents, Child Development Workers, at iba pang volunteers. 

HEALTH FOR ALL 

- Health (RHUs)

LCR, MHO, Naging Resource Speakers sa JKQ Hospital Training

Nagsilbing trainor si Local Civil Registrar Ismael Malicdem Jr. at Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo, sa isang training ng Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center (JKQWMC) tungkol sa "Proper Filling Out of Registry Forms (Birth and Death) and Updates on Civil Registration Law, PSA, and DOH Memo Circulars." Ito ay ginanap sa 6F, Training Room ng JKQWMC sa Brgy. Ligue noong June 26. Naroon din si Dr. Rafael Limueco Saygo bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

Komprehensibong Serbisyo sa Bayan, Nagtungo sa Malioer

Sa gitna ng tag-ulan, muling nagpatuloy ang team ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 7 sa Brgy. Malioer upang maghatid ng lahat ng serbisyo ng Munisipyo sa bahaging iyong ng bayan. Sa pangunguna ni Vice-Mayor IC Sabangan, ang team ay nakapagbigay ng health, social, at iba pang government services sa ___ na residente ng Brgy. Malioer, Caturay, at Hermoza. 

Misting Operation, Isinagawa sa Cadre Site 

Isang misting operation ang isinagawa ng RHU I sa Barangay Cadre Site matapos maiulat ang apat na kaso ng dengue roon. Ang RHU I ay nagpapayo sa lahat na, sa panahon ng tag-ulan, tayo ay mag-ingat at tumulong sa pagpuksa ng mga stagnant na tubig sa ating paligid na siyang pinamumugaran ng mga lamok. Labanan natin ang sakit na dengue. 

Anti-Dengue Drive, Nagpatuloy

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng dengue sa Bayambang, kaya't walang-tigil din ang fogging at misting operations ng RHU, sa tulong ng provincial government. Inaabisuhan ang lahat na mag-ingat at makiisa sa 4 o'clock habit. Linisin ang paligid at itapon o takpan ang lahat ng stagnant water, lalo na ang mga naiwang tubig-ulan sa lahat ng posibleng water receptacle.

Blood Drive sa Idong, May 32 Donors 

Ang Rural Health Unit III ay nagsagawa ng isa na namang blood donation drive sa pakikipagtulungan ng Idong Barangay Council at Philippine Red Cross San Carlos Chapter noong July 17 sa Idong Barangay Plaza. Mayroong 40 na donors ang nagparehistro, at sa kabuuan, 32 ang naging successful donors. Ang RHU III ay nakatakdang magsagawa ng iba pang blood donation drive sa Brgy. Inanlorenza sa darating na July 25 at sa Brgy. Reynado sa July 31.


Mga BHW, Pinulong ukol sa Pagtaas ng Dengue Cases

Pinulong ni RHU I nurse Eric Rezon Macaranas ang mga Barangay Health Worker (BHW) upang pag-ibayuhin ang prevention measures laban sa sakit na dengue, noong July 17 sa Events Center. 


- Nutrition (MNAO) 

LGU at Iba't- ibang Ahensya, Sama-sama sa Family Fun Run 2024

Napuno ng saya at surpresa ang kauna-unahang Family Fun Run, na idinaos sa pagsasanib-pwersa ng iba't ibang ahensya upang sabayang ipagdiwang ang 2024 National Nutrition Month, National Disaster Resilience Month, National Disability Prevention and Rehabilitation Week, at Police Community Relations Month, pati na ang paglunsad ng Buhay ay Ingatan, Droga ay Ayawan (BIDA) program ng DILG. Ang lahat gn kalahok ay kinailangang magdala ng bougainvillea plant upang maka-avail ng ticket at mapasali sa raffle ng mga surpresang papremyo ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Ang fun run ay nag-umpisa sa harapan ng munisipyo at nagtapos sa pamilihang bayan ng Bayambang.


Mga Senior Citizens, Ginabayan sa Tamang Nutrisyon

Ang Municipal Nutrition Council ay nagsagawa ng information campaign para magabayan ang mga senior citizens sa tamang diet at health practices para sa kanilang sektor. Naging resource speaker si RHU Nurse Eric Rezon Macaranas. Ito ay ginanap noong July 12 sa Events Center bilang parte ng National Nutrition Month celebration.

Mga Teenagers, Nagtagisan sa Nutri Food Art Contest

Bilang parte pa rin ng National Nutrition Month celebration… ang mga local teenagers ay nagtagisan ng galing sa food carving at food presentation sa ginanap na Nutri Food Art Contest. Ito ay matapos silang makinig sa isang education campaign ukol sa tamang nutrisyon at health practices na akma para sa kanilang edad. Layunin ng food art contest na gawing mas appetizing sa mga kabataan ang mga masusustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas. 

Sancagulis BNS, Inevaluate ng NNC

Dumating ang National Nutrition Council (NNC) Region I noong July 10 para sa Monitoring and Evaluation of Local Level Plan of Implementation Protocol o MELLPI PRO ng ahensya sa Brgy. Sancagulis. Sila ay bumisita sa barangay upang i-evaluate ang performance ng Barangay Nutrition Scholar (BNS) ng Sancagulis na si Annaliza Natividad, na kinokonsidera bilang isa sa mga best performing BNSs sa probinsya at Rehiyon Uno.

- Sports and Physical Fitness (MPFSDC) 

2 Bayambangueños, Bronze Medalist sa Palarong Pambansa!

Ang LGU-Bayambang ay mainit na bumabati sa lahat ng Bayambangueño na kalahok sa Palarong Pambansa 2024, lalung-lalo na sina Ferdinand dela Cruz, na nagin bronze medalist sa pencak silat, at kay Marianne Lumibao, na Bronze medalist din sa pencak silat.


- Veterinary Services (Mun. Vet.) 


– Slaughterhouse


 PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN
 

- Social Services (MSWDO, MAC)

VM IC, Nagdonate ng Uniform sa CDW Federation Officers

Ang Bayambang Child Development Workers' Federation officers ay nagpapasalamat kay Vice-Mayor IC Sabangan, matapos itong magbigay ng uniporme sa mga opisyal ng naturang grupo.

BNHS Batch '90, Nagpafeeding sa 51 Kabataan

Muling nagpatuloy ang feeding activity ng BNHS Batch '90, sa pakikipag-ugnayan sa Nutrition Office bilang suporta sa nutrition programs ng LGU. Noong June 29, sila ay nagpamigay ng food packs sa 51 na undernourished children sa Brgy. Zone 1 hanggang Zone 7, Magsaysay, at Poblacion Sur. 

Serye ng Seminar, Muling Nagmulat sa Madla ukol sa Safe Spaces Act of 2019

Muling nagsagawa ng Orientation/Seminar on Women’s and Children’s Rights ang MSWDO sa mga piling barangay, upang imulat ang mga kalahok sa iba't ibang karapatan na makatutulong sa pagtataguyod ng kapakanan at pagprotekta sa kababaihan at mga bata sa kanilang barangay.

Rotary Club, Nagbigay ng Tulong sa Seniors

Sa gitna ng tag-ulan, muling nagpatuloy ang team ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 7 sa Brgy. Malioer upang maghatid ng lahat ng serbisyo ng Munisipyo sa bahaging iyong ng bayan. Sa pangunguna ni Vice-Mayor IC Sabangan, ang team ay nakapagbigay ng health, social, at iba pang government services sa mga residente ng Brgy. Malioer, Caturay, at Hermoza. 

SLP Congress, Nakatakdang Idaos sa Bayambang

Ang DSWD Region I ay bumisita sa Bayambang upang ipaalam ang nakatakdang pagdaos ng Sustainable Livelihood Program (SLP) Congress ng ahensya sa ating bayan sa buwan ng Nobyembre. Ang SLP Congress anila ay nasa ikalimang taon na, at ito ay nagtatampok ng mga gawang produkto at serbisyo ng iba't ibang SLP associations mula sa buong rehiyon.

GAD Meeting, Ginanap

Sa pulong na isinagawa ng Gender and Development (GAD) Focal Point System noong July 17, tinalakay ang muling pagpaplano ng GAD agenda ng LGU at pagpapatibay nito. Kasabay nito ay ang pagsusuri ng utilization rate ng paggamit ng budget para sa gender and development.

Mga PWD, Aktibong Nakilahok sa National Disability Rights Week

Bilang parte ng National Disability Rights Week, ang mga PWD ay nakilahok sa isang Skills Livelihood Training ukol sa paggawa ng dishwashing liquid. Pagkatapos nito, sila ay nag-avail naman ng mga libreng wellness services kabilang ang haircut, massage, at manicure at pedicure.

41 SLP Assoc., Sumailalim sa BPL Orientation

May 41 SLP Associations sa Bayambang ang sumailalim sa Business Permit and Licensing Orientation noong July 17 bilang tugon sa rekomendasyon at upang makapagcomply sa mga ordinance kaugnay sa pagnenegosyo. 
Ang orientation activity ay pinangunahan ng MSWDO, DSWD at Business Permit and Licensing Office.

Training-Workshop sa Sign Language, Isinagawa

Isang workshop sa Deaf Awareness at Filipino Sign Language ang ginanap para sa daycare workers at LGU employees, sa pagtutulungan ng MSWD Persons with Disability Affairs Office at BNHS Inclusive Education, bilang parte pa rin ng National Disability Rights Week. Ito ay isinagawa noong July 24-26 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Layunin nito na ma-train ang mga nasabing kalahok sa sa pagtuturo at pakikipag-usap sa mga may kapansanan sa pagdinig.


- Civil Registry Services (LCR)

Mobile Birth Registration Assistance Project, Tuluy-Tuloy 

Nagpatuloy sa pag-iikot sa mga barangay ang Local Civil Registrar upang maghatid ng libreng Delayed Registration of Birth sa ilalim ng Birth Registration Assistance Project (BRAP) ng Philippine Statistics Authority (PSA). Para sa buwan ng Hunyo, nagtungo ang team sa Brgy. San Gabriel 1st, Amancosiling Sur, Amancosiling Norte, Dusoc, at Pantol, at sa kabuuan ay nagkaroon ng 62 benepisyaryo. Kasama rin sa kanilang pag-iikot ang data capturing para sa Community Service Card, at sila ay nakakalap ng datos mula sa 173 katao.
 
PSA Enumerators, Sumabak sa Training

Sumailalim sa training ang 78 na enumerators at area team supervisors na nakapasa sa examination round ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa 2024 Census of Population at Community-Based Monitoring System. Sa updated na datos, magkakaroon ng matibay na basehan ang LGU upang masiguro na ang mga nakalaang programa at proyekto ay kapakipakinabang sa mga mamamayan.

Nanumpa naman noong July 15 ang mga nasabing enumerators kaugnay sa data privacy, alinsunod sa Republic Act No. 10173 o ang 2012 Data Privacy Act. 



- Environmental Protection (MENRO, ESWMO) 

LGU, Nakiisa sa Provincial Tree-Planting Activity 

Bilang parte ng Pangasinan Green Canopy Program ng provincial government, nagkaroon ng isang tree-planting activity sa Tampog Elementary School noong July 4 katuwang ang Provincial Population, Cooperative, and Livelihood Development Office (PPCLDO), kasama ang Cooperative Development Office at ESWMO. Ito ay isang inisyatiba para sa konserbasyon at pangagalaga ng kalikasan para sa lahat ng Pangasinense.

MENRO, Pinamunuan ang 2Q Provincial SWB Meeting

Naging resource speaker si Bayambang MENRO Joseph Anthony Quinto sa 2nd Quarter Meeting ng Provincial Solid Waste Management Board na ginanap noong June 27 sa Pangasinan Training and Development Center, Lingayen. Kanyang iprinisenta bilang Presidente ang Constitution and Bylaws ng Pangasinan Environment and Natural Resources Organization (PAENRO), at ito ay inaprubahan ng grupo. 

Ambayat 1st, Wagi Muli sa Bali-balin Bayambang 

Muling nasungkit ng Brgy. Ambayat 1st ang grand prize sa Bali-balin Bayambang 2.0 para sa buwan ng Hulyo. Noong July 8, nakatanggap ng sertipiko ang Ambayat 1st, at sila ay ginawaran ng mga bougainvillea cuttings at soil ameliorant ng ESWMO bilang bahagi ng kanilang premyo.




- Youth Development (LYDO, SK) 





- Peace and Order (BPSO, PNP) 

DILG at LGU, Nag-validate ukol sa BARCO, HAPAG, at Cleanest Barangay Contest

Nagkaroon ng tatlong araw na assessment at validation ang DILG sa ilalim ng Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program ng ahensya. Ang mga miyembro ng team ay nag-ikot sa 15 barangays upang i-check ang kanilang implementasyon ng Barangay Road Clearing Operations (BARCO), Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG), at Cleanest Barangay contest. Ang aktibidad ay ginanap mula July 3 hanggang 5, at sinigurong tumutugon ang lahat ng mga barangay sa mga pinakabagong direktibang ito mula sa pangulo.

Exit Conference ukol sa "Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program," Isinagawa 

Ang mga miyembro ng validation and assessment team na naitalaga ni Mayor Niña Jose-Quiambao ay nagpulong upang ipresenta ang mga findings sa ginawang tatlong araw na "Validation and Assessment of Barangay Road Clearing Operations, Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay project, at Quarterly Assessment for Cleanest Barangays." Matapos ibahagi ang mga obserbasyon sa ginawang validation sa 15 barangays, tinalakay ang mga rekomendasyon at ang napiling top 10 cleanest barangays. 


AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO) 

DA, Ininspeksyon ang Pagtatayuan ng Cold Storage 

Ang Regional Agricultural Engineering Division ng Department of Agriculture Field Office I ay nagsagawa ng site validation activity sa Barangay Nalsian Norte noong May 22 para sa panukalang Cold Storage sa lugar. Sila ay sinamahan ng Assessor's Office sa pag-inspeksyon.


Topographic Survey, Isinagawa para sa Proposed Cold Storage 

Nagsagawa ang Assessor's Office ng isang topographic survey sa isang lote na pinapanukalang pagtatayuan ng isang cold storage facility sa Brgy. Amancosiling Norte para sa mga onion farmers noong June 25. Ang cold storage facility, na may 120,000-bag capacity, ay isa na namang proyekto sa ilalim ng DA-PRDP.


Briefing ukol sa Rice Crop Manager, Nilahukan ng mga Magsasaka ng Palay

Ang Department of Agriculture-Agricultural Training Institute-Regional Training Center 1 (DA-ATI-RTC 1) ay nagsagawa ng briefing ukol sa Rice Crop Manager (RCM) noong July 18. Tinuruan ang mga magsasaka ng palay ukol sa Rice Crop Manager, kabilang ang paggamit ng isang mobile application kung saan maaaring kumonsulta ang mga magsasaka ukol sa mga problema ng kanilang pananim na palay. 

Mga Magsasakang Apektado ng El Niño, Tumanggap ng Palay at Farm Equipment mula kay PBBM 

Ang mga lokal na magsasaka na naging apektado ng El Niño ay nagpapasalamat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos silang mabigyan ng iba't ibang ayuda noong July 19 sa kapitolyo. Tinanggap ng mga farmers' presidents ang: 

- 1,083 bag ng hybrid rice seeds, 
- isang unit ng multi-purpose cultivator para sa Gabay sa Bagong Pag-asa Pangasinan Cluster Association, 
- isang corn combine harvester para sa Bayambang District 7 Corn Cluster Organization Inc., at 
- isang 20-foot fiberglass reinforced plastic (FRP) motorized fishing boat na gagamitin sa Langiran Lake.


JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL 

- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT) 

Profiling Activity, Isinagawa para sa Bagong TUPAD Batch 

Ang PESO-Bayambang ay nagsagawa ng isa na namang profiling activity para sa nakalistang benepisyaryo ng DOLE-TUPAD program, na popondohan ni Congresswoman Rachel 'Baby' Arenas para sa mahigit na 3,000 beneficiaries. Sa bagong batch na ito, sinala ng PESO ang mga solo parents mula sa listahang isinumite ng mga barangay, mga vendors mula sa listahang galing sa Market Office, at mga parents ng identified child laborers mula naman sa survey na isinagawa mismo ng DOLE.

SPES Beneficiaries, Minonitor ng DOLE

Nagtungo sa Bayambang ang isang kawani ng Department of Labor and Employment noong Hulyo 4, upang i-monitor ang mga benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) sa Bayambang. Pinulong niya ang mga naging SPES beneficiaries ng LGU at Niñas Cafe at binigyan ng pagsusulit upang maievaluate ang kanilang naging karanasan bilang SPES beneficiaries. 

DOLE, PESO, Nagmonitor sa Trabaho ng TUPAD Beneficiaries

Ang DOLE ay nagmonitor sa mga TUPAD beneficiaries noong July 19 sa ibat-ibang barangay katulong ang PESO-Bayambang. Sila ay nagtungo sa mga barangay ng Tanolong, Inanlorenza, Maigpa, at Sanlibo, upang masiguro na ginagampanan ng mga benepisyaryo ang kanilang tungkulin na maglinis sa kani-kanilang barangay. 


- Economic Development (SEE) 


- Cooperative Development (MCDO)  


- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO) 


- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.) 

Lote para sa Bani Covered Court, Minarkahan 

Nagtungo ang ilang kawani ng Assessor’s Office sa Barangay Bani noong May 22 upang markahan ang loteng masasakupan ng panukalang Covered Court sa lugar. Isa ang Bani sa iilan na lamang na barangay sa Bayambang na wala pang covered court. Sa wakas ay mapatatayuan na nito sa lalong madaling panahon.

Engineering Office Update

Narito naman ang update ukol sa ongoing construction ng ECCD Bldg. & MSWDO Multi-Purpose Hall o Social Annex Building sa Brgy. Magsaysay. Ayon sa Engineering Office, ang ECCD Building ay 98.88% complete na, samantalang ang MSWDO Building naman ay 40.45% complete.

DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)

Info Drive, Isinagawa para sa Disaster Resilience Month 

Ang MDRRMO ay muling namigay ng Information, Education, and Communication (IEC) materials at tarpaulin sa 77 barangays at 67 public at private schools’ ng Bayambang noong July 10 at 12. Sa aktibidad na ito, mas pinaiigting ang kaalaman ng lahat ng Bayambangueño patungkol sa Disaster Resilience Month na ginugunita tuwing buwan ng Hulyo.

Paghahanda sa Bagyong “Carina,” Isinagawa

A. Ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ay nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment noong July 22. Dito ay tinalakay ang trajectory at intensity forecast ng bagyo. 

B. Kasabay nito, inihanda ng MDRRMC ang mga rescue vehicle at equipment, at nagmonitor sa tropical cyclone bulletin na inilalabas ng PAG-ASA at nagsagawa ng komunikasyon at koordinasyon sa mga barangay.

C. Pinaalalahanan naman ng MTICAO sa social media ang lahat na maging handa sa posibleng maging epekto ng bagyo. 


D. Agad namang mamahagi ng ayuda ang Quick Response Team ng LGU sa mga nabahang residente sa iba't ibang barangay, sa pagtutulungan ng MSWDO, MDRRMO, at mga BDRRMC. Sila ay lumibot sa mga apektadong residente ng Brgy. San Gabriel 2nd, Paragos, Managos, at Pugo, at sa kabuuan ay nagpamigay ng 157 food packs.

HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS  

Tax Declaration ng Assessor's, Tuluy-Tuloy

Nagtungo naman ang Assessor’s team sa mga barangay ng Zone V, VI at VII upang mamahagi ng Tax Declaration of Real Property (Owner's Copy) at Notice of Assessment (NOA) noong May 27, upang paalalahanan ang ating mga kababayan sa kanilang obligasyon na magbayad ng tamang buwis. Inappraise at nire-assess din nila ang mga establisimyento sa mga naturang barangay.

Mayor Niña, Matagumpay na Naideliver ang Ikalawang SOMA!

Matagumpay na inihatid ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang kanyang ikalawang State of the Municipality Address noong July 11 sa Events Center. Isa-isa niyang inilahad ang mga katuparan ng mga naipangako ng kanyang administrasyon sa loob ng isang taong panunungkulan, kabilang na ang matagumpay na inagurasyon ng mga naglalakihang proyekto na naumpisahan ni Dr. Cezar Quiambao simula 2016, at ang diri-diretsong 


Executive Session with Barangay Officials, Muling Ginanap

Matiyagang dininig ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang mga issues at concerns na itinaas ng mga Punong Barangay, Sangguniang Kabataan, at Farmers' Association President, sa isa na namang executive session na ginanap noong July 8. Kasama sina Vice-Mayor IC Sabangan at mga department heads, kanyang mabilis na inisipan ng solusyon ang lahat ng nabanggit na isyu na idinulog ng mga barangay sa alkalde. 


Budget Forum, Isinagawa

Nagsagawa ang Municipal Budget Office ng isang Budget Forum para sa lahat ng department at unit heads kasama ang mga accredited civil society organizations. Tinalakay ang mga pangunahing layunin at direksyon ng patakaran ng budyet para sa Fiscal Year 2025, alinsunod sa mga alituntunin mula sa Department of Budget and Management. Ito ay ginanap noong July 17 sa Mayor's Conference 
Room.


Bayambangueños, Sabay-sabay na Nanood sa SONA 

Sabay-sabay na tinunghayan ng mga Bayambangueños, kabilang na ang lahat ng kawani ng lokal na pamahalaan, ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong July 22. Ang SONA ng pangulo ay nakalivestream sa mga FB pages at sa LED screen sa Royal Mall, naka-live airing sa Niña-aro Radio 87.5, at sa mga TV sa mga departamento.


 LGU Officials, Muling Nagtraining sa Leadership

Ang mga opisyal ng Munisipyo at department and unit heads ay sumailalim sa isa na namang leadership training, sa pag-oorganisa ng HRMO. Ito ay ginanap sa loob ng dalawang araw sa Events Center, kung saan naging trainor ang mga taga-Hero Strategies Consulting Services. Ang mga lider ng bayan ay nakilahok sa mga aktibidad patungkol sa values-based leadership upang maging mas epektibong tagapamahala ng iba't ibang tanggapan.


- Planning and Development (MPDO) 




- Legal Services (MLO) 



- ICT Services (ICTO) 

Internal Quality Auditor Aspirants, Sumabak sa 3-Day Training

Ilang piling kawani ang sumabak sa isang 3-Day Training-Workshop upang maging Internal Quality Auditor (IQA), sa hangarin ng LGU na palakasin pa ang pwersa ng IQA team nito. Sa pagkakaroon ng mga competent staff na siyang magsusuri ng istriktong implementasyon ng Quality Management System ng lahat ng departamento, matitiyak ang kalidad ng serbisyong inihahatid sa lahat ng kliyente nito.



- Human Resource Management (HRMO) 

Tamang Paggawa ng SALN, Ipinaliwanag sa Barangay Officials 

Nagkaroon ng isang "Orientation on Proper Filling-out of SALN o Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth," sa kagustuhan ng lokal na pamahalaan na makapaghatid ng tapat at mahusay na serbisyo sa bayan. Ito ay pinangunahan ng HRM Office at dinaluhan ng mga SK Chairpersons, Punong Barangay, at Barangay Kagawad. Ang properly filled out SALN form ay isa sa mga mandatory na dokumento para sa lahat ng lingkod-bayan.



- Transparency/Public Information (PIO)


- Property Custodial Services (GSO, Motorpool) 



AWARDS AND RECOGNITIONS 

LGU, "Highly Functional" sa LCAT-VAWC, ayon sa DILG Audit 

Ang LGU-Bayambang ay isa sa mga matagumpay na passers ng Functionality Audit ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence against Women (LCAT-VAWC) para sa taong 2024. Nakatamo ang Bayambang ng "Highly Functional" na rating sa score na 108, ayon sa audit ng DILG.


LRCO, Pasado sa Treasurer Exam!

Samantala, congratulations kay Mrs. Veronica C. Gellido, ang ating bagong Local Revenue Collection Officer, for passing the 2024 Basic Competency on Local Treasury Examination. From LGU-Bayambang family.


LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)

2 Ordinansa, Inaprubahan ng SP

Noong June 24, inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang ipinasang mga ordinansa ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ukol sa proyektong "Bali-Balin Bayambang" at ang "Creation and Abolition of Various Positions in the Municipality of Bayambang." Matagumpay na dipensahan ng SB ang naturang mga ordinansa sa kapitolyo, sa pangunguna ni Vice-Mayor IC Sabangan at mga konsehal, kasama si SB Secretary Joel Camacho. 

Public Hearing ukol sa Panukalang Municipal Flower at Barangay Clearance Fee, Ginanap

Isang public hearing ang isinagawa ng Sangguniang Bayan patungkol sa dalawang panukalang ordinansa:
and “Ordinance Adopting the Bougainvillea as the Municipal Flower of Bayambang” at “An Ordinance Imposing a Uniform Barangay Clearance Fee in any Business-Related Transactions and Applications for Building Permit." Ito ay ginanap noong July 23 sa Session Hall ng Legislative Bldg. kung saan dumating ang mga Punong Barangay.