Sunday, June 2, 2024

Trivia: ICT Office

 Alam niyo ba na binuo ang ICT Office sa bisa ng Municipal Ordinance No. 9, series of 2017 upang gabayan ang LGU sa paggamit ng advanced information technology para lalo pang mapagbuti ang pagbibigay serbisyo sa ating mga kababayan? Dahil dito, patuloy sa pag-aaral ang ICTO ng mga makabagong teknolohiya upang gumawa ng sarili nating mga systems, tulad ng document management system, violation monitoring system, at ang ating sariling electronic vaccination system na pinabilis ang ating pagre-report sa progreso ng bakuna nung panahon ng COVID. Gumagamit din ang ICTO ng moderno at cost-effective na mga teknolohiya tulad ng cloud computing, artificial intelligence upang mapagana ang mga systems sa kabila ng maliit na budget.

No comments:

Post a Comment