SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT
EDUCATION FOR ALL
- (LSB, Library, DepEd)
269 Printers, Ipinamahagi sa mga Paaralan
Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang pamamahagi ng 269 na mga bagong printer sa mga pampublikong paaralan sa Bayambang noong May 6. Dito ay ipinaala na ang mga school equipment na ito ay direktang bunga nang nalilikom na buwis sa bawat Bayambangueño, kung saan ang ilang porsyento ay napupunta sa SEF o Special Education Fund.
Senator Imee, Nagdonate ng P5M sa Piling College Students
Ang LGU ay nagpapasalamat kay Senator Imee Marcos sa kanyang ibinigay na tulong sa mga mag-aaral ng Bayambang. Isang libong estudyante mula sa Bayambang Polytechnic College at PSU-Bayambang Campus ang magiging beneficiary ng financial assistance na ito. Karamihan sa kanyang matutulungan ay kauna-unahang miyembro ng pamilya na nakatungtong sa kolehiyo, kaya't malaking tulong ito upang matupad ang kanilang pangarap na magtapos ng pag-aaral.
Mga Paaralan, Tumanggap ng Brigada Eskwela Package
Noong May 13, pinangunahan ni Mayor Niña ang pamamahagi ng mga kagamitan para sa Brigada Eskwela sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya sa Bayambang. Kabilang sa mga ibinigay na Brigada Eskwela supplies ang mga pintura, Vulca Seal, walis tambo at walis tingting, dustpans, mop, timba, paint brush, at roller brush. Ang lahat ng ito ay nagkakahalaga ng P1,463,625 mula sa Special Education Fund, ang pondo kung saan dinodonate ni Mayor Niña at former Mayor Cezar Quiambao ang kanilang taunang sweldo.
Mayor at Vice Mayor ng Moncada, Tarlac, Nag-benchmarking sa BPC
Noong May 20, bumisita ang Mayor at Vice Mayor ng Moncada, Tarlac na sina Mayor Estelita Aquino at Vice Mayor Ramon Benito Aquino, kasama ang iba pang municipal officials, sa Bayambang Polytechnic College (BPC) upang alamin kung paano itinatag ang naturang kolehiyo at ang mga best pratices nito. Ang mga naturang opisyal ay nagnanais umano na magpatayo rin ng sariling kolehiyo sa kanilang bayan. Sila ay inilibot ni BPC President, Dr. Rafael Saygo, sa mga pasilidad ng BPC sa 3rd floor ng Royal Mall.
LSB, Nagpulong para sa 2nd Quarter
Noong May 22, nagpulong ang Local School Board upang iprisenta ang mga accomplishment ng DepEd Bayambang I at II. Kabilang sa naging usapin ang ukol sa preparasyon ng mga paaralan sa graduation, paghahanda para sa Brigada Eskwela, distribusyon ng school supplies, at iba pang agenda.
HEALTH FOR ALL
- Health (RHUs)
RHU I, Nag-Info Drive at Counseling sa mga Grade 9-12
Noong mga nakaraang linggo, ang RHU I ay nag-conduct ng isang information campaign ukol sa adolescent reproductive issues na may kasamang counseling sa Tococ National High School at Bayambang National High School para sa Grade 9 hanggang Grade 12 students. Ang aktibidad ay nagkaroon ng 312 participants, kung saan 51 ang boluntaryong nagpa-counseling. Layunin ng info drive na himukin ang mga kabataan na umiwas sa premarital sex upang makaiwas din sa teenage pregnancy.
Komprehensibong Serbisyo, Muling Dinala sa San Gabriel 2nd
Nagpatuloy ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sa ilalim ni Vice-Mayor IC Sabangan. Noong May 15, ang buong team ay nagtungo sa Brgy. San Gabriel 2nd at winelcome ng mga opisyales at residente ng San Gabriel 2nd at Paragos. Kahit sobrang init ng panahon, ang aktibidad ay dinayo ng ____ na benepisyaryo, na tuwang-tuwa sa hatid na mga libreng serbisyo gaya ng iba't ibang medical services, social welfare services, at marami pang iba.
RHU I, Top Performing Newborn Screening Facility
Ang RHU I ay kinilala ng Newborn Screening Center - Northern Luzon bilang isa sa mga top-performing newborn screening facilities out of 18 newborn screening facilities na kanilang iniscreen sa buong Rehiyon Uno, at ang pasilidad ay may satisfactory rating.
DOH, Bumisita para I-validate ang DRRM for Health
Ang Health Emergency Management System team ng Center for Health Development Regional Office I ng Department of Health ay bumisita sa Rural Health Unit I noong May 23, upang mag-validate ukol sa Bayambang Disaster Risk Reduction and Management for Health (DRRM-H). Ayon kay Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo, ang lahat ng means of verification na hiniling ng ahensya ay naibigay at naipasa ng Bayambang DRRM-H team.
- Nutrition (MNAO)
UPDATE:
Trim and Triumph Weight Loss Challenge ng LGU
Samantala, narito ang mga latest Top 10 contenders sa ating LGU Trim and
Triumph Challenge for the month of April, ayon sa Weight Loss Challenge
Technical Working Group sa pangunguna ng Nutrition Office.
Ang patimpalak na ito ay nasa pangatlong buwan na ng implementasyon.
Tutok Kainan Program para sa mga Buntis, Inilunsad
Inilunsad noong May 16 ng Nutrition Office ang Tutok Kainan Program ng National Nutrition Council sa pamamagitan ng isang Program Orientation. Sila ay nagtungo sa Brgy. Sanlibo Covered Court upang ipakilala at talakayin ang tungkol sa programa na naglalayong tutukan ang nutrisyon ng mga buntis na tinuturing na nasa at-risk group ayon sa assessment ng MNAO team. May 60 na buntis mula sa iba't ibang barangay ang nakilahok, at nagsilbing lecturer ang NNC Region I.
Ms. BNS 2024, Kinoronahan sa Fundraising Activity
Nasungkit ni Jesusa de Guzman ng Brgy. Balaybuaya ang titulong Ms. Barangay Nutrition Scholar (BNS) 2024 sa BNS Grand Coronation Day na ginanap sa Events Center noong May 23. Naging runner-up naman ang walo pang BNS ng iba't ibang barangay. Ang mga nabanggit ay nagwagi ayon sa laki ng kanilang nalikom na pondo na ilalaan para sa mga proyekto ng mga BNS. Naging crowning guest sina Vice Mayor Ian Camille Sabangan, Councilor Martin Terrado II, at iba pang opisyal.
- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)
- Veterinary Services (Mun. Vet.)
– Slaughterhouse
PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN
- Social Services (MSWDO, MAC)
ANCOP Ville, Binisita
Ang ANCOP Ville ay binisita ng LGU at Kasama Kita sa Barangay Foundation noong May 3 upang tingnan ang kalagayan ng mga miyembro ng Homeowners' Association. Nireorganisa ng MSWDO ang asosasyon upang mapanatiling maayos ang samahan ng mga benepisyaryo at maipagpatuloy ang iba't ibang livelihood projects sa lugar. Kabilang sa mga napagkasunduan ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa lugar, pagrepaso sa kasunduan, pagkakaroon ng values formation seminar, at pagbibigay ng medical at health services.
NAPC, Dumating para sa Inisyal na Assessment ng BPRP
Noong May 15 at 16, dumating si G. Alfredo Antonio ng National Anti-Poverty Commission upang magsilbing facilitator sa pag-assess ng LGU kung nasaan na nga ba ang bayan ng Bayambang pagdating sa implementasyon nito ng Bayambang Poverty Reduction Plan 2018-2028. Ayon sa BPRAT o Bayambang Poverty Reduction Action Team, ito ay isang preparasyon para sa mas malawakang assessment activity na nakatakdang daluhan ng lahat ng sektor sa bayan ng Bayambang sa darating na Hulyo o Agosto.
Mga Tumanggap ng Iba't Ibang Tulong, Nagpasalamat
Ang pamilya Dela Cruz ng Zone 7 ay nagpapasalamat kay Mayor Niña matapos mabigyan ng isang wheelchair ang kanilang inang si Nanay Nieves Bamba dela Cruz na 101 years old, sa tulong ng MSWDO.
Dalawa pang residente na natulungan ng Mayor's Action Center ang naghatid ng mensahe ng pasasalamat kay Mayor Niña sa pamamagitan ng liham. Ito ay matapos silang mahatiran ng sari-saring serbisyo at tulong pinansiyal nang maospital ang kani-kanilang mga kaanak dahil sa malubhang sakit.
Isa pang SLPA, Tumanggap ng DSWD Seed Capital Fund
Noong May 20, tinanggap ng Twin R Traders Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) ng Brgy. Apalen ang kanilang start-up fund mula sa DSWD na nagkakahalaga ng P195,000. Ang naturang pondo ay nakalaan para sa kanilang napiling livelihood project na general merchandise store.
KALIPI Members, Inorient ukol sa SLP
Sa kaugnay na balita, noong May 21, nag-orient ang DSWD sa may 30 na miyembro ng KALIPI-Bayambang na 4Ps member at non-4Ps member ukol sa Sustainable Livelihood Program ng ahensya. Ipinaalam sa mga KALIPI member na kapag sila ay nakabuo ng isang grupo para maging isang SLP Association, sila ay maaaring makatanggap ng P450,000 bilang seed capital fund para sa kanilang mapipiling negosyo.
LCPC at LCAT-VAWC, Muling Nagpulong para sa 2Q
Noong May 28, muling nagpulong sa Mayor's Conference Room ang Local Council for the Protection of Children (LCPC) at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC). Iprinisenta at tinalakay ng mga council member ang kani-kanilang mga naging accomplishment sa apat na sektor para sa 2nd quarter ng taong 2024: ang Survival, Development, Protection, at Participation.
CDW Federation, Tumanggap ng Quarterly Incentives
Noong May 28, ang buong Child Development Workers Federation of Bayambang ay nagpapasalamat kay Mayor Niña Jose-Quiambao dahil sa kanilang natanggap na quarterly incentives at uniform allowance. May 75 na Child Development Workers (CDWs) ang nakatanggap ng P3,000 bilang cash incentive.
79 CDWs naman ang tumanggap ng uniform allowance na P2,000.
- Civil Registry Services (LCR)
LCR, Nagpatuloy sa Free Delayed Registration of Birth
Ang Local Civil Registry ay ay nagpatuloy sa kanilang rumorondang free delayed registration of birth sa mga barangay, kaugnay ng Birth Registration Assistance Project (BRAP) ng Philippine Statistics Authority. Noong nakaraang linggo, sila ay nagtungo sa Brgy. Darawey, Bongato West, at Reynado. Sa kabuan ay may 35 na katao ang nag-avail ng nasabing serbisyo na libreng inihandog ng PSA at LCR.
- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)
ESWMO, Nakiisa sa Earth Month 2024
Noong April 30, ang ESWMO-Bayambang ay nakiisa sa pagdiriwang ng Earth Month sa pamamagitan ng isang clean-up drive. Sila ay naglinis sa Brgy. M.H. Del Pilar, Telbang, Sancagulis, Buayaen, at Dusoc.
BBB Monitoring, Isinagawa
Noong May 2 naman, ang ESWMO ay muling nagconduct ng monitoring and rating activity para sa Bali-Balin Bayambang 2.0. Ito ay upang masubaybayan ang compliance ng barangay residents sa RA 9001.
- Youth Development (LYDO, SK)
Bayambang, Nakiisa sa Fun Run Anniversary
Noong May 4, nakiisa ang mga kabataang Bayambangueño at mga SK official sa 1st year anniversary ng "Buhay Ingatan, Droga ay Ayawan" o BIDA, alinsunod sa Memorandum Circular ng DILG. Ito ay ginanap sa Baywalk, Capitol Compound, kung saan inilunsad ang “Pleasure Without Drugs.” Sa kampanyang ito, hinikayat ang mga kabataan na magkaroon ng positibong paraan ng pagpapalipas-oras nang di nangangailangang gumamit ng droga.
- Peace and Order (BPSO, PNP)
Info Drive sa Road Clearing, Mas Pinaigting
Ang mga tauhan ng BPSO ay namahagi ng mga leaflet at IEC flyer ukol sa road clearing operations sa iba't ibang barangay, sa pakikipag-ugnayan sa mga barangay officials. Ito ay upang matiyak ang pagsasagawa ng road clearing operation sa kani-kanilang barangay bago ang aktuwal na inspeksyon. Ang MTICAO at BPRAT team naman, sa tulong ng Engineering Office, ay nagpaskil ng mga signboard sa lahat ng istratehikong lugar.
Road Clearing 3.0, Inumpisahan Na!
Na-umpisa ang Road Clearing Task Force sa pagpapatupad ng Road Clearing 3.0, na direktiba ni President Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng LGU, kabilang ang lahat ng 77 barangays. Bilang paghahanda, naglagay ang Engineering Office ng mga road demarcation line sa tulong ng BPSO sa mga pedestrian lane at sidewalk. Noong May 10, isa-isang binaklas ng mga miyembro ng Task Force ang lahat ng uri ng roadside obstructions, lalo na sa mga talipapa na umookupa sa sidewalk.
AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)
2,500 Bags ng Palay, Dumating
May 2,500 bag ng certified inbred rice seeds ang idineliver ng DA-PhilRice sa Carungay Warehouse at RBAC Tampog noong May 8 at May 20. Ayon sa MAO, ang palay delivery ay latest allocation ng PhilRice sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund nito. Ang mga palay ay kasalukuyang ipinapamahagi sa mga magsasaka.
Phase I ng Bayambang Pump Irrigation Project, Sinimulan Na!
Ang Phase I ng Bayambang Pump Irrigation Project ng National Irrigation Authority (NIA) ay nagsimula na noong May 15 sa Brgy. Amancosiling Sur. May 22 farming barangays sa mataas na bahagi ng Bayambang ang nakatakdang makinabang sa proyektong ito ng Quiambao-Sabangan administration. Sa sapat na irigasyon, sila ay maaaring makapagpatubo ng iba't ibang pananim ng dalawang beses sa isang taon o kahit sa panahon ng tag-araw.
Mga Magsasaka, Nakatanggap ng P32.5 Farm Inputs
Noong May 24, limang farmers' association sa Bayambang ang nakatanggap ng iba't ibang farming supply at equipment mula DA Regional Field Office I sa Pangasinan Research and Experiment Center, Sta. Barbara, Pangasinan.
Kabilang dito ang:
- 5,883 bags of hybrid rice seeds
- 4 units ng pump and engine set
- 135 pcs ng plastic crates,
- 246 packs ng iba't ibang foliar fertilizer
- 33 bottles ng botanical pesticide, at
- 50 pcs ng plastic drums
Sa kabuuan, ang ayudang ito ng DA ay nagkakahalaga ng P32.5M.
DAR, TESDA, Nakipagpulong ukol sa Hydroponics Training
Ang Department of Agrarian Reform at TESDA Urdaneta City ay nakipagpulong noong May 28 upang ipanukala ang training para sa planong pagtatayo ng isang hydroponics facility sa Brgy. Sanlibo Greenhouse. Ang pulong ay ginanap sa tanggapan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, kasama ang mga Municipal Agriculture Office staff.
JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL
- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)
956 na Bagong Benepisyaryo, Sumahod sa TUPAD Payout
Muling nagkaroon noong May 8 ng isang payout para sa 956 na benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers, gamit ang pondo ng DOLE. Kabilang sa mga benepisyaryo ang may 593 miyembro ng KALIPI, 199 na magulang ng mga na-identify na child laborer, at 164 na magsasaka. Matapos sila ay maglinis ng sampung araw sa kani-kanilang barangay, sila ay nakatanggap ng tig-P4,350.
Work Immersion Students mula SVCS, Idineploy
Tatlong batch ng mga mag-aaral mula sa St. Vincent Catholic School ang dumaan sa magkakahiwalay na orientation activity ng PESO-Bayambang, at matapos noon, sila ay idineploy sa iba't ibang tanggapan ng LGU para sa kanilang work immersion program. Sila ay malugod na winelcome ni Municipal Administrator, Atty. Raj Sagarino-Vidad at ni SLEO Gernalyn Santos. Ang kanilang work immersion ay nagtagal ng sampung araw.
OFW Federation, Nag-feeding Activity Muli
Ang Federation of OFW Associations of Bayambang ay muling nagsagawa ng feeding activity. Noong May 15, sila ay nagpameryenda ng masustansyang pagkain sa mga tsikiting ng Tatarac Child Development Center, sa pakikipag-ugnayan sa PESO-Bayambang at Tatarac Barangay Council.
- Economic Development (SEE)
355 Depektibong Timbangan, Winasak
May 355 na depektibong timbangan ang winasak ng LGU noong May 3 sa harapan ng Public Market. Batay sa Consumer Act of the Philippines, ang anumang timbangan na napatunayang depektibo ay dapat kumpiskahin. Tinitiyak ng LGU, sa pamamagitan ng Special Economic Enterprise, na nakakamit ang mandatong ito hinggil sa regulasyon kaugnay ng mga timbangan at panukat.
Public Market, Isinara ng Martes para sa General Cleaning
Noong May 7, ang Public Market ay nagpatupad ng malawakang paglilinis, gaya ng kanilang naunang inanunsyo. Kasama ang mga stall owner sa naglinis. Nagkaroon din ng water flushing sa tulong ng BFP at fumigation naman sa tulong ng RHU. Ayon sa Market Office, ito ay tuluy-tuloy na kada Martes, kung saan isasarado ang Public Market simula alas kuwatro ng hapon para sa nabanggit na aktibidad.
Mga Delinquent Stall sa Public Market, Ininspeksyon
Noong May 20, ang mga ipinisarang stall na may delinquent record sa rental payment sa Public Market ay ininspeksyon ng Special Economic Enterprise, Accounting Office, Internal Audit Unit, Engineering Office, at General Services Office. Anim na stall sa dry goods section at apat na stall sa meat section ang inispeksyon ng team upang malaman kung ang mga nabakanteng stall ay maaaring magbukas muli ng oportunidad para sa mga negosyante na nagnanais na makakuha ng puwesto sa pamilihang bayan.
Meat Section, Dumaan sa Surprise Sanitary Inspection
Noong May 20, nagsagawa ng isang surprise sanitary inspection sa pampublikong pamilihan ang SEE at RHU sa tulong ni RHU 1 Sanitary Inspector Jonathan Florentino. Tinutukan ang mga stall owner sa meat section upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa pamilihang bayan at masiguro ang kaligtasan ng bawat mamimili.
General Cleaning sa Public Market, Tuluy-Tuloy Tuwing Martes
Samantala, magiging regular na ang general cleaning activity sa pamilihang bayan simula alas kuwatro ng hapon tuwing Martes, sa pagtutulungan ng SEE employees at mismong mga stall owner. Kabilang dito ang water flushing sa tulong naman ng BFP. Dahil dito, isasara ang pamilihang bayan sa mga oras na nabanggit kada araw ng Martes.
- Cooperative Development (MCDO)
Masagana SLP Producers Co-op, Tumanggap ng Cash Assistance
Sa tulong ni Senator Bong Go at ng Municipal Cooperative Development Office, ang Masagana SLP Producers Cooperative ay tumanggap ng P50,000 cash assistance mula sa Cooperative Development Authority bilang parte ng programa ng CDA na tulungan ang mga lokal na kooperatiba. Ang turnover ceremony ay ginanap sa Rosales Stadium, Rosales, Pangasinan, noong May 10, kung saan dumalo si USec. Joseph Enchabo ng CDA.
- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)
Kumpanya, Nagdonate ng Piano
Ang kumpanyang Lyric Piano and Organ Corp. ay nagdonate ng isang piano sa bayan ng Bayambang. Ang piano ay gawa sa engineered bamboo na gawa ng CSFirst Green AID Inc. Ang naturang musical instrument ay inilagak sa Balon Bayambang Events Center at nakatakdang gamitin sa mga cultural activities ng LGU. Ang LGU-Bayambang ay taos-pusong nagpapasalamat sa Lyric Piano and Organ Corp.
National Heritage Month at International Museum Day, Sabay na Pinagdiwang
Noong May 17, nagkaroon ng dalawang seminar sa Bayambang Municipal Museum sa pangunguna ng Municipal Tourism, Information & Cultural Affairs Office bilang parte ng pagdiriwang ng National Heritage Month 2024 at International Museum Day 2024. Ito ay dinaluhan ng mga lokal na guro at mag-aaral. Naging resource speakers sina Dr. Annie Manalang at Prof. Januario Cuchapin na siyang tumalakay sa importansya ng museo sa pananaliksik at edukasyon, at ang pagkakaroon ng aktibong partisipasyon ng bawat eskwelahan sa naturang pasilidad.
- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)
Pagbaklas ng mga Dangling Wire, Patuloy
Patuloy ang Anti-Dangling Wire Technical Working Group sa pangunguna ng Engineering Office sa pagbaklas ng mga dangling wire ng mga telecom provider sa paligid ng town proper, sa pakikipagtulungan sa PLDT. Kabilang dito ang mga nakalaylay na kable sa harapan ng BDO at PNP Municipal Station. Dinemolish din ng PLDT ang mga nalalabing lumang poste ng Digitel sa may Quezon Blvd.
LGU, Nag-update sa PRDP Team
Isang regular na pulong ng Municipal Project Management Implementation Unit ng LGU ang isinagawa kasama ang Philippine Rural Development Project staff ng Department of Agriculture noong May 10 sa Mayor's Conference Room. Dito ay tinalakay ang iba't ibang isyu kabilang ang Social and Environmental Safeguards, Intensified Build-up o I-Build, Geomapping and Governance Unit, at mga concerns ng contractor sa proyektong San Gabriel 2nd Farm to Market Road with Bridge.
DPWH, Nag-courtesy Call para sa 2 Infra Projects
Noong May 28, nagcourtesy call ang DPWH sa Mayor's Conference Room ukol sa proyekto ng ahensya na "Phase II Construction of Slope Protection Structure along Agno River" sa Brgy. Darawey at "Construction of Road" sa Brgy. Hermoza. Ang dalawang bagong infra project ay iiimplementa ng DPWH Regional Office I kasama ang contractor na ALCEL Construction.
DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)
Training sa GeoRiskPH, Isinagawa ng PHIVOLCS
Ang DOST PHIVOLCS at GeoRiskPH ay bumisita noong May 2 at May 3 upang magbigay ng training sa piling kawani ng LGU sa paggamit ng mga platform ng GeoRiskPH. Layunin nito na palawigin ang kaalaman ng mga kawani sa paggamit ng GeoMapperPH at iba pang tools ng GeoRiskPH para sa mas mahusay na pagtugon sa anumang panganib, at pangungulekta at pagsusuri sa tamang datos para sa maayos na pagpaplano at data-based decision-making.
Firefighters at Volunteers, Pinasalamatan
A. Ipinararating ng LGU Bayambang ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong sa pag-apula ng sunog na tumupok sa ilang bahagi ng Public Market noong May 4, partikular na ang lahat ng fire station mula sa iba't-ibang bayan, gayundin sa iba't-ibang departamento ng LGU at national agencies. Bukod sa Bayambang Fire Station, MDRRMO, BFP, BPSO, PNP, at iba pa na rumesponde, nariyan ang firetruck mula sa station ng Sta. Barbara, Basista, Malasiqui, Villasis, San Jacinto, Alcala, Bautista, Rosales, San Carlos, Binmaley, at Calasiao, at Dagupan City Panda Volunteers, pati na rin ang DILG at BFP PD.
B. Tumulong ang MDRRMO sa fire scene sa pamamagitan ng pamamahagi ng inuming tubig at meryenda sa lahat ng bumbero mg 11 firetrucks, mga miyembro ng quick response team ng LGU, at lahat ng individual volunteer at mga survivor ng sunog.
C. Kinabukasan, pinangunahan ni Mayor Niña ang isang emergency meeting ukol sa initial findings upang agad na masolusyunan ang kinahaharap ng mga apektadong vendors.
D. Agad na nagsagawa naman ng assessment activity ang BFP ukol sa sanhi ng sunog at ang MSWDO ukol sa bilang ng mga nasalanta.
E. Ang MSWDO ay nagpamahagi ng 5 kilong bigas at food packs at iba pang pangangailangan.
F. Tumulong sa pagverify ng datos ang SEE at Treasury at napag-alamang mayroong 46 vendors ang apektado.
Totally Damaged Stalls: 35
Partially Damaged Stalls: 7
Not present (for interview): 3
Unknown owner/tenant: 1
Total number of fire victims: 46
G. Dahil sa mabilis na aksyon at pagtutulungan ng iba't ibang ahensya at departamento, hindi na kumalat pa ang apoy sa iba pang stall at kabahayan, at walang naiulat na nasugatan o namatay sa insidente, subalit tinatayang P12-million ang kabuuang damages sa sunog ayon sa BFP.
H. Kasunod nito, ang ESWMO, Engineering, at SEE ay agad nagsagawa ng clean-up at clearing operation upang linisin ang nasunog na stalls. Ito ay ipinagpatuloy sa mga sumunod na araw.
I. Naatasan naman ang Engineering Office na simulan na ang renovation at improvement works sa mga apektadong stalls. Inaasahang makapagtatayo sila ng mga bagong stall sa loob ng isang buwan.
J. Matapos ang masusing imbestigasyon ng BFP, isa sa tinitingnang dahilan ay ang stall na may octopus wiring, kung saan malamang ay nagkaroon ng overloading na siyang nagdulot ng short circuit.
K. Kaya naman kaagad nagpatawag ng pulong ang Municipal Administrator upang inspeksyunin ng Engineering Office kasama ang Cenpelco ang mga electrical wiring at connection sa lugar.
L. Nananawagan ang BFP sa lahat ng negosyante at property owners na sumunod sa tamang patakaran at regulasyon pagdating sa kuryente at fire safety. Mahalaga anila ang paggamit ng tamang wiring system upang manatiling ligtas sa sunog.
M. Noong Lunes, May 6, namahagi naman si Mayor Niña ng financial grant mula sa sariling bulsa sa lahat ng mga nasunugan upang maipagpatuloy ang kanilang negosyo. Kanyang iniabot ang P25,000 para sa mga may totally damaged stalls at P10,000 naman sa may partially damaged stalls. Bukod pa rito ay binigyan din sila ng pagkakataong mag-apply ng loan sa CS1st Green at E-Agro sa reduced interest rate. Mayroon ding tig-limang kilo ng bigas ang kanilang inuwi mula sa LGU. Ang rights sa mga stall ay ililipat din sa mga tunay at kasalukuyang occupant vendors.
Mga Nasunugan sa Bacnono, Hinatiran ng Tulong
Agarang naapula ang isang sunog noong gabi ng May 9 sa Brgy. Bacnono, matapos ang mabilisang aksyon ng Bayambang Fire Station at iba pang fire stations at ng quick response team ng MDRRMO. Nagsagawa naman ng agarang assessment ang MSWDO at namahagi ng food packs at iba pang pangangailangan sa apat na apektadong pamilya. Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng sunog.
MDRRMO-Binmaley, Nagbenchmarking sa MDRRMO-Bayambang
Ang MDRRMO ng bayan ng Binmaley ay nagbenchmarking sa MDRRMO-Bayambang noong Mayo 24, upang personal na mapag-aralan ang best practices ng departamento. Inilibot ni Bayambang LDRRM Officer Genevieve Benebe ang mga bisitang responders na pinangunahan ni Binmaley LDRRM Officer Armenia delos Angeles sa kanilang Operation Center, Wawa Satellite Office, at Brgy. Wawa Evacuation Center.
MDRRMO-Bautista, Nag-lakbay Aral sa Bayambang
Noong May 28, naglakbay aral ang MDRRMO-Bautista sa MDRRMO ng Bayambang upang malaman ang best practices ng ating MDRRMO para mapahusay ang disaster preparedness at response strategies sa kanilang bayan, kabilang na ang evacuation center management. Nakita ng mga bisita na pinangunahan ni Bautista LDRRM Officer II, Aries B. Aquino, kung papaano marehabilitate ang mga Evacuation Center at ang naging iba't-ibang alternatibong gamit ng mga naturang gusali gaya ng pagiging Satellite Office, warehouse, halfway home, multipurpose hall, at iba pa.
HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
4 na Illegal Poultry Farm, Ipinasara
Noong May 3, nagtungo ang LGU kasama ang PNP sa Brgy. Bacnono upang ipasara ang apat na poultry farm na inireklamo ng isang concerned citizen sapagkat ang mga ito ay lumabag alinsunod sa Municipal Tax Ordinance No. 2, s. of 2017. Hinihikayat ang lahat ng negosyante na kumuha muna ng business permit sa Munisipyo bago magbukas ng anumang negosyo upang maiwasan ang aberya.
BM Sabangan, Pinangunahan ang Barangay Officials Training sa LNB Congress
Noong ika-4-6 ng Mayo, pinangunahan ni Pangasinan Provincial Board Member Raul R. Sabangan ang isang training na ginanap sa Clark Freeport, Pampanga. Ang naturang pagsasanay ay parte ng Liga ng mga Barangay (LNB) Pangasinan Provincial Congress 2024, at dinaluhan ng 1,130 kapitanes at iba pang opisyal ng barangay mula District 1-6 ng Pangasinan. Naging panauhin sina Governor Ramon Guico III, Senator Bong Go, Congresswoman Lanie Mercado, at aktor na si Philip Salvador.
LGU, Nakipagdayalogo sa mga Ipinasarang Poultry Farm
Nagsagawa naman ng isang consultation meeting ang Municipal Administrator’s Office noong May 9 para sa mga ipinasarang poultry farm sa Brgy. Bacnono. Dito ay dininig ang hinaing ng mga may-ari ng naipasarang pasilidad ukol sa mga isyu kaugnay ng kanilang chicken dressing activities. Inaasahang mabibigyan ng solusyon ang kanilang mga isyu sa lalong madaling panahon.
Clearing Operations sa Public Market, Patuloy
Tuluy-tuloy ang clean-up at clearing operations sa natupok na bahagi ng Bayambang Public Market, sa pagtutulungan ng ESWMO, SEE, at Engineering. Nagsagawa naman ng water flushing activity ang BFP at ESWMO staff upang tuluyang malinis ang mga debris at makapal na abo na naipon mula sa mga nasunog na stalls.
BBKAPI, Muling Nireorganisa
Nagtipon ang mga kagawad ng 77 barangays upang buuin ang bagong komposisyon ng Bayambang Barangay Kagawad Association of Pangasinan Inc. (BBKAPI) noong May 30 sa Balon Bayambang Events Center. Nagwagi bilang president si Kagawad Annaliza Ballesteros ng Brgy. San Vicente. Hinalal namang Vice-President (Internal) si Kgwd. Helen Diaz, Vice-President (External) si Kgwd. Ernesto Pacia, at Secretary naman si Kgwd. Mariza Chico.
- Planning and Development (MPDO)
Orientation Activity ukol at Census at CBMS, Ginanap
Isang orientation activity para sa mga barangay official ang ginanap noong May 15 sa Events Center sa pangunguna ng Philippine Statistics Authority at MPDC patungkol sa 2024 Census of Population at Community-Based Monitoring System. Tinalakay din ang Profile Questionnaire para sa paglikom ng mga datos sa barangay, kabilang ang mga service facility nito at mga government projects ng barangay hall at ng munisipyo.
Municipal Development Council, Inaprubahan ang AIP 2025 ng LGU
Tinipon ng Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) ang Municipal Development Council para iprisenta at ipaapruba ang Annual Investment Program ng LGU para sa taong 2025, noong May 22 sa Events Center. Tumutok sa presentation and approval sina Mayor Niña Jose-Quiambao at iba pang opisyal via Zoom video. Naroon naman sina Councilor Philip Dumalanta, barangay officials, at department heads.
DILG R-1 Assessment Team, Dumating para sa SGLG
Nagtungo ang mga validator mula sa DILG Region 1 sa Bayambang noong May 27 para magsagawa ng validation para sa Seal of Good Local Governance. Pinangunahan ang team ni LGOO VII Hermogenes Soriano Jr., kasama sina LGOO II Liana Lalate, at CSO Representative na si pastor Wilfredo Mallavo. Sa paggabay ni Bayambang MLGOO Editha Soriano, isa-isang sinuri ang mga kinakailangang dokumento ng bawat departamento at ahensya ayon sa sampung aspeto ng lokal na pamamahala. Kinahapunan ay nag-ikot ang mga validator sa mga pasilidad ng LGU, at pagkatapos ay nagkaroon naman ng exit conference.
- Legal Services (MLO)
Legal Office, Nag-assist sa Locational Clearance Applicants
Noong May 3, sinadya ng Legal Office ang Department of Agrarian Reform (DAR) Provincial Office sa bayan ng Urdaneta, kasama ang ilang aplikante ng Locational Clearance na dinidinig ng Local Zoning Board of Appeals (LZBA) ng Bayambang. Ang naturang pagbisita ay naging daan upang magkaroon ng inisyal na konsultasyon hinggil sa pagsunod sa patakaran sa pagkuha ng Conversion Order ng mga nais magpagawa ng bahay o negosyo sa mga "agricultural" land ang klasipikasyon.
Demolisyon sa Ilang Illegal Structures sa Magsaysay, Nag-umpisa Na
Matapos ang ilang taong pakikipagdayalogo sa mga residente ng Brgy. Magsaysay, nagsimula na ang proseso ng demolisyon ng mga istraktura ng ilang illegal occupants noong May 9. Isinagawa ito sa pamamagitan ng legal na proseso upang masiguro ang tamang pagpapatupad ng batas. Ang nasabing lupa ay gagamitin ng LGU sa pagpapatayo ng Social Annex Multi-Purpose Building, Trial Court, at Training Centers, upang mas mapalawak pa ang paghahatid ng mga serbisyo sa mas maraming nangangailangang Bayambangueño.
Update Ukol sa Isyu ng Municipal Boundary
Noong Mayo 24, nagkaroon ng pagpupulong online ang DENR Region I at LGU upang patuloy na linawin ang opisyal na municipal boundary ng bayan ng Bayambang kaugnay ng komputasyon ng National Tax Allotment nito. Ipinarating ng LGU sa naturang ahensya na bagama't kinikilala ng LGU ang lawak ng lupain na 14,394 na ektarya bilang siyang sertipikado sa ngayon, ang Comprehensive Land Use Plan (CLUP) naman ng LGU ay nagdeklara ng sukat na 16,800 na ektarya. Kaya naman ang LGU ay nasa proseso ng pag-secure ng mga datos at dokumento upang suportahan ang claim na ito.
- ICT Services (ICTO)
Paghahanda para sa ISO Surveillance Audit, Isinagawa
Bilang preparasyon ng LGU sa darating ng ISO 9001:2015 Surveillance Audit sa July 25, nanguna ang ICT Office sa pagpapaalala sa mga kawani ng LGU ukol sa mga nararapat gawin at mga dokumentong dapat ayusin. Kaya naman noong May 15-16, nagkaroon ng Quality Management System Re-orientation online para sa mga kawani, QMS Orientation para sa mga bagong kawani, at isang training naman para sa mga Document Control Custodian ng bawat departamento.
- Human Resource Management (HRMO)
- Transparency/Public Information (PIO)
- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)
AWARDS AND RECOGNITIONS
LGU-Bayambang, Ginawaran ng PhALGA ng Excellence Award
Ang LGU-Bayambang, sa pamamagitan ng Municipal Accounting Office, ay nakatanggap ng Excellence Award mula sa PhALGA o Philippine Association of Local Government Accountants noong May 15 sa John Hay Trade and Cultural Center, Baguio City, bilang parte ng 19th Annual National Conference ng grupo. Ang pagkilalang ito na tinanggap ni Municipal Accountant Flexner de Vera ay para sa mga LGU na may Unmodified o Unqualified Audit Opinion base sa 2022 COA Annual Audit Report ng Commission on Audit.
LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)
SB Hearing ukol sa Barangay Budget at Tax Ordinance, Muling Nagpatuloy
Isa na namang Committee Hearing ang isinagawa ng Sangguniang Bayan noong May 8 ukol sa Supplemental Budget at Tax Ordinance ng iba't ibang barangay.
Ang pagdinig ay dinaluhan ng mga opisyales ng Brgy. Pantol at M.H. Del Pilar, gayundin ang mga SK Chairperson ng Brgy. Tambac, Pugo, Bical Norte, Bacnono, at Zone V upang depensahan ang mga binalangkas na budget para sa nakaplanong proyekto sa kanilang barangay.
Pagdinig ukol sa Colorum Tricycles at Pagkabit ng CCTV, Isinagawa
Ang Sangguniang Bayan ay nagdaos ng public hearing noong May 14 para sa dalawang panukalang ordinansa ukol sa kolorum na tricycle at ang mandatory na pagpapakabit ng mga CCTV sa mga pampublikong lugar. Ang hearing ay tumalakay sa posibleng panganib na dulot ng mga hindi lisensyadong drayber at traysikel at pagpapabuti ng seguridad at kapayapaan gamit ang makabagong teknolohiya. Ito ay dinaluhan ng mga TODA President, ilang mga estudyante, at mga barangay official ng Bayambang. Ang pagdinig ay pinangunahan nina Councilor Amory Junio at Councilor Martin Terrado II, kasama ang iba pang konsehal at ilang department head.
Committee Hearing ukol sa 2024 SK Budget at AIP, Muling Isinagawa
Noong May 23, isa na namang committee hearing ang isinagawa ng Sangguniang Bayan tungkol sa Annual Budget at Annual Investment Program (AIP) ng mga Sangguniang Kabataan para sa taong 2024. Idinepensa ng mga SK Chairperson at mga SK members ang kanya-kanyang budget at iba't ibang proyekto sa Barangay Reynado, Malioer, Pangdel, Cadre Site, Zone 7, Balaybuaya, at Banaban. Ang hearing ay pinangunahan nina Councilor Jose Ramos, Councilor Gerardo Flores, at SK Federation President Marianne Cheska Dulay.
No comments:
Post a Comment