EDUCATION FOR ALL
- (LSB, Library, DepEd)
Bagong SK Federation President at Federated PTA President, Nag-courtesy Call sa LSB
Nag-courtesy call ang bagong SK Federation President na si Hon. Marianne Cheska Dulay at bagong Federated PTA President Raymund Camacho sa Local School Board noong November 29 sa Mayor's Conference Room. Tumayong kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at LSB Executive Director Rolando Gloria. Naroon sa pulong sina DepEd Bayambang I PSDS, Dr. Longino Ferrer, at DepEd Bayambang II PSDS, Dr. Candra Penoliar.
UP CBA Batch '73, Bumisita
Bumisita ang mga miyembro ng University of the Philippines College of Business Administration (UPCBA) Batch '73 sa bayan ng Bayambang noong December 5 bilang parte ng pagdiriwang ng kanilang golden anniversary. Personal nilang pinasalamatan sina former Mayor Cezar Quiambao, at Mayor Niña sa kanilang courtesy call sa kanilang bahay sa Saint Vincent Village, sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Amando D. Ocampo Jr.
LSB, Namahagi ng 140 Laptop sa DepEd Bayambang I at II
Noong December 18, nagpamahagi ang Local School Board sa mga guro ng DepEd Bayambang District I at II ng 140 units ng laptop gamit ang pondo mula sa LGU at Special Education Fund, kasama na rito ang donasyong sahod ni Mayor Niña.
HEALTH FOR ALL
- Health (RHUs)
Fogging Operations, Isinagawa sa Sapang
Matapos maitala ang ilang kaso ng dengue sa Brgy. Sapang, agad na umaksyon ang Rural Health Unit Sanitary Inspection team upang ipaalam sa mga residente roon ang mga dapat gawin upang maiwasan ang naturang sakit sa pamamagitan ng information campaign noong November 29. Agad ding nagsagawa ng fogging operations ang grupo sa lugar.
RHU III, Nag-outreach sa Caturay
Isang outreach activity ang isinagawa ng RHU III noong December 13 sa Brgy. Caturay para sa mga undernourished na kabataan at pasyente na may mental health condition. Dito ay nagkaroon ng maikling lecture sa nutrisyon at kalusugan, story-telling tungkol sa kapanganakan ni Hesukristo, at mga surpresang regalo mula sa Kasama Kita sa Barangay Foundation at Victory Church-Bayambang.
RHU 1 at Iba Pa, Nag-training sa First Aid at Life Support
Sumailalim ang RHU I, ICT, at Legal Office staff sa isang Basic Life Support Training-Seminar sa tulong ng Philippine Red Cross noong December 6-7 sa RHU I Conference Room at December 8-10 sa Subic, Zambales. Sa training na ito, nadagdagan ang kaalaman ng mga naturang personnel para sa mas epektibo at mas mabilis na pagresponde sa panahon ng emergency.
Animal Bite Treatment Center Update
As of December 12, mayroon tayong 69 ongoing animal bite cases at 37 na mga bagong kaso sa RHU I Animal Bite Treatment Center. Kaya’t sa kabuuan ay may 37 na pasyente ng animal bites, at ang mga ito ay nasa Category 2. Sa lecture na ibinigay sa 37 na katao, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging responsableng pet owners.
Paalala lang po sa publiko na huwag nating gawing laruan ang alagang aso o pusa.
Mga RHU, Nag-uwi ng 5 Parangal mula sa DOH Gawad Kalusugan
Ang mga Rural Health Unit ay nag-uwi ng limang parangal sa Gawad Kalusugan ng Department of Health noong December 15 sa San Fernando City, La Union. Ang mga ito ay ang:
- Newborn Screening Exemplary Award (RHU I)
- Purple Ribbon Award for Family Planning
- Top Implementers on Pharmaceutical Management
- 3rd Place, Best Immunization Program Implementer (No. of Vaccinated Children)
- 3rd Place, Best Oral Health Implementer
Huling Blood Donation Drive sa 2023, Nakaipon ng 118 Bags
Nakaipon ng 118 bags ng dugo ang huling blood donation drive sa taong 2023 noong December 18 sa Events Center. Ito ay inorganisa ng mga RHU katuwang ang Philippine Red Cross at Kasama Kita sa Barangay Foundation.
- Nutrition (MNAO)
Nutrition Plan Workshop, Ginanap para sa mga Barangay
Nagkaroon ng isang orientation program ukol sa Barangay Nutrition Program Management kasabay ang isang workshop para sa formulation ng Barangay Nutrition Action Plan noong December 5 sa Events Center. Ito ay dinaluhan ng 77 na Punong Barangay at 77 na Barangay Treasurer. Naging resource speaker sina Dieticians Association of the Philippines (Pangasinan Chapter) President Melita Castillo, Office of Barangay Accounting head Elsie Dulay, OIC MPDC Ma-lene Torio, at Nutrition Officer Venus Bueno.
Orientation ukol sa Acute Malnutrition, Isinagawa
Isang orientation at training ang isinagawa ng Nutrition Office ukol sa Integrated Management of Acute Malnutrition noong December 6 sa Events Center. Kabilang sa mga resource speaker sina Dr. Ma. Cecilia Nerona ng Pangasinan Provincial Hospital (PPH), PPH District Nutrition Program Coordinator Marina Penollar, at RHU II Public Health Nurse Lady Philina Duque. Ito ay dinaluhan ng mga nurse, midwife, BNS, at LGU District Nutrition Program Coordinator
Search for Best Urban Gardening, Isinagawa
Pwede naman pala ang mag-vegetable gardening kahit nakatira sa sentro ng bayan. Ito ay pinatunayan ng mga barangay sa Poblacion area noong December 13, sa isinagawang Search for Best Urban Gardening ng Nutrition Office sa tulong ng MAO, kung saan naging participants ang walong urban barangays ng Bayambang. Ang mga nagwagi matapos ang monitoring activity ay iaanunsyo ngayong araw.
Most Outstanding Schools in Nutrition, Kinilala
Naging kampeon ang Bayambang Central School, Amancosiling Elementary School, at Bical Elementary School sa ginanap na Search for Outstanding School in Nutrition Program Management ng Municipal Nutrition Council, para sa big, medium, at small schools category. Ang mga winners ay nakatanggap ng tig-P15,000.
Poblacion Sur, Wagi sa Search for Best Urban Gardening
Nagwagi ang Poblacion Sur sa kanilang malikhaing urban gardening project, sa isinagawang Search for Best Urban Gardening ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO), sa tulong ng MAO, noong December 13, kung saan naging participants ang walong urban barangays ng Bayambang. Ang Poblacion Sur ay nakatanggap ng P15,000 cash prize. 1st runner-up ang Zone 2 at 2nd runner-up naman ang Brgy. Magsaysay.
- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)
- Veterinary Services (Mun. Vet.)
– Slaughterhouse
PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN
- Social Services (MSWDO, MAC)
ABONO Partylist, Nagbigay ng Medical Assistance
Ang ABONO Partylist ay may biniyayaang 462 na indigent patients na nakatakdang tumanggap ng medical assistance sa pamamagitan ng voucher na ipinamahagi noong Nobyembre 30 sa Saint Vincent Prayer Park. May tig-anim na katao kada barangay ang naging benepisyaryo, salamat sa isang milyong pisong donasyon ni ABONO Partylist Representative Raymund 'Eskimo' Estrella. Bawat pasyente ay tumanggap ng Php2,000 voucher para sa libreng gamot at medical services.
ABONO Partylist, Nagsponsor din ng SLP Startup Fund
Ang Bayambang ay isa sa limang pilot towns na binigyan ng tulong pinansyal ng ABONO Partylist sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD. Sa payout na ginanap noong December 1 sa Robert B. Estrella Memorial Stadium sa Rosales, Pangasinan, may 266 na benepisyaryo ang nagmula sa bayan ng Bayambang, na kinabibilangan ng mga miyembro ng 4Ps, rehistradong kakanin at fruit vendor, at sari-sari store owners. Bawat isa ay nakatanggap ng P15,000 na startup fund para sa kanilang small business.
Bagong Batch ng mga SK Kagawad, Nagtapos sa Mandatory Training
Ang mga bagong halal na mga Sangguniang Kabataan Kagawad ng Bayambang ay sumabak sa isang Mandatory Training, at ito ay ginanap sa St. Vincent Ferrer Prayer Park noong November 10, 17, 20, at 22. Layunin nito na ipaalam sa mga SK Kagawad ang mga responsibilidad na kaakibat ng kanilang uupuang posisyon. Ang training ay inorganisa ng LYDO at DILG.
6 SLPAs, Tumanggap ng DSWD Startup Fund
Tinanggap ng anim pang Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) ang kanilang startup fund mula sa DSWD noong December 4. Iginawad ang mga tseke sa mga SLPA mula Ambayat 1st, Ambayat 2nd, Malioer, Pantol, San Gabriel 2nd, at Tatarac. Ang naturang pondo ay nakalaan para sa kanilang mga napiling proyektong pangkabuhayan.
MOO Bayambang, Tumanggap ng mga Parangal
Sa 4th Quarter na Municipal Advisory Committee Meeting noong December 6, inanunsyo ng DSWD ang mga natanggap na parangal mula sa katatapos na 2023 4Ps Program Implementation Review sa Baguio City noong November 8-10. Ilan lamang sa mga ito ay ang:
- "Most Participative Municipal Operations Office"
- "Special Citation on Partnership Engagement"
- at "Case Management Champion"
- Sa individual category, kinilala si John Christopher Rosquita bilang "Most Responsive Provincial Operations Office Staff.
Ang LGU-Bayambang naman ay nominado sa prestihiyosong "Tanging Pinagyaman Award" dahil sa patuloy na implementasyon ng mga Sustainable Livelihood Program nito.
Limang SLPA, Tumanggap ng Start-up Fund
Tinanggap ng isa na namang batch ng Sustainable Livelihood Program Association (SLPAs) ang kanilang startup fund mula sa DSWD noong December 11. Dalawang SLPA ang mula Brgy. Apalen, at tig-isa naman mula sa Pantol, Paragos, at San Gabriel 2nd. Sila ay nakatanggap ng mula P180,000 hanggang P450,000, depende sa napiling livelihood project.
Mga Kapitan at GAD Focal Person, Nag-workshop sa Gender Sensitivity
Ang mga Punong Barangay at kanilang GAD Focal Person ay sumabak sa isang Planning Workshop para sa isang Gender-Responsive Barangay noong December 11 hanggang 12, sa Pavilion I ng Prayer Park. Sa workshop ay pinalalim ng MSWDO ang pang-unawa ng lahat sa mga patakaran at plano para sa isang pantay-pantay na pagsulong sa karapatan ng bawat miyembro ng komunidad, mapalalaki man o babae.
Orientation on Anti-VAWC and Children’s Laws, Ginanap
Nagsagawa ng isang Orientation on Anti-Violence Against Women and Children's Laws ang MSWDO noong December 14 sa Pavilion I ng Prayer Park. Layunin nito na mapalakas ang kaalaman at kakayahan ng lahat ng miyembro ng Local Council for the Protection of Children at Local Committees on Anti-Trafficking and VAWC sa kani-kanilang tungkulin. Ito ay ang pagtibayin ang implementasyon ng batas laban sa mga kaso ng human trafficking at karahasan laban sa mga kababaihan at kabataan.
CDC Learners, Humataw sa Children's Festival 2023
Ang Children's Festival 2023 ay idinaos ng Bayambang Child Development Workers Association noong December 15 sa Prayer Park. Ito ay nag-umpisa sa isang parada, at sinundan ng isang Christmas Zumba Competition, kung saan nagwagi ang CDC Learners Cluster 6. Sa Coronation Ceremony, itinanghal na Mr. & Ms. Pre-K 2023 sina Reecko Valhein Mendoza ng Mangayao CDC at Erza Mae de Jesus ng Tampog CDC.
Gov. Guico at Vice Gov. Lambino, Namahagi ng Financial Assistance sa Barangay Frontliners
Noong December 17, dumating sina Governor Ramon Guico III at Vice-Governor Mark Ronald Lambino upang mamahagi ng financial assistance sa lahat ng mga BHW, BNS, BSPO, at CDW ng Bayambang. Bawat isa ay tumanggap ng P2,000 financial assistance bilang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan sa kanilang sakripisyo at dedikasyon.
MSWDO, May Bagong Van
Noong December 18, iginawad ng LGU sa MSWDO ang isang brand new van gamit ang GAD Fund, sa layuning mas mapalawig pa ang pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo para sa mga Bayambangueño.
LGU Social Services, Ginawaran ng "Level II" Service Delivery Capacity
Ginawaran ang MSWDO-Bayambang ng Service Delivery Capacity Assessment CY 2023 "Level II" sa ginanap na State of the DSWD Region 1 Address sa La Union noong December 14. Ang pagkilalang ito ay tinanggap ni Councilor Benjie de Vera at patunay ng epektibong paghahatid ng mga serbisyong panlipunan sa ating mga kababayan.
Munting Bahay Kubo, Tinanggap ng "Ukay for a Cause" Beneficiary
Tinanggap ng napiling benepisyaryo ang isang bahay kubo mula sa pondong nakalap ng Administrator's Office sa kanilang isinagawang "Ukay for a Cause" noong September 8 to 9. Ang kubo ay inihatid noong December 14 kay Josiefine Balansag, isang single mom na may anim na anak, at isang 4Ps beneficiary ng Brgy. Wawa. Bukod sa bahay kubo ay bibigyan din siya ng trabaho ng MDRRMO bilang caretaker ng Wawa Evacuation Center.
Pamaskong Handog sa Kabataan, Nasa 21st Year Na
Ang tradisyunal na Pamaskong Handog para sa mga Kabataan ay nasa 21st year na. Ito ay idinaos noong December 18 at 19 sa St. Vincent Ferrer Parish Church, at dinayo ng mga kabataang mula sa Child Development Centers at SPED classes ng LGU. Ito ay inumpisahan sa isang misa, at sinundan ng gift-giving at food treats na hatid ng Kasama Kita sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation.
- Civil Registry Services (LCR)
LCR, Nag-Conduct ng Training sa Tamang Pagproseso ng Registry Forms
Noong December 14, ang Local Civil Registrar ay nagbigay ng isang orientation at training sa Mayor's Conference Room upang mahasa ang kaalaman ng mga RHU, ospital, at lying in o birthing home sa wastong pagpoproseso ng registry forms, partikular na sa birth at death certificates.
LCRO, Kinilala sa PSA Forum
Ang Local Civil Registry Office (LCRO) ay kinilala ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa ginanap na "Forum on CBMS, Census of Agriculture and Fisheries, and Census of Philippine Business and Industries" noong December 21 sa Calasiao. Ito ay isang espesyal na pagkilala sa matagumpay na implementasyon ng LCR sa PhilSys Birth Registration Assistance Project ng PSA.
- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)
LGU, May 2 Bagong Garbage Compactor Truck
Dalawang garbage compactor truck ang dumating noong December 29 bilang karagdagang equipment ng LGU sa garbage collection at disposal operations nito. Ang dalawang garbage truck ay binili gamit ang GAD Fund ng LGU, at ang mga ito ay nagkakahalaga ng 5.668 million pesos.
- Youth Development (LYDO, SK)
Mga Anak ng 4Ps Members, Sumalang sa Youth Development Session
Isang Youth Development Session ang inorganisa ng DSWD para sa mga anak ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Program sa Bayambang noong December 8 sa Events Center. Naging resource speaker ang LYDO, SK Federation, at DSWD Municipal Links.
SK Federation President, Delegado sa National Youth Convention 2023
Kabilang si Bayambang SK Federation President Marianne Cheska Dulay sa mga dumalo sa pagtitipon ng higit isang libong SK Federation Presidents mula sa iba’t ibang bayan para sa National Youth Convention 2023 na ginanap sa Baguio City noong December 7-10. Dito ay nagkaroon ang mga youth leader ng pagkakataon na personal na makausap ang mga matataas na opisyales ng bansa at makakuha ng tips ukol sa mahusay na public service.
Mandatory Training, Dinaluhan ng mga SK Secretary at SK Treasurer
Isinagawa ang isang mandatory training noong December 27 sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park para sa mga bagong SK Secretary at SK Treasurer. Dito ay ipaalam sa mga naturang opisyal ang kanilang responsibilidad, kabilang Code of Conduct at Ethical Standards.
- Peace and Order (BPSO, PNP)
Mga TODA, Sumabak sa Road Safety Seminar
May 120 na miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association ang sumabak sa isang Road Safety Orientation-Seminar na ibinigay ng BPSO noong December 14 sa Bayambang National High School Gymnasium. Naging guest lecturer ang LTO, PNP, at Pangasinan Highway Patrol Group na nagbigay ng karagdagang kaalaman ukol sa traffic rules, violations, at penalties.
Mga Hepe ng BFP Region I, Nagtipon sa Bayambang
Noong December 19, nagtipon-tipon ang mga hepe ng Bureau of Fire Protection-Region I, para sa kanilang 50th Fire Service Recognition. Ang mga opisyales, sa pamumuno ni BFP-Region I Director Leonida Rosales, ay sinalubong ni BFP-Bayambang OIC Chief Divine Cardona sa Events Center. Naging panauhin sina Mayor Niña, na nirepresenta ni Vice Mayor IC Sabangan,
at former administrator Atty. Raymundo Bautista Jr. na siya namng kumatawan kay Gov. Ramon Guico III.
AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)
NIA, Nagsagawa ng Consultation Meeting
Nagsagawa ng consultation meeting ang pamunuan ng National Irrigation Authority (NIA), sa pangunguna ni Engr. John Molano, NIA Acting Division Manager, upang talakayin ang issue ukol sa isang loteng masasagasaan ng Bayambang Pump Irrigation Project. Ang lote ay nasa isang pribadong subdibisyon ng Jamaica Realty Corp. sa Brgy. Buayaen. Ang pulong ay ginanap noong Dec. 1 sa Mayor's Conference Room.
10 Collapsible Dryers, Tinanggap ng District 4 Farmers
Noong December 7, tumanggap ng sampung collapsible dryer mula sa Pangasinan Research and Experiment Center sa bayan ng Sta. Barbara ang farming cluster ng District 4 sa Bayambang. Ang mga ito ay kanilang magagamit para sa pagbilad ng inaning palay sa halip na magbilad sa daan.
Wing Van mula KADIWA, Dumating NaIsang brand-new wing van ang natanggap ng LGU matapos itong mag-request sa Department of Agriculture sa pamamagitan ng Kadiwa financial grant assistance program. Ang naturang hauling service vehicle ay isang 20-feet na 6-wheeler at nagkakahalaga ng P2.2 milyong piso. Ito ay malaking tulong upang mapababa ang delivery cost ng local farmers.
Ceremonial Staking, Idinaos para sa Swine Facility
Noong January 4, dumating ang Department of Agriculture Regional Office I para sa ceremonial staking ng Swine Facility Project sa Brgy. Dusoc. Ang proyekto ay nagkakahalaga ng 10-million pesos para sa construction ng biosecured facility, pambili ng mga alagang biik, at feeds, bilang parte ng livestock program ng ahensya na tinaguriang INSPIRE o Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion.
NIA, Muling Bumisita
Noong January 4 pa rin, muling bumisita ang National Irrigation Authority sa Bayambang upang pulungin ang mga kapitan ng 22 farming barangays na mabibiyaan ng 40-million-peso worth na Bayambang Pump Irrigation Project na siyang nakatakdang magbigay ng patubig sa 1,600 ektaryang sakahan.
JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL
- Livelihood and Employment (MESO, BPRAT)
- Economic Development (SEE)
Basic Business Management Seminar, Nilahukan ng Market Vendors
Noong December 19, nagsagawa ang Office of the Special Economic Enterprise (SEE) ng isang Basic Business Management Seminar para sa mga market vendor, upang higit pang mapaunlad ang mga MSME sa Bayambang. Naging resource speaker ang isang officer ng Bangko Sentral at isang Development Analyst ng DTI, na siyang tumalakay sa mga paksa ukol sa pag-impok ng kita, budgeting, at basic retailing.
- Cooperative Development (MCDO)
Co-op Members, Sumabak sa Business Management Seminar
Sumabak sa isang seminar ukol sa "Entrepreneurial and Business Management" ang mga miyembro ng iba't ibang kooperatiba sa Bayambang noong December 29 sa Events Center, sa pag-oorganisa ng M.C.D.O. Naging resource speaker si Dr. Jeanica Joson, na tumalakay sa tamang pagpapatakbo ng isang negosyo.
- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)
New Year Countdown sa Prayer Park
Ang pagpasok ng Bagong Taon ay sinalubong sa pamamagitan ng isang banal sa misa sa St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ito ay sinundan ng nakaugaliang New Year Countdown sa naturan ding venue, kung saan masigabong sinalubong ng mga Bayambangueño ang pagpasok ng taon sa pamamagitan ng isang grand fireworks display.
Unang 3D LED Screen sa Labas ng NCR, Pinasinayaan sa Royal Mall
Pinangunahan nina Mayor Niña Jose-Quiambao at First Gentleman, Dr. Cezar Quiambao, ang launching ng kauna-unahang 3D LED outdoor billboard sa bansa sa labas ng Metro Manila noong December 5 sa Royal Mall. Napuno ng excitement at pagkamangha ang mga Bayambangueño at iba pang mga bisita na sumaksi sa pagpapasinaya, matapos makita ang 3D effects ng LED screen na ininstall sa harap ng naturang mall sa sentro ng bayan. Ang pinakaunang 3D LED billboard sa bansa ay matatagpuan sa 5th Street, Bonifacio Global City (BGC), Taguig, Metro Manila.
Tourism Update
Samantala, as of November 30, iniulat ng Bayambang Public Safety Office (BPSO) na mayroong nang 129,410 na turista ang nakabisita sa Japan-inspired Paskuhan sa Bayambang 2023.
Mga Media Entities, Patuloy ang Pagfeature sa Bayambang
Padami ng padami ang mga media entities mula sa national at regional level ang nagcocover sa kakaibang atraksyon ng Paskuhan sa Bayambang 2023. Matapos itong maifeature ng GMA News, ABS-CBN, Rappler, Manila Bulletin, at iba pa, dumating naman noong December 13 ang Philippine Daily Inquirer at ilang cast and crew ng "Dapat Alam Mo" TV show ng GMA.
- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)
LGU, Nakipagdayalogo sa PSU ukol sa Central Terminal
Noong December 5, ang LGU ay nakipagdayalogo sa mga opisyal ng PSU ukol sa Bayambang Central Terminal upang maging mas maganda at mas pinatibay ang kasunduan sa naturang proyekto. Dumalo sa Mayor's Conference Room sina PSU University President, Dr. Elbert Galas, Campus Executive Director Dr. Gudelia Samson, at Chief Administrative Officer, Dr. Ian Evangelista at iba pang opisyal. Nirepresenta naman ang LGU ni dating Mayor, Dr. Cezar Quiambao, na siyang nagpasimula ng nasabing proyekto. Noong 2021, ang dalawang partido ay pormal na nagkasunduan upang gamitin ang 8,000 sqm na espasyo sa PSU Bayambang para magtayo ng isang modernong Central Terminal para sa mga local commuter.
JKQ Hospital Update
Narito naman ang latest update ukol sa Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center, The Medical City-Managed Hospital, sa Brgy. Ligue as of December 4, 2023.
PRDP, Nag-conduct ng Pre-validation
Noong December 5 hanggang 7, muling bumisita ang Philippine Rural Development Project team kaugnay ng mga kinakailangang gawin para sa Phase 2 ng Pantol-to-San Gabriel-2nd Farm-to-Market Road (FMR) with Bridges Project. Kasama ang LGU, kanilang binaybay ang mismong lugar na pagtatayuan ng daan, at saka sila ay nagdaos ng isang exit conference, kung saan inilahad ang mga susunod na hakbang ng magkabilang panig.
DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)
25 Trainees, Nagsipagtapos sa ICS 4
Ang MDRRMO ay nag-organisa ng limang araw na training na "All Hazards Incident Management Team" o mas kilala bilang "Incident Command System IV" sa Lennox Hotel, Dagupan City. May 25 trainees ang matagumpay na nagsipagtapos out of 32 candidates na nakakumpleto ng ICS ladderized training courses.
MDRRMO ng Abra de Ilog, Nagbenchmarking
Ang MDRRMO ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro ay bumisita sa Bayambang noong December 21 para magbenchmarking activity. Sa pangunguna ng kanilang LDRRM Officer na si Geoffrey Panganiban, ang trenta katao na delegasyon ay winelcome ni Bayambang LDRRM Officer Genevieve Benebe, kanyang staff, at iba pang opisyal. Ang mga bisita ay humanga sa iba’t-ibang atraksyon sa bayan gaya ng Prayer Park at ang Japan-inspired na Paskuhan sa Bayambang.
HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
DILG, Nagbigay ng Briefing on Preparation of Barangay Plans
Noong December 13, nagsagawa ang DILG ng isang Briefing on Preparation of Barangay Plans sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ito ay dinaluhan ng mga Punong Barangay, Barangay Treasurer, Barangay Secretary, at Barangay Kagawad (na siyang Chairman ng Committee on Appropriation). Naging tagapagsalita ang mga pinuno ng LGU mula sa labing-isang departamento.
Former VM Sabangan, Bagong Liga President
Nagwagi si former Vice-Mayor at Zone VI Punong Barangay Raul Sabangan bilang bagong Liga ng mga Barangay President, sa halalang idinaos ng COMELEC at DILG. Kanyang papalitan si dating Liga President Rodelito Bautista at uupo bilang ex-officio member ng Sangguniang Bayan.
2023 LGU Year-End Assessment, Ginanap
Noong December 20, ginanap ang Year-End Assessment Program ng LGU sa St. Vincent Ferrer Prayer Park kung saan nagkaroon ng kasiyahan ang lahat, sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, dahil sa mga naging accomplishment ng buong LGU sa nakalipas na taon. Ang alkalde ay naghandog ng isang milyong piso para sa raffle draw, kaya't damang-dama ang kagalakan ng mga empleyado sa aktibidad.
Barangay Officials, Nakinig ukol sa Year-End Adjustment Seminar ng BIR
Noong December 29, inimbitahan ng Liga ng mga Barangay ang 77 na Punong Barangay, Barangay Treasurer, bookkeeper, SK Chairman, at SK Treasurer na dumalo sa paanyaya ng BIR ukol sa usaping "BIR Year-End Adjustment." Ito ay ginanap sa SB Session Hall.
- Planning and Development (MPDO)
-
- Legal Services (MLO)
Legal Office, Nagbigay ng Seminar ukol sa Katarungang Pambarangay
Ang Municipal Legal Office ay nagbigay ng isang seminar sa mga mga Punong Barangay, Barangay Secretary, at Lupong Tagapamayapa ukol sa Katarungang Pambarangay noong December 27 sa Balon Bayambang Events Center. Ipinaliwanag dito ang nararapat na implementasyon ng Katarungang Pambarangay upang mabilis na maaksyunan ang bawat problemang legal sa kanilang nasasakupan.
LGU, Muling Nakipag-dayalogo sa Magsaysay Residents
Muling inanyayahan ng LGU ang mga apektadong residente ng Brgy. Magsaysay, sa isa na namang dayalogo hinggil sa mga isyu ukol sa pag-aari, possession, patuloy na pag-aalok na magbenta, at iba pang mga katanungan hinggil sa mga lote sa Brgy. Magsaysay na titulado sa pangalan ng Munisipyo ng Bayambang. Ang dayalogo ay ginanap sa Events Center noong December 14 sa pangunguna ng Legal, Assessor, at Treasury Office.
- ICT Services (ICTO)
- Human Resource Management (HRMO)
Ligtas na Tanggapan, Tinalakay sa Seminar
Bilang bahagi ng layunin ng LGU na mapanatili ang kaligtasan sa lugar na pinagtatrabahuhan ng mga kawani ng gobyerno, nag-organisa ang HRMO, sa tulong ng MDRRMO, ng isang seminar hinggil sa "Safe and Conducive Workplace" noong Nov. 30 sa Events Center. Naging resource speakers sina Mastery Consultancy OPC Leopoldo Rausa Jr., OSH Consultant Rodolfo Abad, OSH Practitioner Jeffrey Corpuz, at OSH Consultant Ashley Katryn Campos.
GSIS, May Onsite E-Card Enrollment
Noong Dec. 1, nagsagawa ang GSIS ng isang onsite enrollment para sa E-Card o UMID Card ng mga kawani ng LGU. Ito ay ginanap sa 2nd floor ng Municipal Annex Bldg. Ayon sa tala ng HRMO, mayroong 36 LGU employees ang nakapag-enroll para sa E-Card.
- Transparency/Public Information (PIO)
- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)
AWARDS AND RECOGNITIONS
Health Department, Muling Nakasungkit ng mga Parangal sa Provincial Summit
Muling tumanggap ng mga parangal ang ating Health Department, sa ginanap na Provincial Health Summit sa Kapitolyo noong November 30. Ang RHU I, II, at III ay completer ng DOH Universal Health Care Implementers Course at Integrated Course on Primary Care. Kinilala rin ang RHU sa Local DRRM in Health. Champion naman sa Green Banner Seal of Compliance in Nutrition ang health cluster bilang Best LGU Implementer in Nutrition Program. 2022 Most Outstanding MNAO sa buong probinsya Ms. Venus Bueno. Finalist naman sa Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar of the Province si Elsie Baiguen ng Brgy. Magsaysay.
MDRRMO, Tinanggap ang Pangatlong Gawad KALASAG
Pormal nang tinanggap ng LGU-Bayambang, sa pamamagitan ng MDRRMO, ang Gawad Kalasag mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pangatlong pagkakataon. Isa ang Bayambang sa 723 lamang na "Fully Compliant LGUs" sa ginanap na 23rd Gawad KALASAG awarding ceremony noong December 27 sa San Fernando City, La Union.
LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)
Mga SB Secretary ng Pangasinan, Nagpulong Dito
Noong December 7, nagtipon-tipon ang mga Sangguniang Bayan Secretary ng buong probinsya ng Pangasinan sa Bayambang para sa kanilang quarterly meeting. Ang grupo ay binigyan ng mainit na pagwelcome ni SB Secretary Joel Camacho at kanyang staff sa Balon Bayambang Events Center.
No comments:
Post a Comment