Thursday, May 4, 2023

LGU Accomplishments - April 2023

 

GOOD GOVERNANCE

 

 Internal Quality Auditors, Naging Observer sa ISO Audit ng Alaminos City

 

Nagtungo ang mga IQA ng LGU-Bayambang sa City Hall ng Alaminos City, Pangasinan, noong April 4 upang obserbahan ang ginanap na ISO audit ng naturang siyudad. Ito ay parte ng pagnanais ng administrasyong Quiambao-Sabangan na magkaroon din ng ISO Certification bilang patunay sa mataas na lebel ng serbisyo sa mga Bayambagueño.

 

ISO Online Coaching Session

 

Noong April 11 din, nagkaroon ng online coaching session ang mga consultant ng LGU mula Neo-AMCA upang ituro ang mga nararapat gawin kapag may nakatanggap ang isang departamento ng Notice of Conformity sa auditing para sa ISO 9001:2015. Ang aktibidad na ito ay bahagi pa rin ng isinasagawang puspusang paghahanda para sa nalalapit na ISO certification audit ng LGU-Bayambang.

 

KSB Year 6: Sa Manambong Naman Tumuntong

 

Ang buong team ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 ay tumungo noong April 14 sa Bascos-Manambong Parte Elementary School upang pagsilbihan ang mga residente ng Brgy. Manambong Norte, Manambong Sur, at Manambong Parte.  Umabot sa 875 total registered clients ang napagsilbihan doon. Tunay na walang humpay ang administrasyong Quiambao-Sabangan 2.0 sa pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga Bayambangueño sa mga barangay na malayo sa sentro ng bayan.

 

Iba't-Ibang Infra Projects sa Barangay, Tinalakay sa 2Q MDC Meeting

                   

Noong April 18, dinaluhan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang Municipal Development Council Meeting kung saan tinalakay ang estado ng mga proyektong kasalukuyang isinasagawa sa mga barangay sa ilalim ng 20% Development Fund ng LGU base sa Annual Investment Plan  2022 na niratipikahan ng naturang konseho.

 

Sa naturang pulong, inanunsyo ng alkalde na siya na mismo ang sasagot ng gastos para sa konstruksyon ng kanyang naipangakong Multi-purpose Covered Court sa Buenlag 2nd at Caturay gamit ang personal na pondo.

 

 

FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION

 

Mga Loteng Apektado ng Irrigation Project, Ininspekyon ng Assessor

               

A.     Noong April 19, ang Assessor's Office ay nagconduct ng ocular inspection sa Brgy. Buayaen, Sancagulis, at Bical Sur ukol sa mga lote na apektado ng gagawing irrigation system ng LGU sa tulong ng National Irrigation Authority.

 

B.     Samantala, noong April 17 at 18, ang naturang tanggapan ay lumibot sa Brgy. Manambong Parte, Nalsian Sur, at Tatarac upang mag-issue ng tax declaration para sa mga bagong naitayong istraktura, mapa-residential man o commercial building.

 

 

ECONOMIC DEVELOPMENT

 

Mga Tenant ng Yellow Bldg. sa Public Market, Pinulong ukol sa Demolisyon ng Gusali

 

Noong April 24, inimbitahan ng LGU ang mga tenant ng Yellow Building sa Public Market upang pag-usapan ang desisyon ng lokal na pamahalaan ukol sa naturang property. Ipinaalam sa mga tenant na kailangan nang idemolish ng LGU ang Yellow Bldg. dahil ang lupang kinatatayuan ng gusali ay pagmamay-ari ng LGU,

ang naturang gusali ay itinayo nang walang kinauukulang Building Permit, at walang nakakaalam kung sino ang may-ari nito at wala ring umaangkin dito. Ang mga tenants ay binigyan ng mga opsyon sa harap ng napipintong demolisyon.

 

 

SPORTS & PHYSICAL FITNESS

 

Basketball Tournament para 18-30 Taong Gulang, Binuksan

                            

Noong April 15, inilunsad ng Municipal Physical Fitness and Sports Development Council ang pinakaunang liga matapos ang pandemya. Ang basketball tournament ay tatagal ng dalawang buwan at sasalihan ng mga Bayambangueño na may edad 18-30 taong gulang.

 

Team Chubz ng RHU 1, Weight Loss and Physical Fitness Challenge Winner

 

Noong April 17, itinanghal ang kauna-unahang winning team ng LGU weight loss at fitness challenge matapos ang anim na buwan. Ang Team Chubz na kinabibilangan nina Tina Chico, Teresita Mangandi, at Nerissa Zafra ng RHU ang grupong nakapagtala ng may pinakamalaking weight at fat loss at siyang tumanggap ng certificate, plaque at tumataginting na P100,000 cash mula sa sariling bulsa ni Mayor Niña. Congratulations, Team Chubz!

 

 

 

 

 

 

 

EDUCATION

 

PSU Student Vounteers, Inilunsad ang ‘Project Aral’ sa Tulong ng SK Federation

Isang grupo ng volunteers mula sa PSU-Bayambang ang naglunsad ng tinaguriang ‘Project Aral,’ kasama ang SK Federation ng Bayambang. Noong April 2, sila ay nagtungo sa kanilang ika-sampung barangay sa Barangay Hermoza Covered Court kasama ang SK Hermoza. Sa bawat Project Aral session, ang mga kabataan ay nag-enjoy sa pakikinig sa mga group lectures at fun educational activities.

                               

DepEd RO1 at Pangasinan SDO1, Kinonsulta sa Pulong ukol sa Kaso ng Central School

 

Noong April 19, dumalo sina DepEd Regional Office I Director Tolentino Aquino at Pangasinan Schools Division Superintendent Fatima Boado kasama ang iba pang mga opisyal ng DepEd RO1 at Pangasinan SDO1 sa isang Consultative Meeting na isinagawa ng LGU sa Mayor’s Conference Room, upang pag-usapan ang kasalukuyang estado ng lumang Bayambang Central School at ang takbo ng kaso ukol dito. Sa ngalan ng buong bayan ng Bayambang, hiniling nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Dr. Cezar Quiambao na makiisa ang DepEd sa laban sa pagbawi ng naturang paaralan. Pahayag naman ng DepEd, handa raw silang sumama sa LGU para sa pagsulong ng kaso.

 

 

Ligue Elementary School, Ininspeksyon ng DepEd RO1 at Pangasinan SDO1

 

Pagkatapos ng pulong, nagtungo ang mga opisyal ng DepEd RO1 at Pangasinan SDO1 sa Ligue Elementary School upang inspeksyunin kung maaari nang aprubahan ang pagbubukas ng naturang eskwelahan. Kasama ng mga opisyales ang mga supervisor at engineer ng DepEd. Ang gusali ay idinonate ni Dr. Cezar Quiambao at Mayor Niña Jose-Quiambao, at nakatakdang magbukas ang bagong-tayong paaralan sa darating na pasukan.

 

Mga OJT ng Motorpool, Nagtapos sa Automotive Servicing NC-I at NC-II

 

Inanunsyo ng Municipal Motorpool ang pagtatapos ng kanilang mga OJT sa Automotive Servicing NC-I at NC-II noong nakalipas na linggo, kung saan naging trainor ang mga mekaniko ng Motorpool. Kaagad naman nilang tinanggap ang bago na namang batch ng estudyante na sasailalim naman sa 10-day hands-on work immersion sa Shield Metal Arc Welding o SMAW.

 

 

LEGISLATIVE

 

Joint Committee Hearing, Ginanap para sa Appropriation of Unutilized Calamity Fund

 

Ang SB Committee on Finance, Budget and Appropriations at Committee on Disaster ay nagpulong noong April 20, upang pag-usapan ang ukol sa appropriation ng hindi nagastos na 70% Calamity Fund-Trust Fund na nakalaan sa Calendar Year 2022 at nagkakahalaga ng P8,717,307.11. Nanguna sa naturang pagdinig sina Councilor Philip Dumalanta at Councilor Mylvin Junio.

                                                                                                                                          

 

Committee Hearing, Isinagawa para sa Annual Budget at AIP ng SK at Barangay

 

Noong aaw ding iyon, nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng isang committee hearing ukol sa Annual Budget at Annual Investment Program (AIP) ng Sangguniang Kabataan at mga barangay para sa Calendar Year 2023, at ito ay ginanap sa SB Session Hall. Dito ay inilatag ng bawat SK Chairperson, Punong Barangay at ng kanilang mga konseho ang kanya-kanyang budget at iba't ibang prayoridad na programa at proyekto para sa kanilang nasasakupan. Ang pagdinig ay pinangunahan nina Coun. Philip Dumalanta, Coun. Gabriel Tristan Fernandez, at Coun. Amory Junio.

 

 

 

LIVELIHOOD& EMPLOYMENT

 

Livelihood Package at Housing Assistance, Ipinamahagi sa DSWD "Survival Cases"

                                        

Noong April 3, ipinamahagi ng LGU ang livelihood package at housing assistance para sa mga kaso ng "survival case" households ayon sa listahan ng DSWD-Region I. Ang bawat assistance package ay nagkakahalaga ng P15,000, at may karagdagan pang P37,290 para housing materials. Anim na households na lamang ang napapabilang sa "survival cases" sa Bayambang, at ito ang pinakamababa sa buong Rehiyon Uno.

 

Last Batch ng Work Immersion Students, Dumalo sa Orientation

 

Noong April 4 rin, ang huling batch ng work immersion students mula sa Bayambang National High School ay inorient ng Municipal Public Employment Services Offices sa Balon Bayambang Events Center.

 

40 na Kababaihan, Lumahok sa Basic Sewing Skills Training

Noong April 24 hanggang April 28, nagkaroon ng limang araw na Basic Sewing Skills Training bilang parte ng programa ng provincial government na Employability Enhancement Program, sa pakikipagtulungan sa Municipal Public Employment Service Office. Ito ay ginanap sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park, at nilahukan ng 40 na kababaihan mula sa Brgy. Hermoza, Tanolong, at Sanlibo.

                                                 

 

 

OTHER SOCIAL SERVICES

 

SK Federation, Nakiisa sa Women’s Month

 

Bilang pakikiisa ng pagdiriwang ng Women’s Month, nagsagawa ang SK Federation, sa pangunguna ni SK President Gabriel Tristan Fernandez, ng isang educational activity sa Beleng National High School kung saan may 50 na estudyante ang nakilahok. Sila ay natuto ng mga kaalaman tungkol sa mga karapatan ng kababaihan at pagkakapantay-pantay ng lahat anuman ang kasarian. Naging panauhing pandangal naman si Vice-Mayor IC Sabangan sa naturang aktibidad.

                          

DSWD, Nagvalidate para sa Bagong Senior Citizen Beneficiaries

 

Noong April 11, nagsagawa ang DSWD ng validation activity para sa bagong listahan ng senior citizens na kwalipikadong tumanggap ng quarterly social pension simula sa susunod na taon.

 

Lions Club, Nag-Feeding Activity sa Bical Norte

 

Nagsagawa ng feeding activity ang Bayambang Bayanihan Lions Club International at ang younger members nito na Bayambang Maaro Leo Club sa Child Development  Center ng Brgy. Bical Norte noong April 11. Namigay din ang club ng mga school supplies sa mga bata.

 

 

NYC, Nagbigay ng Orientation ukol sa Registration Program ng mg Youth Organization

                     

Sa inisyatibo ni Local Youth Development Officer Johnson Abalos, ginanap ang isang Orientation and Workshop ukol sa Youth Organization Registration Program (YORP) ng National Youth Commission (NYC) noong April 18, sa SB Session Hall na dinuluhan ng iba’t ibang local youth organizations. Naging resource speaker ang mga Presidential Staff Officers na sina Dr. Sheridan Athena Gajete at Dave Homer Ariola, na tumalakay kung paano magparehistro ang mga youth organizations upang matiyak ang kanilang access sa mga programa ng National Youth Commission.

 

DSWD Info Drive ukol sa SLP Implementation, Nagpatuloy

 

Patuloy ang DSWD, kasama ang BPRAT, sa pag-iikot sa sampung target barangays upang ipaalam sa mga prospective beneficiaries ang ukol sa panibagong bugso ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng ahensya. Noong mga nakaraang linggo, ang team ay nagtungo sa Covered Court ng Brgy. Ambayat 2nd, Apalen, Carungay, Malioer, at Pantol, para ipaalam ang kanilang panukalang livelihood projects na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P3.75M.

                                                                     

                                                                     

 Bountiful Children's Foundation, Muling Nag-feeding Activity

 

Muling nagsagawa ng feeding activity ang Bountiful Children's Foundation-Philippines noong April 21, sa pakikipagtulungan sa Municipal Nutrition Action Office. Mayroong 15 beneficiaries na indigent malnourished children na taga-Brgy. Inirangan ang kanilang nabiyayaan.

 

Orientation/Seminar on Women’s and Children’s Rights

                      

Noong March 9 at April 25, ang MSWDO ay nagtungo sa Barangay Bical Sur, Sancagulis, Pangdel at Darawey para magsagawa ng Orientation/Seminar on Women’s and Children’s Rights. Ang aktibidad ay makatutulong sa mga kalahok na madagdagan ang kanilang kaalaman sa iba't ibang karapatan na makatutulong sa pagtataguyod ng kapakanan ng, at pagprotekta sa, kababaihan at mga bata sa kanilang barangay. Mayroong 160 na participants ang umattend sa nasabing aktibidad.

 

                                                                                                

 

 

HEALTH

 

RHU Midwives, Tuluy-Tuloy ang Serbisyo noong Mahal na Araw

 

Kahit sa kasagsagan ng Mahal na Araw, ang mga midwife ng ating mga RHU ay tuluy-tuloy pa rin sa pagsagawa ng immunization para sa kabataan, growth monitoring, at prenatal check-up for term pregnancy sa iba’t-ibang barangay. Ito ay patunay na ang serbisyo ng LGU-Bayambang sa ilalim ng administrasyong Quiambao-Sabangan ay walang tigil para sa bawat Bayambangueño.

 

 

Health IEC ng RHU, Tuluy-Tuloy

 

Nagpapatuloy ang RHU I sa kanilang information drive ukol sa rabies at iba pang notifiable diseases kabilang ang dengue, leptospirosis, at COVID-19 sa iba't ibang mga barangay upang makaiwas ang publiko sa mga ito. Noong Abril 17, sila ay nagpunta sa Brgy. Balaybuaya, Beleng, at Macayocayo kung saan sa kabuuan ay may 146 na participants.

 

Dietary Supplementation Program ng Nutrition Office, Nagpatuloy

                               

Noong April 26, muling nagpamahagi ang Nutrition Office ng dietary supplementation packs para sa mga undernourished children at pati na rin sa ilang anak ng mga miyembro ng 4Ps. May limang daang 6-month up to 59-month-old na mga bata ang beneficiaries ng panibagong bugsong ito ng Dietary Supplementation Program ng MNAO. Ang bawat isa ay nakatanggap ng dalawang pakete na naglalaman ng bigas, itlog, iodized salt, cooking oil, biskwit, munggo, at prutas.

 

 

 RHU Officials at Staff, Nagtraining sa iClinicSys

 

Noong April 25 to 27, nagkaroon ng tatlong araw na training ang mga pinuno at staff ng mga Rural Health Units para sa paggamit ng iClinicSys. Ginanap ang training sa Mayor’s Conference Room, at nagsilbing lecturer ang mga IT personnel mula sa DOH. Ang iClynicSys ay isang electronic medical record system na naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga pasyente para sa mabilis at sistematikong pag-record, pag-profile, at pag-retrieve ng mga datos ukol sa pasyente.

 

 

 

PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY

 

BPSO, Nag-refresher Course sa CCTV Operation

 

Nagkaroon ng CCTV Refresher Seminar ang BPSO noong April 15 to 16 sa Bayambang Polytechnic College kung saan naging participants ang 20 CCTV operators, telephone/radio operators, CCTV technicians, at admin staff. Ito ay ginanap para sa mas pinaayos na operasyon ng mga CCTV na tumutulong sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga Bayambangueño.

 

BPSO, Nag-ocular Inspection sa mga Informal Settlers

 

Noong April 12, nag-ocular inspection ng mga informal settler sa dike at dating daanan ng PNR kung saan inabisuhan ang mga residente na itigil ang konstruksyon ng pitong kabahayan na natagpuang walang kinauukulang building permit. Ayon sa batas, bawal manirahan at magpatayo ng bahay sa gilid ng ilog na nasa 20-meter easement zone ng lokal na pamahalaan.

 

 

 

TOURISM

 

Mayor Niña, Nakiisa sa Pista ng Patron

 

A. Noong April 22, nakiisa sina Mayor Nina Jose-Quiambao, Dr. Cezar Quiambao, at Vice-Mayor IC Sabangan sa pagdiriwang ng simbahan ng kapistahan ng patron, San Vicente Ferrer.

                                                                            

B. Umasiste naman ang Tourism Office sa pagtatag ng bagong museo sa simbahan kung saan makikita ang isang exhibit ukol sa patron.

 

 

 

 

 

AGRICULTURAL MODERNIZATION

 

Fishery Rehabilitation Project, Tuluy-Tuloy

 

Nagpatuloy ang Municipal Agriculture Office sa fishery rehabilitation project nito sa pamamagitan ng pagpapaigting ng mga dredging activity sa mga dating fishpond at tributary creek sa Brgy. Macayocayo, Maigpa, at Tanolong, at paghahanda sa mga dredging machine accessories para sa nakatakdang dredging ng Langiran Lake.  Ongoing din ang fabrication ng materyales para sa fish cages na nakatakdang ideploy sa tatlong fishing barangays.

 

 Provincial Vets, Nag-medical Mission sa Zone 7

 

Isang Veterinary Mission ang isinagawa ng Provincial Veterinary Office (PVO) noong April 20 sa Brgy. Zone 7 Covered Court, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office, partikular na kay Municipal Veterinarian, Dr. Joselito Rosario. Kabilang sa mga libreng serbisyong inalok ng PVO ang anti-rabies vaccination, vitamin supplementation, castration and spaying of cats and dogs, deworming, at consultation. Sa kabuuan, ang veterinary mission ay mayroong naserbisyuhan na 122 animal pets na pag-mamay-ari ng 82 na katao.

 

Unang Anibersaryo ng E-Agro, Ipinagdiwang

 

Pinangunahan ni E-Agro Chairman, Dr. Cezar T. Quiambao, at E-Agro President, Jorge Yulo, ang naging selebrasyon sa unang anibersaryo ng E-Agro Software Development Corporation noong April 26 sa Balon Bayambang Events Center. Ang selebrasyong ay binuksan ng isang blessing at ribbon-cutting ceremony sa kanilang opisina sa 3rd Floor ng Royal Mall, at sinundan ng misa. Sa programa sa Events Center, nagbigay ng testimonials ang tatlong naging benipisyaryo ng E-Agro dahil anila naging mas maginhawa ang kanilang buhay pagsasaka dahil sa tulong ng E-Agro.

                                                      

INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT

 

 ONGOING Construction of Multi-purpose Covered Court in Brgy. Pantol

 

COMPLETED:

Multi-purpose Covered Court in Brgy. Inirangan

 

 Core Local Access Road in Brgy. Cadre Site

 

 Core Local Access Road in Brgy. Tococ West

 

 Core Local Access Road in Brgy. Macayocayo

 

Public Consultation para sa Phase 2 ng DA-PRDP, Nakuha ang 100% na Suporta ng Concerned Barangays

                                     

Nakuha ng LGU ang suporta mula sa mga opisyales at mamamayan ng Brgy. San Gabriel 2nd at Pantol, matapos ang matagumpay na Public Consultation na isinagawa ukol sa P350-M Scale-up ng Pantol to San Gabriel 2nd Farm-to-Market Road with Two Bridges Project. Ang pagkakaapruba ng grant para sa Phase 2 ng nauna nang naimplementang proyekto sa ilalim ng Philippine Rural Development Plan ay nangangahulugang maayos ang naging pamamahala ng administrasyon sa naunang proyekto.

 

Mayor Niña, May Regalong P5,000 kada Barangay

                

Ang pitumpo’t pitong barangay ng Bayambang ay sunud-sunod nang nagdiriwang ng kani-kanilang kapistahan, at para magbigay ng karagdagang saya sa bawat Bayambangueño, isang regalo mula kay Mayor Niña Jose-Quiambao ang nakatakdang matanggap ng mga ito. Ito ay ang financial assistance na nagkakahalagang P5,000 kada barangay na maaaring gamitin upang mas mapasaya ang kanilang kapistahan. Inaasahang agad nang maipapamahagi ang halagang ito sa tulong ng Niña Cares Foundation. Maraming salamat, Mayor Niña Quiambao!

 

Local Housing Board, Nagpulong ukol sa Paglobo ng Bilang ng Informal Settlers sa mga No-Build Zones

 

Bilang pagtugon sa pagdami ng bilang ng mga informal settlers sa bayan, nagsagawa ng pagpupulong ang Local Housing Board noong April 25 sa Mayor’s Conference Room, para pag-usapan ang sitwasyon ng mga informal settler na naninirahan sa Military Reservation, dike, at PNR. Dito ay tinalakay ang mga posibleng maging aksyon upang maisaayos ang suliranin ukol sa mga nakatayong kabahayan sa mga loteng bawal na pagpatayuan ng tirahan ayon sa batas. Ayon sa Housing Board, mapanganib ang manirahan sa easement zone o no-build zone lalo na sa panahon ng malakas na bagyo at malawakang baha.

                                                                                                        

Dredging Operation, Nagsimula na sa Langiran Lake

 

Noong April 24, nagsimula nang mag-dredge sa Langiran Lake ang Agriculture Office sa tulong ng Provincial Engineering Office at Municipal Engineering Office. Ang pagdedredge ay makatutulong upang i-reset ang life cycle ng isang body of water. Ang operasyon ay nakatakdang magtagal ng dalawang buwan bago makumpleto.

                               

 

 

ENVIRONMENTAL PROTECTION

 

Tococ East, Wag Muli Bilang Cleanest Barangay

 

Ang Brgy. Tococ East muli ang nakasungkit ng titulong "Pinakamalinis na Barangay sa Bayambang" para sa buwan ng Abril. Nakatanggap ang barangay ng P25,000, bukod pa sa P10,000 sa pagiging district winner. Ang mga cash prize ay donasyon nina Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, at Mayor Niña Jose-Quiambao, at ng kanyang ama na si G. Philip Jose.

 

 

 

 

DISASTER RESILIENCY

 

MRDDMC, Naging Abala sa Operation Summer Vacation

                

Ang Municipal Disaster and Risk Reduction Management Council ay naka-antabay noong Mahal na Araw at summer vacation para sa anumang sakunang dulot ng mainit na panahon at mga tradisyunal na aktibidad na kaakibat ng pagdiriwang ng Holy Week. Nagkaroon ng:

 

A. mga pulong at pagpaplano ang pamunuan at mga miyembro nito,

B. mga ocular inspection,

C. information dissemination sa mga barangay,

D. pagtatayo ng medical aid stations,

E. monitoring ng Agno River activities, at

F. activation ng mga Barangay DRRMCs.

 

Pre-Disaster Risk Assessment para sa Typhoon “Amang”

 

Ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ay nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment noong April 12 ukol sa trajectory at intensity forecast ng bagyong “Amang”. Inihanda rin ang mga rescue equipment, at pinaigting ang pagmonitor sa Tropical Cyclone Bulletin na inilalabas ng PAGASA at komunikasyon at koordinasyon sa mga barangay.

 

CBDRRM Training para sa mga Barangay ng District 8

                                                 

Noong April 13, nag-umpisa ang tatlong-araw na Community-Based Disaster Risk Reduction Management para sa walong barangay ng District 8. Patuloy ang MDRRMO sa pagsasanay at pagbibigay ng training sa barangay officials bilang unang responders, upang masiguro na sila ay may sapat na kakayahan at kapasidad na tumugon at malagpasan ang mga sakuna.

 

 

 

 

AWARDS & RECOGNITION

 

KALIPI Bayambang, 1st Runner-up Most Active Chapter in the Region

                    

Nagwagi bilang 1st Runner-up ang KALIPI Bayambang Chapter sa Most Active and Most Functional Chapter sa buong rehiyon sa ginanap na DSWD-Region 1 Regional Women’s Month Celebration noong nakaraang March 31 sa San Fernando, La Union. Ang parangal ay tinanggap ni KALIPI Pangasinan President Jocelyn Espejo kasama ang KALIPI Bayambang.

 

Congrats, EIM - NCII Passers!

 

Bilang panghuli, binabati namin ang lahat ng passers mula sa unang batch ng TESDA-Certified Electrical Installation & Maintenance NC-II students ng Bayambang Polytechnic College.

                                                                                                   

Congratulations, BPC, for the 100% passing rate!      

 

No comments:

Post a Comment