Tuesday, April 25, 2023

Speech for e-Agro 1st Anniversary

 

 

Speech for e-Agro Anniversary

 

[Extemporaneous pleasantries and acknowledgment of VIPs]

 

Magandang umaga po sa inyong lahat at, sa ating mga bisita, welcome po sa Bayambang!

Binabati ko siyempre ang lahat ng ating mga magsasakang narito ngayon. Pati na rin mga kapwa LGU officials at employees. Magandang umaga sa inyong lahat!

Ewan ko kung narinig niyo kung saan galing ang konsepto sa likod ng E-Agro. Uulitin ko na lang po, dahil mas mabuting sa amin mismo manggaling.

Ang ating proyekto pong ito ay nabuo dahil sa tinatawag na Mayors Challenge ng Bloomberg Philanthropies ng New York City, USA, isang global competition ng mga "bold innovative ideas" upang masolusyunan ang pinakamalalaking problema ng mga siyudad sa mundo.

Noong 2021, sumali tayo kahit hindi pa officially na siyudad o lungsod ang Bayambang. At alam ba ninyo na ang project proposal ng isa sa mga nanalo mula sa Pilipinas, ang Butuan City, ay may hawig sa entry natin?

Anyway, natalo tayo sa contest na yun, pero magkagayon man, tayo ay panalo pa rin dahil dito nabuo ang ating sariling entry, at ito na nga ang E-Agro Ecosystems, the Filipino Farmer’s Total Assistance Portal.

         Ang totoo niyan, hindi pa po tayo sumasali sa Mayors Challenge ay binubuo na ng aking asawa ang programa na yan sa tulong ng ating mga IT experts/system analysts. Nagkataon lang na noong mag-isip siya kasama ako at ang buong team na sumali sa contest na ito, lumabas sa aming workshop na ang pinakamalaki at pinaka-urgent na problema ng bayan ng Bayambang ay ang problema ng mga farmers.

         Nakita namin sa aming masusing analysis na napakalawak ng problema dahil medyo kumplikado ang farming business – maraming dapat asikasuhin, kaya namroblema kami kung paano ba ito ihahandle. Ngayon, isa sa ating team member ang nagsabing, ang lahat ng mga nagiging grand winner sa Challenge na ito ay may nabuong system upang masolusyunan ang malaking problema gamit ang teknolohiya, ang IT o information technology. Kaya, parang tadhana, nagkonekonekta ang mga bagay-bagay, at ito na nga: ang lumabas sa ating analysis ay kailangan ng isang centralized na system upang lahat ng pangangailangan ng mga farmers ay matutugunan sa pamamagitan ng online transactions.

         Lumabas sa aming pag-aaral na ang pinakamalaking concern ng farmers natin ay ang pag-avail ng loan dahil sa kawalan ng kapital, kaya’t ito rin ang pinaka-tinutukan ng ating sistema sa E-Agro.

         Alam kong bago ito sa inyo at bago ito sa ating lahat – yung naipanalo pong system ng Butuan City ay maliit na parte lamang ng E-Agro. Subalit sa unang taong anibersaryo ng E-Agro, inimbitahan ko ang lahat na kumbinsihin ang lahat ng kakilala niyong farmers na nngangailangan ng tulong na subukan ito, dahil nandito ang solusyon na matagal na nilang hinahanap!

         Dahil ang Bayambang ay isang agricultural town, ito ay isang malaking solusyon sa ating idineklarang Rebolusyon Laban sa Kahirapan, kaya’t kami sa buong LGU at ang pamilya Quiambao ay excited para rito. Sana ay kasing-excited din kayo para sa proyektong ito.

 

No comments:

Post a Comment