Thursday, May 4, 2023

LGU Accomplishments - February 2023

GOOD GOVERNANCE


 MNJQ, Nagbigay ng Bagong Uniporme sa LGU


Bagong set ng libreng uniporme ang natanggap ng 966 na empleyado ng LGU-Bayambang. Kaya naman, mula sa buong lokal na pamahalaan, maraming salamat Mayor Niña Jose-Quiambao! 


Seminar-Workshop on CDP & CDRA, Ginanap


Ang lahat ng LGU departments at units, national government agencies, at mga representante ng pribadong sektor sa bayan ng Bayambang ay dumalo sa isang Seminar-Workshop upang balangkasin ang Comprehensive Development Plan at Climate and Disaster Risk Assessment ng bayan ng Bayambang para sa mga taong 2024-2029. Ito ay ginanap mula February 1 hanggang February 7, kung saan naging trainor-lecturer si Ms. Marilou Ortiz ng DILG-Sto. Tomas, Pangasinan. Ang seminar-workshop ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center at San Juan, La Union, at inorganisa ng MPDO sa gabay ng DILG. 

LGU Heads, Nag-Team Building 


Pagkatapos ng seminar ay ginanap naman ang team-building activity para sa lahat ng mga department heads at officials. Layunin nitong paigtingin ang mabuting samahan ng lahat ng opisyal para sa maayos na koordinasyon ng lahat ng departamento sa pagbibigay serbisyo publiko.


KSB Year 6, Nagsimula sa Brgy. Managos


Sa unang araw ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan, Year 6 noong Pebrero 17, ang Lokal na Pamahalaan ay nagtungo sa Brgy. Managos dala ang mga bagong serbisyo. Mayroong 298 na naging benepisyaro sa programang ito na patunay na tuluy-tuloy ang paghahatid ng Total Quality Service sa mga malalayong barangay ng Bayambang.


HRMO, Inorient ang Bagong Batch ng JOs


Noong February 17, nagsagawa ang Human Resource Management Office ng isang orientation para sa lahat ng bagong Job Order employees ng LGU. Dito ay ipinaliwanag sa kanila kung ano ang kanilang mga tungkulin at kung anu-ano ang rules and regulations, vision-mission, at pati na rin ang goals at objectives ng organisasyon.

 

Motorpool, Nagpapatraining sa mga OJT mula Malasiqui


Kasalukuyang nagsasanay ang mga Automotive Servicing students mula sa Marian Educational Center Malasiqui sa iba't-ibang aktibidad sa Motorpool Section ng lokal na pamahalaan. Karamihan sa mga estudyante ng naturang paaralan ay taga-Bayambang.





FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION


Assessor's Office, Tuluy-Tuloy sa Pag-iikot 


Sa nagdaang linggo, ang Municipal Assessor's Office ay pinaalalahanan ang ating mga kababayan na magbayad ng buwis ng maaga upang maka-avail ng 20% discount hanggang katapusan ng buwan sa unang quarter ng taon. Ipinaliwanag nila na ang halaga ng binabayaran ng isang tao para sa kanyang real property ay nakabatay sa value ng naturang ari-arian. Kasabay nito, sila ay nagsagawa ng appraisal of taxable at non-taxable property, titling of agricultural at residental lands, at declaration of real properties sa Brgy. Poblacion Sur.


LGU, Ininspeksyon ang Magsaysay Property


Sa bisa ng desisyon ng korte at court order, nag-inspeksyon ang Municipal Legal Office, kasama ang Court Sheriff, Engineering, BPSO, at PNP, sa municipal property sa Brgy. Magsaysay noong February 27 upang personal na ma-access ang lote na nakatakdang pagtayuan ng isang Multi-Purpose Building na paglalagyan o paglilipatan ng Youth Development Center, Early Child Care Development Center, PWD and Senior Citizen Building, at iba pang tanggapan.



LEGISLATIVE WORK


Water Refilling Station Operators, Dumalo sa Public Hearing


Noong January 30, dumalo sa Public Hearing ang mga owners at operators ng water refilling station upang malaman ang tamang proseso sa pamamalakad ng kani-kanilang negosyo. Sa pagdinig na ito, natalakay ang mga documentary requirements kabilang na ang health permit.


Public Hearing para sa Revenue Code, Local Economic Enterprise Code, at Tricycle Fare Rates Ordinance, Ginanap 


A. Noong February 13 pa rin, nagpatuloy ang pampublikong pandinig ukol sa dalawang panukalang ordinansa: ang Revised Revenue Code at Revised Local Economic Enterprise Code. Sa ginawang konsultasyong ito ng Sangguniang Bayan, malayang nakapagpahayag ang saloobin ng mga public market vendors sa mga opisyal ng bayan, at nakakatulong ito sa maayos at makatarungang pagbalangkas ng mga naturang panukalang batas. 

B. Noong February 15 naman, ang public hearing ng SB ay sumunod na tumutok sa ordinansa ukol sa pamasahe sa traysikel.


Dr. Agbuya, Kinumpirma ng SB bilang Rural Health Physician


Noong February 13, opisyal na kinumpirma ng Sangguniang Bayan ang pagtatalaga kay Dr. Roland M. Agbuya bilang Rural Health Physician na may rangkong Department Head ng Lokal na Pamahalaan. Si Dr. Agbuya ang kasalukuyang tagapangulo ng Rural Health Unit 3 at ng Komprehensibo Serbisyo sa Bayan.


Final Hearing ukol sa Tricycle Fare Matrix


Noong February 22 pa rin, ginanap ang huling public hearing ng Sangguniang Bayan para amyendahan ang umiiral na tricycle fare matrix. Ito ay dinaluhan ng mga TODA Presidents ng Bayambang. Ginanap ang pagdinig sa SB Session Hall sa pangungunang muli ni SB Committee Chairman on Transportation and Communication, Councilor Amory M. Junio, at sa pag-oorganisa ni SB Secretary Joel Camacho.


SB Committee Hearing, Isinagawa para sa Draft Bonery Ordinance 


Nanguna ang Sangguniang Bayan ng Bayambang sa isang committee hearing ukol sa operasyon at maintenance ng Municipal Bonery. Dumalo bilang resource persons ang iba't-ibang department heads at ito ay ginanap noong February 23. 



HEALTH


RHU I, Naglilibot para sa National Oral Health Month 2023

Noong Pebrero 7, inumpisahan ng RHU I ang pag-iikot sa mga barangay upang magbigay ng libreng dental health services sa mga bata bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Dental Health Month ngayong buwan ng Pebrero. Kabilang sa mga libreng dental health services ay ang oral health information-education campaign, toothbrushing lecture, toothbrushing drill, at fluoride application. 


Eye Patients, Matagumpay na Naoperahan sa Maynila


Bilang parte pa rin ng Medical Mission 2023, matagumpay na naoperahan ang mga pasyente na nakapagpalista sa free eye operation sa Tzu Chi Eye Center sa Sta. Mesa, Manila noong February 8. Muli, maraming salamat sa lahat ng tumulong sa paghahatid ng libreng medikal na serbisyo sa mga Bayambangueño. 


"Ngiting Protektado, Ngiting Panalo"


Bilang parte pa rin ng pagdiriwang ng National Oral Health Month 2023, pinaigting ng ating mga Rural Health Unit ang pagsulong sa kamalayan ng publiko ukol sa kahalagahan ng oral health. As of February 9, may 603 daycare pupils na ang nabigyan ng dental services sa 17 barangays.


Mga Eye Patients, Sinamahang Magpacheck-up 


Noong February 13 naman, sumailalim sa pangalawang post-operation check-up ang 20 cataract patients at 2 pterygium patients sa Ramos General Hospital sa Tarlac, sa tulong ng RHU nurses. Ito ay parte pa rin ng Medical Mission 2023.

Operation Timbang Plus, Muling Inilunsad 


Inilunsad ng Nutrition Office at mga Rural Health Unit ang Operation Timbang Plus (OPT Plus) para sa taong 2023. Nilalayong suyurin ng ating health department ang mga barangay, katuwang ang mga BHW, BNS, at Barangay Health Council, upang ma-assess at matukoy ang mga nararapat na intervention measures para sa mga batang edad 0-59 months. 


Blood Donation Drive ng Bb. Bayambang, Nakakolekta ng 102 Blood Bags


Nakakolekta ng 102 blood bags ang blood donation drive na isinagawa ng RHU I, Red Cross, Kasama Kita sa Barangay Foundation, at ng bagong batch ng Binibining Bayambang noong ika-15 ng Pebrero sa Pavilion ng Saint Vincent Ferrer Prayer Park. May 138 katao ang nagregister for screening, at 102 sa mga ito ang nag-qualify na magbigay. 


RHU VI, Binuksan sa Mangayao


Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang grand opening ng Rural Health Unit VI sa Brgy. Mangayao. Ang bagong pasilidad ay itinayo upang mailapit ang mga health services ng Munisipyo sa mga residente ng District 8. Ang lupang kinatatayuan naman nito ay mula sa donasyon ni former Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao. Ito ay parte pa rin ng pagsasakatuparan ng administrasyong Quiambao-Sabangan sa kanilang pangakong Kalusugan Para sa Lahat. 


Nutrition Workers, Nag-refresher Training sa Operation Timbang 


Nasa 184 health and nutrition workers ang dumalo sa refresher training na inorganisa ng Municipal Nutrition Council noong February 24 sa Sangguniang Bayan Session Hall. Isinagawa ito upang ma-refresh ang kaalaman ng mga Barangay Nutrition Scholars at Barangay Health Workers ukol sa Operation Timbang Plus. 





SPORTS & PHYSICAL FITNESS




EDUCATION


Mayor Niña, Hinihikayat ang mga kabataang magbasa

Nagtungo si Mayor Niña Jose-Quiambao sa Buayaen at Wawa noong February 15 upang magbasa kasama ang mga kabataan doon. Lilibot ang Punong Bayan tuwing Miyerkules sa iba’t ibang paaralan upang mahikayat ang mga batang Bayambangueño na gawing habit ang pagbabasa ng libro. 


 Itinatayong Ligue Elementary School,


Ininspeksyon ng DepEd Division Office Noong Feb. 15, nag-inspeksyon ang mga engineer mula sa Division Office ng Department of Education Region I sa itinatayong Elementary School sa Brgy. Ligue, kung saan ang main building nito ay may tatlong classroom at isang Principal's Office. Ang gusali ay idinonate ni Dr. Cezar Quiambao at Mayor Niña Jose-Quiambao sa pamamagitan ng Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. at Niña Cares Foundation Inc. sa lupang idinonate naman ng isang pribadong indibidwal. Inaasahan na bubuksan ang bagong paaralan sa darating na pasukan.


Municipal Library, Namahagi ng Libro sa Tatarac-Apalen ES


Noong February 22 naman, nagdonate ang Municipal Library ng mga libro sa Tatarac-Apalen Elementary School sa Barangay Apalen. Ito ay tugon sa kahilingan ni Principal Laila G. Alonzo para sa kanilang mini-library. 


National Library, Gng. Tagab, Nag-donate ng mga Aklat sa Library


Ang Bayambang Municipal Library ay nagpapasalamat sa dalawang donors ng bagong set ng mga libro: ang National Library of the Philippines at ang Bayambangueña na si Gng. Clarita Ferrer-Tagab. 


Mula sa LGU-Bayambang, maraming maraming salamat po!


Tara Na’t Magbasa Kasama si Mayora Niña


Patuloy ang paglilibot ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa mga eskwelahan sa bayan para sa programang Magbasa Kasama si Mayora Niña. Nitong nakaraang Miyerkules, siya ay nagtungo sa Buenlag Elementary School kung saan inanyayahan ang mga kabataan na magbasa ng mga aklat para sa kanilang kaunlaran. 




LIVELIHOOD& EMPLOYMENT


Malioer OFWFA, Nag-training sa Rag-making 

Sumailalim ang mga myembro ng Malioer OFW and Family Association sa Career Guidance Program Employment Facilitation noong February 2, kung saan sila ay nag-training sa rag-making bilang paraan upang madagdagan ang kanilang kinikita. Naging posible ang training na ito sa pakikipagtulungan ng Municipal Employment Services Office sa TESDA.


Local Recruitment Activities ng MESO


Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Municipal Employment Services Office sa mga iba't-ibang ahensiya upang magkaroon ng Local Recruitment Activity (LRA) sa ating bayan at makatulong sa mga local job seekers. Nagkaroon ng recruitment activity ang VXI Global Holdings noong February 3 at Staff Search Asia Service Cooperative naman noong February 6 kung saan labing-isa ang hired on-the-spot. 


Special Recruitment Activity para sa Overseas Placement


Nagsagawa ang Municipal Employment Services Office ng isang Special Recruitment Activity noong February 9, kung saan naging recruiter ang Aquavir International para sa mga overseas placement. Kabilang pa rin ito sa pagtupad sa layunin ng administrasyong Quiambao-Sabangan na “Trabaho at Hanapbuhay Para sa Lahat.”


MCDO, Nagsagawa ng Orientation para sa Masagana SLP Co-op


Noon ding February 13, nagsagawa ang Municipal Cooperative Development Office ng isang orientation ukol sa Constitution at Bylaws ng Masagana SLP Producers Coperative sa Brgy. Bani, para sa 15 katao na nais maging miyembro ng kooperatiba. 


MESO, Inorient ang Bagong Batch ng OJTs


Nagsagawa ng orientation ang MESO noong February 13 para sa 20 on-the-job trainees mula sa Marianne Educational Center - Malasiqui. Ang mga estudyante ay nagsimula ng training noong February 14, at naassign sa Municipal Motorpool sa Brgy. Telbang. 


Bagong Batch ng BNHS Students, May Work Immersion sa LGU


Sumailalim sa isang orientation ang mga mag-aaral ng Bayambang National High School bilang paghahanda sa kanilang sampung araw na work immersion sa LGU-Bayambang na nag-umpisa na noong February 20. Sila ay inasiste ng Municipal Employment Services Office. 


Bayambang, Nag-host ng 1Q Meeting ng Central Pangasinan PESO Managers 


Napili bilang host ng 1st quarter PESO meeting ang Bayambang kung saan ang mga PESO Manager mula sa labing-isang munisipalidad sa Central Pangasinan ang dumalo. Sila ay sinalubong ni Mayor Niña Jose-Quiambao kasama si OIC PESO Manager Gernalyn Santos sa Niñas Cafe noong February 22. Dito ay tinalakay ang iba’t ibang programa at proyekto ng PESO kabilang na ang TUPAD, SPES, at iba pa. 


DOLE TUPAD Payout, May 2,516 Beneficiaries


2,516 Bayambangueños ang nakatanggap ng payment sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Displaced Workers noong February 23 sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park Pavilion. Naroon sa payout ang DOLE, PESO Bayambang, at si Municipal Mayor, Mayor Niña Jose-Quiambao. 


 M.C.D.O. Updates


A. Noong February 23 at 24, dumalo si Municipal Cooperative Development Officer Albert Lapurga sa 1st National Convention of Cooperative Development Officers sa Ninoy Aquino Stadium, Malate, Manila. 


B. Noong Feb. 22 naman, ay nagdaos ang Municipal Cooperative Development Council ng isang pagpupulong para sa 1st quarter ng taon. 



OTHER SOCIAL SERVICES


Bagong wheelchair, natanggap ng dalawang Bayambangueño 


Dalawang Bayambangueño ang nabigyan ng bagong wheelchair nitong February 1 sa pagtutulungan ng MSWDO at Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc. Sila ay humiling nito lamang ika-30 ng Enero at agad na natugunan ang request na ito. Maraming salamat Dr. Cezar at Mayor Niña Jose-Quiambao! 


Isang Benefactor, Naghandog ng Regalo sa ANCOP Ville


Naghatid ng saya sa mga residente ng ANCOP Ville sa Brgy. Sancagulis si Ginoong Waldrich Carbonell bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong February 4. Nakatanggap ang mga residente doon ng health vouchers at cash donation, at namahagi naman ng pagkaing pinagsaluhan ang Kasama Kita sa Barangay Foundation. 

Maraming salamat sa KKSBFI at kay Ginoong Carbonell!


LGU, Nakiisa sa World Day of the Sick


Nakiisa ang LGU sa observance ng World Day of the Sick noong February 11, sa pamamagitan ng pagbibigay ng security, traffic assistance, crowd control, medics, at ambulance services mula sa prusisyon para sa kapistahan ng Our Lady of Lourdes hanggang sa pagbisita ni Fr. Jerry Orbos sa St. Vincent Ferrer Parish Church para sa isang healing mass. 


2 Batang Bayambangueño , Inoperahan ng Libre


Nagpapasalamat ang mga magulang ng batang si Jerzey Bambilla kay Mayor Niña Jose-Quiambao sa pagtulong para maisaayos ang kundisyon ng kanilang anak na may cleft palate. Ngayon ang kanilang anak ay maayos nang nakakangiti, salamat sa Kasama Kita sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation at sa tulong ng Municipal Action Center. 


Nagpalasalamat din ang mga magulang ni Glory Faith Cuison na taga-Brgy. Manambong Sur, matapos matagumpay na maoperahan ang bata para sa congenital heart defect.


Mobile Assistance para sa Delayed Registration of Birth, Tuluy-Tuloy


Nagpatuloy ang Local Civil Registry Office sa pagbibigay ng mobile assistance para sa libreng Delayed Registration of Birth ng Philipine Statistics Authority. Noong nakaraang linggo, sila ay nagtungo sa labing-isang barangay para sa layuning ito. 


Valentine's Day Surprise


A. Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, sinurpresa ng Sangguniang Bayan ang lahat ng kababaihan ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga bulaklak sa flag ceremony.



B. Di naman nagpahuli si Mayor Niña, dahil mayroon rin siyang libreng sorbetes ng Bani Delicious Ice Cream para sa mga empleyado ng munisipyo at mga kliyente nito.



C. Ang Sangguniang Kabataan ng Bayambang ay nagkaroon din ng sariling pakulo, dahil sila ay nagtreat sa mga kabataan ng Brgy. Pantol upang magpadama nila ang pagmamahal sa kapwa sa Araw ng mga Puso.



 ASA Foundation, May Daily Feeding Activity sa Hermoza


Nakipag-ugnayan ang ASA Philippines Foundation sa Brgy. Hermoza Nutrition Committee at Municipal Nutrition Office para ipagpatuloy ang pagpapakain sa mga bata ng daycare at preschool sa Brgy. Hermoza ng limang araw kada linggo. Nagsimula ang naturang foundation na feeding activity noong September 2022 at magtatapos ng Mayo ngayong taon.


MSWDO, Abong na Aro, Naging Instrumento Upang Muling Magkapiling ang mga Nawalay na Magkapamilya


Naging instrumento ang MSWDO at ang Abong Na Aro upang mahanap ang mga nawawalang kaanak na nawalay sa kanilang pamilya sa tatlong magkakaibang insidente kamakailan.

Kabilang na dito si Gng. Resita Miranda na galing pa ng Masbate, si Arlito Ferrer na natagpuan sa Nueva Ecija, at ang batang si Joana Dizo na nagmula sa bayan ng Mangaldan. 


LCPC 1Q Meeting, Tumutok sa Child-Friendly Local Governance Audit Requirements


Muling nagpulong ang Local Council for the Protection of Children kung saan tinalakay ang mga naging accomplishments ng iba't ibang sektor upang isulong ang karapatan at kapakanan ng mga kabataan sa lahat ng aspeto. Kasama sa pulong ang DILG upang imonitor ang compliance ng LGU sa lahat ng mga requirements patungkol sa Child-Friendly Local Governance Audit ng pamahalaan.


Mayor Niña, Nagkasal ng 50 Couples sa Mass Wedding 2023


Nasa limampung magkasintahan ang pinag-isang-dibdib ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa huling Biyernes ng buwan ng Pebrero sa Kasalang Bayan 2023. Naging ‘di malilimutan ang okasyong ito para sa mga ikinasal dahil sa engrandeng setup na inorganisa ng Local Civil Registry Office at sa mga sorpresa ni Mayor Quiambao para sa kanila.  


TOURISM


Municipal Museum, Bukas na sa Publiko! 


Simula noong February 15, bukas na ang Bayambang Municipal Museum: "Home of Innovation" sa publiko. Naging tampok sa opening na ito ang exhibit ng mga painting ng mga visual artists na taga-Bayambang, kung saan naging tema ang kababaihan at ang inobasyon, alinsunod sa selebrasyon ng National Arts Month sa buwan ng Pebrero at International Women's Month sa buwan ng Marso. 

DOT-R1, Inassess ang Posibilidad ng isang Access Road Papuntang Prayer Park


Noong February 22, dumating ang Department of Tourism Region I at iba pang ahensya para mag-inspeksyon sa posibilidad ng pagkakaroon ng isang Access Road patungong St. Vincent Ferrer Prayer Park mula sa bayan ng Urbiztondo at Mangatarem. Malaki ang maitutulong ng potensyal na proyektong ito sa pagpapayabong ng sektor ng turismo sa bayan. 


Provincial Engineering, Nag-Inspeksyon sa Langiran Lake para sa Dredging Operation


Noong February 23 pa rin, ang Provincial Engineering Office ay nagsagawa ng site validation bilang preparasyon sa nakatakdang dredging operation sa Langiran Lake at bilang pagtalima sa mga rekomendasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para sa proyektong Langiran Lake Aqua Park Fish Cage Production. 


Mga kabataang Bayambangueño, Magtatagisan sa Little Mr. and Miss Bayambang 2023


Ipinakilala na ang official lineup ng Little Mr. and Miss Bayambang 2023 na isa sa mga magiging aktibidad sa darating na Pista’y Baley 2023. May 15 na pares mula sa iba't-ibang barangay ang nagpakilala sa madla, sa kanilang initial presentation sa Balon Bayambang Events Center noong February 27. Sinalubong sila ng masayang hiyawan at tawanan dahil sa cute at kwelang introduction ng bawat paslit na contestant.



PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY


Road Clearing Task Force, muling nag-ikot sa mga kalsada


Nitong February 1 din ay muling nag-ikot ang Road Clearing Task Force upang tanggalin ang lahat ng nakaharang sa kalsada at sa sidewalk na nagiging sanhi ng peligro sa publiko at pagkasagabal sa mga pedestrian, at maaaring dumagdag sa trapiko. Ito ay alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2022-085 at ito rin ay malaking tulong sa programang Bali-Bali’n Bayambang na ipinapatupad ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

BPSO, Nagbigay ng Security sa PRDP Construction Site


Noong January 18, inumpisahan na ang konstruksyon ng “San Gabriel 2nd Farm to Market Road with 2 Bridges Project.” Kaya naman, upang maging maayos ang daloy ng trapiko sa daanan, agad na nagpadala ng security detail at traffic assistance ang Bayambang Public Safety Office sa construction site. 


Oplan Baklas, Tinutukan ang mga Ilegal na Talipapa


Tinutukan ng Road Clearing Task Force ang Oplan Baklas noong February 15 kung saan sila ay nag-clearing operation sa labing-isang barangay. 


Road-Clearing Operations, Walang Tigil


Muling nagtulung-tulong ang mga miyembro ng Road-Clearing Task Force sa kanilang operasyon alinsunod sa DILG Memorandum Circular 2022-085. Noong February 27, muling ginalugad ng Task Force ang kahabaan ng mga national roads upang alisin ang mga bagay na nakabalandra sa daraanan at mga itinayong wala sa lugar. Ang mga ito ang madalas nagiging sanhi ng disgrasya sa daan, at perwisyo sa pedestrian, motorista, at trapiko.





AGRICULTURAL MODERNIZATION


MAO, Nakilahok sa Provincial Meeting ukol sa Rice Program Assessment 


Noong February 7, nakilahok ang Bayambang Municipal Agriculture Office sa isang Joint Meeting of Municipal/City Agriculturist, Provincial Agriculture Office, DA RFO-1 at attached line agencies, upang i-assess ang Rice Program implementation ng Department of Agriculture, at ito ay ginanap sa Provincial Training and Development Center 1, Capitol Complex.


 OPAG 4-H Club Coordinator, Bumisita


Noong February 9, bumisita ang coordinator ng 4-H Club mula sa Office of the Provincial Agriculturist sa Brgy. Buenlag 2nd upang kumbinsihin ang mga kabataan doon na magtayo ng sariling 4-H Club. Ang club na ito ay naglalayong isulong ang mga kabataan na pasukin ang farming business na magiging malaking tulong sa mga Bayambangueño sa sektor ng agrikultura. 


Pulong ukol sa Hog Project


Nakipagpulong noong February 21 ang mga representante ng Department of Agriculture Region I sa Municipal Agriculture Office, Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc., at ang consultant sa Hog Clustering Project ng ahensiya, bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos na mapaigting ang lokal na supply ng karneng baboy sa ating bansa. 




INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT



ENVIRONMENTAL PROTECTION


Isa na namang Kuwago, Isinurrender sa LGU


Sinamahan ng mga traffic enforcer ng Bayambang Public Safety Office ang isang residente ng Brgy. Buayaen upang  isurender sa LGU ang nakita nitong kuwago noong February 11. Ang kuwago ay itinurn-over ng PNP-Bayambang sa MENRO at ito ay dinala na sa CENRO Dagupan.


Tococ East, Grand Winner Muli ng 'Bali-Balin Bayambang' 


Muling nasungkit ng Brgy. Tococ East ang pagkilala bilang pinakamalinis na barangay sa Bayambang, matapos ang evaluation ng 'Bali-Balin Bayambang' team para sa buwan ng Enero 2023. Nakatanggap ang Tococ East ng P25,000, bukod pa sa P10,000 sa pagiging district winner nito. Ang mga cash prize ay donasyon nina Dr. Cezar Quiambao, Mayor Niña Jose-Quiambao, at ng ama ni Mayor Quiambao na si Mr. Philip Jose.


Isa na namang Kuwago, Nirescue

Isang Philippine scops owl ang boluntaryong itinurn-over ng PNP sa LGU matapos itong matagpuan ng isang residente. Ang ibon ay agad na kinupkop ng MENRO at dinala sa CENRO Dagupan upang mabigyan ng tamang pangangalaga.


IEC on R.A. 9003, Tuluy-Tuloy


Noong February 16, ang Solid Waste Management Office ay muling nag-conduct ng information drive ukol sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Dumalo dito ang mga barangay officials ng District V, at iba pang karatig na barangay, at nilalayon nitong mahikayat ang bawat Bayambangueño na makiisa sa programang Bali-Bali’n Bayambang.



DISASTER RESILIENCY


MDRRMO, Nag-donate ng Dugo 


Noong February 11, nagtungo ang MDRRMO sa San Carlos City upang makiisa sa isang bloodletting activity na inorganisa ni Board Member Vici Ventanilla, kasama ang Philippine Red Cross - Pangasinan Chapter. Ang grupo ay nakapagdonate ng humigit-kumulang na 3,150 ml ng dugo. 


LGU Safety Officers, Umattend sa Basic Life Support Training

Mula February 13 hanggang 17, nagsagawa ang MDRRMO ng isang Standard First Aid and Basic Life Support Training para sa lahat ng Safety Officers ng LGU sa Pugo Evacuation Center. Ito ay isang capacity-building activity para sa LGU employees patungo sa isang disaster-resilient na komunidad.

CBDRRM Training para sa District 4 


Nag-organisa ang MDRRMO ng isa na namang Community-Based Disaster Risk Reduction Management Training para sa walong barangay ng District 4. Ito ay ginanap noong February 22-24 sa Pugo Evacuation Center sa tulong ng Office of Civil Defense Region 1. 



AWARDS & RECOGNITION


Performance Award, Muling Tinanggap ng Bayambang MADAC 


Noong February 3, muling iginawad ng DILG sa bayan ng Bayambang ang National Anti-Drug Abuse Council Performance Award matapos makatanggap ng 100% assessment score ang Bayambang sa 2021 ADAC Performance Audit. Ang pagkilalang ito ay ebidensya ng patuloy na paglaban ng administrasyon sa ilegal na droga.

Congratulations, Bayambang MADAC! 

 Bayambang, Good Financial Housekeeping Passer Muli


Muling napabilang ang bayan ng Bayambang sa mga pasado sa Good Financial Housekeeping audit ng DILG para sa taong 2022. Kabilang sa criteria ng pagiging passer ang favorable opinion mula sa Commission on Audit at pagsunod ng LGU sa Full Disclosure Policy ng pamahalaan.

Ito ay patunay na sa tamang paraan ginagamit ng lokal na pamahalaan ang pera ng taumbayan. 


Bayambang, Muling Humakot ng Parangal sa Provincial Health Summit 2023


Humakot ng major awards ang ating mga Rural Health Unit at Municipal Nutrition Committee, sa ginanap na 12th Provincial Health Summit at LGU Scorecard Awarding and Recognition na ginanap noong February 10 sa kapitolyo. Kabilang dito ang:


- Improved LGU on Surpassing National Average on All Health Scorecard Indicators 

- Bayambang Municipal Nutrition Committee: Green Banner Awardee and Best LGU Implementer in Nutrition Program 

- Bayambang MNAO: 2021 Municipal Nutrition Action Officer of the Year, at

- Brgy. Sancagulis Nutrition Scholar: 2021 Barangay Nutrition Scholar of the Year


Bayambang, CMCI Awardee Muli sa Taong 2023!


Nagwagi sa ika-apat at sunud-sunod na pagkakataon ang LGU-Bayambang sa ginanap na Regional Awarding para sa Cities and Municipalities Competitiveness Index ng Department of Trade and Industry. Itinanghal ang Bayambang bilang Top 11 nationwide in terms of Resiliency at Top 16 nationwide naman sa Government Efficiency.




No comments:

Post a Comment