GOOD GOVERNANCE
Coun. Amory, Pinamunuan ang Volunteer Reservists
Kabilang sa mga force multipliers noong panahon ng Undas at pananalasa ng bagyong Paeng ang mga volunteer reservist sa ilalim ni Lt. Amory Junio, ang bagong-talagang Commander ng Alpha Company ng 104th Reserve Army ng Philippine Army at sa pamumuno ni Bayambang Public Safety Officer, Ret. Col. Leonardo Solomon, bilang Battalion Commander ng Western Pangasinan para sa Army reservists.
KSB Year 5, Dumayo sa Bongato
Isa na namang successful event ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 5, matapos itong ganapin noong November 4 sa Brgy. Bongato East Covered Court. Dito ay dumalo sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, Coun. Martin Terrado II, Coun. Mylvin Boying Junio, at Kasama Kita Sa Barangay Foundation Inc. (KKSBFI) Chief Operations Officer (COO) Romyl Junio, at siyempre ang buong pamunuan at mga residente ng Bongato East at Bongato West. Ayon sa tala ng overall coordinator na si Dr. Roland Agbuya, may 892 na benepisyaryo ang nagregister sa araw na iyon at nakatanggap ng iba’t-ibang serbisyo.
Updates on ISO Preparatory Activities
Patuloy ang mga LGU department sa paghahanda sa mga nararapat gawin patungo sa ISO 900:2015 certification. Matapos ang online consultation ng mga written procedures ng bawat department at unit noong November 2-4, nagkaroon ng individual face-to-face checking ng mga revisions ng November 7 sa Events Center. Pagdating naman ng November 8, inumpisahan ang plenary presentation of procedures ng bawat department at unit for final approval sa naturan ding venue.
ISO 9001:2015 Journey Continues: Training-Workshop on Risks and Opportunities
Noong November 11, nagbigay ang NEO Amca Innovative Solutions Corp. ng isang Training-Workshop on Risks and Opportunities sa Niña's Cafe. Dito ay sinuri kung anu-ano ang mga kaakibat na risks at opportunities ng kada quality objective at work process na binalangkas ng mga departamento ng LGU. Ang panghuling session na ito ng NEO Amca ay kaagad sinundan ng isang plenary presentation na umabot ng gabi, dahil isa-isang hinimay ang mga output ng kada unit at department.
Mga Libreng Serbisyo ng Munisipyo, sa Carungay Naman Ibinigay
Opisyal na nagtapos ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 5 sa Brgy. Carungay noong November 18 sa Carungay Elementary School., kung saan ibinigay ang mga libreng serbisyo ng Munisipyo sa tatlong barangay ng Carungay, Inirangan, at Reynado. Dito ay nakumpleto ng KSB Year 5 team at ng buong Team Quiambao-Sabangan ang coverage ng 77 barangays ng Bayambang sa paghahandog ng tatak Total Quality Service para sa lahat ng Bayambangueño. Ayon sa tala ng overall organizer na si Dr. Roland Agbuya, mayroong 757 total registered clients sa aktibidad na ito.
FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION
COA Entrance Conference, Dinaluhan ng mga LGU Head
Nagtungo ang Commission on Audit sa Municipal Conference Room noong Nov. 14 upang ipresenta ang kanilang mga audit findings kay Mayor Niña Jose-Quiambao at sa mga department head, sa pangunguna ng Municipal Administrator. Ang pag-audit ay mahalagang parte ng check and balance sa gobyerno upang masiguro na sa tamang paraan ginagamit ng Lokal na Pamahalaan ang pondo ng taumbayan.
2023 Budget, Aprubado na ng SP
Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang budget ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang para sa taong 2023 na nagkakahalaga ng P552,095,632.42 sa Budget Hearing na ginanap noong Nov. 28 sa Kapitolyo. Sa pangunguna ni Mayor Niña Quiambao, at kasama si Vice Mayor Ian Camille Sabangan, mga Municipal Councilors, Local Finance Committee, at Special Assistant to the Office of the Mayor, Dr. Cezar Quiambao, nagtungo sa Lingayen ang Lokal na Pamahalaan upang depensahan ang mga proposed budget ng LGU. Sa nasabing budget, P48,788,481.92 ang inilaan para sa Special Economic Enterprise.
IN FOCUS: Assessor’s Office Day-to-Day Transactions
Atin namang tingnan ang iba’t-ibang transaksyon sa Assessor’s Office sa araw-araw. Kabilang dito ang assessment and issuance of Real Property Tax Order of Payment (RPTOP), declaration of new property for taxation purposes, inquiry on right of way, reclassification, and process of transfer, correction of area of property, updating of land title, at verification of tax mapping and tax declaration.
LEGISLATIVE WORK
Public Hearing ukol sa Tricycle Management Code
Noong November 11, nagsagawa ang Sangguniang Bayan Committee on Rules, Laws and Ordinances at Committee on Transportation and Public Order and Safety ng isang public hearing ukol sa proposed draft ng "Ordinance Enacting the Tricycle Management Code of the Municipality of Bayambang, Pangasinan" sa Balon Bayambang Events Center. Pinangunahan ang hearing nina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan kasama ang mga miyembro ng mga naturang komite na sina Councilor Benjie de Vera, Councilor Martin Terrado II, at Councilor Gerardo Flores.
Bago at Mas Maayos na Public Cemetery, Magiging Posible Na
Matapos ang napakaraming taon, ang problema sa matinding siksikan sa ating public cemetery ay nireresolba na sa wakas at patuloy na tinututukan magmula nang maupo ang administrasyong Quiambao-Sabangan noong 2016. Noong November 11, nagsagawa ang SB Committee on Infrastructure and Public Works at Committee on Health and Sanitation ng isa pang public hearing ukol sa proposed draft ng " Ordinance Providing for the Operation of the Public Cemetery in the Municipality of Bayambang, Pangasinan." Dito ay dininig ang abiso ng mga eksperto at kuru-kuro ng publiko ukol sa pagtatayo ng isang public bonery sa ilalim ng Special Economic Enterprise.
SB Committee Hearing, Isinagawa ukol sa Pagkolekta ng Miscellaneous Fee ng BPC
Isang Committee Hearing ang inorganisa ng Sangguniang Bayan (SB) upang pag-usapan ang panukalang Municipal Ordinance No. 5, series of 2022, ukol sa hiling ng Bayambang Polytechnic College (BPC) na pagkolekta ng miscellaneous fee at iba pang bayarin mula sa mga estudyante. Ang Committee Hearing ay inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho, at pinangunahan ni Committee Chairman on Education, Councilor Mylvin Junio, kasama si Councilor Benjie de Vera, noong November 22 sa SB Session Hall. Naroon din bilang consultant ang mga concerned department heads, kabilang si BPC College President, Dr. Rafael Saygo.
HEALTH
MNAO, Nagbigay ng Refresher Course sa Daycare Workers
Ang Nutrition Section, sa pamumuno ni Municipal Nutrition Action Officer Venus Bueno, ay nagbigay ng refresher course ukol sa Proper Monitoring of Standard Nutritional Status of Day Care Learners para sa mga Child Development Workers ng Bayambang noong November 7 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ang aktibidad ay inorganisa ni MSWDO OIC Josie Niverba.
IEC ukol sa Mobile Blood Donation, Mas Pinaigting
Mas pinaigting ng RHU I ang kanilang pag-iikot sa iba’t-ibang barangay upang mabigyang kaalaman ang mga mamamayan ng Bayambang ukol sa Mobile Blood Donation Drive at ang iba’t-ibang benepisyo ng pagdodonate. Noong November 7, nagtungo ang grupo sa Brgy. Amanperez, Tococ West, at Tococ East, kung saan umabot sa 76 participants ang dumalo. Naging panauhing tagapagsalita si Ms. Margie Mejia Salvador sa naturang aktibidad.
Refresher Training para sa mga School-Based Nutrition Stakeholders
Noong November 15, muling nagsagawa ang Municipal Nutrition Office ng isang Refresher Training on Nutritional Assessment of School Children, para sa second batch of trainees: ang lahat ng nutrition stakeholders sa mga paaralan. Layunin ng nasabing pagsasanay na pagtugmain ang mga pagsisikap ng lahat upang mas masubaybayan ang nutritional status ng mga batang mag-aaral gamit ang wastong measurement techniques.
Mental Health IEC at Counseling, Pinaigting ng RHU
Dahil sa pagtaas ng kaso ng suicide sa Bayambang, lalong pinaigting ng Rural Health Unit 1 ang kanilang information campaign ukol sa mental health. Kasama sa kanilang intervention program ang counseling sessions sa mga kabataang nangangailangan ng tulong, partikular na ang mga nagkaroon ng suicidal ideation. Ang team ay nagtungo sa Bayambang National High School, Beleng NHS, Tococ NHS, at Tanolong NHS para maglecture sa 1,671 na estudyante mula Grade 7 hanggang Grade 10, at 233 dito ang dumaan sa counseling.
Atin namang tingnan ang iba’t-ibang transaksyon sa Assessor’s Office sa araw-araw. Kabilang dito ang assessment and issuance of Real Property Tax Order of Payment (RPTOP), declaration of new property for taxation purposes, inquiry on right of way, reclassification, and process of transfer, correction of area of property, updating of land title, at verification of tax mapping and tax declaration.
Macayocayo Donation Drive, Nakaipon ng 64 Blood Bags
Noong November 17, nagsaagawa ng isa na namang Community Mobile Blood Donation Drive ang ating mga Rural Health Unit katulong ang Region I Medical Center sa Covered Court ng Barangay Macayocayo. Ayon sa report ng Municipal Health Officer, sila ay nakaipon ng 64 blood bags. Ang blood drive ay handog ng RHU sa kaarawan ni Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar Quiambao, at sa wedding anniversary nila ni Mayor Niña Quiambao.
RHU II at III Staff, Umattend ng Basic Life Support Training
Noong November 14 to 18, umattend and mga staff ng RHU II at RHU III sa isa na namang Basic Life Support Training, at ito ay ginanap sa Pavilion I ang St. Vincent Prayer Park at Aguinaldo Room ng Balon Bayambang Events Center. Naging training facilitators ng RHU ang mga taga-Philippine Red Cross-San Carlos City branch.
EDUCATION
LSB Financial Assistance Payout
Noong November 9, dumagsa ang mga student beneficiaries sa Pavilion 1 ng Saint Vincent Ferrer Prayer Park para sa payout ng Educational Financial Assistance na inorganisa ni Local School Board Executive Director Rolando Gloria. Sa tulong ng Treasury Office, may 1,000 local students ang tumanggap ng munting financial assistance na handog ng lokal na pamahalaan para sa kanilang pag-aaral. Ang mga napiling recipients ng educational financial assistance ay masusing dumaan sa validation ng opisina ng Local School Board.
LGU, DepEd, Nagpulong ukol sa Central School
Noong November 11, pinulong ni Mayor Niña at former Mayor CTQ ang Department of Education officials ukol sa Bayambang Central School at mga kailangang ihanda kapag ito ay naibalik na bilang pagmamay-ari ng bayan ng Bayambang. Kabilang sa mga natalakay ang pagrestore sa mga Gabaldon building ng Central School bilang cultural properties. Mas pinaigting ang pakikipagtulungan ng DepEd sa Lokal na Pamahalaan upang masiguro na maibabalik na ang paaralan sa mga mag-aaral na Bayambangueño.
Story-Telling Session, Muling Isinagawa
Noong November 29, nagsagawa ang Municipal Library ng isa na namang Story-Telling Session. Ang Library team ay nagtungo sa Bongato East Child Development Center sa ilalim ni Teacher Precy Bautista. Ang aktibidad na ito ay parte ng pagdiriwang ng 32nd Library Information Services Month.
LGU Publications Donated to Dagupan City Library
Noong November 21, nagdonate si LGU-Bayambang's Museum Consultant Gloria de Vera-Valenzuela ng mga publication mula sa LGU para sa Dagupan City Public Library. Ang mga ito ay malugod na tinanggap ni G. Cornel ng Dagupan City Library.
LIVELIHOOD & EMPLOYMENT
Basic Bookkeeping and Accounting for Non-Accountants
Noong October 28, nagbigay ang DTI Pangasinan ng isang Seminar on Basic Bookkeeping and Accounting for Non-Accountants sa dating Negosyo Center ng Munisipyo. Ito ay para sa mga nagregister na Micro-, Small, and Medium Enterprises. Dito ay naging speaker si Councilor Jose Boy Ramos at mga Finance Department employees ng LGU.
DTI, Namigay ng Livelihood Kits sa Calamity Survivors
Noong October 18, ang DTI Pangasinan ay nagconduct ng Entrepreneurship Seminar at Awarding of Livelihood Kits sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park sa ilalim ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) program ng ahensya. May kabuuang 44 sari-sari store, 1 canteen, 4 bigasan, 1 salon, at 1 food processing livelihood kits ang inaward sa mga benepisyaryo. Ang Livelihood Seeding and Entrepreneurship Development Program na ito ng DTI ay para sa mga MSME na apektado ng sunog at iba pang kalamidad.
DOLE TUPAD Profiling
Ginanap ang isa na namang profiling ng DOLE Region I para sa benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Pangkabuhayan para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ng ahensya, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Employment Services Office at opisina ni Congresswoman Rachel Arenas. Ito ay ginanap noong November 8, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. May 1,114 members ng iba't-ibang tricycle operators and drivers associations (TODA) ng Bayambang ang nakatakdang maging recipient ng TUPAD cash grant kapag nakapasa sa evaluation ng DOLE.
Paggawa ng Level-Up na Basahan Gamit ang Inabel, Itinuro ng DTI
Isang skills upgrading training sa paggawa ng basahan gamit ang inabel o tradisyunal na panghahabi ng mga Ilokano ang isinagawa ng Department of Trade and Industry-Pangasinan at Negosyo Center Bayambang sa pangunguna ni DTI Provincial Director Natalia Dalaten. Ang training ay isinagawa sa Brgy. Sanlibo noong November 10 to 12, at naging benepisyaryo ang Sanlibo People’s Association Inc. Ang mga trainees ay binisita naman ni Councilor Jose ‘Boy’ Ramos.
OTHER SOCIAL SERVICES
Cash Cards para sa 2nd Batch ng Indigent SCs
Noong November 12, nagpamahagi ang DSWD at MSWDO sa ikalawang pagkakataon ng mga cash card na naglalaman ng social pension para sa mga indigent senior citizens. Ito ay muling ginanap sa Events Center sa tulong ng LandBank. May 1,424 out of 1,672 total cash cards ang kanilang nairelease, kaya't sa kabuuan, ang total released cash cards para sa unconditional cash transfer ng social pension for indigent senior citizens sa Bayambang ay nasa 3,041 out of 3,289 beneficiaries. Tumulong sa aktibidad ang GSO, BPSO, PNP, RHU medics, at ICTO.
Mga Kabataan, Nagpamalas ng Talento at Talino
Noong November 18, nagpagalingan sa pagkamalikhain at iba't-ibang angking talento ang mga 16 child development learners at walong Grade 5 at 6 students sa ginanap na National Children's Month Celebration 2022 sa Covered Court ng Bayambang Central School. Dito ay nagkaroon ng tatlong patimpalak -- ang Draw and Tell, Bayambang Got Talent, at Poster-Making. Ito ay inorganisa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa temang, "Kalusugan, Kaisipan, at Kapalaran ng Bawat Bata Ating Tutukan."
P3M Cash Grant, Handog ni Sen. Imee Marcos
Noong November 18, bumisita si Senator Imee Marcos sa Bayambang hatid ang ayudang nagkakahalaga ng P3M para sa 1,000 beneficiaries, sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD. Siya ay sinalubong sa Events Center nina Mayor Niña Quiambao at Dr. Cezar Quiambao, kasama sina Vice-Mayor IC Sabangan at lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan. Ang cash grant ay ipinamahagi ng DSWD at MSWDO sa mga residente na PWD, senior citizen, at solo parent. Dumalo rin sa okasyong ito sina Cong. Rachel Baby Arenas, Gov. Ramon Guico III, Vice-Governor Mark Lambino, Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, at iba pang opisyal.
Lions Club, Nagsagawa ng Feeding Activity sa Amancosiling Norte
Nagkaroon ng feeding activity para sa mga kabataan ang Bayambang Bayanihan Lions Club International at Bayambang Maaro Leo Club sa pamumuno ni Club President, Engr. Eulito Junio. Ito ay ginanap sa Amancosiling Norte Multi-Purpose Hall noong November 20. Namigay din ang Club ng mga libreng vitamins para sa mga bata at sanggol. Dumalo sa nasabing programa ang mga barangay at SK officials sa pangunguna ni Barangay Captain Almario Ventura Sr.
Mga ECCD Checklist, Ipinamahagi ng Libre ng MSWDO
Noong November 7, sinimulan nang ipamahagi ng MSWDO ang Early Childhood Care Development (ECCD) Checklist para sa 3,200 learners na naka-enroll sa Child Development Centers sa Bayambang. Ang naturang Checklist ay ginagamit bilang isang assessment at monitoring tool ng MSWDO para sa bawat Child Development Learner. Ang ECCD Checklist ay binabayaran ng mga magulang sa ibang LGU, pero ito ay naging libre simula nang maluklok ang administrasyong Quiambao-Sabangan.
PAG-IBIG Fund, Nagbigay ng Pre-Membership Orientation
Ang PAG-IBIG Fund, sa pakikipag-ugnayan sa HRMO, ay nagbigay ng isang Pre-Membership Orientation para sa lahat ng Job Order at Casual employees ng LGU tungkol sa mga dapat malaman kung paano maging miyembro ng PAG-IBIG Fund at ang mga benepisyo nito. Ito ay ginanap noong November 21 sa Balon Bayambang Events Center.
3 Bayambangueño, Benepisyaryo ng Ride for a Cause
Noong November 20, nagsagawa ang Xtreme Riders Club at Paragon Squadron ng isang Ride for a Cause activity. Ito ay dinaluhan ng mahigit 200 riders mula sa iba't-ibang bayan ng Pangasinan at maging mga riders mula sa Bulacan at Tarlac. Sa opening program na ginanap sa Events Center, dumalo si Vice-Mayor Ian Camille Sabangan bilang suporta. Ang nalikom na pondo ng Ride for a Cause ay mapupunta sa tatlong pasyente na taga-Bayambang.
Mayor NJQ, Nagdeliver ng Kanyang State of the Children’s Address
Noong November 24, idineliver ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang kanyang kauna-unahang State of the Children’s Address, at ito ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center. Dito ay idinetalye ni Mayor Niña ang mga nagawa ng LGU para sa kapakanan ng mga kabataan sa apat na aspeto: ang Survival, Development, Participation, at Protection. Sa naturang event din iginawad ang lahat ng award para sa mga nagwagi sa ibat-ibang patimpalak na nauna nang ginanap noong November 18 kaugnay sa pagdiriwang ng National Children’s Month 2022.
Pamaskong Handog para sa Bayambangueño, Nagsimula Na
Nagsimula na ang pamimigay ng Pamaskong Handog para sa lahat ng Bayambangueño sa 77 barangays dito sa ating bayan. Ito ay mula sa sariling bulsa ni Mayor Niña Jose-Quiambao at ng kaniyang asawa na si Dr. Cezar T. Quiambao sa pamamagitan ng Kasama Kita sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation, kaya walang ginastos ang Lokal na Pamahalaan. Taun-taon ay ginagawa ito dahil nais ni Mayor Niña na magkaroon ng handa at maging masaya ang bawat pamilyang Bayambangueño sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan. Sa ngayon ay may higit sa 20,000 pamilya na ang nakatanggap ng Pamaskong Handog.
BNHS Batch '90, Muling Naghandog ng Feeding at Gift-Giving Activity
Muling nagsagawa ang Bayambang National High School Batch 1990 ng isang feeding at gift-giving activity, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Nutrition Office. Ang panibagong bugso na ito ay bunsod ng pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang ka-batch na si Cristy Casingal-Dy, na nakabase sa Amerika. Ito ay ginanap noong November 26 sa Brgy. Amancosiling Norte at Brgy. Amancosiling Sur, ang pang-16 at pang-17 na barangay na kanilang nabisita. Ang LGU-Bayambang ay taos-pusong nagpapasalamat sa panibagong tulong na ito ng BNHS Class of 1990, lalo na kina Gng. Cristy Casingal-Dy at kanyang mga kapatid.
Kabataang Bayambangueño, Nakilahok sa National Volunteer Month Kickoff
Nakilahok ang 29 na kabataang Bayambangueño sa kick-off ceremony ng pagdiriwang ng probinsya ng Pangasinan ng National Volunteer Month 2022, na ginanap noong December 1, sa Capitol grounds, sa pangunguna ni Governor Ramon Guico III. Ang mga kabataan ay tinipon ni Local Youth Development Officer Johnson Abalos upang makilahok sa Color Run at Zumba at makinig sa mga usapin ukol sa bolunterismo bilang isang mahalagang paraan upang makamit ng ating bayan ang development goals nito.
DSWD FOI, Nag-umpisa na sa CDC at CDW Accreditation
Nag-umpisa na ngayong araw, December 1, ang Standard Unit ng DSWD Field Office I ng accreditation activity nito para sa of 46 Child Development Centers at Child Development Workers ng Bayambang. Ang ga accreditors ay nag-courtesy call sa tanggapan ni MSWD Officer Kimberly Basco.
Children's General Assembly, Ginanap
Noong November 29, nag-organisa ang MSWDO ng isang Children's General Assembly para sa Bayambang Children's Association, kung saan nagkaroon ng panibagong set of officers. Ito ay ginanap sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Kasabay nito ay ang Drug Awareness Lecture sa tulong ni Dr. Roland Agbuya at Anti-Bullying Campaign sa tulong ni Public Attorney's Office Chief, Gle-cee Macaranas-Basco.
TOURISM
Brightest Barangay Contest at Giant Parol-Making Contest, Inanunsyo ni Mayor NJQ
Sa monthly meeting ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa mga kapitan ng 77 barangays, na ginanap sa Mayor’s Conference Room noong November 7, inanunsyo niya na magkakaroon ng dalawang patimpalak para sa panahon ng Kapaskuhan: ang Brightest Barangay Contest at Giant Parol-Making Contest. Aniya, ang magwawaging barangay sa Brightest Barangay contest ay makatatanggap ng P75,000, at ang grand winner sa Giant Parol-Making Contest naman ay may cash prize na P35,000. Nabanggit din ni Mayor Niña na magsisimula nang muli ang Pamaskong Handog para sa bawat Bayambangueño sa lahat ng barangay sa bayan.
SingKapital 2022, Ipinagdiwang
Ang pagdiriwang ng SingKapital 2022 ay muling idinaos ng Tourism Office bilang isang outdoor event sa harap ng rebulto ni Heneral Emilio Aguinaldo noong November 14, kaparis ng oras ng pagdating ni Hen. Aguinaldo at kanyang mga cabinet members noong takipsilim ng November 12, 1899. Pinangunahan ni Mayor Niña Jose Quiambao ang wreath-laying ceremony, kasama sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at mga Municipal Councilors, at PNP-Bayambang. Nagbigay ng mga makabuluhang mensahe sina Bayambang Municipal Council for Culture and Arts Chairperson, Prof. Januario Cuchapin at Dr. Clarita Jimenez.
Travel and Tour Operators at Tourism Stakeholders Mula NCR, Bumisita
Malugod na sinalubong ng Municipal Tourism, Information and Cultural Affairs Office at St. Vincent Ferrer Prayer Park management ang 21 travel and tour operators at tourism stakeholders mula sa Metro Manila noong November 21. Kasama ng mga bisita ang Department of Tourism Region I at Pangasinan Provincial Tourism and Cultural Affairs Office. Ang mga bisita ay ipinasyal sa Saint Vincent Prayer Park sa Brgy. Bani at Silver Concha Wave Pool Resort sa Brgy. Malimpec. Ang mga bisita ay namangha sa Prayer Park at nag-enjoy tumikim ng mga pagkaing tatak Bayambang gaya ng OKrantz vegetable chip products.
PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY
Barangay Officials, 100% Negative sa Surprise Drug Test
Walang lumabas na nagpositive sa isang surprise drug test para sa lahat ng barangay officials ng Bayambang, sa isang aktibidad noong November 15 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ang aktibidad ay inorganisa ng Pangasinan Provincial Office ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bayambang Municipal Anti-Drug Abuse Council sa ilalim ni Mayor Niña Quiambao. Ang aktibidad ay parte rin ng taunang validation ng lahat ng barangay bilang basehan ng pagdedeklara ng Drug-Cleared status para sa isang bayan. Kabilang sa MADAC ang MLGOO, Municipal Health Officer, PNP, at Peace and Order Council Chairman.
Teacher, Nagpasalamat sa Pagkakabalik ng Nahulog na Wallet
Noong November 7, isang teacher ang nagpapasalamat sa pagkakabalik ng kanyang wallet na nahulog niya sa isang gasoline station noong November 6. Pinasasalamatan ni Gng. Ade Marie Rufino ng Wawa Elementary School ang LGU employee na si Ralph Perez ng Municipal Cooperative Development Office at ang mga kasamahan nito sa Reaction 166 at Bayambang Matikas Eagles Club, matapos magtulung-tulong ang dalawang grupo upang hanapin at macontact ang driver ng tricycle na nakita sa CCTV footage na siyang nakapulot sa naturang wallet. Ayon kay G. Perez, ang wallet na naglalaman ng pera, ID, at alahas ay naibalik sa guro sa loob lamang ng isang oras na paghahanap. Nagreport ang guro sa himpilan ng pulisya para sa documentation ng turnover ng kanyang wallet.
Mga Kumpiskadong Muffler, Pipitpit ng Pison
Sama-samang pinitpit ng pison ang mahigit 300 na kumpiskadong illegal mufflers ng PNP mula sa mga may-ari ng motorsiklo na lumalabag sa Muffler Act of 2016 at Municipal Ordinance No. 5, series of 2016. Sa isang ceremonial smashing na ginanap sa harap ng Munisipyo, binigyang-diin ni Mayor Niña Quiambao na seryoso ang administrasyon sa pagpuksa ng mga illegal muffler na nagdudulot ng nakakaperwisyong ingay sa mga residente. Naroon bilang pagsuporta si Sangguniang Bayan Committee Chairman on Transportation, Councilor Martin Terrado II, and author ng ordinance na si Councilor Amory Junio, at PNP-Bayambang OIC Chief Rommel Bagsic
Community-Based Drug Rehabilitation Program, Muling Idinaos
Isa na namang Community-Based Drug Rehabilitation Program ang idinaos ng Bayambang Municipal Anti-Drug Abuse Council noong November 22 sa Balon Bayambang Events Center bilang parte ng monitoring process sa mga nagbabagong-buhay na drug personalities o reformists. Nanguna si Mayor Niña J. Quiambao sa mga nagbigay ng inspirasyunal na mensahe upang patuloy ang mga drug reformists na tahakin ang tamang landas. Kasama rin sa mga nagbigay ng payo at lecture ang Municipal Health Officer at PNP, Baptist Church, at mga panauhing psychologists at counselors na inimbitahan ni Mayor Quiambao.
AGRICULTURAL MODERNIZATION
PhilRice Palay Distribution
Noong November 3, nagpamahagi ang Municipal Agriculture Office ng 664 bags ng tig-20 kg ng inbred NSIC Rc160 palay seeds mula DA-PhilRice matapos ang inspection at approval for release ng PhilRice Batac. Ipinamahagi ang mga naturang palay sa mga RiceBIS farmer-members ng Brgy. Tampog at Pantol. Kasama sa mga ipinamahaging palay ang Bio-N starter kit at booster fertilizer.
Bagong Batch ng Palay mula DA, Ipinamahagi
Hinakot ng mga rice farmers ng District 4, kasama ang kanilang assigned technician at Rice Focal Person mula sa Municipal Agriculture Office, ang paunang 60 bags ng 20 kg na palay para sa 30 ektaryang sakahan para sa dry season ng 2022-2023. Ang batch ng palay na ito ay nagmula sa DA-RFO1, Sta. Barbara, Pangasinan, sa ilalim ng National Rice Program ng DA na isang regular annual program.
Partnership Signing sa Jollibee Group Foundation para sa Farmer Entrepreneurship Program
Noong Nov. 4, pinangunahan ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan ang partnership signing sa Jollibee Group Foundation, kung saan mismong ang Jollibee ang bibili sa mga produkto ng ating mga local farmers tulad ng sibuyas na pangunahing sangkap sa mga produkto ng isa sa mga pinakamalaking fast food chain sa buong mundo. Ang direct selling arrangement ay malaking tulong sa ating mga magsasaka. Naroon din sina JGF Executive Director Ma. Gisela Tiongson, Mayor Florida Esteban ng Cuyapo, Nueva Ecija, Mayor Donya Tesoro ng San Clemente, Tarlac, at mga representatives ng iba't ibang Municipal Agriculture Office ng tatlong LGU mula sa bayan ng Bayambang, Alcala at San Manuel, Pangasinan kabilang si OIC Municipal Agriculturist Zyra Orpiano.
Moisture Meter para sa Palay, Ipinagkaloob sa RBAC
Noong November 10, ipinagkaloob ng PhilRice ang isang moisture meter sa RiceBIS Bayambang Agricultural Cooperative sa Brgy. Tampog. Ayon kay PhilRice Senior Rice Research Specialist Joel Pascual, ang moisture meter ay isang equipment na magpapabilis ng pag-inspect ng palay sa halip na mano-mano na inspeksyon. Ang equipment na ito na nagkakahalaga ng P27,500 ay malaking tulong sa milled rice business ng RBAC.
Blood Sample Collection sa mga Alagang Biik, Muling Isinagawa
Muling nagkaroon ng pangongolekta ng blood sample ng mga alagang biik mula sa 2nd batch ng African swine fever (ASF) Sentinel program ang Municipal Agriculture Office, sa pangunguna ni Municipal Veterinarian, Dr. Joselito Rosario, kasama ang mga Provincial Veterinarians. Ito ay ginanap sa Brgy. Reynado, Pangdel at Hermoza noong November 7. Layunin nito na mailipat na sa Light Green o Protected Zone ang Bayambang mula sa Yellow status. Ito ay nangangahulugan na may zero ASF case na ang bayan at maituturing nang low-risk, subalit may posibilidad pa rin na mahawa sa mga kalapit na lugar na may yellow status.
Slaughterhouse, Nag-Dry Run
· Matapos sumailalim sa rehabilitasyon ang mga kagamitan at pasilidad ng Municipal Slaughterhouse, nagkaroon ito ng dry run operation noong November 3. Patuloy pa rin sa pagsabak sa mga training ng mga butcher at iba pang tauhan dito upang madagdagan ang kanilang kapasidad at ma-upgrade ang kanilang working skills. Katuwang ng mga slaughterhouse personnel ang Engineering Office, contractors, at Office of the Special Economic Enterprise personnel sa pagpapaganda at pagsasaayos ng naturang pasilidad.
· Kaugnay nito, regular din ang pag-inspeksyon ng kanilang grupo sa meat section ng Pamilihang Bayan upang matiyak ang kaligtasan ng mga consumer.
Update on Municipal Hatchery
Atin namang tingnan ang update ng Agriculture Office ukol sa Municipal Hatchery as of Nov. 21 sa Brgy. Langiran.
MAO, Umasiste sa Crop Insurance Applications
Noong November 25, nagproseso ang Municipal Agriculture Office ng mga aplikasyon ng mga magsasaka ng palay, mais, at sibuyas sa District IV para sa crop insurance mula sa Philippine Crop Insurance Corp. sa may Dusoc Covered Court, Brgy. Dusoc.
INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
UPDATE: JKQ Hospital
Temporary Bailey Bridge sa Wawa, Binuksan Na ng DPWH
Nagbukas na sa mga light vehicles ang temporary bailey bridge na ginawa ng DPWH katulong ang LGU-Bayambang noong November 8 sa Brgy. Wawa. Ayon sa DPWH District Engineer, limang tonelada lamang ang kapasidad ng 37-meter bailey bridge, at one-way lamang ito. Kaya't magbabantay ang PNP, BPSO, at CVO sa magkabilang dulo nito. Ang maaaring dumaan lamang ay mga pedestrian, bike, motorsiklo, maliit na kotse, unloaded jeepney, at unloaded van.
DPWH, Siniguradong Ligtas ang Romulo Bridge
Para masigurado ang kaligtasan ng lahat ng dumadaan sa temporary bailey bridge at Carlo P. Romulo Bridge sa Brgy. Wawa, nakipag-ugnayan si Mayor Niña Jose-Quiambao sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para inspeksyunin ang istraktura. Naging representante ng alkalde si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Vidad, na siyang nagtungo sa Wawa Bridge at nakipagpulong sa mga engineer ng DPWH Pangasinan, kasama ang BPSO Chief at PNP OIC Chief. Matapos ang inspeksyon, siniguro ng DPWH team ang kaligtasan ng konstruksyon, habang ipinapaalala ang mga alintuntuning dapat sundin sa pagtawid doon.
ONGOING: Core Local Access Road at:
A - Brgy. San Gabriel 1st
B - Manambong Parte
C - Beleng
D - Batangcaoa
E - Reynado
ONGOING: Concreting of:
F - Municipal Warehouse Parking Area
G - Motorpool Parking Area
H - Driveway at Brgy. Telbang
COMPLETED: Multi-purpose Hall at:
I - Brgy. Sancagulis
J - Sanlibo
K - Bani
Palafox Associates, Nagbalik para sa Turnover ng Updated CLUP
Noong November 23, nagbalik si Architect Felino Jun’ Palafox Jr. at Palafox Associates para personal na iturn-over ang aprubadong Comprehensive Land Use Plan at Zoning Ordinance 2018-2027 ng Bayambang. Ang dokumento ay malugod na tinanggap ni former Mayor Cezar Quiambao, Mayor Niña Quiambao, Vice-Mayor IC Sabangan, at mga Municipal Councilors. Sa updated CLUP, mayron nang matibay na basehan ang bayan ng Bayambang para sa infrastructure development projects nito sa loob ng maraming taon.
ENVIRONMENTAL PROTECTION
MDRRMO, Patuloy sa Monitoring ng Agno River Rehabilitation Bamboo Project
Tuluy-tuloy ang MDRRMO sa pagmomonitor ng Agno River Rehabilitation Bamboo Project ng LGU at CSFirst Green katuwang ang mga barangay officials. Sila ay nagtungo noong Nobyembre 22 at 23, 2022 sa Barangay Pangdel at Barangay Carungay upang magmonitor ng mga naitanim ng kawayan doon. Sa proyektong ito, nakatakang magkaroon ng bamboo plantation sa 36 barangay na nadadaanan ng Agno River bilang proteksyon laban sa pagbaha at pagguho ng lupa.
Brgy. Ambayat 1st, Cleanest Barangay Ulit!
Sa unang linggo ng Nobyembre, inanunsyo ni MENRO Joseph Anthony Quinto na muling nasungkit ng Brgy. Ambayat 1st ang pinakamalinis na barangay para sa buwan ng Oktubre sa ilalim ng proyektong "Bali Balin Bayambang" ni Mayor Niña Quiambao. Ang awarding ay ginanap noong November 7. Ang papremyong P15,000 cash prize ay mula sa sariling bulsa ng alkade at mula sa kanyang ama na si G. Philip Jose.
DISASTER RESILIENCY
Libreng Sakay, Patuloy
Patuloy ang LGU-Bayambang sa pagbibigay ng libreng sakay sa pamamagitan ng water at land transportation, sa pamumuno ng MDRRMO (water) at BPSO (land). Katulong ng MDRRMO sa water transport ang Pangasinan PDRRMO, at sila ay may is hanggang dalawang minutong biyahe mula 5 AM hanggang 6 PM sa magkabilang dulo. Para sa land transport, may walong 2-hour trips mula Munisipyo hanggang San Vicente Barangay Hall at pabalik. Mula October 20 hanggang November 2, nakapagtala ang BPSO ng 3,693 na pasahero. Gamit sa libreng serbisyo ito ang mga sasakyan at driver ng munisipyo, ang bus ng St. Vincent Ferrer Prayer Park at ang truck ng Agricultural Infrastructure & Leasing Corp. (AILC).
UPDATE: Bailey Bridge Construction at Brgy. Wawa
Kasalukyang itinatayo ng DPWH ang isang bailey bridge sa Brgy. Wawa na siyang magsisilbing temporaryong tawiran ng mga pedestrian at light vehicles mula Brgy. Wawa patungong Brgy. San Vicente. Katulong ng DPWH sa konstruksyon ang Engineering at Motorpool.
Mga Kawani ng LGU, Lumahok sa 4Q NSED
Sa huling pagkakataon ngayong taon, muling nakilahok ang mga kawani ng LGU sa National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong November 10, kasama ang lahat ng public at private elementary at high school, lahat ng opisyales ng 77 na barangay, at lahat ng daycare centers. Ang quarterly earthquake drill ay inorganisa ng MDRRMO base sa Implementing Rules and Regulations ng R.A. 10121, kung saan nakasaad ang pagsulong sa public awareness para maiwasan ang pag-panic ng publiko at maging alerto sa oras ng hindi inaasahang pagyanig.
LGU Heads at Staff, Nagtapos ng ICS-3 Course
Isa na namang pagsasanay ang inorganisa ng LGU sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction Office (MDRRMO) sa layunin nitong pag-ibayuhin ang disaster response at coordination ng iba't-ibang departamento at ahensya at iba pang stakeholders sa oras ng kalamidad at mga planadong aktibidad. Ang Incident Command System Position Course Training o ICS-3 ay isang limang araw na training mula November 20 hanggang December 2, at ito ay ginanap sa tulong ng Office of Civil Defense-Region I sa Lennox Hotel, Dagupan City. May 35 LGU department heads at key staff ang matagumpa na nagtapos, at nangakong magbibigay ng tamang serbisyo kapag kailanganin sa panahon ng kalamidad.
AWARDS & RECOGNITION
RHU’s Dental Health Campaign, Commended by PDA
Our Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo, reports that LGU-Bayambang was commended by Dr. Biñas, Philippine Dental Association President - Pangasinan Chapter for our Dental Health campaign last August 2020 in the middle of the Covid-19 pandemic, thanks to the hard work of Dr. Dave Francis Junio, Dr. John Paul Santos, Dr. Alma Bandong, and their team.
Bayambang, Rated "Beyond Compliant" for Gawad Kalasag!
Bayambang was rated by the National Disaster Risk Reduction and Management Council as "Beyond Compliant" in the 22nd Gawad KALASAG Seal for Excellence in DRRM and Humanitarian Assistance for Local DRRM Councils and Offices. According to a report of NDRRMC on November 8, there are 135 "Beyond Compliant" and 436 "Fully Compliant" LGU awardees. Bayambang is one of the only 5 out of 48 municipalities and cities of Pangasinan that made it to this most prestigious recognition.
Congratulations to Bayambang's MDRRM Council headed by Mayor Niña Jose-Quiambao, and Bayambang MDRRMO headed by LDRRMO Genevieve U. Benebe.
Congratulations Bayambang MADAC!
Congratulations sa Bayambang Municipal Anti-Drug Abuse Council dahil ang Bayambang ay isa sa 27 na bayan sa Pangasinan na napabilang sa mga may High Functionality score sa ginanap na Anti-Drug Abuse Council Performance Audit sa taong 2021 para sa Region I. Maraming salamat sa lahat ng miyembro ng MADAC sa pamumuno ni Mayor Niña J. Quiambao, sa pangunguna ng PNP-Bayambang, ang ating mga RHU, BPSO, MSWDO, DILG, at CSOs, at sa suporta ng Kasama Kita sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation.
Congratulations, Col. Bagsic and PNP Bayambang!
Congratulations once again to the men and women of Bayambang Police Station led by Chief of Police, PLTCOL ROMMEL P BAGSIC. Last week, they received another commendation from the Pangasinan Provincial Police Office for the successful arrest of a WANTED PERSON for violation of the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 in Brgy. Cadre Site.
No comments:
Post a Comment