Saturday, December 3, 2022

Editorial - November 2022 - Ang Halaga ng CLUP

 Ang Halaga ng CLUP

Magmula taong 2016, binabalangkas na ang Comprehensive Land Use Plan and Zoning Ordinance ng Bayambang sa pamumuno ni dating Mayor Cezar T. Quiambao at dating Vice-Mayor Raul R. Sabangan. Maging ang dating Unang Ginang na ngayon ay si Mayor Niña Jose-Quiambao ay naging parte rin nito at nakita mismo ang pagtutulung-tulong ng lahat ng departmento at iba’t-ibang sektor, lalo na ng Municipal Planning and Development Office sa ilalim ni Ms. Ma-lene Torio at ng Sangguniang Bayan, national, regional, at provincial agencies, at mga representante mula sa pribadong sektor, at siyempre sa tulong at patnubay ni Architect Felino Palafox Jr. at Palafox Associates.

Sa wakas ay umabot din tayo sa puntong ito kung saan aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ang ating CUP-ZO 2018-2027, salamat sa sipag, tiyaga, at pagkakaisa ng bawat isa upang pandayin ang isa sa pinaka-mahalagang plano para sa bayan.

Why is a Comprehensive Land Use Plan important? Land use planning aims to “find balance among competing and sometimes contradictory uses.” With the Comprehensive Land Use Plan, the local government unit: “1. realizes the local government vision for its land resources; 2. allocates available land resources for different sectors of the population, and 3. communicates the plans of the local government unit.”

Napaka-halagang proyekto ito dahil sa tulong ng ating CLUP ay mama-maximize natin ang potensyal ng Bayambang. This document will serve as our guide as we continue in our vision to have sustainable development and socio-economic progress, all for the benefit of our beloved Bayambangueños. Kaya sana ay magtulung-tulong pa rin tayo sa pagsasakatuparan ng mga nakapaloob sa CLUP para sa ikauunlad ng ating Pinablin Balon Bayambang.

Sabi nila, “Failing to plan is planning to fail,” kaya naman marami tayong plano rito sa Bayambang. Bukod sa CLUP, mayroon tayong Ecological Solid Waste Management Plan, Nutrition Action Plan, Bayambang Poverty Reduction Plan, at marami pang ibang plan. These plans are not merely documents, but proof of the vision that the LGU under the Quiambao-Sabangan administration has: ang gawing maayos, maunlad, mapayapa, masigla, at maliwanag ang bayan.

Kailangan natin ang mga planong ito upang masiguro na iisang direksyon ang ating tinatahak tungo sa progreso. Masusing pag-aaral ang isinasagawa natin sa bawat proyekto para hindi masayang ang pondo at resources ng ating munisipyo. Tinitignan nating mabuti kung talagang makakatulong ba ang mga programa sa ating mga kababayan bago ito iimplementa, dahil para saan ba ang paghihirap natin kung hindi naman ito mapakikinabangan ng mga Bayambangueño?

Our CLUP and Zoning Ordinance is here because we want to be united in our vision for progress. Hindi puwedeng implement lang ng implement – dapat may planong katulad nito.

Kaya’t ang lahat ay tinatawagan na magkaisa at gawin ang nararapat para maisakatuparan natin ang mga nakapaloob dito. Patunayan natin na hindi tayo puro plano, na dito sa LGU-Bayambang, ang plano ay may kasamang aksyon dahil tayo ay may word of honor. Ito ang tunay na serbisyo publiko, tunay na Total Quality Service, at tunay na mapag-arugang pamahalaan.

Muli, maraming salamat Architect Palafox and Associates, at sa lahat ng nag-trabaho upang matapos ang CLUP and Zoning Ordinance ng Bayambang.

 

(Hango sa talumpati ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa CLUP-ZO turnover ceremony)

No comments:

Post a Comment