Saturday, December 31, 2022

Editorial (December) - Pinagtibay ng Pagsubok

EDITORIAL for December


Pinagtibay ng Pagsubok


Ang daming nangyari sa loob ng taong 2022. Sa wakas ay humupa na ang kaso ng covid-19, datapwat nariyan pa rin ito at patuloy na naghahasik ng karamdaman sa ilan at hatid nitong pangamba. Ngunit dahil ang mga dating mahihigpit na protocol ay suspendido na, patuloy tayo ngayong pilit na ibinabalik sa dati ang lahat. Ang mga may pera ay tila humataw pa sa mga road trip at foreign travel na dati ay pinangarap lang nila dahil biglang naging imposible noong kasagsagan ng pandemya.


Pumutok ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, at ang mundo ay naipit sa inflation na dulot nito. Sa pagtaas ng presyo ng gasolina at sa domino effect nito, lalong humirap ang buhay ng mga dati nang naghihikahos. Ang mga basic commodities na di kailanman natin naisip na tumaas tulad ng asukal at mantika ay biglang nagtaas-presyo. Ang bill naman sa kuryente ay lubhang naging kahindik-hindik ang pag-akyat, kaya't kanya-kanyang diskarte sa pagtitipid ang kinailangang gawin.


Nadagdagan pa ito ng unos na dala ng masamang panahon, na siyang lalong nagsadlak sa utang sa marami nating kababayang nagsasaka, lalo na ng mga gumastos ng daan-daang libong piso upang sumugal sa sibuyas.


Nagkaroon tayo ng bagong liderato, mula sa presidente hanggang sa alkalde, at di rin inaasahan na sa bayan ng Bayambang, dalawang kababaihan na ni wala sa kanilang hinagap ang maging lider ng bayan balang araw ang biglaan ding iniluklok ng ating mamamayan. Bagamat hindi kanais-nais ang kanilang sinalubong na pagsubok sa pag-upo, buong tapang nilang hinarap ang mga ito, bitbit ang kanilang mandato at tiwala sa sarili at sa Diyos. 


Malaking tulong siyempre ang kanilang buong paniniwala sa programang Rebolusyon Laban sa Kahirapan ng naunang administrasyong Quiambao-Sabangan, kaya't nangakong ipagpapatuloy ang mga nakahanay na gagawin at mas lalo pang paiigtingin sa likod ng pagsidhi ng kahirapan dala ng mga 'di inaasahan. 


Kaakibat ng pangakong iyon ang handog na tatak ng mga kababaihan: ang mapag-arugang pamamahala ng isang ina ng tahanan, ang magsilbing ilaw sa gitna ng kadiliman, at ang mapusong pagtingin sa mga sitwasyon at bagay-bagay. Sa kabila ng mga alinlangan at maging mga personal na dagok sa buhay, kanilang naitawid ang uri ng pamamahalang iyon sa pakikiisa na rin ng lahat kahit na magkaiba ang bagong liderato ng istilo sa nakasanayang pakikitungo.


Isang malaking bagay sa liderato -- at sa ating lahat na rin -- ang matagumpay na mairaos ang ganitong uri ng mapaghamong taon sa kabila ng kanya-kanyang pinagdaraanan sa buhay. Ito ay nagbibigay ng pag-asa sa kabila ng kawalang-katiyakan minsan ng hinaharap. Bukod sa ating likas na pananalig sa Poong Maykapal, ito rin ay nagbibigay ng lakas sa ating lahat na kaharapin ang bagong taon ng buong tapang.


Lahat ng simula tulad ng taong 2022 ay may hangganan, at lahat ng hangganan ay tiyak na nauuwi sa bagong simula, tulad ng parating na taong 2023. Kaya't sa bagong taong ito, magpasalamat tayo sa mga pagsubok na ating sinuong dahil sa mga aral na hatid nito, dahil sa pagpapatibay nito sa ating pananampalataya. 


Dalangin namin na, hangga't marubdob ang ating pagnanasang makaahon sa hirap at hangga't may pagkakaisa sa kung paano ito masosolusyunan, walang balakid na hindi natin kayang maalpasan gamit ang mga aral na ating natutunan sa loob ng isang mapaghamong taon.


Isang Manigong Bagong Taon sa lahat!

Friday, December 30, 2022

Pananisia tan Gawa no Balon Taon (Local New Year's Beliefs)

Pananisia tan Gawa no Balon Taon (Local New Year's Beliefs)

On New Year's Eve, prepare 12 round fruits to attract good luck the whole year through.

Wear red or polka dots for the same reason.

Mansibuwag kay sinsilyo ed abong piyan suwerte. (Throw coins around the house for the same reason.)

Hang a bunch of 12 pieces of grapes by the door, etc. for yearlong prosperity.

Manhanda ka ray arom ni ran tibukel: sakey bigaon tikoy, latik, etc.

Dapat walay ansakket piyan malet so aroay pamilya.

Kasabi'y alas dose ed pegley labi na Balon Taon, onlukso kay atagtaragey piyan: no ugaw ni, untagey tan aga napandak; no matakken la, piyan maksil so laman to ya sakey taon.

Aga nayariy mangan na manok no Balon Taon ta say aliling na manok "isang kahig, isang tuka" (ed Tagalog). / Agka manhahanday manok ed Balon Taon ta piyan agka mankakaykay ed irap na bilay diad untumbok ya sakey taon.

Kailangan say belasan nakno, piyan aga naerasan ya sakey taon.

Kailangan say utang mo, nabayaran mon amin bago man-Balon Taon, ta piyan agka nalener ed utang ed untumbok ya taon.

Iwasan moy mangaway anto ka man ya trabaho ya ampano sakey taon mo met ya gawaen.

Mangawa kay ingal piyan unarawi ray mauuges ya ispiritu.
Tangtang mo ray batya tan palanggana. Patugtog moy radyo, iswitch moy TV ya makmaksil. Manpapaputok ka. Paandar moy motor, tricycle, kotse ya mapalakapak.

Bukasan mo ray amin ya puwerta tan bintana piyan unloob so suwerte.

Isilew mon amin ya silew. I-on mo met ray amin sa appliances piyano suwerte.
 
Isang kumakalat na practice ngayon ay ang paggawa ng prosperity bowl. Ewan kung sino nagpa-uso pero siguradong sa Chinese feng shui belief galing. It's a bowl filled with uncooked rice and/or salt and on top of this bed are raw eggs, rolled peso bills, coins, calamansi...
 

(Personal note: I don't believe in any superstitions, especially the concept of suwerte. That doesn't mean I don't practice some of these anyway, LOL!)

Wednesday, December 28, 2022

LGU Accomplishments - December 2022


GOOD GOVERNANCE

LGU-Pinamalayan, Oriental Mindoro, Muling Bumisita

Muling bumisita ang mga taga-LGU ng bayan ng Pinamalayan, Mindoro Oriental sa Bayambang upang magbenchmarking activity. Sa pagkakataong ito, ang grupo ay mula sa Human Resources Management Office ng LGU, sa pangunguna ng kanilang deparment head na si Nemia B. Monsanto. Sila ay ipinasyal noong December 12 sa iba't-ibang lugar sa Bayambang at noong December 13 ay winelcome nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, Tourism Office head, Dr. Rafael Saygo, at Budget Officer Princesita Sabangan. Matapos nito ay inilibot ang mga bisita sa Munisipyo at Annex Building.

Ifugao Officials, Bumisita

Noong December 14 at 15, sumunod namang bumisita ang iba't-ibang matataas na opisyal ng pamahalaang lokal ng probinsya ng Ifugao. Sila ay winelcome ni former Mayor Cezar Quiambao, Municipal Administrator at ilang department heads sa Niña's Cafe sa pamamagitan ng isang programa, at ipinasyal sa ating Materials Recovery Facility, Municipal Museum, at St. Vincent Ferrer Prayer Park. Kabilang sa mga opisyal sina Provincial Board Member Peter Bunnag, Provincial Engineer Ericson Mammag, PDRRM Engineer Arnold Bacnog, Councilor Fermin Haclao Jr. at Councilor John Alfred Cappleman II ng bayan ng Banaue, at mga department head.

LGU Year-End Assessment 2022
    
Noong Dember 21, ginanap ang Year-End Assessment ng LGU para sa taong 2022 sa St. Vincent Ferrer Prayer Park, kung saan nirepaso ng buong LGU ang mga naging accomplishments nito sa loob ng isang taon. Ito ay nagsilbing okasyon din para kilalanin ang bagong batch ng retirees. Nagkaroon din ng isang talent competition, ang LGU Got Talent, kung saan nasungkit ng Bayambang Polytechnic College ang grand prize.

FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION

Assessor, Sinukat ang Boundary ng Bonery

Natungo ang ilan sa mga empleyado ng Assessor's Office sa may Municipal Bonery sa Brgy. Zone VI noong December 6 upang makapaglagay ng demarcation sa hangganan ng sukat nito. Mahalagang malaman ang wastong sukat ng bonery upang magkaroon ng tamang basehan ang Special Economic Enterprise sa pamamahala nito, at upang maiwasan din ang pagkakaroon ng illegal occupants. Ang Assessor's ay nakipag-ugnayan sa Legal Office para sa legal basis ng boundary ng naturang municipal property.


HEALTH

Immunization Activities ng RHU, Walang Tigil

Holiday man noong December 8 ay happy to serve pa rin ang ating mga health workers para sa immunization ng mga sanggol sa iba't-ibang barangay. Ito ay upang masubaybayan ng husto ang mga sanggol at hindi malito o mawala sa nakatakdang schedule ng bakuna ang kanilang mga nanay. Ang mga nurse at midwife ay nagtungo sa Brgy. Sapang, Zone VII, Langiran, Nalsian Norte, at Ligue.

RHU 3, Nag-outreach Program sa Pangdel

Noong December 2, nagsagawa ng isang Outreach Program ang RHU III sa Brgy. Pangdel, sa tulong ng Kasama Kita sa Barangay Foundation, para sa may 30 undernourished at indigent na pre-schoolers sa lugar. Ang mga staff ay nag-ambag ng sariling resources sa aktibidad na ito, na kinabilangan ng isang lecture on nutrition and health at distribution of gift packs, toys, snacks, at damit. Ito ay pangalawang outreach activity ng RHU III matapos ang isang matagumpay na trial na ginanap noong nakaraang taon sa Brgy. Carungay.

Blood Drive, May 101 Donors

May 101 na donors ang nakunan ng dugo sa isa na namang Mobile Blood Donation Drive ng Lokal na Pamahalaan, katuwang ang Kasama Kita sa Barangay Foundation, Rotary Club of Bayambang, Local Council of Women of Bayambang, Samahang Ilokano, APO, at CIASI Bayambang, sa tulong ng Region I Medical Center noong December 10 sa Balon Bayambang Events Center. Ang first 100 donors ay surpresang binigyan ng noche buena package at free T-shirt ng Kasama Kita sa Barangay Foundation.


Dr. Vallo, Elected as AMCHOP President

Congratulations to our Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo, for having been elected as the President of the Association of Municipal/City Health Officers of Pangasinan (AMCHOP) for 2022-2024.

Bagong Opisyales ng BNS Federation, Nanumpa
    
Sa huling taon ng quarterly meeting ng Municipal Nutrition Council na inorganisa ng Municipal Nutrition Office noong December 16 sa Mayor's Conference Room, nag-oath-taking ceremony ang mga bagong halal na opisyal ng Barangay Nutrition Scholars (BNS) Federation of Bayambang. Hinalal bilang bagong presidente ng BNS Federation si Corazon Baratang.


SPORTS & PHYSICAL FITNESS

Mayor NJQ, VM IC, Game na Sumali sa Laro ng Lahi

Game na nakipaglaro sina Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice-Mayor Ian Camille Sabangan sa Laro ng Lahi na inorganisa ng Municipal Physical Fitness and Sports Development Council noong December 6 sa Events Center, sa pag-oorgnisa ni Sangguniang Bayan Secretary Joel Camacho. Kabilang sa mga tradisyunal na laro na nilahukan ng mga partisipante mula sa iba't-ibang koponan at kinagiliwan ng lahat ay ang pukpok palayok, sipa, limbo rock, Chinese garter, tug-of-war, bunong braso, patintero, Catching the Egg, at Maria Went to Market. Ang Laro ng Lahi ay parte ng LGU-wide Sportsfest 2022.


LGU Sportsfest Closing Ceremony, Napuno ng Surpresa!
    
Naging punung-puno ng surpresa ang pagtatapos ng LGU Sportsfest 2022 noong December 19, kung saan nagpasiklaban sa isang cheer dance competition ang lahat ng koponan ng LGU. Naging highlight ng programa ang pagperform ng University of the East Pep Squad, at ang pagjudge ng mga coach ng UE Pep Squad at UP Diliman Pep Squad. Itinanghal na winner sa cheer dance ang team ni Mayor Niña na Sinaglahi na nagpamalas ng kakaibang konsepto. Naging overall champion naman ang team mula sa Annex Building, ang Team Masigasig.

EDUCATION

BNHS Receives Risograph

Nagpapasalamant si DepEd Bayambang I Public Schools Division Superintendent, Dr. Angelita Muñoz, sa Local School Board (LSB) matapos nitong matanggap para sa Bayambang National High School ang isang Risograph machine, sa tulong ng General Services Office, noong December 8. Ang pondong ipinambili rito ay mula sa LGU-Bayambang sa pamamagitan ng Special Education Fund ng LSB.


LIVELIHOOD & EMPLOYMENT

Christmas Job Fair, May 89 Qualifiers

Tiyak na magiging masaya ang Pasko ng mga aplikanteng nakahanap ng trabaho, sa isinagawang job fair ng Bayambang Public Employment Services Office (PESO) noong December 9 sa Balon Bayambang Events Center. Ayon sa ulat ng PESO-Bayambang, mayroong 1,400 job vacancies mula sa 13 local employers at 2 overseas employers sa special Christmas job fair na ito. Sa mga aplikanteng dumating, 89 job applications ang naging qualified. May 19 applicants naman ang hired on the spot at 11 ang near-hires.


OTHER SOCIAL SERVICES

Reaction 166, Nakiisa sa National Volunteer Month Activities sa Kapitolyo

Nakiisa ang civil society organization na Reaction 166 sa kickoff activities ng probinsiya ng Pangasinan para sa National Volunteer Month Activities na ginanap sa capitol grounds noong December 1. Kabilang ang Reaction 166 sa mga pinaka-aktibong volunteer CSOs sa iba't-ibang aktibidad ng LGU-Bayambang.


Mobile Assistance para sa Delayed Registration of Birth, Nag-umpisa Na

Nag-umpisa na ang Local Civil Registry Office sa pag-iikot sa mga barangay kasama ng Philipine Statistics Authority para magbigay ng libreng assistance sa mga kababayan nating na-delay sa pagpaparehistro ng kapanganakan ng kanilang kaanak. Noong mga nakaraang linggo, nagtungo ang LCR at Philsys sa Brgy. Idong, Ligue, Tambac, Wawa, at Zone I. Ang mobile assistance na ito para sa delayed registration of birth ay walang bayad.

Switch Cafè, Nagfeeding Activity

Sa pakikipag-ugnayan sa Nutrition Office, nagsagawa ang Switch Cafè ng isang feeding activity sa Brgy. Telbang noong December 3, kung saan may 31 under-nourished at indigent na kabataan ang kanilang binusog ng libreng merienda. Sumunod naman ay nagtungo ang Switch Cafe sa Brgy. Cadre Site noong December 8, kung saan 40 na kabataan ang naging benepisyaryo. Ang LGU ay nagpapasalamat kay Bb. Lyra Pamela Duque ng Switch Cafe na siyang nagpasimuno sa aktibidad na ito.

4Q Incentive ng 75 CDWs, Ibinigay

Nagpapasalamat ang Child Development Workers (CDWs) sa pangunguna ng kanilang President na si Estherly Friaz sa palaging updated na pagbibigay ng LGU ng kanilang quarterly cash incentive na P2,000 kada CDW. Noong December 2, ibinigay ang fourth quarter incentive ng mga CDWs sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Simula nang umupo ang administrasyong Quiambao-Sabangan ay tuluy-tuloy na ang pagbibigay ng cash incentive para sa ating mga CDWs.

44 CDCs at CDWs, Accredited Na

Sa ginanap na exit conference sa Mayor's Conference Room noong December 7, inanunsyo ni MSWD Officer Kimberly Basco na accredited na ng DSWD ang 44 Child Development Centers at Child Development Workers ng Bayambang. Naroon sa exit conference sina Municipal Administrator, Vice-Mayor representative, ABC President representative, at ang supervisor ng mga daycare worker na si Marvin Bautista.

Abalos, Bagong Presidente ng Pangasinan LYDOs
    
Si Bayambang Local Youth Development Officer na si Johnson Abalos ay inihalal bilang Presidente ng Local Youth Development Officers ng buong probinsya ng Pangasinan noong Dec. 6, sa ginanap na LYDO Teambuilding Activity na inorganisa ng Provincial Social Welfare and Development Office sa El Jardine Restaurant, Lingayen, Pangasinan. Isang mainit na pagbati, G. Abalos, mula sa iyong LGU family!

Maraming-Maraming Salamat Po, Sir CTQ at MNJQ, sa Pamaskong Handog!
    
Ang buong bayan ng Bayambang ay nagpapasalamat kina Dr. Cezar Quiambao at Mayor Niña Jose-Quiambao sa kanilang Pamaskong Handog ngayong taon. Ito ay matapos mamigay ng P13.5 milyong piso na pamasko mula sa kanilang personal na pondo para sa 45,058 na pamilyang Bayambangueño. Dahil sa maagang aguinaldong ito, tiyak na may handa ngayong Pasko ang lahat ng Bayambangueño.


Babae Mula Bani, Pangasinan, Nirescue

Noong December 7, isang babae ang ibinaba ng isang Solid North bus sa PNP checkpoint sa may Junction matapos mapansing may kakaiba sa kilos nito. Napag-alamang siya ay taga-Brgy. Ranao, Bani, Pangasinan. Inihatid ang babae ng PNP sa MSWDO, ngunit hirap itong makausap ng mga social workers. Paglaon ay napag-alamang siya ay may depresyon, kaya't agad itong dinala sa Abong na Aro sa Brgy. Wawa at pansamantalang kinalinga habang hinahanap ang kaniyang pamilya. Kinabukasan ay sinundo ang binibini ng Bani MDRRMO at tatlong daycare worker ng Bani MSWDO kasama ng kaniyang pamangkin.

Children's Festival 2022, Muling Isinagawa

Sa muling pagkakataon, isang makulay, makinang at mala-festival na programa para sa mga Child Development Learners ang ginanap noong December 9 sa Pavilion 1 ng Saint Vincent Prayer Park.
Sa pakikipag-ugnayan sa MSWDO, inorganisa ng Bayambang Child Development Workers Federation (BCDWF) ang Children's Festival 2022 para sa mga chikiting na naka-enrol sa mga Daycare Center ng Bayambang. Nag-umpisa ang event sa isang engrandeng float parade ng mga itinanghal na winners sa personality contest. Naging highlight ng programa ang isang Christmas Dance Competition, kung saan nag-uwi ng P10,000 grand prize ang nahirang na winner.

Search for Huwarang Pantawid Pamilya at Exemplary 4Ps Children, Isinagawa ng MSWDO
    
Ang MSWDO ay nagsagawa ng validation activity para sa walong pamilyang Bayambangueño na 4Ps beneficiary at maituturing na isang huwarang pamilya gamit ang panuntunan ng ahensya. Ang mga napiling candidate sa Huwarang Pantawid Pamilya ay mula sa walong barangay. May siyam na kabataan naman ang pinagpilian ng MSWDO upang maging isa sa mga Exemplary 4Ps Children.
   
CSOs, Muling Nag-feeding at Dental Mission

Isang school-based feeding activity na may kasamang libreng dental flouride application, tooth extraction, at haircut ang isinagawa ng mga CSO sa Ataynan Elementary School noong December 9, sa pangunguna ni Xtreme Rider's Club President Jonathan de Vera na siya ring Vice-President ng Bayambang Municipal Association of NGOs. Kasali sa aktibidad ang Bayambang Bayanihan Lions Club, PNP-Lingayen Health and Dental Unit, PNP-Bayambang, Dalton Army (Calasiao), at Team Humanity, kasama sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at Municipal Councilor Philip Dumalanta. May 200 na estudyante ang naging benepisyaryo ng naturang aktibidad.

Bayambang, May Pinakamaraming 4Ps Grads sa Rehiyon Uno

Ang ikalawang batch ng graduates ng DSWD-Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa bayan ng Bayambang ay nagsipagtapos sa seremonyang ginanap sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park noong December 14. May 1,149 na dating benepisyaryo ang grumaduate, ang pinakamataas na bilang sa Rehiyon Uno. Personal na kinongratulate ang mga graduates ni Mayor Niña Jose-Quiambao kasama ang iba pang opisyal ng LGU at ang National Program Management Director na si Gemma Gabuya at iba pang opisyal ng DSWD. Naging bahagi ng programa ang kauna-unahang pagbibigay ng MSWDO ng pagkilala na Huwarang Pantawid Pamilya 2022, ang pamilya Camacho ng Brgy. Paragos, at ang Exemplary Pantawid Pamilya Child, na si Karylle Angeline Diaz ng Brgy. Langiran. Ang graduation na ito ng mga 4Ps members ay isang patunay na ang programa ng DSWD ay nagiging daan upang maiangat ang lebel ng pamumuhay ng mga mahihirap.  
    
 Pamaskong Handog para sa mga Kabataan, 20 Years Na!

Ang tradisyunal na Pamaskong Handog para sa mga Kabataan ay nasa ika-dalawampung taon na. Ang grand children's party na ito ay muling isinagawa noong December 13, 14, at 15 sa Balon Bayambang Events Center. Sa loob ng tatlong araw, muling napuno ng tuwa at saya ang venue dahil dinayo ito ng mga bata at kanilang mga magulang mula sa 77 barangays ng Bayambang. Sila ay enjoy na enjoy sa mga magic tricks, games, mascots, regalong laruan, at food treats na hatid ng Kasama Kita sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation, sa pakikipag-ugnayan sa MSWDO.

 Espejo, Elected as 2023 KALIPI-Pangasinan President

Congratulations to the head of Mayor's Action Center, Ms. Jocelyn Espejo, for having been elected as the President of the Kalipunan ng Lahing Pilipina (KALIPI)-Pangasinan for 2023.

3 Grupo, Naghandog ng Pamasko sa STAC Enrollees

Noong December 17, naghandog ng pamasko para sa mga enrollees ng Stimulation and Therapeutic Activity Center (STAC)-Bayambang ang Radiant Balon Bayambang Eagles Club, Switch Cafe, at Victory Church, sa isang outreach program sa Balon Bayambang Events Center. Sila ay may 40 na benepisyaryo. Sa isang hiwalay na aktibidad sa Aguinaldo Room, nagbigay din ng tulong ang Radiant Balon Bayambang Eagles Club, sa pangunguna ni former Municipal Administrator, Atty. Raymund Bautista Jr., sa tatlong indigent na kababayan na may medical condition.

Barangay Volunteer Workers, Tumanggap ng Amelioration Benefits

May 800 volunteer workers ng 77 barangays ng Bayambang ang nakatanggap ng amelioration benefits noong December 17 mula sa pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Governor Ramon 'Mon-Mon' Guico III, Vice-Governor Mark Lambino, Board Members ng 3rd District na sina Engr. Vici Ventanilla at Dr. Sheila Baniqued. Ginanap ang distribusyon sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Kabilang sa mga tumanggap ng amelioration fund na nagkakahalaga ng P2,000 bawat isa ang 570 BHWs, 77 BSPOs, 77 BNSs, at 76 CDWs ng Bayambang.

Capacitating CSOs in Local Development

Ang Municipal Planning and Development Office, sa pakikipagtulungan sa DILG, ay nagsagawa ng isang Capacity Development Program for Civil Society Organizations (CSOs) in Local Special Bodies noong December 16 sa Niña's Cafe. Naging usapin ang ukol sa pagpasa ng mga documentary requirements para sa accreditation ng CSOs, ang role ng CSOs bilang katuwang ng LGU sa pagpapaunlad sa likod ng limitadong kakayahan ng gobyerno, at ang papel ng CSOs sa pagsiguro ng transparency sa project implementations ng gobyernong lokal.

BNHS Batch '90, Muling Nagbigay ng Pamaskong Handog

Noong December 20, ang Bayambang National High School Batch '90 ay muli na namang nag-ala-Santa Claus para sa ating mga undernourished at indigent na kabataan sa pamamagitan ng isang feeding at gift-giving activity. Kasama ang Municipal Nutrition Office, sila ay nagtungo sa Inanlorenza, Maigpa, at Banaban at doon ay naghatid ng tuwa at saya sa 54 na kabataang nangangailangan.

5 Bayambang CDWs, LET Passers!
    
The following Child Development Workers of Bayambang successfully passed the 2022 Licensure Examination for Teachers (LET): Myra Cabrera of Tamaro CDC, Rodalyn Revilla of San Gabriel 2nd, Alta Venus Junio of Ataynan, Edna Honrado of Nalsian Norte, and Henedina Prado of Amancosiling Sur. Congratulations!

Seminar-Workshop on CLJIP, Ginanap

Noong December 27 to 28, nag-organisa ang MSWDO ng isang Training-Workshop upang repasuhin ang Comprehensive Local Juvenile Intervention Plan (CLJIP) ng LGU-Bayambang at base rito ay bumalangkas ng isang Local Intervention Program para sa susunod na tatlong taon. Sa aktibidad na ito na ginanap sa Balon Bayambang Events Center, naging resource speaker ang Team Leader ng Secretariat ng Region I Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC) na si Jocelyn P. Mariano, RSW III. Ginabayan ni Ms. Mariano ang mga LCPC members kung paano gawin ang Local Juvenile Intervention Program gamit ang isang guide ng JJWC.


TOURISM

BMCCA, Nireconvene at Nireconstitute

Noong December 7, muling tinipon ang mga opisyal at miyembro ng Bayambang Municipal Council for Culture and the Arts para ito ay mareconstitute o reorganize upang ipagpatuloy ang pagpapayabong ng sining at kultura ng Bayambang. Sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, current BMCCA Executive Director, Prof. Januario Cuchapin, at Tourism Office head, Dr. Rafael Saygo, nagkaroon ng inisyal na pagtalakay sa gaganaping annual town fiesta, na matatandaang ipinagpaliban ng tatlong taon dahil sa pandemya.

PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY


LGU, Nakipag-MOA sa Odyssey Rehab Center

Ang LGU-Bayambang ay lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa Odyssey Hub Drug Rehabilitation Center para sa programa ng LGU na gawing drug-free ang bayan ng Bayambang. Pumirma para sa LGU si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Vidad, bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Pumirma naman sa panig ng Odyssey ang Director of Operations nito na si Dunn Donald Atayde Asencio. Sa ilalim ng naturang MOA, magiging exclusive service provider ng LGU ang Odyssey para sa mga nais sumailaim sa drug rehabilitation program nito.
    

4Q 2022 Meeting ng Municipal Peace and Order Council

Sa 4th quarter meeting ng Peace and Order and Public Safety Cluster (MPOC) na inorganisa ng Municipal Local Government Operations Officer noong December 9 sa the Mayor's Conference Room, nagpresenta ng kani-kanilang 3rd quarter accomplishment report at mga nakahanay na plano sa 2023 ang Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC), at People's Law Enforcement Board (PLEB). Nagbigay naman ng update ang Covid-19 Task Force at ang Road Clearing Task Force.

DOT-RO1, Bumisita para sa Kanilang Year-End Assessment Activity

Bumisita ngayong araw, December 21, ang Department of Tourism Regional Office 1 bilang parte ng kanilang Year-End Assessment and Product Familiarization Activity. Sila ay ipinasyal ng Tourism Office sa St. Vincent Ferrer Prayer Park sa Brgy. Bani at sa CSFIrst Green Agro-Industrial Development Inc. sa Brgy. Amanperez sa pakikipagtulungan ng SVFPP management at CS1st Green.


AGRICULTURAL MODERNIZATION

Rice Farmers Financial Assistance Ceremonial Pay-Out

May 5,034 magsasakang Bayambangueño ang nabigyan ng financial assistance mula sa Department of Agriculture sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund ng ahensya sa tulong ng Municipal Agriculture Office mula December 5 hanggang December 8, at ang pay-out ay ginanap sa Brgy. Alinggan Covered Court. Ayon sa Agriculture Office, ang bawat magsasakang nakatanggap ng P5,000 ay pinili ng DA-RO I base sa updated Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA at may sinasaka na di lalagpas sa dalawang ektarya.

Local Farmers, Tumanggap ng Panibagong Makinarya mula sa OPAG

Tinanggap noong December 7 ng mga magsasakang Bayambangueño ang panibagong tulong mula sa Office of the Provincial Agriculturist. Nakatanggap ng hand tractor ang mga barangay farmers' association mula sa Tanolong, Balaybuaya, Manambong Norte, San Gabriel 1st, Carungay, Bani, Malimpec, at Amoncosiling Sur, at corn seeds naman ang mga taga-Maigpa, Ambayat 1st, at Managos. Ang mga magsasaka ay inasistehan ng Municipal Agriculture Office at BPRAT, partikular na sa aplikasyon at pag-claim ng mga ito.

Rice Farmers, Nag-avail ng Fertilizer Discount
    
Noong December 9, ang mga rice farmers mula sa District 4 ay nag-avail ng Fertilizer Discount Voucher mula sa Department of Agriculture para sa Wet Season 2022 sa Muñoz-Macam Agri Supply. Ayon sa Agriculture Office, ang mga farmer ay rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture ng DA at nauna nang nakatanggap ng libreng palay.

Mga Alagang Baboy sa Langiran, Nag-negatibo sa ASF
    
Noong December 7, nagsagawa ang Municipal Veterinarian ng isang African swine fever (ASF) rapid test sa mga alagang baboy sa Brgy. Langiran dahil may mga nagkasakit at nangamatay sa mga ito, kaya't kaagad na nagpatawag ng emergency meeting si Mayor Niña Jose-Quiambao. Ngunit ayon sa confirmatory test ng Office of the Provincial Veterinarian kasama ang Municipal Veterinarian at livestock support ng Municipal Agriculture Office (MAO), nagnegatibo sa confirmatory test ang lahat ng baboy na sumailalim dito. Pinapaalalahanan ng MAO ang mga nag-aalaga ng baboy sa Bayambang na paigtingin ang kanilang bio-security measures upang hindi makapasok ang ASF virus sa ating bayan.


 DAR Regional Director, Nakipagpulong ukol sa Isang Greenhouse Grant

Noong December 9, nakipagpulong ang Department of Agrarian Reform - Region I sa Sangguniang Bayan members at iba pang mga opisyal upang pag-usapan ang awarding ng isang low tunnel greenhouse para sa isang white onion farm. Sinalubong ng mga opisyal si DAR Regional Director at Provincial Agrarian Reform Officer Maria Ana Francisco sa Mayor's Conference Room. Ang naturang greenhouse ay nagkakahalaga ng P1.2M, at nakatakdang iaward sa Northern Bayambang Multipurpose Cooperative ng Brgy. Buenlag 1st. Kabilang ang Bayambang sa tatlong bayan lamang sa Pangasinan ang pinaunlakan ng DAR sa proyektong ito, sa pamamagitan ni DAR Secretary Conrado Estrella III at Congresswoman Rachel Arenas.

2nd Batch ng Rice Farmers, Tumanggap ng Cash Cards
    
May 4,016 magsasakang Bayambangueño ang nakatanggap ng cash cards para sa second batch ng financial assistance mula sa Department of Agriculture sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund ng ahensya sa tulong ng Municipal Agriculture Office at Landbank noong December 17 sa Pugo Evacuation Center. Ayon sa Agriculture Office, ang bawat magsasakang nakatakdang makatanggap ng P5,000 ay yaong nakarehistro as of May 31, 2021 sa updated Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA at may sinasaka na di lalagpas sa dalawang ektarya.



INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
 

UPDATE | Construction of Bayambang Central Terminal

 

ENVIRONMENTAL PROTECTION

Mga Kuwago, Nirescue

Sa magkahiwalay na insidente, nirescue ng LGU, sa pamamagitan ng Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO), ang dalawang uri ng kuwago na natagpuan na lamang ng ilang concerned citizens sa kanilang lugar at kaagad na isinurender sa mga opisyal ng barangay at bayan. Ang unang ibon ay isang Philippine scops owl, at ang pangalawa naman ay mga juvenile Eastern grass owl. Dinala ang mga ito sa CENRO Dagupan upan mabigyan ng maayos sa pangangalaga at maiturnover sa Mangatarem Wildlife Rescue Center ng DENR.


DISASTER RESILIENCY

CBDRRM Training, Isinagawa

Ang MDRRMO ay patuloy sa pagbibigay ng training sa mga barangay bilang unang responders, upang masiguro na sila ay may sapat na kapasidad na tumugon sa oras ng sakuna at malagpasan ito. Mula December 6 hanggang 8, nag-organisa ang MDRRMO, sa tulong ng Office of Civil Defense Region I, ng isang Community-Based Disaster Risk Reduction Management Training para sa mga barangay officials ng District I, at ito ay ginanap sa Pugo Evacuation Center. Dito ay sinanay ang mga opisyal kung paano tulungan ang mga ka-barangay sa pag-oorganisa at pagpaplano upang maging disaster-resilient ang kanilang barangay.

MDRRMO, Nag-Benchmarking sa PDRRMO-La Union
    
Noong Disyembre 16, bumisita ang opisina ng MDRRM sa PDRRMO La Union at La Union 911 upang tignan ang mga rescue equipment at DRRM best practices ng probinsya. Ipinakita sa kanila ang iba’t-ibang rescue equipment at medical supplies and equipment, pati na iba't-ibang parte ng kanilang pasilidad. Nakipagkita rin sila ay La Union Governor Raphaelle Veronica Ortega-David na nagbahagi ng kanilang plano upang masiguro na ligtas ang bawat mamamayan ng La Union.


AWARDS & RECOGNITION

RHU I, 2nd Runner-up sa Family Planning Contest

Nagwagi ang RHU I bilang 2nd runner-up sa ginanap na Family Planning Contest kung saan iprinisenta ang best practice ng LGU sa family planning sa pamamagitan ng essay writing at photos o artwork. Ang paligsahan ay inorganisa ng Department of Health - Center for Health Development - Region I, kung saan nagpaligsahan ang iba't-ibang LGU, ospital, at private facilities. Dumalo ang contestant na si RHU I nurse Mark Darius Gragasin kasama si Dr. Dave Francis Junio sa awarding ceremony na ginanap sa Awesome Hotel, San Juan, La Union noong December 2.

Bayambang, Ginawaran ng Green Banner Seal ng NNC

Humakot ang Bayambang ng mga parangal sa awarding ceremony ng National Nutrition Council-Region I noong December 7, sa Sison Auditorium, Lingayen, Pangasinan. Ang mga ito ay ang Green Banner Seal of Compliance, first runner-up - Outstanding Local Nutrition Action Officer in Region I, finalist - Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar in Region I, at isang special award na Consistent First 1000 Days Adopter. Pinangunahan ni Municipal Nutritionist Venus Bueno at RHU I ang team na tumanggap ng mga nasabing award. Ang Green Banner Seal ay ang unang hakbang upang makuha ang pinakamataas na award ng NNC na National Nutrition Honor Award (NHA).


KKSBFI Wins 1st Place in 2022 National Literacy Awards

LGU-Bayambang congratulates Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc. headed by former Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, and Mayor Niña Jose-Quiambao, and Chief Operations Officer Romyl Junio for being the champion in the Sustainable Literacy and Livelihood Program category of the Department of Education's 2022 National Literacy Awards!


RHU I Receives New Accolades
    
RHU I received new accolades during the DOH Region I's Gawad Kalusugan held in Ariana Resorts in Bauang, La Union on December 12. These awards are DOH Bayani ng Kalusugan Award, Exemplary Awardee 2022 for Newborn Screening Program Implementation, and Best Implementer of the Pharmaceutical Management Systems Programs. On behalf of Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo, the awards were received by Dr. Dave Francis Junio and Jonathan Florentino.

RHU I's Birthing Home Facility Gets New License
    
Congratulations to RHU I for receiving a new License to Operate its birthing home facility from the Department of Health - Center for Health Development - Region I!


Business Plan ng Bayambang River Cruise Project, Pasok sa Top 3 ng DTI Contest

Sa panghihikayat ng Local Youth Development Officer, napili bilang isa sa mga Top 3 Business Plans ang proyektong Bayambang River Cruise Project ng Bayambang Millennial Innovators sa ginanap na contest ng Department of Trade and Industry sa Lingayen, na tinaguriang na "Youth Entrepreneurship Program - Be  Your Own Boss." Ang grupo ay nakatanggap ng P10,000 worth of equipment mula sa DTI, at ito ay tinanggap ng Project Leader na si John Alfred Lajera.


Saygo, Honored in PSU-Bayambang's Grand Centennial Celebration

LGU-Bayambang's very own Dr. Rafael L. Saygo was hailed as one of the young Natatanging Alumni awardees of PSU-Bayambang in the university's grand centennial celebration held on campus grounds last December 17. Dr. Saygo (batch 2010, BSEd) was cited for the exemplary service he has been rendering to the local government of Bayambang as the head of the Municipal Tourism, Information, Culture and Arts Office, the Bayambang Poverty Reduction Action Team, and the Bayambang Polytechnic College.

Bayambang, Rated "Beyond Compliant" for Gawad Kalasag!
 

Bayambang was rated by the National Disaster Risk Reduction and Management Council as "Beyond Compliant" in the 22nd Gawad KALASAG Seal for Excellence in DRRM and Humanitarian Assistance for Local DRRM Councils and Offices. According to a report of NDRRMC on November 8, there are 135 "Beyond Compliant" and 436 "Fully Compliant" LGU awardees. Bayambang is one of the only 5 out of 48 municipalities and cities of Pangasinan that made it to this most prestigious recognition.

Wednesday, December 21, 2022

LIST: Names of Birds in Pangasinan

LIST: Names of birds in Pangasinan

anuyaw, anoyao - a rice bird
arukutok - zebra dove
babantos - a bird whose crow is like the howling of a dog
baga - kite, a bird of prey
bagsit - a small bird with a huge beak
bakongin - a rooster that has somewhat yellow color
balangebeng - a water fowl like duck
balonkawitan - a rooster with big spurs
bambantok - a bird that sings according to its name
batarin - chicken with dark red plumes
bil-lit, bilitsina - a term for a little bird?
botbot - an owl; syn. kolayot
botot - an ashen colored bird bigger than a raven whose head had specks of red; looks like an owl
buwabu - wood pigeon or ring dove
caballeron berde - possibly guaiabero
colasisi, kulasisi - Philippine hanging parakeet/parrot
dulakak - brown heron
duyaw - a bird like the golden oriole with yellow color and gray spots; black-naped oriole
gikgik - a black and white bird with spots on its breast
ising - a green bird somewhat bigger than a kolasisi (guaiabero?)
itik - domesticated duck
kakalasan - rooster or hen of the mountain
kalangay - a type of parrot that is all white
kalaw - a medium-sized bird with a big beak
kalipatong - a small swallow-like bird but black and white
kanaway - any bird whose plumes are all white
kanaway - white heron
kangkang - a bird of prey
kangkang - general term for bird?
kasili - cormorant
kerek - moorhen?
kitkitiw - a small bird with red feet
kolasisi, kulasisi - small parrot; maybe colasisi, Philippine hanging parrot
kolayot - a bird that looks like an owl; also called botbot
kulekek - crow
kolikik, kulikik - wild duck in general; the domesticated one is called itik
kolipat - a bird of prey that can sustain its flight without wagging its wings (brahminy kite?)
kulayot - owl
lalawigan - pied fantail
loro - possibly Luzon racket-tailed parrot
malapati - domesticated dove
mamabuy - a bird the size of a turkey that is black and white
manalokatok - a bird that uses its beak to bore hole in coconut trees (woodpecker?)
mananairing - a green bird
manaol - a bird of prey which catches suckling pig and fish out of the water and carries them
manilompana - swallow
manok - generic term for bird
maya - Eurasian tree sparrow, chestnut munia, scaly breasted munia
palekpek - maybe red turtle dove or zebra dove
paloman batekan - spotted dove
pasiksil - a type of small bird
pato - duck
piloka, piluka - a bird that is not big; yellow-vented bulbul?
piyoos - a bird resembling the thrush
ponay - a green bird similar to turtledove in size (emerald dove?)
pugo - quail
saksakulap - owl species; frogmouth?
salaksak - a green bird with a red breast
salasak - kingfisher
sibong - term for younglings
sikling - a mottled bird (barred rail?)
sisimpolot - a small bird that sings strong and loud
suwit, siwit, siwet - Eurasian tree sparrow
tagispolo - a bird of prey
taraz, taras - brown shrike
tigkalak - blue and white colored bird (blue collared kingfisher?)
titikot - munia?
togilek - chestnut-colored bird
wawak - crow
yeyekep - a tiny bird

Sources:

local residents

Pangasinan folk songs: "Paloman Datekan," "Oala'y Manok kon Taraz"

Pangasinan Pinablin Dalin (2015) by the Pangasinan Historical and Cultural Commission: Geologic and Human Origins, Past and Present Geographies by Erwin S. Fernandez; Ancient Pangasinan at Point of Contact by Fe dela Luna A. Andico, Sheila Marie M. Dasig, Ma. Cristina B. Daligcon

Cosgaya's Pangasinan-Spanish Dictionary

Jayson Ibañez: paloman batekan - spotted dove; palekpek - zebra dove; loro - possibly Luzon racket-tailed parrot; caballeron berde - possibly guayabero; duyaw - black-naped oriole; colasisi - Philippine hanging parakeet/parrot

Melchor Orpilla

Santiago Villafania

Sunday, December 11, 2022

LGU Honors Outgoing PSU President, Dr. Dexter R. Buted

LGU Honors Outgoing PSU President, Dr. Dexter R. Buted

 

The Local Government Unit of Bayambang, led by Mayor Niña Jose-Quiambao, Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, and Sangguniang Bayan members, held an honoring ceremony for outgoing Pangasinan State University President, Dr. Dexter R. Buted, in grateful acknowledgement of his accomplishments at PSU and his role in several LGU projects.

 

Dr. Buted received the plaque of recognition today, December 12, at the Balon Bayambang Events Center, right after the traditional Monday morning flag-raising ceremony.

 

In his acceptance speech, Dr. Buted shared that he came from a poor farmer’s family, but said, “Hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng tagumpay.”

 

Further into his speech, he commended PSU-Bayambang students for their remarkable achievements, particularly as passers in Civil Service Commission examinations.

 

The youthful-looking educator also left some food for thought to LGU officials and employees, advising them to perform their duty with kindness at all times, even when it is difficult to do so.

 

PSU-Bayambang’s top officials led by Campus Executive Director, Dr. Lisa L. Quimson, attended in full force, in a ceremony highlighted by remarkable performances by PSU-Bayambang students.

 

Dr. Buted will be replaced by new PSU President, Dr. Elbert Galas.

 

***

 

FEATURE: Dr. Dexter R. Buted

 

Before he became the President of the Pangasinan State University (PSU), Dr. Dexter Respicio Buted wore quite different hats.

 

He originally hailed from Laoag City, Ilocos Norte, studied for college in Manila, then pursued further studies in Batangas, until he ended up working there in the field of higher education while busy building a family.

 

As an academician, he was once a full-time faculty member teaching tourism studies and has published several research papers on tourism and other fields of study.

 

He soon worked in various administrative capacities at the Lyceum of the Philippines University-Batangas, until he rose to become a college dean and reached the position of University Vice-President.

 

Outside the academe, he had experience as Batangas City's No. 1 City Councilor and Batangas Province's No. 1 Provincial Board Member.

 

In 2014, Dr. Buted became the PSU President at age 42, the country’s youngest university president on record.

 

According to a news report, "under his watch, the Pangasinan State University achieved a Level 4 accreditation status. This is the highest certification a State University and College can get under the Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines. The PSU is also the first Philippine university to bag the Investors in People Gold Award, a UK government standard for people management, and the first higher education institution to receive the the Philippine Quality Award Level III or the Mastery in Quality Management from the Department of Trade and Industry."

 

Among the recognitions he received is that of being an Outstanding Administrator, given by the Board of Regents of PSU in 2016. Also in 2016, he received the 7th Asia's Education Excellence Award, an international award for outstanding contribution to education.

 

Of course, as PSU resident, Dr. Buted frequented the PSU-Bayambang Campus, and he was instrumental in the approval of various projects of the LGU in cooperation with PSU. Among these is the PSU-LGU ICT Konek Project which provided smart classrooms to college students for free access to ICT-enabled learning technology. Another is the Bayambang Central Terminal project, whose construction is ongoing inside the PSU campus and which aims to provide a proper bus terminal for our town and to decongest our overcrowded Poblacion area.